webnovel

5

MAINGAT na kinapa-kapa ni Ember ang bakanteng bahagi ng hinihigaan habang nakapikit. Pinakiramdaman niya ang temperatura sa paligid. Warm and normal. Meaning, wala ang multo ni Lantis. Imimulat niya ang isang mata, pagkatapos ay ang kabila. Dahan-dahan niyang ipinihit ang ulo para tingnan ang likuran. Napabuga siya ng hangin dahil sa relief.

Bakante iyon—maliban kay Pretty Pillow One na may emoticon na nakalabas ng dila. Si Pretty Pillow Two naman ay nakakindat at naka-"Japan-Japan" sign.

"Thank you, Lord," usal niya at bumangon na. Pero kinakabahan pa rin siya nang hablutin ang tuwalya at tahakin ang papuntang banyo. For good measure, kinuha niya ang paperweight sa desk. Isang kahibangan, alam niya. Hindi naman tatablan no'n si Lantis kahit na ipukpok iyon sa noo nito pero pakiramdam niya mas matapang siya kapag may hawak na bagay na maaring gawing sandata.

Bakante ang banyo nang itulak niya pabukas ang pinto. Normal din ang temperatura.

Habang nasa ilalim ng shower, si Lantis pa rin ang nasa isip niya—ang mukha nito, ang katawan nito, ang boses nito, ang kalungkutan sa mga mata nito at kung paano itong naglaho kahapon.

"Saan ba napupunta ang mga kaluluwa?" 'Sabi nila, forty days lang daw ang itinatagal ng espiritu ng mga yumao na. Sa kaso ni Lantis, na-extend pa ang pananatili nito sa lupa. Dati ang tanong na tumatakbo sa isip ni Ember ay kung totoo nga bang may espiritung ligaw. Nasagot ang tanong niya kahapon. Dahil sa encounter niyang iyon kay Atantis the Handsome Lonesome Ghost, nahirapan siyang makatulog. Hindi rin siya nagpatay ng ilaw at kung dati, hindi siya nagdadasal bago matulog, kagabi ay nagrosaryo pa siya. "Nakamit na kaya niya ang rest na gusto niya?"

Matagal-tagal na rin na itong nagpapagala-gala sa mundo ng mga buhay, sa mundong hindi na nito kinabibilangan. Ang hirap siguro ng sitwasyon nito. Naalala na naman niya ang hitsura nito. Kung siya ang tatanungin, hindi mukhang multo si Lantis. Sobrang layo nito sa mga multong napapanood niya sa movies.

He's so handsome. And smothering hot.

"Gaga ka ba, December Madrid? Pinagnanasaan mo ang taong yumao na?" kastigo niya sa sarili habang nakaharap sa salamin at naglalagay ng deodorant.

Pero kasi...ang hirap na hindi pagpantasyahan ang ganoong nilalang—patay man o buhay.

Matapos ipusod ang buhok at mag-apply ng lip balm, hinablot na niya ang bag. Natigilan siya nang may mapansing makulay na papel sa likuran ng alarm clock. Kinabahan siya nang mapagtanto kung ano 'yon. Isa sa mga eroplanong papel ni Lantis.

Kahapon ng umaga, pumunta siya ng bayan at bumili ng bagong garapon kapalit ng garapon na nabasag niya. Ibinalik niya sa puntod ni Lantis ang mga eroplanong papel at nagmamadaling umalis sa takot na bigla na lang itong umahon sa puntod nito.

Hinablot ni Ember ang paper airplane at isinilid sa bulsa. Bago pa man bumalik ang multo ni Lantis para kunin iyon ay uunahan na niya ito. Siya ang nakatoka na magbubukas ng LACE ngayon, bago mag-alas siyete dapat ay bukas na ang tindahan. May dalawang tao siyang katu-katulong sa LACE, si Lala na tindera niya at pinsan nitong si Honey na nakatoka sa tinda nilang pagkain.

