webnovel

Given Kiss

SUMAPIT ang umaga ay hindi na talaga ako tinantanan nila Mhelanie at Elizabeth. Pati si Nanay din ay nahikayat nilang makisama na tuksuin ako.

"Namumula si Tam." Tudyo ni Mhel sa akin at sinundot sundot pa ang tagiliran ko.

Agad akong umiwas sa kanya. May hawak akong isang tasa ng kape at umuusok pa iyon. Baka umalpas ang laman niyon at matapon sa akin. Magigisa ko na talaga si Mhelanie.

Inangat ko ang kamay para salubungin ang bawat tusok niya sa tagiliran ko.

"Isa, Mhel!" Banta ko sa kanya. "Mahuhulugan ako ng kape kapag hindi ka pa tumigil diyan!"

She just only sticked out her tongue on me. Pasaway na bata!

"I thought you were really mad at him, Tam." Sabat ni Elizabeth habang nakaupo siyang mag-isa sa mataas na stall ng kitchen counter namin. "I don't mean to offend you, doll. I just wanna know the juicy details."

Bigla ay natigil si Mhelanie sa pagtukso sa akin at parang wala sa sariling umupo sa tabi ni Eli.

Napaangat ang kilay ko. "Bakit may juicy?"

Napanguso si Mhel na parang natatawa habang tinatanaw ang kanyang gatas. Naningkit ang mata ko kaagad ng may maalala.

"What lies did you tell them, Mhelanie?!" Hindi ko mapigilang hindi mamula sa mismong tanong kong iyon.

What the hell? Juicy? Bakit parang malaswa iyon sa pandinig ko?

Kaagad siyang nag-angat ng tingin at bigla ay nakita ko siyang namutla.

"Ako na naman, Tam! I didn't even tell them anything, you witch!" Dinuro niya pa ako na parang gigil na gigil siya. As if! Mas malaki pa kasalan niya sa akin keysa ako sa kanya.

Elizabeth laughed echoed across our kitchen. "Oh my God, Tam! Masiyado kang defensive. Tinatanong ko lang naman kong anong nangyari? I'm just only teasing you with the 'juicy' word, you know?"

Napasimangot ako at natauhan sa sinabi niya.

I groaned. "You two are both enjoying making my life miserable, aren't you?"

Natawa silang dalawa sa akin pareho.

"Huwag kang mag-aalala dahil uuwi na kami. Wala nang pupurhesiyo sa iyo dito." Elizabeth said.

Napawi ang ngiti ko sa sinabi niya. "B---bakit? Hindi ko naman kayo pinapaalis, ah?" Malungkot kong tanong sa kanilang dalawa. Palipat lipat ang tingin ko at kahit si Mhel ay nakikita ko ang bahagyang pagngiwi niya.

"Of course, Tam. We enjoyed our stay here. Ano ka ba naman, doll!" It was Mhel.

When I looked at Eli, she just smiled at me. "May emergency kasi sa trabaho at ganoon din kay Mhelanie. Don't worry, we will still visit you."

Even if it hurts a little, alam ko namang hindi sila pwedeng mamalagi dito. They have their different lives. At isa pa, ikakasal na si Elizabeth. Marami siya sigurong dapat aasikasuhin. Ang saad pa niya ay ipapadala na lang daw niya ang invitation sa akin. Si Mhelanie ang napili niyang maid of honor habang ako ay isa sa mga brides maid. Nitong nakaraan ko lang ding nalaman na magkakaibigan pala ang fiancée niyang si Nicholas at si Gabriel.

Maliit nga talaga ang mundo, no?

"I will going to miss you, doll." Bulong sa akin ni Mhelanie habang yakap ako ng mahigpit.

Napapikit ako ng wala sa oras at dinama ang yakap niya. Kahit man isiping imbitado ako sa kasal ni Elizabeth ay malayo pa rin ang chance na makikita ko sila ulit. Elizabeth's wedding will be next month. At para sa akin ay matagal na iyon para makita sila ulit.

"Teyka, Eli…" Agad akong kumalas kay Mhel ng may maalala. "How about the fitting of my gown?"

