webnovel

Mad

NAKAUWI kami ng walang imikan at kahit hanggang sa nahatid ko siya patungo sa truck niya ay hindi ko na siya kinausap at gayon din siya sa akin. Tinulungan ko na lang siyang ayusin ang mga gamit niya. He glanced at me but I didn't look at him. The severity of my actions earlier is précised. Kung hanggang kaya kong maging malamig ang pakikitungo ko sa kanya ay gagawin ko. Huwag lang ako ulit madikit sa kanya. Totoo nga ang sinabi ni Terry, Gabriel is a very dangerous man when you get to know him more. The more you are intrigue about him, the more you are in danger.

"So, I guess I'll see you at the party tonight?" He asked me. Nagulat ako sa agarang tanong niya kaya nabitawan ko ang bag niyang muntik ko na sanang ilagay doon sa likod ng truck niya.

Mabilis siyang yumuko at halos hindi ako magkandaugaga kung anong gagawin.

"Am I that unpredictable? I'm sorry." Malalim na boses na sabi niya. Gumalaw ang mga paa niya papunta sa akin kaya agad akong nakaramdam ng kaba. Umatras ako at hinayaan na lang siya doon. I've never been this rattled my whole life. Kahit man ay may gusto akong lalaki noon ay hindi ako ganito kong umakto na parang kabado.

"Uhmm." Tumikhim ako. Lumingon siya sa akin pagkatapos niyang maideposito ang kanyang bag sa likod.

"B-baka hindi ako makadalo. Pakisabi nalang kay Donya Consuelto na maraming salamat sa pag-imbita sa akin." Ngumiti ako pagkatapos.

I saw his jaw clenched. Hindi ata nagustuhan ang sagot ko.

"Bakit hindi ka makakadalo?" Malamig niyang tanong sa akin.

Napasinghap ako ng hangin ng wala sa oras. I saw him looked at me. No! He was actually glaring at me.

"A—alagaan ko pa ang Nanay. Umalis na kasi si Aling Mylene, walang ibang mag-aalaga sa kanya kundi ako lang." Sagot ko sa kanya.

Kaagad napalitan ng malambot na ekspresiyon ang mukha niya. Tumango siya ng ilang segundo ang lumipas.

"I have to go now. Thank you for guiding me up there." Nakangiti niyang saad sa akin na ikinatanga ko.

He started the engine of his truck. Akmang aalis na sana ako ng tinawag niya ako ulit.

"I meant what I said this morning, Tamina." Makahulugan niyang sabi bago ako iniwan doong nakatunganga. Lumunok ako ng laway bago ako nagkaroon ng malay na tanawin siya. Mas lalong bumilis ang takbo ng puso ko.

Nang hindi ko siya na matanaw ay kaagad na akong pumanhik patungong bahay. Naiinis akong humablot ng mga dahon sa tuwing sumasagi sa isip ko ang sinabi niya. I wasn't expecting that! Akala ko ay hindi na niya iyon uungkatin pa!

Pesteng babaerong iyon! Akala niya maiisahan niya ako?

Uhrgh! Mas lalo akong naging bayolente sa paghablot ng mga dahon sa mga sangang nadadaanan ko para maibsan ang galit na nararamdaman ko! No! Hindi siya pwedeng pumasok sa isipan ko kahit kailan, ulit!

I'm through with his kind!

"Nak?" Tawag sa akin ni Nanay ng makitang marami akong nadalang dahon. Nakanguso ang kangyang labi habang nakatingin sa akin.

Mabilis kong binitawan ang mga dahon sa damuhan at pinagpag ang damit kong hindi ko maitsura ang lagay. Marami na kasing putik na nakadikit dito dahil sa pagkakadapa ko kanina. Buti na lang talaga ay hindi ako pinagtawanan ni Gabriel dahil kung nagkataon ay mas lalo akong mahihiyang makisalamuha sa taong iyon.

He is a teased. Dagdagan pang ang kulit pala ng ugali niya.

Parang natatawa akong tiningnan ni Nanay ng maiangat ko ulit ang aking mukha.

Tumikhim siya ng sumimangot ako. "Nakaalis na ba si Gabriel?" Tanong niya sa halip ng kanyang tinatagong tawa.

Kumunot ang noo ko sa kanya ng may mapansin akong kakaiba. At dahil hindi gusto ni Nanay na lagi ko siyang pinupuna kapag may pagbabago sa kanya ay tumahimik na lamang ako. Her face looks very gloomy and radiant now. She looks healthier than ever. Hindi na masiyadong nangingitim ang ibabang parte ng kanyang mata. Matamis akong ngumiti sa kanya pabalik.

"Oo, Nay. Hinatid ko lang po tapos nagpaalam na siya kaagad at umalis na."

"Hindi ba ay may party na gaganapin doon sa mansiyon? Hindi kaba inimbita ng butihing Donya, nak?"

