"Sia, alam mo ba kung nasaan 'yong ATM na kasama no'ng sulat na nabasa mo?"
Napatingin sa akin si Sia habang tinutulungan akong mag-impake ng gamit.
"Huh? ATM? Wala naman akong nakitang credit card na kasama no'ng sulat, a? Papel lang 'yong nakita ko sa envelope. Pero may nabasa nga ako sa sulat patungkol sa credit card. Meron ba talaga?"
Sa pagkakaaalala ko, meron talaga, e, naka-pangalan sa 'kin.
"Meron 'yon."
"Baka na-misplace mo lang. Baka nand'yan lang sa mga gamit mo. Check mo na lang."
"Hindi, e. Wala talaga. Wala akong nahawakan o nakita na credit card matapos kong ma-ospital. Nawalan ako ng malay 'di ba, at saka kasama ko si-"
"Fabio…"
Anak ng baboy!
"Baka naka'y Fabio!"
"Kung nasa kaniya, bakit hindi n'ya binigay sa 'yo? Nagkikita pa naman kayo 'di ba?"
Noong isang araw, nagkita kami pero bakit wala siyang nabanggit tungkol sa card?
"Puwede ba nating malaman ang mga transactions ng card na iyon? 'Di ba may kakilala kang nagta-trabaho sa banko?"
"Hayaan mo na 'yon, Ayla. Kung nawala mo 'yon, paniguradong wala ring silbi kasi hindi naman nila alam 'yong password no'n. So, malamang, itinapon na 'yon no'ng nakakita."
Nagkibit-balikat na lang ako sa sinabi ni Sia at nagpatuloy sa pag-impake ng mga gamit.
Pitong buwan na ang nakalipas, wala pa rin akong balita sa kanila. Hindi pa rin sila umuuwi ng Pilipinas. Sa loob ng pitong buwang iyon, pinagsabay ko ang pagpo-proseso ng mga papeles at ang pagmamakaawa kay Miss Kiara na sabihin sa akin ang tungkol sa kalagayan ni Aye.
Wala siyang sinabi. Nanatili siyang tahimik. At 'yon ang nakakainis sa lahat. Maski ang pagbigay man lang ng address nila sa Amerika ay hindi niya magawa. Palagi siyang ilag sa akin at halatang iniiwasan ako.
Ngayon, mas desidido ako sa plano kong pag-alis ng bansa para magtrabaho at para makapag-ipon ng pera.
Nanghiram ako ng pera kay Kuya Osias para makaalis ng bansa. Oo, alam ko, ang laki na ng utang ko sa kanila, pero panigurado this time, mababayaran ko na sila.
Mag-iisang taon na ang anak ko ngayong buwan. Walang araw na hindi siya pumasok sa utak ko. Ang tanging picture na meron ako ay ang picture no'ng binyag niya.
Malaki na siguro 'yong anak ko, 'no? Sana okay lang siya. Sana hindi malala ang kalagayan niya. Sana umuwi na siya.
Pero ang sana ko ay naglaho nang tuluyan kaming umalis ni Sia papuntang New Zealand (NZ.) Siguro ngayon, magfo-focus muna ako sa pagpaparami ng pera para masundan at makuha ko si Aye. Sa abot ng aking makakaya, gagawin ko ang lahat.
Makalipas ang limang taon...
"Mommy Ayla! Look! My teacher gave me a star! She said I'm good at reading."
"Oh! Look at that. It looks good on you, Chandy. Congratulations! Mommy Ayla is so proud of you!"
Hinaplos ko ang pisnge ni Chandy at nginitian siya sa achievement na nakamit niya sa araw na ito.
"Oh, take care of that star, Chandy, we'll gonna put that on your achievement wall."
"Okay, Daddy! I'm gonna let Mommy Sia see this first po."
"Okay, be careful."
Hinayaan naming makaalis si Chandy papunta sa kusina kung nasaan si Sia. Naiwan kaming dalawa ni Chard sa tahimik na salas ng bahay.
"Ang laki na talaga ng anak mo. Nakikinita kong lalaking matalino at mukhang kahihiligan ang pag-aaral."
First day ni Chandy sa pre-school ngayon and she already got a star. Amazing, right?
