webnovel

Chapter 6: Her Offer 

"If someone offers you a big opportunity. But you are not sure you can do it, say yes! Then learn how to do it later!"

***

Clyde's POV

Nakatulala lamang ako habang pinapanuod ang masakit na pagluha ng aking kababatang tinuring ko ng sarili kong kapatid nang bigla siyang napahawak sa dibdib at nahirapang huminga. Nanghihinang nawalan siya ng malay at agad ko siyang sinalo at niyakap.

"Eiffel!" tawag ko sa kanya at sumalampak sa malamig at basang kalsada.

Namumugto ang mga mata niya at nahihirapan siyang huminga. Hinawakan ko ang noo niya at tila napaso ako sa sobrang init!

My mother called me earlier asking me if I know where Eiffel is 'cause she was apparently missing. Hindi ko alam kung bakit pero nang malaman kong hindi nila mahanap si Eiffel ay agad akong nakaramdam ng pagaalala para sa kanya. Walang pagdadalawang isip na umalis ako ng bahay, sa kakamadali ko ay ni hindi nga ako nakakuha ng payong. Ilang oras din akong lumibot sa ibat ibang lugar sa pagbabakasakaling mahanap ko siya.

Then I suddenly remembered this playground park near our old residential village where we used to play together. The moment I saw her drenched under the rain with her shivering fragile body I felt an unexplainable pang of pain.

Agad akong tumayo at binitbit siya saka mabilisang naghanap ng taxi. Saka ko na iisipin yung mga sinabi niya kanina, ang mahalaga ay magamot siya agad!

Madali akong pumasok sa mansion namin bitbit si Eiffel na wala pading malay.

"MAMA!" tawag ko sa nanay ko. Wala akong pake kung mabulabog man ang lahat sa lakas ng boses ko.

"Clyde Dale Fuentabella! Anong kaguluhan to at kung makasigaw ka akala mo may sunog?!" naiinis na sigaw rin ng Mama ko habang naglalakad pababa sa hagdan.

"Ma!" naiinis na tawag ko ulit.

"Ano bang- Eiffel!!!" di makapaniwalang tawag niya sa hawak hawak kong bata at madalian siyang lumapit sa amin.

"ANONG GINAWA MO CLYDE!" naninising tanong niya sa akin.

"Ako agad?! Mamaya nayan Ma! Kailangan niyang magamot agad!" natatarantang sabi ko.

Sinalat ni Mama ang noo ni Eiffel "Ang taas ng lagnat niya! Dalhin mo siya sa guest room!" utos ni Mama at agad ko namang sinunod to.

"Yaya! Tawagan niyo agad ang doktor!"

Buong gabi ay ang taas ng lagnat ni Eiffel pero sabi ng Doctor ay bubuti rin ang kalagayan niya pagnakainom na siya ng gamot, buti nalang daw at naagapan siya agad.

Nakaupo ako malapit sa kama ni Eiffel. Kagabi ko pa siya binabantayan at sinigurado kong hindi siya magisa.

Talagang nagulat ako nang makita ko siyang umiiyak kahapon. Nakakaawa siyang panoorin habang nakaluhod sa harap ko at nagmamakaawa. Kahit kailan ay hindi ko inexpeect na makikita siyang napakahina. Para siyang isang babasaging manika na ano mang sandali ay maaaring masira.

Dahil napakamatured niyang magisip, ngayon ko lang siyang nakitang umiyak at nagmakaawa ng ganon.

Hinaplos ko ang pisngi niya.

Tatlong taon ko din siyang hindi nakita ng ganito kalapit. Labing isang taong gulang na siya ngayon at litaw na litaw na ang kagandahan niya.

Tumulo ulit ang mga luha niya na siyang ikinagulat ko ulit. Agad kong pinunasan ito at hinimas ang buhok niya na parang pinapatahan.

Pumasok ulit sa kwarto si Mama at umupo sa gilid ng kama at hinawakan ang kamay ni Eiffel.

