webnovel

The Africa

"Good morning, Ethiopia!" Masiglang bati ko nang makalabas ako sa balkonahe ng hotel room na pansamantalang titirhan ko sa pananatili ko rito.

After an exhausting trip from the Philippines and after makapagpahinga nang dahil doon ay naging maganda ang gising ko.

First day ko rito sa Ethiopia and I will make the most of it and for the rest of my stay here in the continent of Africa. Kinakabahan pero nahahaluan ng excitement ang trip kong ito. Kinakabahan dahil unang beses ko nga'ng mag-travel na mag-isa at excited dahil sa thrill na makukuha ko for solo travelling.

Kahit papaano nama'y gumaan ang pasanin ko sa buhay.

Ginawa ko ang lahat na puwedeng gawin sa Ethiopia. It's best for its cultural sites kaya 'yon ang ginawa ko at pinagka-abalahan ko.

I stayed their for almost eight days yata and then I proceed to my next destination which is Kenya, kung saan makikita ang pinag-shooting-an 'daw' ng The Lion King. Ewan ko kung totoo, sinabi lang naman ni Steve sa 'kin 'yon, e. At saka baka makita ko rin si Simba. Parang timang, MJ.

My next destination is Tanzania then Zambia at pina-huli ko talaga ang South Africa dahil mas maraming puwedeng gawin doon.

"Day seventeen, week three of my African adventure. It's Christmas time pero nandito pa ako sa South Africa, my last destination and probably my longest stay of my African tour." Ngumiti ako sa camera'ng nakalapag sa harapan ng table ko. Kagigising ko lang at ito ang unang araw ko sa South Africa. Kagagaling ko lang sa Zambia.

Sinimot ko ang hangin ng paligid at napangiti. Paskong-pasko, nandito ako sa ibang bayan, mag-isa.

Nang makuntento sa t-in-ake kong video, pinatay ko ang camera at pinagtoonan ng pansin ang iPad ko.

Nag-online ako sa Skype, baka sakaling may maligaw na tawag galing sa mga taong... siyempre inaasahan ko. Sino pa ba? Aasahan ko pa ba 'yon? E, manloloko 'yon? Baka nga by now, magkasama sila ng 'totoong mahal' niyang si Callie Dela Rama, e.

Ugh! I disgust them both.

Ma-iba tayo, noong isang araw nga pala, matinding pag-i-explain ang ginawa ko kina Mama at Papa dahil hanggang ngayon, hindi pa rin ako umuuwi. They forgot kasi na isang buwan ako rito. They really thought na dalawang linggo lang. Nabingi yata no'ng sinabi ko 'yon. Siyempre, sinabi ko na lang na hindi pa ako tapos na libutin ang buong Africa kaya ayon, napapayag ko silang hindi umuwi ng Pasko at mukhang hanggang bagong taon ay hindi rin ako makakauwi.

Saktong kaka-online ko pa lang ay agad na may tumawag sa akin.

Blakelyn Marie L. Osmeña is calling...

A sly smile form into my lips when I saw Mama's name. Agad ko itong in-accept at ang unang nakita sa screen ko ay ang mukha ni Jordyn.

"Hi Jordyn!" Kumaway ako sa kaniya para makita niya ako. Hindi ko alam kung bakit nasa kaniya ang phone ni Mama pero nang makita niya ako sa screen ay agad siyang sumigaw.

"Lola, si Tita MJ is here!" Wika ng bata.

Napangiti ulit ako at naghintay na may kuma-usap sa akin kasi halatang nagkakagulo pa ang paligid.

Parehong naka-red na damit ang pamilya ko. Kumpleto sila, mula kay Papa hanggang sa bunsong apo na si Dove.

Kinuha ni Mama ang device na gamit nila para makipag-video call sa akin para mailagay sa lalagyan na kita ang buong dining table namin at kung saan nakalatag ang maraming handa. May nakita akong lechon at iba't-ibang putahe. Basta, halos mapuno na ang dining table namin dahil sa handa.