"Siyempre, saan pa ba magmamana, kundi sa Nanay?"
"Edi parang inamin mo rin na hindi talaga galing sa 'yo ang katalinuhan ng anak mo?" Natatawang sabi ko habang tinatanggal ang coat na suot. Sa sobrang excited magkuwento ni Chandy kanina, nakalimutan kong balot na balot pa pala ako.
Nilagay ko sa coat rack and coat at tiningnan ulit si Chard para sa kaniyang sagot.
"Sira! Siyempre, ibigay na natin 'yong credits sa Mama."
"Sabagay. Imposible rin namang magmana sa 'yo 'yong sarili mong anak pagdating sa katalinuhan."
Isang throw pillow ang natanggap ko galing sa kaniya. It's so satisfying to see his naaasar face. Super epic. Palaging benta sa akin.
"Parang timang. Grabe ka talaga sa akin, 'no? Sobrang sama mo."
Nagkibit-balikat lang ako at nagpa-cute sa kaniya at saka ko sinundan si Chandy sa kusina.
"On a serious note, sa tingin mo ganiyan na rin kalaki si Aye?"
Umupo ako sa kitchen island habang nakatingin kay Sia at Chandy na abala sa pagluluto. Wala naman sa akin ang atensiyon nila kaya lumingon ako kay Chard para sa tinanong niya.
"Oo naman. Matik 'yon. Matalino 'yong anak kong 'yon, e. Kahit wala kang tanong may maisasagot 'yon."
Mahinang natawa si Chard sa sinabi ko.
"Sira! Makapagsalita ka parang nasaksihan mo talaga ang paglaki niya. Kailan ka ba kasi uuwi ng Pinas?"
"Malapit na, Chard. Kaonting ipon na lang, kaya ko nang bawiin ang anak ko. At saka alam mo namang tatapusin ko muna ang kontrata ko rito, 'di ba?"
Ngumiti sa akin si Chard. Ngumiti rin ako sa kaniya. Nagngitian kaming dalawa. O, 'di ba, parang mga timang.
"Dinner is ready!"
Nabaling ang atensiyon namin sa dalawa nang ihain na ni Sia ang nalutong pagkain habang si Chandy naman ay tinulungan ang Mommy Sia niya sa pag-aayos ng lamesa.
Five years here in NZ. Five years with a different world. Malaking adjustment ang nagawa ko. Hindi basta-basta ang napagdaanan ko sa limang taong pananatili ko rito.
Lahat ng hirap naranasan ko bago ako nakarating sa kung nasaan man ako ngayon. Kung hindi dahil sa pinsan ko at sa mga taong tumulong sa akin sa banyagang bansang ito, walang-wala ako ngayon.
Malaki ang utang na loob ko sa mga taong nakapaligid sa akin ngayon. Lalong-lalo na si Chard. Nang dahil sa anak niya na si Chandy, napunan ko ang pagkukulang ko bilang isang ina kay Aye. Naibuhos ko sa batang ito ang atensiyong dapat ay napupunta sa anak ko.
Do you still remember Sia's friend who introduced himself to me during that one and only convention I've been to? That Richard is the Chard we have today.
What a coincidence, right? Hindi ko nga rin in-expect 'yon at swear, nakalimutan ko na siya. Kung hindi lang pinaalala sa akin ni Chard ang nangyari, baka tuluyan kong nakalimutan ang una naming pagkikita.
Marami ang nangyari sa buhay niya and isa na roon si Chandy, ang anak niya. Chandy's mother is dead. Namatay noong ipinanganak si Chandy. Kami ni Sia ang tumayong ina ng batang ito kaya Mommy ang tawag niya sa aming dalawa.
Marami na kaming napagdaanan. Marami na akong pagsubok na naharap dito sa NZ. And I knew I'm stronger than what I am from yesterday.
I learned and discovered so many things here in NZ. Aside from speaking english, I discovered that marami pala talaga ang tao sa mundo at hindi lang mga Pinoy ang nandito sa mundong ginagalawan natin. Iba't-iba ang ugali ng mga tao but as a human itself, whatever your nationality, skin color, and race, we will always have the same guts and feelings.