Tatlong taon pa lang nang buksan niya ang LACE. Ang kapital no'n ay mula sa naipon niya sa dalawang taong pag-ca-call center agent at naipong pera ni Antonia bago ito lumipad papuntang Japan. Dating may salon sa bayan si Antonia ngunit nang mag-usbungan ang mas malalaking salon malapit sa lokasyon, unti-unti iyong natabunan at nakalimutan. Ipinasya nitong makipagsapalaran sa Japan at sa awa ng Diyos, pinalad naman ito. Hindi lang nag-amoy Yen ang buhay nito, nag-amoy at nagkulay rosas din nang makilala si Hirosaki Nakahara.

Sumakay na si Ember ng pick-up. Sampu hanggang labinlimang minuto lang ang gugugulin bago marating ang sementeryo kung sakay siya no'n. Pagbaba ay tumakbo na siya. Hingal-kabayo siya nang marating ang puntod ni Lantis.

"Hi. M-May ibabalik lang ako." Inilabas niya mula sa bulsa ang papel, lumuhod sa lupa, binuksan ang garapon at isinilid sa loob ang hawak. "'Bye. Huwag mo na akong dadalawin uli, ha?"

Mabilis siyang tumalikod at nagmamadaling umalis.

"Miss!"

Napakislot si Ember, muntik nang madulas nang madinig ang boses na iyon ng lalaki. Mariin siyang pumikit at pinakalma ang sarili. Ipinagpatuloy niya ang paglakad nang muling marinig ang boses. Bago pa man siya muling makahakbang ay may biglang humablot sa siko niya. Kumawala ang malakas na tili sa lalamunan niya kasabay ang pagwasiwas niya ng mga braso.

"Miss, teka lang! Kalma ka lang. Isasauli ko lang itong bag mo."

Hinarap niya ang nagmamay-ari ng boses at napatulala saglit. Matangkad ang lalaki. Naka-executive suit ito, may suot na rimless eyeglasses at halatang edukado. Sa tantiya niya ay nasa late twenties ang edad. Hindi ito kaguwapuhan ngunit malakas ang dating.

Napapahiyang kinuha ni Ember ang bag niya mula sa lalaki. "Thank you. And sorry kung nag-freak out ako."

Ngumiti ito. He has a nice smile. "It's okay. Nakaka-freak out naman kasi talaga ang lugar na 'to." Saglit nitong iginala ang tingin sa paligid bago ibinalik sa kaniya. "Tama ba ang naKita ko kanina? Galing ka sa puntod ng kapatid ko?"

"P-Puntod ng kapatid mo?"

"That one," anitong itinuro ang puntod ni Lantis.

Kapatid nito si Lantis? Pinaglakbay niya ang mga mata sa mukha nito. Malayong-malayo ang mukha nito kay Lantis. Mamula-mula ang kutis ni Lantis, moreno ang kaharap niya. Unat na unat ang buhok nito, kulot ang kay Lantis. So may kapatid si Lantis. Pero bakit tila napabayaan na ang puntod nito?

"H-Hindi," wika ni Ember. "Sa katabing puntod ako nanggaling. Sa puntod ng parents ko." Gusto niyang sabihin na oo, sa puntod ng kapatid nito siya nanggaling pero alam ni Ember na hahaba lang ang pag-uusap nila. Siyempre itatanong nito kung paano niya nakilala si Lantis. Baka masabi pa niya na dinalaw siya ng kapatid nito kahapon. Ano na lang ang iisipin ng kaharap niya? "Sige, ha? Mauuna na ako."

Hindi na niya ito hinintay na tumugon. Mabilis siyang humakbang palayo at sumakay ng pick-up.

Nang dahil sa pagsulpot ni Lantis sa buhay niya, tinamaan siya ng paranoia. Oo, naKita niya itong naglaho kahapon pero paano kung temporary lang iyon? Paano kung bumalik uli ito at multuhin siya? Maraming "what ifs" ang gumugulo sa isip niya. What if hindi pa rin ito natahimik? What if nasisiraan na siya ng ulo at lahat ng naganap kahapon ay halusinasyon lang? What if tama ang huling naisip niya? Dapat na ba siyang komunsulta ng psychiatrist?