"Hello, anak!" Bati ni Mama sa akin. At matapos no'n ay isa-isa ring bumati sina Papa, Kuya, Ate, mga bayaw ko, at mga pamangkin.

Takte naman, para akong OFW na hindi nakauwi ng Pilipinas kaya nakipag-video call na lang sa pamilya. Naiiyak ako, ganito pala ang feeling. Masaya pero alam mo sa sarili mong malungkot kasi hindi mo sila kasama. But it's my choice tho, twenty-three Christmas ko na silang kasama. Hindi naman siguro masama kung kahit isang beses lang ay lumiban muna ako, 'di ba?

Masaya ang naging usapan namin ng pamilya ko. Tumagal ang tawag dahil pinanuod ko pa sila habang nilalantakan nila ang iba't-ibang klaseng pagkain na nakahain sa lamesa. Nakaka-inggit tuloy.

Nang matapos ang tawag namin ng pamilya ko, tinawagan ko naman ang mga kaibigan ko. I initiated a conference call with them kasi nakita kong online silang lahat sa Skype.

"Bruhaaaaaaaaaaaa!"

Wala akong nagawa kundi ang tumawa nang halos mabasag ang baso ng tubig na nasa table ko nang biglang sumigaw si Jessa the moment na makita niya ako sa screen.

Nagsunoran ang iba nang makita nila ako sa screen. Like the usual, batian at chikahan lang ang ginawa namin. Kami ni Nicole lang ang nasa malayo dahil umuwi raw ng Negros si Jessa at Maj for the holidays kaya basically, nasa Negros lahat sila, except us.

Tuluyan kong ni-lock ang iPad ko nang matapos akong makipag-usap sa mga dapat tawagan. Mataas na ang araw, bisperas ng Pasko pero may tour ako ngayon. Isa sa mga tour na inaabangan ko.

Nag-prepare ako ng mga gamit na dadalhin ako sa Safari trip ko na ito. Nag-gear up ako ng OOTD na pasok na pasok sa Safari adventure kong ito. It's my most awaited Safari adventure of all times kasi susubukan kong sumama sa isang group of people para sa tour na ito. I've been exploring Africa alone kasi, e, at ito ang unang beses na sasama ako sa isang group tour. Kaya mas lalong nakaka-excite.

Pinuntahan ko ang lugar kung saan magkikita-kita ang lahat ng turista na kasama sa tour na ito. Sumakay kami ng isang bus at doon ko napansin na more on couples ang kasama sa tour na ito. Mapapa-ismid ka na lang talaga nang wala sa oras.

Naging smooth ang kabuuan ng tour. I took photos of the place from a different angle, I also took videos for my documentaries. Nilasap at tiningnan ko ang paligid, trying to memorize it para baon ko hanggang pagtanda ang lugar na ito.

May mga animals akong na-meet at nakasalamuha. Mababait naman sila kahit na mga wild animals sila. Ibang-iba talaga sa mga nababalitaan ko.

Nagpapahinga ang buong grupo kaya na-isipan kong umupo sa damuhan at tiningnan ang araw. Hindi na siya masiyadong nakakasilaw dahil malapit na rin naman siyang lumubog. Siguro nga mamaya, baka umuwi na rin kami kasi patapos na ang araw.

Pero hindi pa lang nang-iinit ang puwetan ko sa damuhang iyon ay agad akong napatayo nang biglang bumaliktad ang sikmura ko.

At dahil medyo malayo ako sa grupo, walang nakapansin sa pagsusuka kong iyon.

Punyemas naman, ngayon pa talaga sasama ang tiyan ko?

Isinuka ko ang lahat sa isang tabi ng puno pero binaliktad ko na yata ang laman ng sikmura ko at wala na akong maisuka pero heto pa rin ako't nasusuka pa. Punyemas naman. Pang-ilang araw ko na 'to, a?

"Are you okay, miss? Water?"

Habang nasa ganoong posisyon ay may biglang lumapit sa akin at inabutan ako ng tubig. Hindi ko pa siya nakikita dahil nakayuko ako kaya ang bottled water ang una kong nakita tapos ang sapatos niya.