Ngumuso siya at tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. She then angled her face on my body like a walking measuring tape.

Then, tinuro niya ang boobs ko. "36." Saad niya.

Napasinghap ako ng wala sa oras.

Wow! How did she know?

Hindi pa ako nakaumang ay lumapit siya sa akin at may inilabas na measuring tape. Namilog ang mata ko ng idinikit niya iyon sa tiyan ko.

Halos mamula ako ng nilingon ko ang buong sulok ng terminal kong may nakatingin sa amin. Hinatid ko lang naman kasi sila dito sa may sakayan ng mga van sa lungsod upang maihatid sila patungong airport.

"What the hell, Eli?!" Mahinang tili ni Mhel ng makita niya ang ginawa nito. Natatawa niya akong tiningnan at si Eli.

Elizabeth only looked at me innocently. "What?" She asked us both. "I'm just measuring your body proportion!"

Humagalpak na ng tawa si Mhel at halos mahulog niya ang aviator glass niyang dala. Pinagtawanan pa ako ng babaeng to.

"Jeez! Okay lang sana kung body measuring tape ang pinangsukat mo, no?" Tapos kinuha niya ang measuring tape na pang-konstruksiyon kay Elizabeth. "What the! Hindi pader ang beywang ni Tamina."

"I don't have anything here with me. Tanging iyan lang ang nadala ko. And besides, there's nothing wrong with that." Hinablot niya ito muli kay Mhelanie. "This construction equipment can measure anything!"

Namangha ako. "You always bring that even off in work?"

Mabilis na tumango si Elizabeth na parang bata dahil sunod sunod ang naging tango niya.

"Alam mo naman ang trabaho natin, we always visit the site. At isa pa, masiyado akong makakalimutin kaya dinadala ko ito palagi sa hand bag ko incase if there will be a site inspection sa mga projects na hinahandle ko."

She then smirked in front of me.

"And who says it's not flexeble?" She holds the hook and pulls the tape out of its case.

Bagong bago pa ang tape measure niya kaya kitang kita ko pa kung gaano katinik ang blade nito. When she was satisfied with the length she had pulled out, she then click the thumb lock beside the case to prevent the blade for moving back inside the case.

Agad akong umatras ng sinubukan niya ulit akong sukatin.

"You've got a size of 24 waistline." Saad ni Elizabeth at sumipol pa na parang tambay sa kanto.

"Ang sagwa, Elizabeth!" Saway sa kanya ni Mhel nang pumiyok siya sa pagsipol.

Umirap lang si Eli sa kanya. Kaagad niyang itinago ang kanyang measuring tape.

I then sighed in relief.

Minsan umaatake din ang pagka-weird ni Eli. Akalain mo, pinangsukat niya sa katawan ko iyon. Ginawa pa akong bagay.

She then turns her eyes to my hips and stared at it for a moment.

"May lahing tailorist ka pala, Eli." Biglang singit na naman ni Mhel na ngayon ay may kinakain na namang junk foods. Where did she get that?

Umiling lang sa kanya si Elizabeth. "Let's just say, I was born talented."

Tuluyan akong natawa sa sinabi niya.

"And I was born beautiful. So, let's go now or we'll going to be late in our flight." Saad ni Mhel habang ngumunguya.

Sa muli ay niyakap nila akong dalawa bago sila pumasok ng van. Kahit man hindi ko sila nakikita sa loob ay itinaas ko pa rin ang aking kamay para magpaalam. Nang mawala na sila sa paningin ko ay saka ako sumakay uli ng tricycle patungong bahay.

"Babe…"

Halos mahulog ko ang isinukli sa akin ng tricycle driver ng marinig ko ang pamilyar na boses na iyon. Nang nilingon ko ang pinanggalingan niyon ay nakita ko si Gabriel na prenteng nakaupo sa hood nang kanyang truck. His hands were slanted backwards and he looks freaking gorgeous.

Kailan ba hindi?