Natigil ako sa tanong niya. Kinuha ko ang boots ko at mariing hinugasan sa gripong naroon.

"Inimbita po pero wala akong balak pumunta doon." Sagot ko ng hindi tumitingin sa kanya. Mabilis kong nilinis ang boots ko. Kumuha pa ako ng sabon para linisin ang loob nito para matanggal ang amoy ng putik na nandoon. Nang matapos ay isinampay ko ang boots ko sa sangang nakaumang doon malapit sa gripo.

In my peripheral vision, I saw her seat in the wooden chair in our porch. Inayos niya ang kanyang tinatahing damit, nagsisilbing libangan na niya iyan simula ng mawala ang ama ko. I never questioned about her hobby since then. Kung ano ang gusto niyang gawin ay hahayaan ko na lamang siya.

"Bakit ka naman hindi pupunta doon? Masiyado kang pagod sa trabaho, bakit hindi mo pagbigyan ang sarili mo kahit ngayon lang? Ang alam ko ay nandoon rin si Terry. Halos ata lahat ng kakilala ng Donya at Don ay inimbita." Mahabang saad sa akin ni Nanay.

Umiling ako at nagpagpasiyahang maligo na lang. Inabot ko ang gripo at mabilis na isinabit sa sanga ng baayabas malapit donn upang magsilbing shower ko. Noong una ay natatawa si Nanay ng gawin ko ito. May shower naman kami sa banyo pero mas masarap lang kasi sa pakiramdam kapag dito ako naliligo sa labas.

"Wala po akong damit at tsaka napagod po ako sa hiking namin ni Sir Gabriel. Matutulog na lang po muna ako pagkatapos ko nito."

Tumitig sa akin si Nanay bago ng baba ng tingin.

"Ikaw ang bahala kung iyan ang gusto mo."

Inabot sa akin ni Nanay ang towel pagkatapos kung maligo. Wala akong inaksayang panahon at natulog ako kaagad pagakatapos kong patuyuin ang buhok ko.

Kinalaunan ay nagising lang ako ng maramdaman ko ang mahinang tapik ni Nanay sa pisngi ko.

I moaned when I felt her warm touch against my cheeks.

"Nak?" Malambing niyang tawag sa akin.

Kahit napapagod ako ay pinilit ko paring magmulat ng mata ko. I'm still tired and yet sleepy, but I can't resist my mother's calling. Pipikit ang mata kong nagkusot ng aking mata at pinilit na iaangat ang aking katawan sa pagkakahiga.

I looked at her, still sleepy.

"B-bakit, Nay?" I asked and then yawned.

Nakitaan ko kaagad ang guilt sa mukha niya ng makita ang pagod ko pang mukha. Alanganin siyang ngumiwi sa akin at inayos ang buhok kong nakatabon na sa mukha ko.

Umiling ako ng ilang beses. I felt so tired all of a sudden. My body was so sore.

"Bakit, Nay? May nangyari ba?" Tanong ko ulit ng hindi siya sumagot.

Napabuntong hininga siya. "Paris is here. Binibisita ka." Saad niya sa akin.

Nanglumo ako sa sinabi niya. Natawa siya sa reaksiyon ko. Tinapik niya ang balikat ko.

"Isang oras na siyang naghihintay sa iyo. Ang sabi ko ay gigisingin na lang kita pero hindi naman siya sumangayon. Nakakahiya naman kaya ako na lang ang nagkusa na gisingin kita." I heard Nanay said.

I tilted my head and then changed my clothes in front of her. Isang malaking puting t-shirt lang kasi ang suot ko na abot hanggang hita ko. Sabay kaming lumabas ng kwarto ng matapos akong mag-ayos.

"Magandang gabi, Vice-Mayor." Nakangiti kong bati kay Paris ng makita ko siyang nakaupo sa sofa namin sa sala.

Paris was actually my suitor that Terry was talking about. Scratch that! He is not my suitor, he just assumed that he is! Hinayaan ko nalang siya, total wala naman akong balak sagutin siya kung sakali. Walang akong planong makipagrelasiyon ngayon. I'm still focus in my career and to my mother's condition. He is also the reason why most of the girl here in our town hates me. Hindi siguro maka-move on ng makalat ang balitang nangliligaw sa akin ang gwapong batang Vice-mayor ng lungsod.

Lumingon siya sa gawi ko at bahagyang umawang ang bibig niya ng makita ako. Paris is a handsome man. Namana niya lahat ng kanyang katangian galing sa kanyang ina na siyang mayora din ng lungsod na ito.

I mentally rolled my eyes.

"Oh please…just Paris, Tamina. Para naman akong matanda kapag tinatawag mo ng ganiyan." He said after awhile and then handed me the bouquet of flowers his holding.

Rose?

I hate rose.

Tinanggap ko iyon kahit labag sa kalooban ko.