Kinuha ko agad ang bottled water at walang pag-aalinlangang tinungga ito.

"Salamat..." Sagot ko naman sa kaniya.

"Oh? Pinay?"

Ha?

Umiinom ako ng tubig nang bigla siyang magtanong. Nakita ko na rin ang mukha niya at gulat na gulat nga siya.

"Pinoy ka?"

Tinapos ko muna ang pag-inom bago ako tumango sa kaniya. Medyo naguguluhan na rin.

"Pinoy din ako," sabi niya sabay abot ng kamay niya. "Genil nga pala." Pagpapakilala niya sa sarili niya. Medyo nagulat sa mabilisan niyang pagpapakilala, wala akong nagawa kundi abutin ang kamay niya at nakipag-shakehands sa kaniya.

"MJ..." Sagot ko naman. Pinunasan ko na rin ang bibig ko.

"Sinasabi ko na nga ba na pinoy ka, e. Magkasama nga pala tayo sa tour."

Itong lalaking ito, masiyadong masigasig.

"Okay ka lang ba? Masama ba ang tiyan mo?" Patungkol niya sa pagsusukang ginawa ko kanina.

"Oo, masama lang ang tiyan ko." Pagak akong ngumiti sa kaniya at iminuwestra ang tubig. "Salamat nga pala sa tubig."

"Walang anuman, kababayan," sagot naman niya. "Nagbabakasyon ka ba rito o dito ka talaga nagta-trabaho?"

"Ha? Ah, nagbabakasyon lang. Ikaw?" Ilang araw ding naghanap ang dila ko ng kausap na tagalog kaya papatusin ko na ito kahit na masama ang pakiramdam ko at para akong mahihilo.

"Same. I'm actually from Canada pero pure pinoy talaga ako," kuwento naman niya pero shit, nahihilo talaga ako.

Tiningnan ko si Genil pero parang umiikot siya? Parang...

Nakakasilaw naman.

Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko dahil sa sobrang silaw. Tumatagos kasi ito sa talukap ng mata ko kaya masakit sa mata.

Pero ang una kong nakita ay puti... nasa langit- tanga!

"Miss, she's awake."

Wala ako sa langit, may narinig akong boses ng isang lalaki na alam kong nasa tabi ko lang.

"Miss MJ, are you okay? What are you feeling?"

No'ng una, medyo malabo pa ang mata ko pero klarong-klaro ang mga boses sa tenga ko kaya pinilit kong aninagin ang nasa harapan ko hanggang sa tumumbad sa akin ang mukha ng isa sa mga tour guide namin. Kilala ko siya kasi nga tour guide namin siya.

Ano bang nangyari?

"W-What happened?" Pinilit ko ang sarili kong bumangon para malaman kung nasaan ako.

"Hinay-hinay lang, MJ."

Parehong inalalayan ako sa magkabilang-side ng tour guide ko at ng lalaking sa pagkaka-alala ko ay ang kausap ko kanina. Mababakas sa mukha nila ang pag-aalala kaya nang tuluyang makaupo ay doon ko nalamang parang hospital itong kinalulugaran ko ngayon.

"Are you okay now, Miss MJ? Aren't you feeling dizzy or anything?" May pag-aalalang tanong ng babaeng tour guide namin. Ngumiti ako sa kaniya at umiling para sa sagot.

"What happened?" Pag-uulit ko sa tanong ko kanina.

"I'll explain it to her, Miss Cara," sagot naman ni Genil kaya napalingon ako sa kaniya. Bumalik ang tingin ko kay Miss Cara na tumango lang sa sinabi ni Genil kaya naibalik ko ulit kay Genil ang tingin ko. "Nahimatay ka kanina habang pabalik tayo sa grupo. Agad kang isinugod sa malapit na hospital kaya nandito ka ngayon. Don't worry, the doctors already run some tests on you, and mas mabuti kung siya mismo ang magsasabi sa 'yo ng resulta."

May dumating na lalaking naka-lab coat at halatang isang doctor kaya nabaling sa kaniya ang tingin naming lahat. He asked me about how I feel and anything. Wala na naman akong nararamdaman na kakaiba kaya wala na rin siyang maraming tanong.