I learned a lot from the people I interacted with. I learned how to appreciate the little time we spent with our families. Kaya kahit miss na miss ko na ang anak ko, miss na miss ko na ang mga magulang ko, lahat 'yon tiniis ko para sa goal kong tuluyang makuha ang custody ko kay Aye.
I never seen my son again, personally. Five years na akong hindi umuuwi sa Pilipinas. Ang alam ko, nakauwi na raw sila sa Pilipinas. My son is doing well daw.
I fought the urge to go home and be with my son. Kulang pa ang pera. Kulang na kulang pa. Isang taon na lang, makakasama ko na habangbuhay ang anak ko.
Days passed by. Same days keep rolling.
One afternoon, nasa opisina ako, break time and silently enjoying my glass of fresh milk nang marinig kong parang may pinagkakaguluhan ang dalawa sa mga kasamahan ko.
Marami nga palang pinoy sa pinagta-trabahuan ko. Isa ito sa naging factor na naging madali sa akin ang pagta-trabaho na kahit hindi ko naman kilala, nakahanap ako ng kapayapaan knowing they're pinoy like me.
Ayoko sanang magmayabang pero nang dahil sa pagsusumikap, medyo malaki na ang posisyong pinanghahawakan ko ngayon. Hindi man directly related sa tinapos ko pero okay naman, kayang-kaya ko naman ang trabaho and I learned to love this job along the way. Nang dahil sa trabahong ito, nakapag-ipon ako at nakapagpatayo na ng bahay sa Pilipinas. Pinaayos ko na 'yong maliit na bahay namin.
"Psst, woy, ano 'yang pinagkakaguluhan n'yong dalawa?" Pang-aagaw ko sa atensiyon nilang dalawa.
Pareho silang Pinoy at medyo mas bata sa akin at saka head nila ako kaya vibes naman kaming tatlo, knowing na kaming tatlo lang din naman ang pinoy sa department namin.
"Ay, Ma'am Ayla, wala po. Wedding video lang po," sagot no'ng bagong salta rito sa New Zealand na si Miran.
Napatango naman ako sa sinagot ni Miran.
"Ah, kaninong kasal naman?" Tanong ko, pagkatapos ay sumimsim ako sa gatas na hawak.
"Ay, teka, Ma'am… 'Di ba, tiga-Negros po kayo? Baka kilala n'yo po 'tong ikinasal. Sikat daw po kasi 'to sa Pinas at saka nag-viral 'yong same day edit na wedding video nila kasi sobrang ganda raw," sabi naman no'ng isa pa na si Clayne.
Na-curious tuloy ako sa pinagsasabi nitong dalawa.
"Oh? Sino naman? Baka kilala ko."
Wala na akong alam sa mga viral-viral na 'yan sa Facebook. I stopped using social media two years ago. Sinubukan kong hanapin si Sonny sa social media para magkaroon pa rin ako ng contact sa anak ko pero hindi ko siya mahanap. Maka-ilang beses akong gumawa ng account just to find him pero wala talaga, masiyadong pribado at mukhang hindi na gumagamit ng social media. Sinubukan ko ring hanapin sa ibang mga Lizares maski ang picture na makikita ko lang anak ko, pero wala talaga. That's why I stopped using one. Minsan lang din naman kaming mag-usap nina Nanay at Tatay at through Sia pa 'yon. So what's the use of my social media accounts? Might as well delete na lang talaga.
Nakakahiya mang aminin pero hindi ko alam kung anong itsura ng anak ko ngayon. Anong klase akong ina, 'di ba?
"MJ Osmeña at Darry Lizares po 'yong nakalagay sa caption, Ma'am, e."
"Ha?"
"Heto po, Ma'am, o, panoorin n'yo po."
Hindi ko pa masiyadong ma-sink in sa utak ko ang sinabi ni Miran, agad nang inilapit sa akin ang cell phone.
Kasal? MJ at Darry? Ha? Nagkabalikan sila?
Pinanood ko 'yong video. Same day edit nga ng kasal. Ikinasal nga silang dalawa. But this time, sa simbahan na ang destinasyon.
Engrande ang naging kasal. Marami ang bisitang dumating. May mga pamilyar at bagong mukha pero ang nagpatigil sa aking mundo ay nang biglang i-flash sa screen si Sonny na merong karga-kargang batang lalaki na nakasuot ng puting suit. Kumakaway sa camera ang batang iyon at unang tingin pa lang, agad ko nang ini-stop ang video.
