"I think...I think I'm falling"
Napatingin ako kina jim at dian. Nakakunot na yung noo nila.
"What do you mean you're falling?" si dian "eh nakaupo ka naman diyan ah"
"Oo nga" sang-ayon din ni jim sabay tawa nila.
Ewan ko ba sa dalawang to. Pagdating sakin nagkakasundo.
Napabuntong ako ng hininga "what I'm trying to say is, I'm falling for someone" pag-amin ko "someone I shouldn't be falling with"
Nagkatinginan naman silang dalawa.
"Ahhh...di kita maintindihan"
"Ako rin" pagsang-ayon ulit ni jim "ano ba sinasabi mo?"
"Wait, don't tell me ngayon ka lang nafall kay sir mark after all those months of courting you" sambit ni dian "tsaka ano sinasabi mo na di ka pwede mafall kay sir mark? Girl, pwedeng pwede! Same kayong single, duh!"
"Hoy! Wala naman sinabi si krystal na si sir mark tinutukoy niya ah" sabi naman ni jim kay dian "ang sabi niya someone hindi mark" pagklaro niya
"Eh si sir mark lang naman may gusto diyan eh pwera sayo" sabi pa ni dian "sino pa ba tinutukoy niyan?"
Aba! Anong si mark lang may gusto sakin? Excuse me ha? Nainsulto naman ata yung beauty ko dun ng slight. Ano akala niya sakin di kagusto-gusto? Well, for her information, marami ng nagparamdam sakin sadyang si sir mark lang talaga pinansin ko at isa pa....
I sighed deeply.
Isa pa tong si thea. Naku pag nalaman lang talaga ni dian na pati babae nagkakagusto sakin for sure babawiin niya sinabi niya.
'Yabang ah' si oself
Tse! Manahimik ka diyan.
"Aba malay ko diyan" nagtalo pa talaga sila "teka baka ako yan ha?"
Nakatikim siya ng batuk galing kay dian.
"Aray ko naman" reklamo niya "alam mo ikaw kanina kapa nananakit eh" sabi niya habang hawak ang batok niya
"Ang assuming mo kasi. Ikaw na nga nagsabi diba? Someone! Kung ikaw yun edi sana binanggit niya name mo" sabay irap kay jim
"Exactly my point! Someone! Kung si sir mark yun edi sana binanggit yung name niya!" Umirap din si jim sa kanya
"Whatever!" Pagtataray niya kay jim "Eh kung di si sir mark...sino ba kasi yang someone na yan?" tanong ni dian sakin.
Akala ko pa naman di na nila ako papansinin. Pag nagtatalo kasi tong dalawang to nagiging invisible ako bigla. Masyado silang focus sa bangayan nila na ineenjoy ko naman haha
Ang cute kasi nila magtalo. Daig pa ang totoong magjowa hihihi
"Ano girl? Sasagutin mo ba kami o sasagutin mo kami?"
"Bukas pa siguro sasagot yan" pabirong sabi ni jim
I rolled my eyes to both of them
"Basta may sasabihin ako and don't...don't judge me, okay?" Napansin ko naman ang pag connect ng mga kilay nila
"Okay..."
"You know thea, right?" tanong ko sa kanila
Tinangoan naman nila ako pareho
"Siya ba yung kumain dito last time with you during duty hours?" tanong naman ni jim sakin "yung friend mo na schoolmate ko din?"
Tumango ako sa kanya
"Wait, si thea? Yung magandang spoiled brat na sinasabi mo?" si dian
Tinangoan ko din siya
"What about her?"
"I..." di ko alam kung pano ko sasabihin sa kanila. Tama ba na sabihin ko sa kanila yung weird na nararamdaman ko para kay thea? "She's..."
"She's what?"
"She'smakingmeconfused" mabilis kong sabi
"Ha?"
"Ano? Ano daw?"
"Ano sabi mo?"
"Pwede dahan dahan?"
"Ano ulit yun?"
"She's tsaka confused ba yun? Yun...yun lang nagets ko"
"Pakiulit nga"
Sunod sunod nilang tanong.
"Wait, did you just said confused?" tanong ni dian kay jim
"Ah huh"
Dian gasped "Oh my God!" bulalas niya "what? What?" tanong naman ni jim sa kanya
"You're talking about thea?!" Napakunot naman ng noo si jim at parang nagets din ang sinasabi ni dian. Dahan dahan niyang binaling ang mga mata sakin na medyo nanlalaki pa.
"Thea is someone?" si jim
"Si someone na tinutukoy niya ay si thea!" Paliwanag ni dian kay jim
Napatingin si jim kay dian "you mean..." at binalik din ang tingin sakin
"You're falling for thea?" si dian na ang nagtanong
"Nahuhulog ka sa isang babae?" si jim
Nakatingin lang sila sakin. Naghihintay ng sagot ko.
Tumango lang ako saka bahagyang yumuko. Ayokong ijudge nila ako dahil lang sa nahulog ako sa kapwa babae ko pa
Oo, aaminin ko na, nahuhulog na nga talaga siguro ako kay thea.