Napaungol siya nang maramdaman ang kirot sa kaniyang sentido. Inalis niya ang isang kamay mula sa manibela at hinilot-hilot ang bahaging iyon.

"Does your head hurt, too?"

"Oo. Sumusumpong na naman ang migraine—" Nanlaki ang mga mata niya at napalingon sa passenger seat. A cry of panic escaped her mouth when she saw Atantis there, sitting comfortably. Nabitiwan niya ang manibela at itinakip ang mga kamay sa mga mata. Gumewang ang sasakyan. Nagmulat siya, mabilis ding napigilan ang manibela pero nabangga niya ang basurahan sa tabi ng daan. Lumikha iyon ng malakas na kalampag.

"Woah! Easy, December." Inagaw nito sa kaniya ang manibela. Laking gulat niya nang mahawakan nito iyon. Hindi tumagos ang kamay nito ro'n gaya ng inaasahan niya. Nang balingan niya si Lantis, halata rin sa mukha nito ang pagkabigla.

"Bitiwan mo ang manibela ko!" utos niya sa binatang multo.

"Pull over! Step on the brakes—woah!" sigaw nito nang buong puwersa niyang tapakan ang brakes. Naalog sila sa loob. Hinablot niya ang bag niya at bumaba ng sasakyan. Walang lingon-likod na tumawid siya ng kalsada, desperadong matakbuhan ang multo ni Lantis.

Bakit? Mangiyak-ngiyak niyang tanong sa isipan. Bakit bumalik pa ito? Ano ba ang kailangan nito sa kaniya? Bakit siya ang ginugulo nito? Bakit? Bakit? Bakit?

"December, stop! Stop!"

Isinara niya ang tainga sa mga sigaw nito. Tuloy-tuloy lang siya sa paglakad. Gusto niyang mag-evaporate. Sumisigaw pa rin si Lantis ngunit agad na nilunod ang boses nito ng isa pang ingay. Napahinto siya at napalingon.

Nanigas na lamang si Ember sa kinatatayuan habang papalapit nang papalapit ang kulay puting kotse. Tila wala iyong balak na huminto at tila naman tinubuan ng ugat ang mga binti niya. Hindi siya makakilos, ni hindi niya magawang kumurap. Nag-freeze pati ang utak niya, ayaw niyong gumana.

Bumusina uli ang kotse, sunod-sunod. Sobrang lapit na niyon, nakiKita na ni Ember ang repleksiyon ng sariling bulto sa tinted na salamin. Ngunit bago pa tumama ang bumper ng kotse sa katawan niya, may malakas na puwersang kumabig sa beywang niya. Her breath was knocked out of her lungs as her body hit the ground; it was followed by a searing pain on her hip. Pumailanlang sa ere ang sagitsitan ng gulong ng sasakyan sa aspaltadong daan.

"That was close, you fool!" galit na singhal ni Lantis. Napakurap-kurap siya. Ang mga mata ni Lantis ang una niyang nakita. Galit ang nakikita niya sa mga iyon. Then his nose came into focus, then his mouth. Gumagalaw ang bibig nito ngunit hindi ma-comprehend ng utak niya ang mga salitang lumalabas doon. Nang bumaba pa ang mga mata niya, saka niya naKita ang posisyon nila ng binatang multo.

Nakapangubabaw ito sa kaniya, halos magdikit na ang kanilang mga ilong. Sinubukan niyang bumangon pero pinipigilan siya ng bigat ni Lantis. Hindi lang iyon, nakayapos din ang isang braso nito sa katawan niya, ang kabila ay nakasuporta sa ilalim ng kaniyang ulo.

"N-Nahahawakan mo ako," hindi makapaniwalang bulong niya. At nararamdaman niya ang temperatura nito. Malamig.