Napatitig ako sa bata. Malawak ang kaniyang ngiti at mukhang masaya. Kusa akong napangiti nang makita ko siya. Unang tingin pa lang, alam ko na. Siya talaga 'yon. Ramdam na ramdam ko sa buong katawan ko, siya talaga ang anak ko.
"Ma'am Ayla, okay lang po kayo?"
Anak ng baboy!
Humugot ako ng isang malalim na hininga at pinahiran na ang namuong luha sa gilid ng aking mata. I even look away para lang hindi nila makitang naluha ako sa nakitang video.
"I-I'm fine," sabi ko sabay balik kay Clayne ng phone niya.
"Ang ganda po, 'di ba, Ma'am?" Tanong naman ni Miran sa akin.
"Y-Yeah. Sige, I'll just go to the CR muna." I immediately excused myself before the next batch of tears fall down.
Pumasok ako sa isang cubicle and doon ko ibinuhos ang lahat ng luha. Luha ng kasiyahan at pangungulila.
Anak ko 'yon! Si Aye 'yon! Si Solano Ylaedi 'yon. Siguradong-sigurado ako! May hawig sa akin ang bata. Kahit na noon maliit pa siya ay hawig niya si Sonny, hindi maipagkakailang may hawig na sa akin ang bata nang lumaki ito. He's the same age with Chandy and I'm really sure it's him.
Gamit ang Facebook account ng company, hinanap ko ang video'ng iyon. Mabuti naalala ko kung kaninong account naka-post ang video.
It was posted days ago pa, kaya kinailangan ko pang halungkatin ang video'ng iyon sa dami ng ipino-post ng account na iyon.
I watched again the video and stopped at that exact moment where I saw my son smiling. Ini-screenshot ko iyon.
I cotinued watching the video after staring at my son's smiling face next to his dad. A lot has change to Sonny's appearance. Wala na ang tingkoy na minsan kong hinangaan sa kaniya. He's more on facial hair na ngayon at daddy'ng-daddy na ang kaniyang mukha. Mas lalong naging daddy nang kargahin niya si Aye kahit na malaki na naman 'to.
Ang mag-ama ko.
As the video succeeded, some familiar and unexpected faces appeared right in front of me. Sa lahat ba naman ng pagmumukhang puwedeng makita, bakit kaniya pa?
Nawalan ako ng ganang tapusin ang video kaya ini-out ko na lang ang account na iyon at nagpatuloy sa pagtatrabaho kahit na-iimbiyerna na ako. Nakakainis lang kasi. Limang taon na ang nakalipas, nasa tabi pa rin siya ng mga Lizares. Siguro, tama ang narinig ko, sila na nga ulit.
Kahit iba na ang naging mood ko, pinagpatuloy ko pa rin ang pagtapos sa iilang gawain.
Nang matapos ang office hours, agad akong umalis para naman puntahan ang isa ko pang trabaho. Part-time lang naman, pero ang part-time na ito ay may malaking contribution sa pag-iipong ginagawa ko.
My part-time job is a crew of a well-known bakery here in NZ. Kilala ito sa buong city ng Wellington kaya maraming customers ang napaparini araw-araw. Four hours ang shift ko rito. Four to eight PM. Kailangang mag-doble kayod, e, may magagawa ba ako?
Closing shift ako, kaya nang matapos ang shift ko at habang abala ang iba kong kasamahan sa pag-a-arrange ng mga tables and chairs, lumabas ako saglit para puntahan ang isa ko pang naging kaibigan dito sa New Zealand. She's my unexpected friend to be exact. Of all the people naman kasi, siya pa ang naabutan kong nandito sa New Zealand.
Tinanggal ko ang apron na suot ko at umupo sa bakanteng bangko katapat niya. She's busy with her fair share of coffee while scrolling up and down on her cell phone.
"Ang sakit ng balakang ko," reklamo ko habang hinihilot ang balakang ko. Nagsalita na rin ako para agawin ang atensiyon niya.
