webnovel

Chapter 37

Sinisi ni Tom ang kanyang sarili sa kanyang panggagamit kay Scarlet, napabayaan naman niya ang kanyang ibang trabaho, una sa lahat ang kanyang winery. Ito ang naging aliwan niya sa mga oras na malungkot siya, gumagawa siya ng alak gamit ang kanyang emosyon.

Si Monica ang naging sandalan nito, subalit kahit si Monica ay hindi makaya ang pagiging pariwara ni Tom sa buhay, nirereject na lang niya ang mga clients para sa building plans, hindi na din siya nagiging aktibo sa Chocolatier, at wala na siyang panahon para bisitahin ang hotel niya. Kahit ang kanyang foundation ay napabayaan na niya.

Sinubukan naman ni Monica na suyuin si Tom subalit ayaw na nitong maging ayos ang lahat. Minsan nadatnan niya si Tom na lasing na lasing. Kaya naglakas loob na lamang siya na mag set ng appoinment para makausap si Scarlet. Batid ni Monica na si Scarlet lamang ang makakatulong kay Tom upang maging maayos muli ito.

Pagtawag niya sa Sekretarya ni Scarlet, kaagad siyang binigyan nito ng schedule para makausap si Scarlet. Babalik naman muna si Scarlet sa Spain para sa ilang paper works na kailangan niyang mapirmahan para sa ilulunsad na ang panibago nilang produkto.

Kasama naman ni Scarlet si Ace, pabalik ng Spain. Habang nasa eroplano kinausap siya ni Ace kung ano ang magiging plano nito para kay James.

"Ss, anong plano mo para kay James?" Ani ni Ace

"Bakit interesado kang malaman?" Tugon ni Scarlet

"Wala lang curious lang ako.. pero ok lang kung ayaw mong sabihin" ani ni Ace

"Simple lang.. ang paibigin ko siya at bandang huli iwan ko siya.. iyon lang ang plano ko." Tugon ni Scarlet

"Paibigin? You mean gusto mong maging kayo?" Ani ni Ace

"Exactly! And then kapag hulog na hulog na siya, saka ko naman siya iiwan." Tugon ni Scarlet

"So mananakit ka ng tao? Para lang makapag higanti ka?" Ani ni Ace

Hindi nakasagot si Scarlet sa tanong na iyon ni Ace. Ngumiti siya at maya maya ay hinalikan niya si Ace.

"Relax... sinaktan din ako.. gusto kong maramdaman nila ang sakit na pinagdaanan ko" ani ni Scarlet

Hindi gusto ni Ace ang plano ni Scarlet para kay James. Batid nito na sa dalawa ay si Scarlet pa din ang muling makakaranas ng kasawian kapag natuloy ang plano. Kaya iniba niya ang usapan at pinasok ang kung anong meron sa kanilang dalawa.

"Ano ba tayo? Ganito na lang ba tayo? Sex friends? Friends with benefits?" Ani ni Ace

"Ace... i said hindi pa ako ready sa commitment.." tugon ni Scarlet

"Hindi ka pa ready sa commitment pero balak mo makipag relasyon kay James? So anong tawag mo doon?" Ani ni Ace

"Ano ba Ace! Pwede ba..." ani ni Scarlet

Tumalikod si Ace kay Scarlet at nag lagay ng earpads at blind fold. Hindi naman na nagsalita si Scarlet, nagkaroon sila ng kaunting tampuhan habang nasa eroplano. Hanggang sa makababa sila sa airport ng Spain tahimik pa din ang dalawa.

"Hindi ako sasama pauwi sa bahay mo." Ani ni Ace

"San ka pupunta?" Tugon ni Scarlet

"Just check in sa hotel. I need space.. wala naman palang posibilidad na maging tayo." Ani ni Ace

"Ace..." tugon ni Scarlet

Kumuha si Ace ng taxi at nagpaderetso sa hotel. Samantala naiwan mag-isa si Scarlet at hinintay ang sundo niya. Sa company naman siya kaagad nag pa deretso dahil sa urgent paper works.