"Asan na sila Tito Raven?" tanong ko sa kanya

"I've already called Raven and Pauline yesterday informing them that you've found Eiffel and that she's here. Sinabihan kong hayaan muna nila si Eiffel dito dahil may sakit pa siya"

"I see"

"Poor Eiffel... Napakabata pa niya para maranasan to" punong puno ng simpatya ang boses ni Mama habang pinagmamasdan si Eiffel.

"Yesterday, I bumped into her and saw her crying, it's about Tito Raven right?"

Ngumiti ng malungkot si Mama at hinawakan ang kamay ni Eiffel.

"Binisita namin ng Papa mo sila Raven at Pauline, his condition is getting worse and worser. Eiffel overheard us and ran away, we were so worried about her that your Dad already called the Police, she's been missing for hours. I went back to get change para matulungan sa paghahanap sa kanya dahil nagkaroon ng emergency sa kompanya at kinailangan ang Papa mo"

"No wonder she's having a fever, she's been under the rain for hours!" bulalas ko.

"It's a good thing na nakita mo siya"

"Nang makita niya ako ay lumuhod siya at nagmakaawang pakasalan ko raw siya" kwento ko at napatitig sa nahihimlay na bata.

Napatanga lang si Mama sa sinabi ko "What?" tanong niya na tila nabingi.

"I was also shock receiving a sudden proposal you know. Ano ba ang nangyari at nagkakaganito siya? She looked so broken"

Napasinghap si Mama at puno ng simpatyang napatingin kay Eiffel.

"Raven is dying. And before he does, he wishes to walk Eiffel into the aisle" I was frozen in my mother's revelation.

God, such a dreadful news specially in Christmas. It must have been painful for her but for Tito Raven to say that...

"That's absurd! Eiffel is nothing but a child!" di makapaniwalang bulalas ko. Heck! I'm already seventeen pero kahit kelan ay hindi sumagi sa isipan ko ang mga ganitong bagay!

"Yes. But you can't blame Raven, Eiffel is their only child. Hindi daw siya matatahimik hangat hindi niya makikilala ang makakasama ni Eiffel habang buhay"

Natahimik ako sa explanasyon ni Mama. I just felt so bad for this little girl.

"This is so unfair for her"

Napakabata pa niya para mawalan ng ama at mas napakabata pa niya para magpakasal! Ang dami niyang problemang iniisip... Kaya pala ganoon siya kahapon.

Dahan dahang bumukas ang mga mata ni Eiffel at inilibot ang kaniyang paningin.

Bigla siyang napaupo nang mapansin niyang na nasa ibang kuwarto siya.

"Eiffel" tawag ni Mama at tinignan siya nito.

"Tita Sophie..." parang wala parin sa sariling tawag nito kay Mama.

"Haist! Alam mo bang pinagalala mo si Mama bata ka!" sermon ko sa kanya at lumingon siya sa direksyon ko.

Biglang nanlaki ang mga mata niya at mabilisang bumaba mula sa kama, kaso nabigla ang katawan niya dahilan ng pagtumba niya.

"Eiffel!" gulat natawag ni Mama at agad siyang dinaluhan.

"Pwede ba wag kang munang makulit!" naiinis na sabi ko habang kamot kamot ang ulo ko.

"K-Kuya!" naiiyak na tawag niya sa akin habang nakatingala .

"Wag kang iiyak!" banta ko. Kinagat niya ang labi niya para pigilan ang mga nagbabatantang mga luha. Oo, matagal ko na siyang hindi nakita at nilalayuan pero hindi ko talaga kayang makita siyang umiyak.

Inalalayan siya ni Mama para makaupo ulit sa kama.

"M-Marry me Kuya" saad niya ulit pero hindi na ako nabigla. Alam ko nang uulitin niya ito. I know her well, pag nakapagdesisyon na siya ay papanindigan niya ito.

Napatayo sa pagkakaupo si Mama "Eiffel!"

"You're the only one please!" She stated, her face full of desperation.

Napabuntnog hininga ako, eto nanaman po kami.

"Kung kailangan ay luluhod ako buong araw para lang mapapayag ka ay gagawin ko! Sabihin mo kung ano ang gusto mo! I'll give you everything!"