"We ran some tests after you rushed here and based on the results, there is nothing wrong with you and your body. You are perfectly fine. Being nauseous and frequently vomitting are perfectly normal during the first trimester of your pregnancy-"

"Wait, what?"

Ha, unsa kuno?

Para akong nabingi sa huling sinabi ng doctor. Parang mali ang pagkakarinig ko.

Natigilan siya sa pagsasalita at medyo nagulat sa tono ng boses ko. Napatingin pa nga siya sa dalawang kasama ko pero ni-kurap, hindi ko ginawa kasi gusto kong ulitin ang sinabi niya.

"You are pregnant, Miss Osmeña. Congratulations!"

Ano? Paano...

Napa-sapo ako sa bibig ko at hindi ko alam kung matutuwa ako o maiiyak sa nalaman ko.

"If you don't believe what I said, Miss Osmeña, you can have this pregnancy test and see for yourself. But for now, you are fine and ready for discharge. I can recommend and refer you to one of the Ob-Gyne of this hospital for a total check-up of your baby. I'll include it on your disrcharge papers."

May inabot sa aking isang box ng PT ang doctor bago siya nagpaalam sa amin.

Tulala ako buong biyahe pabalik sa hotel room ko. C-in-ongratulate pa ako no'ng tour guide namin bago kami naghiwalay ng landas. Si Genil naman, nasa tabi ko lang at tahimik.

"Maraming salamat nga pala kanina. I've caused you too much disaster this day," pagbabasag ko sa katahimikan naming dalawa habang nasa lobby pa ng hotel na pareho pala naming tinutuluyan.

"Ano ka ba, wala 'yon. Magkababayan tayo rito kaya dapat tayo-tayo lang din ang magdadamayan," cool na sabi niya kaya napangiti ako kahit na naguguluhan pa rin ang utak ko. "Pero... hindi mo ba alam na buntis ka? Parang nagulat ka kanina sa hospital."

I snorted a little laugh to what he asked at saka umiling.

"Kain muna tayo ng dinner? Kailangang magkalaman ang tiyan mo bago ka umakyat sa kuwarto mo. Don't worry, my treat."

Hindi ko na tinanggihan ang offer niya kaya lumabas ulit kami ng hotel at naghanap ng mas malapit na kainan.

Tinotoo nga niya ang sinabi niya, treat nga niya ito. Habang naghihintay sa order ay napatingin ulit siya sa akin.

"Puwedeng magtanong?" Pagbabasag niya sa katahimikan namin.

"What is it?"

"Hindi mo talaga alam na buntis ka?"

Napangisi ako sa naging tanong niya.

"Hindi. I'm too preoccupied with problems these past few weeks to even notice that I'm pregnant. At saka hindi ko naman alam kung ano ang mga signs and symptoms ng isang pregnant woman kaya malay ko ba." Dinaan ko sa humor ang pagsagot. Still trying to sink in everything.

"So, nasaan ang tatay ng dinadala mo?"

Punyemas.

Parang automatic akong napahawak sa left ring finger ko at mapaklang ngumiti nang maramdaman at maalalang wala na nga pala sa akin ang mga singsing.

Ipinakita ko na lang kay Genil ang left ring finger ko, itinuro ko sa kaniya ang bakas ng mga singsing. Hindi ko exactly alam kung anong tawag do'n pero basta, 'yon na 'yon.

"Ano 'yan?"

Hindi yata agad na-gets ni Genil ang ibig kong sabihin kaya ibinaba ko na lang ang kamay ko at pagod ko siyang tiningnan.

"Kaka-annul lang naming dalawa," sagot ko.

Ayoko sanang pag-usapan ito pero dahil hindi naman kami personal na magkakilala ng lalaking ito, kaya might as well mag-share ako sa kaniya.

"What?" Gulat na tanong niya ilang segundo matapos kong sabihin 'yon. "You're too young to even get married tapos annulled ka na? Ang bata mo pa pero annulled ka na talaga?"