"Ss....." sigaw ni Ana

"Ana..." ani naman ni Scarlet

Sabik na sabik sa bawat isa ang magkaibigan. Natuwa naman ang lahat ng empleyado ng muli siyang masilayan.

"Kumusta?.. ang ganda mo pa lalo.." ani ni Ana

"Ikaw ang kumusta Ms. President ..?? salamat sayo ha. Dahil sayo naging maayos ang takbo ng kompanya kahit wala ako.." ani ni Scarlet

"Sus wala yun.. ano ka ba.. ikaw kaya ang may idea ng lahat kaya wala kang dapat ipagpasalamat sa akin." Tugon ni Ana

Tumungo sila sa opisina ni Scarlet. Pinirmahan na niya lahat ng dapat pirmahan at Nagtingin din siya ng sales ng kompanya at natuwa siya ng sobra. Bilang ganti ni Scarlet kay Ana, may isang malaking surpresa siyang ginawa para dito.

"Ana.. masaya ka ba sa pagiging President ng kompanya ko?" Ani ni Scarlet

"Sobra Ss.. bakit?" Tugon ni Ana

Ngumiti si Scarlet ng malalim at may ibig sabihin iyo, Napansin siya ni Ana kaya...

"Ss.. anong pinaplano mo? Kilala ko ang ngiting iyan" ani ni Ana

"Gusto mo na bang malaman?" Tugon ni Scarlet

"Kinakabahan ako.. ano ba iyon?" Ani ni Ana

"Diba alam mo kung saan ko pinadala si Nathalie?" Tugon ni Scarlet

"Oo Ss.. bakit?" Ani ni Ana

"Next month ikaw na ang owner ng branch ng Dela Fuente Chocolatier sa Catalonia." Tugon ni Scarlet

Natulala si Ana sa desisyong ito ni Scarlet. Hindi niya alam kung ano ang kanyang gagawin para matanggap ito. Napaiyak siya sa sobrang saya dahil hindi siya lubos makapaniwala na magiging owner siya ng isang branch ng isang sikat na chocolate company.

"Ss.. hindi ko alam kung paano kita mapapasalamatan..napakarami na ng tulong mo sa akin.. sobra sobra na ito." Ani ni Ana

"Simple lang Ana... basta nakikita kitang masaya ka... masaya na din ako.. ikaw na ang second family ko sa kabila ng mga nangyari sa buhay ko.." tugon ni Scarlet

"Pero Ss.. ok naman sa akin yung posisyon ko.. pero salamat talaga... salamat malaking tulong ito sa akin." Ani ni Ana

"Sabi ko naman sayo hanggat kaya ko tutulong ako.. kahit anong mangyari magkaibigan tayo sa hirap at ginhawa." Tugon ni Scarlet

Inakap siya ng mahigpit ni Ana. Habang umiiyak ito sa saya. Masayang masaya naman ang puso ni Scarlet sa ginawa niyang ito. Sa kabila pala ng kanyang paghihiganti, magagawa pa pala niya ang magpasaya ng tao kahit sa simpleng paraan. Tumutulong si Scarlet kay Ana ng walang hinihinging kapalit.

Iniwan ni Ana si Scarlet sa kanyang opisina. Tiningnan niya ang kanyang appoinment at nakita niya ang pangalan ni Monica. Kaya ipinatawag niya ang bago niyang sekretarya na si Megan.

"Megan... what time kay Monica? Anong purpose ng kanyang appoinment with me?" Ani ni Scarlet

"Hindi ko alam Ss.. ang sabi lang niya is urgent. So i put her sa list para sa lahat ng urgent." Ani ni Megan

"Ok Megan.. ako na ang bahala.. gracias" ani ni Scarlet.

Lumabas na si Megan sa opisina at kaagad naman naghanda si Scarlet para tagpuin si Monica. Nagpasundo muli siya sa kanyang driver sapagkat hindi pa niya kayang magdrive dahil sa pagod.

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

Like it ? Add to library!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

Loveisjustashowcreators' thoughts
Siguiente capítulo