Heh, a lot change within that five years. What do you expect? Hindi na ako 'yong Ayla'ng tahimik, hindi na ako 'yong Ayla'ng hindi marunong mag-conversation starter. A lot of changes happened.
"What's new? What's poppin'?"
Nakita kong isinantabi niya ang cell phone and gave her full attention to me.
Now that she asked that, nakuha ko sa bulsa ng jeans ang cell phone ko at hinanap sa album ang picture na gusto kong ipakita sa kaniya.
"Look how cute my son is," sabi ko sabay pakita sa kaniya ng cell phone kung saan naka-appear ang screenshot copy of his face from the video I saw. "Ang guwapo niya, 'di ba? He grew up so very fast!" Naluluhang dagdag ko. Sino ba naman kasing hindi maluluha kapag nakita mo ang anak mo?
"Stop crying nga, Ayla, para namang first time mong makita 'yang mukha ng anak mo," saway niya sa akin kaya inismiran ko lang. Medyo panira rin ng moment, e. "You saw the video?" Dagdag na tanong niya sabay kuha no'ng cell phone ko. Pinabayaan ko na, wala rin naman akong tinatago sa cell phone kong 'yon.
"Yeah. Pinanood kasi no'ng dalawang pinay sa opisina kaya I have no choice but to watch it."
"You have no choice? O baka naman curious ka lang talaga?"
Inambahan ko siya ng suntok. Kung anu-ano kasing sinasabi.
"Hindi, a. Gusto ko lang talagang makita 'yong anak ko. Look at him, 'di ba ang gwapo na niya? Manang-mana talaga sa akin."
"Ows? 'Yong anak mo ba talaga ang pinanood mo o 'yong tatay? Bakit pati 'yong mukha ng tatay, kasama sa na-screengrab mo?"
Anak ng baboy?
Marahas kong binawi ang cell phone ko mula sa kaniya. Ang walang hiya naman ay tinawanan lang ako sa ginawa at patuloy na sumimsim sa coffee na hawak niya.
"Ano namang pakialam ko sa tatay? Baka nakalimutan mong ang laki ng atraso niya sa akin."
"Okay. Okay. Okay. Hindi na natin pag-uusapan 'yong tatay. Baka balibagin mo na naman 'tong table sa harapan natin. We'll talk about Aye na lang."
Good. Madali naman pa lang kausap ang babaeng ito.
"Maiba tayo, ikinasal na pala sila ulit? Is it… okay with you?" Pag-iiba ko sa usapan habang nakatingin pa rin sa anak ko.
Pinasadahan ko ng panandaliang tingin ang puwesto niya nang biglang natahimik kaming dalawa. I saw how she shifted from her seat and plaster a smile.
"Oo naman, bakit naman hindi? I am so done with them and it's all in the past. Dapat nga uuwi ako to attend their wedding kaso I can't kasi baka kapag umuwi ako, malaman pa nila na magkasama tayong dalawa."
Napangiwi ako sa sinagot niya sa akin, lalo na sa huling sinabi niya.
"Ano namang pakialam nila kapag nalaman nilang magkasama tayong dalawa? As if naman ma-a-alarma sila sa presensiya ko."
"Asows! Ayaw mo nga'ng ipaalam ng parents mo sa iba na nasa New Zealand ka, e."
"Callie!"
"Rawr! Please be gentle, Madam," pagbibiro niya na sinabayan niya pa ng nakaririndi niyang 'rawr' sound. "But kidding aside… Ayaw ko lang talaga munang umuwi. Hindi dahil sa hindi ko gusto ang wedding nila, kundi nalaman ko kasing um-attend siya kaya 'yon, ako na lang 'yong umiwas."
I intently look at her and the atmosphere between us just shifted from jolly to being serious. Napalunok na lang talaga ako sa biglang pagseryoso ng paligid.
And yes, she's Callie… Callie Dela Rama. She's here and she's one of the people who helped us adjust in this big world of New Zealand.
"Gagi, uwi na tayo, tapos na sila."
Ngumiti ako sa kaniya at tumayo na rin para pumasok sa loob ng bakery to get my stuffs.
Like the usual, inihatid ako ni Callie papunta sa place na tinitirhan namin ng pinsan ko at ni Chard and Chandy. While Callie lives with her few relatives na nandito sa NZ.