Iniwas ko ang tingin ko mula sa kanya. Hindi ko kayang tingnan siya habang nagmamakaawa siya ng ganito.

"Eiffel, nauunawaan namin ang kalagayan ng pamilya niyo, but you have to understand that marriage is not a like a play. Marriage is a sacred sacrament done by two people who deeply loves each other"

"I know what marriage is Tita Sophie. I may look like a child but I'm not ignorant with those kinds of things." Pursigidong sagot niya.

Napabunting hininga ako. Tumayo ako at naglakad papunta sa pinto.

"Know what? Tatawagan ko muna sila Tito Raven, I'll update them that you've already woken up-" pero naputol ang sinasabi ko nang bigla siyang nagsalita ulit.

"Nine years from now! I will have the sole right in the Dela Fuente-Sinclaire Empire! As the only heiress of my family, chains of Hotels and Restaurants scattered all over Philippines and Australia will be in my hands."

Nagtatakang lumingon ako sa kanya. Anong punto ng mga pingsasabi niya?

She looked at me eye to eye and held her chin up.

"Marry me and I'll give you all of those."

Nanlaki ang mga mata ko sa mga binitawan niyang salita samantala ay napasinghap naman si Mama.

"Do you know what you're talking about?" pinapawisang tanong ko.

"Yes. I'm referring to the fortune of my family" walang patumpik-tumpik niyang sagot.

"E-Eiffel, you're-"

"I am offering you a deal, marry me and you will have billions of moneys in your hands nine years from now" pagbibigay linaw niya.

"All that I can promise right now is the wealth under my mother's name but as soon as I become the Countess of Campbell, I can give you all my family's properties" Diretsong saad niya looking at me with those piercing blue eyes.

"You're impossible" Hindi makapaniwalang sagot ko nalang. An eleven-year-old kid making a business transaction like an adult. What did the world had come to?

"I'm not impossible, just desperate"

"I think you forgot Eiffel. Fuentabella's fortune is also par with the Dela Fuentes and I don't give a shit about your wealth" I coldly stated.

"I didn't forget it. But please understand it Kuya. I think you're the only one who I believe is worthy to have an access to our fortune. If not, then I have no choice but to look for another man who is willing to marry me" malungkot na sabi niya.

Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa akin nang marinig ko ang sinabi niya.

It only took me three steps to be in front of her. Hinawakan ko ang magkabilang braso niya at galit na tinitigan siya.

"Isa kang Sinclaire. Don't stoop so low to the level that you will use people. Akala ko ba matured kang magisip. Pero bakit ito ang naririnig ko mula sayo? Naisip mo ba ang possible consequences ng mga plano mo? Ilang libong tao ang maapektuhan ang trabaho nila! Handa mo bang ibigay sa ibang tao ang kompanyang buong buhay na pinaghirapan ng Papa at Mama mo?!"nagpupuyos sa galit na sigaw ko.

Bigla tumulo ang mga luha niya ulit. I was taken back at doon ko narealize ang masasakit na sinabi ko.

I never wanted to make her cry. Just hearing the idea of her having another guy as her groom made my blood boil. I wanted to apologize, I wanted to hug her and console her from crying but I can't. I took a deep breath.

Binitawan ko siya at naglakad palabas ng kuwarto.

"Clyde" tawag sa akin ni Mama pero hindi ko siya pinansin at tuloy tuloy na lumabas mula sa kuwarto.

Pagkalabas ko ay sumandal ako as pintuan at napaupo sa malamig na sahig. I can hear her sobs and my mom comforting her.

"I-Im s-sorry Tita..." puno ng hinanakit na sabi niya.

"Shhh, its ok Eiffel. I can understand you. I'm so sorry I can't do anything to help you"

"I'm nothing but a selfish brat and Kuya Clyde hates me now..."

"That's not true Eiffel! Clyde will never hate you" Pagpapalubag loob niya.

Nagpatuloy lang sa pagiyak niya si Eiffel.

Haist! Naiinis na kinamot ko ang ulo ko ulit!

Anong dapat kong gawin?!

Siguiente capítulo