"Ikaw lang pumunta dito mag-isa?" Tanong ko sa kanya ng makaupo kami ulit.

He nodded and stared at me more.

Naiilang akong tumitig sa kanya pabalik. He looks shaken a bit when he turned his gaze at me again. Para siyang nahihiya na ewan na ipinagtataka ko. Hindi naman siya ganito dati.

"Uhh..Pano ka pag-uwi mo? Wala ka palang kasama, hindi kaya mag-aalala sa iyo si Mayora?"

Natawa siya sa tanong ko. "No. Mom actuallys knows that I will visit you. Besides, I'm done with my work. Kaya maaga akong nakauwi galing munisipyo."

"Kumain ka na ba?"

Tumango siya sa akin. Hindi ko alam kong ano pang itatanong ko sa kanya kaya nilingon ko si Nanay pero wala na siya sa dating pwesto niya kanina. Ibinalik ko ang tingin kay Paris at nakita ko naman siyang parang hindi mapalagay sa sarili niyang upuan.

Kumunot ang noo ko.

"I'll get you some snack then?" Akmang tatayo ako pero hinuli niya ang kamay ko.

Napapikit ako sa iritasiyon ng wala sa oras. I'm not that really kind when it comes to a man who is obviously hitting on me!

Marahas akong lumingon sa kanya. I saw him gulped. Agad niyang binawi ang kamay niya sa akin dahil sa iginawad kong tingin sa kanya.

"I--I'm sorry." He smiled apologetically. "You don't need to get me snacks anymore, Tamina. I actually wanted to tell you something.." He trailed.

"Ano ang sasabihin mo?" Matapang kong tanong sa kanya at umupo ulit.

He licked his lips. "I wanted you to know that I wanted to court you. Alam kong nahihiwagaan ka na kung bakit parati akong pumupunta dito at sa tuwing sasabihin ko sa iyo ang pakay ko ay nahihiya ako. I'm sorry if it took me months to say it to you." Nakapangalumbaba niyang saad akin.

Paris is a good man. He is a husband material kind of a man. He is very responsible and of course very well disciplined. Sa nasasagap kong balita kay Terry ay ito na ang susunod na tatakbong Mayor sa susunod na butuhan.

Nakatingin lamang ako sa kanya at hindi ko alam kong saan ako hahagilap ng isasagot ko.

He smiled at me sweetly.

"You don't have to say something now. I can surely wait, Tamina." Natawa siya. Iyong tawa na hindi nakakainsulto at magandang pakinggan. "Of course, if you will permit me?" I then saw his cheeks begin to change its color.

Is he blushing?

Gumuhit ang matamis na ngiti sa aking labi.

"Why me, Paris? Marami namang babaeng nagkakagusto sa iyo at alam kong lahat sila ay galing sa may kaya at kilalang pamilya."

"Kung kaya ko lang." Umiling siya. "But we can't teach our heart, Tamina. It will love who it wants to love."

Napasinghap ako sa sagot niya.

"I'm sorry.." Kaagad niyang sabi ng makita akong natigilan.

"You don't have to." Agap ko sa kanya.

Biglang namang umaliwalas ang mukha niya sa sagot ko. "I will wait, Tamina.." Mahina niyang saad sa akin.

I wanted to say no but I can't ruin him right now. Hindi iyon maatim ng konsensiya ko. Pero kung hindi ko naman siya dederitsuhin ngayon, ako na naman ang mahihirapan nito.

Maybe…I let it for now.

"Gabriel!" Malakas na sigaw ni Nanay galing sa labas.

I immediately felt the thunder beating of my heart when I heard my mother's excitement declaration. Napabaling si Paris kaagad sa pinto ng bahay at nalilito itong nagbalik ng tingin sa akin.

"What's Gabriel doing here? Is he your suitor too?" Tanong ni Paris sa akin sa hindi ko maipaliwanag na tono.

I was about to answer him but Gabriel stepped in to the house with a large bouquet of Gumamela in his arms.

My lips parted a little.

"Nak, bakit hindi mo sinabi sa akin na aakyat din pala ng ligaw sa iyo itong si Senorito Gabriel?" It was Nanay.

Nag-init ang pisngi ko sa sinabi ni Nanay. What the heck? He never mentioned it to me. At kahit pa gusto niyang manligaw, hinding hindi ko siya sasagutin!

Really, Tamina?

Letse talagang lalaking ito! Hindi na nahiya! Ang angas pa ng dating niya, ha? Nang tingnan ko siya ay madilim na itong nakakatitig kay Paris.

"Resullar." Madiing bati nito kay Paris habang walang emosiyon ang mukha.

Tumikhim si Paris.

"What are you doing here, Gabriel?" Paris asked in a serious tone.

Hindi na nagpatigil ang dalawa at pareho nang masama ang ipinupukol na tingin sa isa't isa.

Siguiente capítulo