"Isi-send ko sa 'yo mamaya 'yong post niya with your son. Bye, Ayla."
"Bye, Callie."
Si Callie ang naging rason para makita ko ang pagmumukha ng anak ko. Through pictures and short videos, I saw my son grew.
The only social media account Sonny have is Instagram. Sinubukan kong gumuwa ng mga dummy accounts para lang ma-follow ko siya to have an access and also to see the face of my son pero wala, hindi siya nang-a-accept and naka-private pa ang account n'yang iyon. Even Chard and Sia's accounts, hindi maka-view sa account niya.
And then came Callie Dela Rama, the only one I knew na nakaka-view sa mga posts and stories ni Sonny. She was my key to see my son kahit through picture man lang. Ang laking tulong no'n. Her presence also impacted my life.
Unexpected ang pagkikita namin few months after naming naka-settle sa NZ. Nakilala at naalala niya ako and that's how our friendship started. Isa rin siya sa tumulong sa akin to have part-time jobs and to find my regular job right now. She's one of the key factors why I am succesful right now. I owe half of it to her. But she don't want to take the credit. Sasabihin niya lang sa akin, what are friends are for daw. Corny ni Dela Rama.
To answer your question why she's here? I know pero hindi ko na panghihimasukan pa. She has her own personal issues in life na hindi na dapat nating alamin pa.
Base sa kuwento ni Callie at base na rin sa mga pictures na pino-post ni Sonny sa IG feed niya, palagi niya raw f-ini-flex ang anak namin. Lahat ng post niya, it's either silang dalawa ni Aye o si Aye lang mag-isa. He doesn't write long captions, few words are enough to show how he loves our son.
Nakakainggit tuloy. Naiinggit ako sa bonding nilang dalawa. Hindi ko nga alam kung kilala ba ako ng anak ko, kung hinahanap niya ba ako, o kung naaalala niya pa ang scent ko. Ang tagal kong hindi siya nakita at sabik na sabik na akong mayakap siya. Sabik na sabik na akong makasama siya at iparamdam sa kaniya ang limang taon naming hindi pagkikita. I lost so many days na dapat ay kasama ko siya. I lost so many achievements na sana'y sabay naming c-ini-celebrate. I lost so many milestones I should have shared with him.
Inilayo sa akin ang sarili kong anak. Winala sa akin ang karapatang dapat ay para lang sa akin. Kaya sisiguraduhin kong kapag bumalik na ako at kapag nakuha ko na ang anak ko, hindi ko na ipakikita ito sa kanila, umabot man kami sa kahit saang sulok ng korte sa mundo, ipaglalaban ko ang karapatan ko sa anak ko. He's my son and I have all the rights to have him. Bakit nga ba hinayaan kong gawin nila sa akin 'yon?
Sa sumunod na mga araw, trabaho at pamilya lang ang inatupag ko.
Kaya isang araw, sa trabaho, nagulat ako nang makitang ang daming missed call ni Sia. Meron siyang text pero ang sinasabi lang niya roon ay 'Please answer the phone' at 'Insan, sagot.'
Sakto rin kasing pumunta kami ng factory section ng kompanya kaya sinadya kong iwan ang cell phone ko sa drawer ng office table. Kaya pagbalik ko, 'yon na bumungad sa akin.
Nakapagtataka lang na tumawag si Sia. Usually kasi ay hindi naman tumutawag 'yon lalo na kapag pareho kaming nasa trabaho kasi nagkikita naman kami araw-araw sa bahay kaya bakit pa tatawag sa opisina? Unless it's really urgent.
Tinawagan ko si Sia to ask her what happened. Mabuti naman at sinagot niya agad matapos lang ang iilang ring.
"Sia, napatawag ka?"
"A-Ayla…"
"Oh?"
"Na-Nasa office ka ba ngayon? Da-Dadaan ka ba muna sa bakery after?"
"Choppy ka ba o talagang nauutal ka lang? Anyways, hindi, day-off ko ngayon. Diretso uwi na ako. Bakit? May ipadadala ka? May gusto bang kainin si Chandy?"
"Sige. Uwi ka agad, ha? Gusto kang makausap ni Tito Boyet. Tatawag siya mamaya pag-uwi mo."
"Sige."
