webnovel

9

BUO NA ang pasya ni Ember. Pagkatapos ng naging insidente kanina sa sementeryo, mas tumibay ang determinasyon niya na tulungan si Lantis. Sunog ang ikinamatay ng binata, katulad ng kung paanong nawala sa kaniya ang mga magulang. Nang makitaa niya kanina ang kalagayan ng bangkay ni Lantis, parang may mga kuko na kumutkot sa sugat na akala niya ay naghilom na.

Naisip ni Ember, paano kung after mamatay ng mga magulang niya, hindi rin magawang lisanin ang lupa dahil may pumipigil sa mga ito? Paano kung gaya ni Lantis, desperado rin ang mga ito na mahanap na ang "liwanag" dahil nahihirapan nang manatili sa mundong hindi na kinabibilangan? Paano kung naroon pa rin ang mga ito sa lupa, isa sa mga kaluluwang hindi alam kung saan tutungo o kung kanino hihingi ng tulong? Sa tuwing maiisip niya na maging sa kabilang buhay ay nahihirapan pa rin ang mga magulang, parang may mga punyal na sumasaksak sa bawat bahagi ng katawan niya.

"I'm sorry," out of the blue na usal ni Ember habang lulan ng pick-up. Pabalik na sila sa LACE. Malapit na iyong magtanghali. Matapos mag-iniyak kanina ni Ember sa tabi ng puntod ni Lantis na nilapastangan ng mga taong hindi pa nila kilala, hinanap nila ang caretaker ng sementeryo. Ang sepulturerong si Mang Gardo ang nakita niya. Inalerto naman agad ng matanda ang mga baranggay tanod na siyang tumawag sa mga pulis. Since siya ang unang nakaKita sa nangyari sa puntod ni Lantis, kinunan siya ng testimonya ng mga pulis, inusisa, kinuha ang ilang impormasyon tungkol sa kaniya. Ilang minuto lang ay may dumating na representative ng Saint John Cemetery. Nang madinig ni Ember na natawagan na nito ang pamilya Arcanghel, hindi niya napigilang itanong kung puwedeng mahingi ang contact info ng mga ito. The police officers shot her a suspicious looks. Cue na iyon para kay Ember na umalis bago pa man siya mapabilang sa listahan ng suspect.

"'Sorry for what?" tanong ni Lantis. Mula nang lisanin nila ang sementeryo ay tahimik ito.

"Sa nangyari sa puntod mo. Sa...sa jar mo." Hindi na nila nakita ang jar. Bago pa man dumating kanina ang mga tanod ay hinanap niya nang hinanap ang garapon kahit pa gusto nang bumaligtad ng sikmura niya dahil sa amoy na bumabalot sa paligid. Bigo siya. Kahit isang piraso ng nilalaman ng garapon ay wala siyang nakita. "Hindi ko na lang sana isinauli iyon doon. Itinago ko na lang sana sa bahay."

"Don't blame yourself, Ember. Walang may alam na mangyayari ito."

Wala ring testigo. May mga nakatirang caretaker sa mga mausoleo ngunit malayo ang lokasyon ng mga iyon sa puntod ni Lantis. Pagnanakaw ang nakiKita ng mga pulis na motibo sa naganap. Maging si Ember ay iyon ang unang hinala ngunit ano ang nanakawin ng mga ito sa kabaong ni Lantis? Gold bars? Diyamante? Mapa patungo sa hidden treasure? Marahil ay natunugan ng mga magnanakaw na may nakatagong kayamanan sa puntod nito. Isa pa ay halatang yayamin si Lantis. Apelyido pa lang nito, sumisigaw na ng karangyaan. Arcanghel. Related kaya ang binata sa mga Arcanghel na may ari ng isa sa pinakamalaking depot store sa Pilipinas?

Biglang napapitik si Ember nang may ideyang kumislap sa isip niya. Napatingin sa kaniya si Lantis, nagtatanong ang anyo nito.