Pina-singkit ko ang mata ko habang nakatingin at pinagmamasdan ang mga kilos nitong si Genil.

Kanina ko pa napapansin. Something is fishy about him.

"I got married last April and got our annulment this month."

"So, kaya ka solo traveller ngayon? Gusto mo palang mag 'after break-up travel.' Taray ng trip mo, ha. So, hindi alam ng ex-husband mo na buntis ka?"

Sinasabi ko na nga ba.

"Ngayon ko lang nga nalaman na buntis ako, e, siya pa kaya na hindi ko kasama," sarkastikong sagot ko. "Teka nga, bakla ka ba?" Lakas-loob na tanong ko. Kanina pa ako nababagabag, e.

Hindi sa pagbubuntis ko (mamaya ko na lang iisipin 'yon) kundi sa totoong kasarian ng lalaking nasa harapan ko ngayon ako nababagabag.

"What's wrong with being a bakla?" Maarteng tanong niya at unti-unti na nga'ng lumabas ang tunay niyang kulay.

Tumawa ako sa sinagot niya.

"Wala! Nagtatanong lang! Sayang, gagawin sana kitang rebound at ama ng magiging anak ko pero bakla ka pala!" Hindi ko na nga napigilan ang sarili kong matawa sa sariling naiisip.

Sumimangot siya kaya napatigil ako sa pagtawa at nagseryoso na.

"Sandali nga, iniiba mo ang usapan, e. Totoo talagang annulled ka?"

"Oo sabi! Ipakita ko pa sa 'yo 'yong annulment papers namin, e."

"Dala-dala mo?"

"Wala, nasa phone ko lang."

"Pero 'te, ang hirap ng situwasyon mo ha? Annulled na kayo ng asawa mo tapos ngayon buntis ka? Okay ka lang?"

Napatitig ako kay Genil at matinding paglunok ang ginawa ko.

Oo nga pala, annulled na kami at buntis pa ako ngayon. Anong gagawin ko?

Agad akong nagpahinga sa hotel room ko matapos ang hapunan namin ni Genil na after no'ng tanong niya ay naging maaliwalas naman agad ang atmosphere naming dalawa dahil sa pabiro kong sagot sa tanong niya.

Ngayong nag-iisa na lang ako, doon na-sink in sa utak ko ang situwasyon ko ngayon.

Buntis ako. Ang isang gabing iyon ay nagbunga. Isang gabi. Isang gabi lang may nabuo na agad.

Napaluha ako habang nakatitig sa pregnancy test na hawak ko. Dalawang guhit, ibig sabihin positibo, buntis nga ako.

I cried that night habang sapo-sapo ang tiyan ko.

Buntis ako at siya ang ama. Anong gagawin ko?

It's Christmas eve and here I am caressing the biggest and unexpected blessing of my life.

Baby, ngayon pa lang manghihingi na ako ng sorry. Sorry sa nakaabang na mundo sa 'yo. Sorry kasi hindi perpektong mundo ang sasalubong sa 'yo.

What to do. What to do. What to do.

Hindi ako puwedeng umuwi ng Pilipinas na ganito. Hindi puwedeng malaman ng lahat na buntis ako! Walang puwedeng makaalam na buntis ako, lalong-lalo na siya kasi hindi niya deserve ang bata!

Ilang araw na nang malaman ko ang tungkol sa pagbubuntis ko at ilang araw na rin akong dinadalaw ng morning sickness, pagsusuka, at minsan ay bigla-bigla na lang akong nahihilo. Ang nakaka-delikado lang sa paghihilo ko ay ako lang mag-isa at umaabot na sa point na hindi na ako nakakasama sa mga tours na dapat ay ini-enjoy ko. Mga dalawang araw na akong absent.

Laking pasasalamat ko na lang talaga kay Genil at minsan ay binibisita niya ako sa aking hotel room para alamin ang aking kalagayan. Nakapag-research na rin ako tungkol sa mga signs and symptoms ng isang buntis pero wala pa rin akong lakas ng loob na magpa-check up at tuluyang harapin ang bagong yugto ng aking buhay.