Ako na mismo ang bumaba ng tawag at nagpatuloy sa trabaho sa opisina.
Nang oras na para sa uwian, since hindi naman ako dadaan na sa bakery kasi nga day-off ko, nag-commute ako pauwi. Malapit lang naman kaya hindi na hassle.
Nang makarating sa bahay, binati ko si Sia at Chandy. Si Chard naman ay nasa trabaho pa kaya silang dalawa lang 'yong naabutan ko.
Kinarga ko si Chandy para masamahan niya ako sa kusina. Pinasadahan ko ng tingin si Sia na nakapagtataka ang pagiging tahimik at maya't-mayang napapatingin sa akin at sa cell phone na hawak niya.
"Is Mommy Sia okay, Chandy?" Bulong ko sa inosenteng bata habang nakahawak sa iPad niya at pinapanood ang paborito niyang Cocomelon.
I wonder if Aye also like Cocomelon?
"I don't know, Mom. She's like that before you came home. She's always on her phone dialing your number. I don't know, Mom."
"Oh, okay? Can you please go to your room muna, Chan? I'll talk with Mommy Sia muna."
"Okay, Mom." Masunurin na bata si Chandy kaya agad siyang tumakbo papunta sa kuwarto niya bitbit ang iPad niya.
Sinundan ko pa siya ng tingin to assure her safety bago ko ibinalik ang tingin kay Sia na abala pa rin sa cell phone niya, hindi pa rin ako pinapansin.
Kumuha ako ng mineral bottle sa fridge at saka tinanong siya.
"Okay ka lang ba? Anong oras daw tatawag si Tatay? At saka, umiyak ka ba? Namamaga mata mo."
"H-Hindi, kagigising ko lang kaya maga 'yan."
Tumango ako sa sinagot niya at hindi na na-curious pa.
"So, anong oras tatawag si Tatay?"
"H-Heto, tinatawagan ko na."
Naghintay ako ng ilang minuto sa tawag ni Tatay gamit ang cell phone ni Sia. Hindi na ako gumagamit ng social media accounts kaya kung tatawagan ko sina Nanay at Tatay, through kay Sia na since nakikitawag lang din naman sina Nanay kina Tito Orlan. At saka, minsan lang din naman akong makipag-usap sa kanila. Hindi ako 'yong tipong nakikipag-communicate sa kanila all the time, twenty-four/seven in love. Char.
Matapos ang ilang segundong pagkakatulala ay ipinasa na sa akin ni Sia ang cell phone niya. Nagri-ring pa naman ang kabilang linya at mukhang video call pa itong tawagan namin.
"'Tay! Magandang gabi po!" Kumaway ako kay Tatay nang makita ko agad ang mukha niya sa screen ng cell phone. Paniguradong gabi na sa Pilipinas kasi nakabukas na ang ilaw at mukhang nasa bahay siya nina Tito Orlan ngayon. "Si Nanay nga po pala, 'Tay?"
"'N-Nak…"
"At saka, 'Tay, namamaga yata 'yang mata mo? Kagigising mo lang din ba?"
"'N-Nak-"
"By the way, 'Tay, pasensiya na hindi na ako nakatawag noong mga nakaraang araw, ang dami po kasing trabaho sa opisina, tinatapos lang po namin. Hayaan n'yo po, 'Tay, magpapadala ako bukas para mabili na ni Nanay 'yong mga tanim na gusto niya para sa hardin niya."
"Anak, wala na si Nanay mo."
In-adjust ko muna 'yong upuan sa kitchen island habang kausap si Tatay. Na-distract ako sa ginagawa ko kaya hindi ko narinig ang sinabi niya. Ang narinig ko lang 'yong 'wala', e.
"Po?" Tanong ko, to clarify na rin his words. "Hindi n'yo po ba kasama si Nanay d'yan? Nasaan nga po pala siya? Hindi ba siya sumama sa inyo papunta r'yan kina Tito Orlan?"
"'N-Nak, wala na si Nanay. Patay na si Nanay mo. Stroke, 'nak, hindi nakayanan ng Nanay mo."
Mas hindi ko nakayanan ang klarong sinabi ni Tatay na sinabayan niya ng pa-simpleng iyak.
Putang ina, ano?!
~