Para akong naestatuwa ng mapagtantong nandito nga siya. Mas dumoble ata ang kabang nararamdaman ko ngayon ng makita siya. Ibang iba sa kadalasang nararamdaman ko noong nakaraang buwan at mga araw. Isang malakas lang na hatak sa katawan niya ay agad siyang lumandag. The loud bang from his sudden jolt makes a loud impact with the ground. Halos kalahati ata ng talampakan niya ay lumubog sa lupa. Sa laki nga naman ba ng katawan niya.

Naglakad siya kaagad patungo sa akin. Hawak ang kanyang batok at beywang ay hindi niya din ako nilubayan ng tingin. Muli ay mas lalong napako ang tingin ko sa kanya. He was only wearing a refreshing white shirt and dark jeans pants. Pero kahit man simple lang kung titingnan ay hindi ko mapigilang hindi muling humanga sa taglay niyang kakisigan.

"Magandang hapon po, Sir Gabriel." Bati sa kanya ni mamang driver.

I saw him smirked at me before turning his head to the driver. Awtomatikong nag-init ang pisngi ko ng mapansing napuna niya ang paninitig ko sa kanya ng matagal.

Damn, Gabriel! He really knows he's effect on me, huh?

Tipid na ngumiti at yumuko sa kanya si Gabriel.

"Magandang hapon rin po." Magalang niyang bati pabalik dito.

Nagbaba na lamang ako ng tingin at hinintay siya sa aking kinatatayuan. Ilang segundo pa ay naramdaman ko siya sa aking tabi. Nang tiningala ko siya ay hindi siya nakatingin sa akin pero ang kanyang mga kamay ay bigla nang inangkin ang beywang ko para sa mahigpit na yakap mula sa tagiliran.

Naalarma ako sa ginawa niya. Kaagad ay nagsimulang kumalat ang init sa aking tiyan patungo sa aking mukha. Nang lingunin ko si mamang driver ay hindi man lamang ito nagulat sa agarang pagyapos ni Gabriel sa akin. Bagkos ay nasa kay Gabriel lamang ang atensiyon nito habang nag-uusap sila ng mga bagay na hindi ko maintindihan.

Hanggang sa nagpaalam ito ay hindi pa rin tinatanggal ni Gabriel ang mga kamay niya sa akin.

"Why are you so quiet, babe?" Tanong niya sa akin ng nilingon niya ako. "May nangyari ba, hmmm?" Malambing niyang sabi sa akin at hinalikan ang buhok ko.

Shit!

"H----ha?" Nauutal kong tanong sa kanya.

Wake up, Tam!

I then heard his low baritone chuckle. "Why do you look tense?"

"Gabriel, we are in a public place! Baka may makakita sa atin!" Hindi ko napigilang giit sa kanya.

Napalunok ako ng wala sa oras at pilit kumalawa sa kanya ng mapansing may paparating na namang tricycle sa gawi namin. Nasa gilid pa naman kami ng kalsada nagyayapusan, baka ano naman isipin ng mga taong nakakita sa aming dalawa.

Nang makawala ako ay kaagad kong tinalikuran siya. Hindi pa man ako nakaabot malapit sa truck niya ay naramdaman ko na naman ulit ang mga kamay niyang hinuli ulit ang beywang ko.

"Ay!" Impit akong napatili ng ang dalawang mga kamay niya ay pumalibot sa akin.

"Why are you running away from me, huh?" Halos mahigit ko ang hininga ko ng ibinulong niya sa akin iyon. "At huwag mong irason na nasa public place tayo, babe, dahil kahit pa man niyayakap kita noong nasa palengke tayo ay hindi ka naman nagprotesta."

Hindi ko na siya nilingon pa dahil baka magkandabuhol buhol na naman ulit ang paghinga ko. I can even felt his heat towards me and makes my heartbeat crazy like a crumbled shit. At hindi nakakatulong ang masiyadong pagkakalapit namin nito.

"I'm your boyfriend now." He added, still determined to pursue his logic. "So, tell me what's wrong?" Bigla ay nag-iba ang tuno ng boses niya. May pagsusumamo pero hindi pa rin nawawala ang kalamigan mula doon.