"Bakit hindi ko agad naisip 'yon?"

"Ang alin?"

"Ang hanapin ka sa Facebook o sa Google."

"Google? Ano'ng gagawin ko sa Google?"

She's glad Lantis still remembered what Google was. Binilisan ni Ember ang pagpapatakbo ng sasakyan. Sa halip na sa LACE, nag-iba siya ng route. Tinahak niya ang daan papunta sa Villa Socorro, pauwi sa bahay niya.

"Kumbaga sa medisina, ang Google ay isang panacea—the universal remedy, the answer to everything. Sa panahon ngayon, lahat ay nasa Google na. Malakas ang kutob ko na mula ka sa kilalang angkan. Hindi imposible na walang anumang article, news o blog patungkol sa pamilya mo o sa'yo."

"At kapag may article ngang nakasulat tungkol sa akin?"

"Hahanapin ko ang pamilya mo. Sila ang makakatulong sa atin para makatawid ka na sa linya. Just hang in there, Lantis." Sinulyapan niya ito at nginitian. Lantis's liquid brown eyes turned warm, its sides crinkled when he smiled back at her. Parang biglang nagbuhol ang mga bituka niya nang makitaa ang magandang ngiting iyon. Kapareho iyon ng ngiti sa picture sa puntod nito. It was the same smile that captured her attention the first time she laid her eyes on him. The ghost was really beautiful.

Phantom. He wanted to be called "phantom".

Phantom, then. A beautiful phantom.

****

THIRTY minutes later, nasa harap na ng laptop niya si Ember, abala ang mga kamay sa pag-click at pag-scroll, abala ang mga mata sa pagbabasa. Hindi niya alam kung alin sa mga lumabas na resulta ang unang babasahin. Libu-libong resulta ang lumabas nang itipa niya sa search engine ang pangalang "Lantis Arcanghel". There, on the monitor, Lantis's life—and death—was unfolded.

Tinitigan ni Ember nang matagal ang isang search result patungkol sa kamatayan ni Lantis. May thumbnail picture doon ng isang nasusunog na bahay. "The Heir of a Business Tycoon Died in a Tragic Fire", says the title.

"Gusto mo bang mabasa?" tanong niya kay Lantis. Ramdam niya ang tensiyon na nagmumula rito. Ilang sandali bago ito sumagot.

"No. Click on this one." Itinuro nito ang kasunod na article. "Don Fausto. That's my grandfather."

Tumalima si Ember. Tungkol kay Don Fausto Arcanghel at sa pamilya nito ang article. Tahimik niyang binasa ang artikulo. Tama siya. Mayaman si Lantis. Tama siya, konektado ito sa Arcanghel Depot Store. Hindi lang bastang konektado. Si Lantis ang successor ni Don Fausto Arcanghel, isang business mogul, CEO ng Arcanghel Corporation o ArCorp. Steel company, chains of hotels, textile company, depot stores, hardware stores, commercial buildings...ilan lang ang mga iyon sa mga negosyong under sa ArCorp. Bukod sa mga iyon, marami ring properties sa bansa si Don Fausto—naglalakihang mga bahay, ekta-ektaryang lupa sa Ilocos, Palawan at Pampanga, private resorts sa Coron at El Nido at isang private formula one circuit na nasa Ilocos at iniregalo nito sa apo—si Lantis.

"Formula one racer ka?"

Labis na nangunot ang noo ni Lantis. Nakatayo ito sa tabi niya, bahagyang nakayukod, nakikibasa sa mga nakasulat sa monitor. "I have no bloody idea," anito. "Sigurado ka ba na lolo ko nga 'yan? I mean, pareho sila ng pangalan at mukha pero..." Napailing-iling ito.

