webnovel

Chapter 1

"CONGRATULATIONS XYRIA HAIMENDI MELENDES" sigaw nang kaibigan ko na si Lia at nagyakapin pa kami habang tumatalon talon.

"FINALLY! We graduated." Ngiting sambit ko, pero hindi rin nag tagal ay nagpaalam din ako agad sa kanya at nagsama na rin kami nang Pamilya ko upang kumain sa labas at mag celebrate nang pagka graduate ko nang college.

Tulad nang sabi nang kaibigan ko ay Ako si Xyria Haimendi Melendes It's a letter 'S' not 'Z' And I'm 21 yr old, masyadong bata para sa akin ang edad kong ito at maagang nakatapos.

"Ano na ang plano mo ngayon sweetie?" Panimula ni Mommy habang nakangiting lumingon sa akin.

Sa totoo lang ay hindi ko pa alam, pero hindi ko naman pwedeng sabihin nang harapan kila Daddy iyon at malamang ay baka pilitin na nila akong mag asawa sa edad kong ito.

"Actually ay susubukan ko po muna mag aral mag Drive, Mom." Kinakabahan na sabi ko sabay tingin sa labas nang bintana nang sasakyan.

Hinawakan ni Kuya Sean ang kamay ko. Sanay na ako dahil kapag kinakabahan ako ay ganoon ang palagi nyang ginagawa sa akin. Nginitian ko lamang sya bago tumingin sa bintana at tinitingnan ang view doon habang nagmamaneho na si Dad.

Si Kuya Sean, Axel ang kapatid ko at ang dalawa naman ay nasa ibang bansa. Apat lamang kami. Si Kuya Drake ang panganay sa aming tatlo, pangalawa si Kuya Sean, pangatlo naman si Kuya Axel at bunso ako.

Pagkarating nang mall ay nagpahanda na kami nang seat sa Tokyo Resto kaya hindi na namin kailangan pumila dahil pina reserved na rin nina Mom. Ang favorite lamang na kainin ko dito ay ang 'Yakisoba' Noodles nila. Lalo na ang masarap na inumin nila dito.

"Kailangan mo nang makilala ang anak nina Kristen at Kazier sa madaling panahon. Huwag kang mag-alala dahil mabait naman ang anak nila at paniguradong magkaka sundo kayo." Nagsimula nang maging madaldal si Mom. Pero ayokong maging bastos ay kunwaring nagpa kita ako nang interest.

"Don't worry, Mom. I'm so excited to meet him." Matamis na ngiti ang ibinigay ko sa kanila ni Dad na ikinatuwa naman nito. Katabi ko si Kuya at kaharap ko si Mom at kaharap naman ni Kuya si Dad na wala namang imik.

"That's good. Maybe next month pa ang balik nila dito." Nakahinga ako nang maluwag na wala pala dito ang Pamilyang Gonzales at napangiti nang palihim.

Nang mag served na ang food ay buti na lang hindi na nila pa inopen ang topic na iyon. Sa totoo lang ay ayos lang sa akin na makilala sya, pero hindi pa ako handa sa asa-asawa thingy na iyan. Ayoko pa nang ganoong responsibilidad.

"Nasaan si Kuya Drake?" Bulong ko kay kuya Sean.

"Busy sa work, pero ang sabi ay babawi na lang daw sya sa'yo next time." Kumuha ito nang tisyu at pinunas sa gilid nang labi nya.

"Ok." Hindi ko maiwasang mag tampo. Dahil palagi syang wala at busy sa paghahawak nang negosyo. Hindi ko rin masisisi si Kuya dahil hindi rin sya pwedeng tumanggi at responsibilidad nya rin iyon.

***

Matapos ang kainan ay nagpahinga kami saglit bago nagpaalam upang umalis. Miss ko na ang isang pang friend ko na si Veil kaya pupuntahan ka muna sya.

Nagpaalam ako kaila Mom at mabuti na lang ay pumayag ang mga ito. Umalis na rin si Kuya dahil may kikitain daw ito kaya naman sila Mom at Dad na lang ang naiwan.

"Mag ingat kayong dalawa."

"Yes Mom." Sabay naming sabi na magkapatid bago kami humiwalay dahil magka iba ang direksyon namin.

Nang matanaw ko na si Veil ay kinawayan ko ito at napangiti din at kumaway pabalik.

"Kamusta?" Pangunguna ako bago maupo sa tapat nya.

"Well, busy." Halata nga, dahil bihira na lang kami mag kita nyan. Pinakilala kami ni Ate Nicole nung party noon.

Hindi ko rin aakalaing magiging mag close kami at mas kikilalanin pa ang isa't isa.

Nginisian ko sya nang pang aasar na ikinatawa naman nito. "Stop that."

"Suss, eh bakit hindi mo sya kasama ngayon?" Tanong ko.

"She's busy with her family. That's why I'm here with you." Napa tango na lang ako at tumingin sa menu nang Starbucks.

Nahalata nya iyon at lumingon din doon bago binalik sa akin ang tingin. "You want?"

Napanguso ako para itago ang ngiti bago tumingin sa kanya. "Libre mo ba?"

Tumawa muna ito bago sumagot. "Sure."

Siguiente capítulo