Natahimik ako sa sinabi niya.

Quickly, I then felt his lips making traces on the top of my head.

What are you doing to me, Gabriel? Yes, he is my boyfriend now. But still, I can't believe it. Kaya nga para akong tangang nakatunganga lang kanina dahil kahit anong pilit kong tulog kagabi ay hindi ko magawa. Too much excitement immediately consumed me last night and it was hard for me to close my eyes. Naging mailap sa akin ang antok at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin na rin na-istable ang nararamdaman ko.

"W---wala, Gabriel. Doon na lang tayo sa bahay mag-usap, huwag dito."

Tuluyan siyang natawa sa sinabi ko at hinulog niya ang kanyang ulo sa akin balikat.

Pinagtatawanan niya ba ako?

"Fuck! Are you nervous?" Tanong niya sa akin pero ang ulo ay hindi pa rin inaangat.

His breath is tickling me and I swear I find those thoughts so erotic. What's happening to me? Nagiging mahalay na ba ako?

Oh jeez, Tamina!

Mas lalo niya pang hinigpitan ang yakap sa akin kaya muntik na akong mabuwal kong wala lang siya sa likuran ko.

"Babe…" Tawag niya sa akin ulit.

Hindi ako nakaimik at natuod na talaga sa kinalalagyan ko.

I saw him lifted up his face. Direktang tumama ang kanyang mga mata sa aking mukha. Hindi na ako nag-abala pang lingunin siya dahil sa kabang nararamdaman ko.

He groaned when I didn't look at him.

"Bakit ayaw mong tumingin sa akin? Do I look bad on my shirt? Or my hair was just too messy, perhaps?"

Napapikit ako ng wala sa oras at wala sa sariling nilingon siya.

"I---it's not that, Gabriel." Lumunok ako ng laway ng tumama ang mata niya sa aking mga labi. "I---I'm just…"

Kumunot ang noo niya sa akin. His perfectly neated dark brows collided to each other and when his green emerald eyes reach mine, I was beyond terrified again.

"Just what?" He spat on me too fast.

Nakita ko ang unting pagningkit ng kanyang mga mata ng makita akong balisa.

"Wala!" Pagkakaila ko. "A---anong ginagawa mo dito?"

He then smirked on me and let me go. Hinawakan niya ako sa aking kanang kamay habang higit ako papunta sa kanyang truck. Tumingkayad siya doon at may inabot. Nang lumingon siya sa akin ay kaagad siyang may inabot na malaking supot ng mga libro.

I arched my brows on him. "Para saan ito?"

Ngumuso siya sa akin at hinapit ako. "It's my gift for you in our first day. I actually thought about flowers but then again, I know you love books. That's why I bought this for you."

Namilog ang mata ko sa sinabi niya. Nang buksan niya ang mga iyon ay kaagad kong nalanghap ang nakakahalinang amoy na nagmumula doon. Nangangamoy bago nga at nang makita ko kung anong mga libro iyon ay bahagya akong nagulat.

"Architectural books?!" Hindi ko mapigilang mamangha ng ilapat ko ang mga kamay ko doon at hinaplos ang cover nito.

Tumango siya sa akin. "I ordered it last month for you. I just thought you might need it when the time comes you'll decide to go back to school, babe."

Hindi ko mapigilang hindi manlambot sa sinabi ni Gabriel. His thoughtfulness makes me speechless. I never thought of going back to school because for now, I felt satisfied with my job. But now, I felt the hunger again of going back because of him. His support towards reaching my dream became a wondrous feeling for me. I was awed for that.

Nilingon ko siya at nginitian ng matamis.

"Thank you, Riel."

Natigilan siya sa sinabi ko.

"B---bakit?"

Umiling siya at marahang kinagat ang labi.

"You called me Riel?"

"Why? Masama ba iyon?"

Ngumuso siya at marahan akong tinitigan. "No. I love it. From now on, call me like that."