"Ayaw mong maniwala na ganiyan kayo kayaman?" Ang natatandaan lang ni Lantis ay ang pangalan ng lolo at kapatid nito. Wala itong maalala ukol sa estado ng pamumuhay ng mga ito. Confirmed na lolo ni Lantis ang Don Fausto na nasa harap nila. Naroon sa article ang larawan nito at ni Lantis na magkatabi. Lantis was younger there. Parang pinagbiyak na bunga sina Lantis at Don Fausto. They have the same aristocratic nose, deep-set eyes and curly hair. Abuhin na nga lang ang kay Don Fausto. Mayroon ding larawan na kasama ng mga ito si Kenan. Kitang-Kita ang malaking pagkakaiba ng hitsura nito kina Don Fausto at Lantis.

"Hanapin mo kung saan kami nakatira."

"Ayaw mo bang alamin muna ang tungkol sa pagkatao mo?" May link doon na magdadala sa kanila sa biography ni Lantis. Nakatutok na ro'n ang cursor ng mouse.

Bumuntong-hininga si Lantis. "Go on. Click it."

Unang bumulaga sa kanila ang malaking larawan ni Lantis na bagaman nakangiti ay sa iba nakapaling ang mga mata. He was wearing a brown leather jacket over a white V-neck shirt, torn faded jeans and black Chuck Taylor shoes. Maiksi nang kaunti ang buhok nito sa larawan, wala ring stubble. Hindi napigilan ni Ember ang mapangiti.

"Mukha kang rockstar dito," komento niya.

Sa ilalim ng larawan ay ang fast facts ni Lantis. Five foot eleven inches ang height nito, sixty five kilograms ang timbang, type A ang dugo, itim at puti ang paboritong kulay, adobo at sinigang na baboy ang paboritong Filipino cuisine, eye color: brown, hair color: dark brown...he was half-Filipino, half-British, sa UK ipinanganak at nag-aral ng elementarya, sa Pilipinas nag-highschool at sa England nagtapos ng kursong Business Ad.

Lantis Harris Arcanghel was the heir of the business mogul Fausto Arcanghel. Lantis was the product of interracial marriage between Emilia Harris, a British stewardess, and Alfonso Arcanghel, Don Fausto's sole son. With both his parents deceased, Lantis was left under the wings of his multi-millionaire grandfather. It was expected of him to follow his grandfather's footseps but Lantis chose a path of his own by throwing away his suit and tie in exchange of racing suit and spending some perilous time on a racetrack rather than on the confinement of his own office at Arcanghel Corporation. Lantis was in the middle of building an empire of his own—the Victor's Circuit, a formula one circuit located in United Kingdom—when he died inside his burning house on April 30, 2015. The unfinished racetrack was put on the market, together with his prized formula cars.

Pagkatapos iyong basahin, hindi agad nakapagsalita si Ember. The article was short and straight to the point, pero sapat na upang maliwanagan siya sa kung sino o ano si Lantis noong nabubuhay pa. Isang car racer. Alam niya na competitive ang mga taong may ganoong klase ng karera. They're confident and fearless. Ayon sa nabasa niya, mas pinili nitong kumarera keysa manatili sa opisina—at marahil tumulong sa pamahahala ng kompanya ng lolo nito—kaya in-assume ni Ember na hindi si Lantis ang tipo ng tao na sumusunod sa dikta ng iba. Pinili nito na gumawa ng sariling daan keysa manatili sa ilalim ng anino ng lolo nito. There was so much ahead of him but the fire snatched it away, including his life. Napaka-unfair ng mundo.

Tumikhim si Lantis. "That's what my story was, huh? Cliché."

Cliché nga ba ang kuwento ng buhay nito? Oo. Ilang beses na niyang napanood ang ganoong story line sa mga pelikula. Pero ang kuwento nang matapos ang buhay na 'yon, masasabi bang clich�� pa rin? Does this kind of thing happened to everyone who passed away? Sa libu-libong taong namamatay araw-araw, ilan sa mga iyon ang nanatili pa rin sa lupa at hindi makaalis? Noong mamatay ang parents niya, nag-stay pa rin ba ang mga ito sa lupa? Did they watched her cried as she burried them? Did they cry with her? Did they try to wipe her tears away?