Pero di ibig sabihin nun eh itotolerate ko tong nararamdaman ko. Di pwede to. We're both female. I should avoid this kind of feelings habang maaga pa.
At isa pa, I don't know how to handle this kind of situation if ever. Ano na lang sasabihin ng iba? Nang family ko? Nila dian at jim na ngayon ay tahimik na nakatingin sakin
"You nod" she stated "is that a yes?"
"Silence means yes" napatingin si dian kay jim ganun din si jim kay dian.
Di ko alam ano iniisip nila. Kung ano tumatakbo sa isip nila.
"Oh. My. God!" sambit ulit ni dian emphasizing every word "You're gay!"
"What?"
A smile form on her lips.
Wait...why is she smiling?
"Girl, obviously, you're gay" proud niyang sabi
"No, I'm not" pagdedeny ko kasi totoo naman eh, diba? I'm not gay!
"Tss...pwede ba? Ikaw na mismo nagsabi you're falling for her"
"Uh...yeah? But that doesn't mean I'm gay" kontra ko naman
She just rolled her eyes on me
"So ibig sabihin di lang si sir mark karibal ko pati na din si thea?" Jim asked
"Uh oh! Mas lalo ka nang walang pag-asa jimmy boy" pang-aasar ni dian
"Alam ba ni thea yung feelings mo sa kanya?" Di niya pinansin yung sinabi ni dian instead he asked me this question.
"No! She doesn't have to know"
"Bakit naman?" Nagtatakang tanong ni dian
"I...I don't want to lose her" that's true ayokong malaman reaction niya pag inamin ko yung namumuong feelings ko para sa kanya. Baka hindi ko lang magustuhan ang magiging resulta at masaktan lang ako "malamang iiwas yun or worst lalayuan at di niya na ako pansinin if ever man na sabihin ko sa kanya"
"Pano mo naman nasabi?" tanong ni jim "I mean how can you be so sure na gagawin niya yun?"
"Oo nga, girl. Isa pa mahihirapan ka lang pag di mo sinabi sa kanya"
"What do you mean?"
"Magiging complicated ang lahat if you'll choose to hide your feelings towards her. Masasaktan ka lang"
"Bakit naman ako masasaktan eh di ko pa naman siya mahal"
"But you have feelings for her already and we all know na dun din ang bagsak nun. Love"
"Kaya nga habang maaga pa I'll try to control my feelings para di na lumalim pa at mapunta dun" sabi ko
"How can you do that? I mean to try to control something so powerful? Aber, pano?"
I gulped. Pano nga ba?
"I can relate to your situation you know" si jim "Take it from what I've experienced noong nagkagusto ako sayo. Gusto pa lang kita noon but still it hurts me lalo na nung nalaman ko na di mo ako gusto" he said with a sad face
Pinapaguilty niya ba ako?
"But that's before, kasi now even though I still like you, di na siya ganun kasakit kasi tanggap ko na eh na friendship lang maooffer mo. Na hanggang dun lang ako para sayo"
"Aww...that's our jimmy boy" dian patted his head. He gave her a sweet smile. "So you're getting over her already?"
"Ahmm...on my way" he smiled again "I'm getting there"
I genuinely smile to him "I'm happy that you decided to just give up and move on. Kasi to tell you jim, there's a lot of girls out there pa na pwede mo pagbuhusan ng love at deserve ng love na yan"
"I know and who told you I gave up? I didn't! Naggive way lang ako para sa iba. Ganun ako kabait" pagklaro niya
Dian and I giggled.
"Okay, now that jimmy boy have finally decided to move on...ikaw, ano na plano mo?" she's referring to me
I shrugged my shoulders "I don't know"
"Well you have to know what to do next"
"Then what do you want me to do? Tell her?" Bago pa man makasagot si dian ay nagsalita naman ulit si jim
"Wait, eh pano si sir mark? Diba may feelings ka dun?"
As I've said before, nasasapawan na ni thea ang feelings ko for mark.
Masyadong malakas ang feelings ko na yun para kay thea at di ko alam kung bakit.
"I really don't know. Naguguluhan na ako" pag-amin ko "Yes, I like sir mark....but thea..." I said the last two words in a low tone of voice. "Thea...she makes me so confused"
"Dalawa lang yan girl eh..." dian trailed off "it's either you tell her or regret forever for not telling her"
"Look at me, mas pinili kong sabihin sayo yung feelings ko kahit alam ko na marereject ako kasi ayokong magsisi isang araw na di ko inamin sayo nararamdaman ko. Gusto mo ba mabuhay na puro what ifs?" Walang prenong sabi ni jim
"No..."
"Then take the risk. Tell her kahit na alam mong there's a possibility na iwasan ka niya after, at least nasabi mo sa kanya" pag-uudyok ni jim
"That's right! Just deal with the consequences later" pagsang ayon ni dian. She winked at me.
Hayyy....
What should I do?