Nang sandali rin iyong ay tumungo na nga kami ng bahay. Pinagpaalam niya ako kay Nanay na mamasiyal kami. Hindi pa man din kami nakapasok sa bahay ay kaagad na kaming pinagtulakan ni Nanay na umalis.

Botong boto talaga siya kay Gabriel, ha?

"Where are we going?" Takang tanong ko sa kanya. Hanggang ngayon kasi ay hindi niya pa sinasabi kong saan kami pupunta.

Hindi niya ako nilingon pero ramdam ko naman ang mga kamay niya sa beywang ko. Hinahaplos ako roon.

"Sa langit, babe. Sa langit." Seryoso niyang saad.

Kaagad ko siyang tinampal sa kanyang balikat na ikinahalakhak niya.

"Masiyado ka namang hot, babe. I actually scheduled a picnic for the both of us in the hills." Sagot niya at panandalian akong nilingon.

"W---why?"

Nagkibit balikat siya at unti unti ay binagalan niya ang andar ng sasakyan. Nang lumibot ako ng tingin sa paligid ay nakarating na nga kami.

"Bakit hindi?! I want to spend my time with my girlfriend."

Umirap ako sa kanya. "Masiyado yata tayong masaya ngayon, ah!"

He smirked and snake his hands on my waist again.

"Who wouldn't be? You are officially mine now." He whispered at me possessively.

Pero bago pa ako makaumang ay binitawan niya na ako at kinuha niya ang malaking basket at rectangular tupperware na maraming lamang pagkain.

"You cooked all of that?" Mangha kong tanong.

Tumango siya sa akin at nilahad ang picnic blanket sa kamay ko.

"You seriously thought about this, huh? Hindi man lang ako na-inform!"

He lazily turned to me. "Sino ba kasi ang tumakbo at iniwan na lang ako basta kagabi pagkatapos akong sagutin, ha?!"

Agad akong namula sa sinabi niya.

"Shut up, Gabriel."

He arched his brows on me. "And now we're back to Gabriel."

Natawa ako. "Then, how about…'Shut up, babe.'?"

Gabriel stared at me for a long time after saying that. Tila ba ay nag-iba ang hanging lumulukob sa kanya dahil natahimik siya at biglang nagdilim ang mata. Ang mga panga niya ay mahigpit na nakaigting. Kaya ang sunod niyang ginawa ay halos hindi ko na nasundan. Marahas siyang lumapit sa akin at binitawan ang kanyang mga dala.

He then tilted his head.

"Can I kiss you, babe?" He huskily asked.

Namutla ako at nabigla sa sinabi niya.

"W---what?"

Kagat labi niya akong tinitigan at ang kanyang mga kamay ay mabilis akong hinapit.

"I said, can I kiss you?" Tila nagtitimpi niyang saad.

Napaawang ang labi ko sa tanong niya. I saw his dark eyes turned to my parted lips and it darkened more.

"Is this your first time to ask a girl for a kiss?"

I saw him swallowed hard. "Yes."

"O---okay."

He smirked. "What okay?" He asked playfully.

"I said okay! You can kiss me, Gabriel. No need to ask me that damn---"

Bago ko pa matapos ang sinabi ko ay inataki na niya ang labi ko ng isang nakakaliyong halik. I never thought that our first kiss as couple would be this thrilling. His kiss was beyond electrifying and earthshocking. Dagdagan pa ang banayad na paghaplos niya sa aking balat ay mas lalo akong nag-iinit.

Sa unang galaw ng labi niya na tila ako'y hinahagod ay para na akong nababaliw dahil sa init at kabang nararamdaman. Umangat ang kamay ko sa kanyang balikat at doon ay kumuha ako ng suporta para tugunin ang halik niya.

I heard him moaned. "Fuck!" He hissed between our kisses.

Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko at parang may humahalukay sa aking sikmura. At nang maghiwalay kami ay pareho na naming habol ang aming mga hininga. Kaagad na pinagdikit ni Gabriel ang aming noo at muli ay pinatakan niya ng halik ang aking pisngi.

"I never thought that a given kiss would be this fucking delicious." He panted and claimed my lips for a kiss once again.

Siguiente capítulo