Sunod-sunod siyang kumurap nang maramdaman na nag-iinit na naman ang sulok ng mga mata niya. D-in-istract niya ang sarili sa pag-click, pag-scroll at pagbasa.

After another thirty minutes, Ember put down the mouse and rubbed her eyes. Si Lantis naman ay nasa ibabaw na ng mesa, naka-lotus position, nakapangalumbaba. Wala roon ang hinahanap nila. Siyempre, hindi naman basta-bastang ilalagay sa Internet ang eksaktong address ng mga Arcanghel. Kung naroon man, dadaan siya sa butas ng karayom bago makalapit man lang sa gate niyon.

"Ano kaya kung bumalik ako sa sementeryo?" tanong ni Ember. Isinara na niya ang computer. "Aabangan ko ang pamilya mo na pumunta ro'n. Baka bumalik doon ang kapatid mo."

"Sasabihin mo sa kanila na nakiKita mo ako?" Doubtful ang anyo at boses ni Lantis. There was a darker emotion lurking on his face, too. Alam niya na may kinalaman iyon sa mga natuklasan ukol sa pagkatao nito.

Nagkibit-balikat siya. "Bakit hindi? Puwede akong mag-pretend na psychic. Na nagpaKita ka sa akin upang humingi ng tulong which was true. Matutulungan tayo ni Kenan o ng lolo mo."

"Naisip ko lang, paano kung wala naman pala talaga akong unfinished business dito? What if I'm doomed here forever? What if I did something horrible while I'm alive and I was being punished?"

"Ano namang horrible ang posible mong gawin?"

"Marami. What if drug addict ako? Drug pusher? Sadista? Nananakit ng mga bata?"

"Hindi ka mukhang sadista at addict." Mas mukha itong drugs na kinaka-addict-an ng mga kababaihan at kabadingan. "Hindi ka rin mukhang killer o rapist."

"Looks can be deceiving, Ember. Look at me, mukha ba akong yumao na?"

May punto ito. Pero...hindi talaga niya ma-imagine na ang ganito kagandang nilalang ay may maitim na budhi. Isa pa, ayon sa nabasa niya, ang mga espiritung nakagawa ng karumal-dumal na mga bagay noong nabubuhay pa ay karumal-dumal din ang mga hitsura at ugali. The "Dark Ones" ang tawag ng ibang psychic sa mga ito. Kapag nasa paligid ang mga ganoong espiritu, dine-drain ng mga ito ang enerhiya ng mga taong buhay sa paligid. The people will also feel the spirits wrath, pain, sorrow, fear and other dark emotions. Nananakit din ang mga iyon at walang definite na anyo. Animo itim na enerhiya na hugis-tao. Pasimple niyang pinagmasdan si Lantis. He's definitely not a "Dark One". Mas papasa itong anghel, sa totoo lang. Suotan lang ng puting roba, lagyan ng halo at ng pares ng pakpak.

"Let's cross the bridge when we get there. Sa ngayon mag-focus muna tayo sa kung paano natin makakausap ang pamilya mo." Tumayo na siya at naghanda sa pag-alis. Tumalon pababa ng mesa si Lantis, sinabayan siya sa paglalakad.

"Thank you, Ember—for everything," sinserong sabi nito. "Don't worry, kapag nasa heaven na ako, babantayan pa rin Kita. I'll be your guardian angel."

Wala namang masama sa sinabi ni Lantis. Babantayan daw siya nito. Sino ang may ayaw no'n? Pero ewan niya. Bakit tila may malamig na kamay na humaplos sa dibdib niya? Kapag nasa heaven na ito, isa lang ang ibig sabihin no'n—nahanap na nito ang "liwanag". Wala na ito sa bahay niya. Wala na sa tabi niya.

Siguiente capítulo