Dumoble ang kunot sa noo ni Lantis. Gumalaw ang Adam's apple nito nang paglakbayin ang mga mata sa mukha niya. Magkahalong gulat at pagtataka ang nakaguhit sa guwapo nitong mukha.

"Miss? Tumawag na kami ng ambulansiya," wika ng may edad na lalaki na biglang sumulpot sa tabi ni Ember. Nang hawakan ng lalaki ang braso niya, agad na naglaho ang bigat ni Lantis. At nang bumangon siya, tumagos ang katawan niya sa katawan ni Lantis. Nanatili itong nakadapa ro'n sa loob ng ilang sandali. Kapagkuwa'y bumangon ito at pinagpagan ang sarili. A useless thing to do dahil hindi naman ito narumihan o nagalusan man lang.

Nang alisin niya ang mga mata kay Lantis, saka lang napansin ni Ember na may mangilan-ngilan nang taong nakapalibot sa kaniya, kinakausap siya. May isa na pinupunasan ng tissue ang ilalim ng ilong niya. Dumudugo iyon.

"Huwag ka munang babangon, Miss. Baka mas makasama sa'yo," anang baritonong boses na tila pamilyar kay Ember. Tiningnan niya ang pinagmulan ng boses. Nagtama ang mata nila ng lalaki. Sabay pa silang nagulat nang makitaa ang isa't isa. "Hey," ang tanging nasabi nito. Ito ang lalaki kanina sa sementeryo, ang kapatid ni Lantis.

"Ako ang driver ng kotse, Miss," sabi ng may edad na lalaki. "Sinusubukan kong magpreno pero ayaw kumapit ng brakes ko. Bakit ba kasi bigla kang tumawid na para bang hinahabol ka ng multo?"

Pagkabanggit nito ng salitang "multo" ay napatingin siya sa kaninang puwesto ni Lantis. Wala na ito ro'n. Hindi nagtagal ay pumailanlang na ang ingay ng paparating na ambulansiya. Napatayo siya. Naalarma naman ang mga tao sa paligid niya lalo na ang kapatid ni Lantis.

"Okay lang po ako," pagsisinungaling niya. Ang ospital at lahat ng may kinalaman doon ay kinatatakutan ni Ember. Ni-re-remind no'n sa kaniya ang trahedyang sinapit ng mga magulang niya.

Nang makapuwesto sa likod ng manibela ay agad niyang pinaarangkada ang pick-up truck. Pilit niyang binabalewala ang kirot sa balakang niya. Naalala niya ang nangyari kanina. Nahawakan siya ni Lantis. Naramdaman niya ang katawan nito, ang bigat nito. At alam niyang naramdaman din siya ni Lantis. Anong kababalaghan iyon? Hindi lang niya nakiKita at nadidinig ang multo nito, nahahawakan niya rin. Posible kaya na...katulad na rin niya ito? Mumu na rin siya?

"Drive slowly, December."

"Puwede ba?!" sigaw niya dahil sa magkahalong gulat at inis nang muling sumulpot sa tabi niya si Lantis. "Huwag kang biglang susulpot na parang...na parang..."

"What? Na parang multo?"

Pinukol niya ito ng masamang tingin. "Muntik na akong mamatay nang dahil sa'yo."

"But I saved you," katwiran pa ng tinamaan ng lintik. Bumuntong-hininga ito. "I'm sorry. It's not my intention to scare you. Hindi ko rin makontrol ang nangyayari sa akin. Can you drive slowly? Or it would be better if you stop the car and calm yourself first."

Pinili niya na bagalan ang pagpapatakbo ng sasakyan. Sa daan nakatutok ang mga mata niya ngunit ang isip niya ay nasa lalaking nasa tabi niya. Ano'ng nangyari? Ang akala niya ay tuluyan na itong nakapag-"move on", na naKita na nito ang "light" na tinatawag. Bumalik ang guwapong multong may British accent. Binalikan siya nito.

Bakit? Bakit ako pa?

Siguiente capítulo