Talagang buntis ako?

"Aber, patingin nga ng tiyan mo kung halata na talaga ang baby bump." Biglang binuklat ni Genil ang laylayan ng damit ko kaya sa sobrang gulat ay natampal ko ang kaniyang kamay.

Shit?

"Hoy, ano ka ba! Akala ko ba bakla ka? Ba't pinagnanasahan mo 'ko?" Singhal ko sa kaniya.

"OA, ha!" Aniya. "Oo at sexy ka. Oo at maganda ka. Oo at may ibubuga ka pero alalahanin mong hindi ako pumapatol sa isang katulad mo! Ambisyosa ka rin!" Maarteng depensa niya tapos ay ini-angat niya ang kaliwang kamay niya. "Kita mo 'to? Proud pride 'to, ano ka ba!"

Ipinakita nga niya ang tattoo niya sa may wrist, isang minimalist tattoo ng rainbow flag, isang simbolo ng LGBTQ+ or whatever.

Hinawakan ko ang kamay niyang iyon at sinipat ng tingin.

"Saan ka nagpa-tattoo? It's so cute!" Imbes na i-mind ang sinabi niya, ang mas pinagtoonan ko ng pansin ay ang tattoo nga niyang iyon.

Pero ang panandaliang pagkahumaling ko sa tattoo'ng iyon ay agad nawala nang bigla niyang bawiin ang kamay niya.

"Hep, hep, hep, bawal kang magpa-tattoo, kung ano man 'yang iniisip mo, 'wag mo nang ituloy, buntis ka for pete's sake, MJ," halos hysterical na sabi naman niya.

Nag-smirk lang ako at pinagpatuloy ang pag-aayos ng mga gamit ko rito sa hotel room ko.

"Hindi ba naghahanap ang pamilya mo sa 'yo? Ilang linggo ka na rito sa South Africa, a? At saka magba-bagong taon na, hindi ka pa ba uuwi ng Pilipinas?" Habang nasa ganoong gawain ay biglang binasag ni Genil ang katahimikan namin.

I unconsciously rolled my eyes and continue what I'm doing.

"Paano ako uuwi? E, kita mo 'to?" Sabi ko sabay turo sa may bandang tiyan ko.

"O, e, ano naman ngayon? Masiyado ka nga'ng bata para magpakasal pero nasa right age ka naman para magka-anak, masama ba 'yon?"

Napaupo ako sa kama at matamang tiningnan si Genil, piniling itigil muna panandalian ang ginagawa.

"Hindi ko kasi alam kung anong mangyayari kapag bigla akong umuwi sa amin tapos malalaman pang buntis ako."

"E, bakit kasi nakipag-hiwalay ka sa asawa mo? Alam mo, totoo nga ang mga pinagsasabi ng mga matatanda..."

Napataas ang isang kilay ko sa sinabi ni Genil.

"Ano naman ang mga pinagsasabi ng mga matatanda?" Medyo curious kong tanong.

"Na ang pag-aasawa ay hindi parang mainit na kanin, na kapag isinubo at napaso ay biglang iluluwa."

I rolled my eyes again.

"Gusto ko mang i-explain sa 'yo ang lahat at ang situwasyon, alam kong aabot tayo ng susunod na taon bago pa tayo matapos," at nagpatuloy ako sa pag-aayos ng mga gamit.

"Ay malamang, 'te, bagong taon na mamaya."

Natawa na lang ako sa mga pinagsasabi ni Genil at hindi na muna siya pinansin. Hanggang sa bumalik na siya ng hotel room niya.

Mamaya, magbabago na ang taon at mamaya ko rin malalaman kung ano ang magiging desisyon ko sa magiging buhay ko kasama ang maliit na nilalang na nasa tiyan ko.

I am still culturally shocked with this. It took me days to sink in everything. It took me a week to finally accept my fate.

I am pregnant.

"Happy new year, new found bestie!"

Genil hugged me and I did the same. We toast the wine glass we're holding except that he is enjoying his fair share of wine while me, well, a wine glass with full of sparkling water. Bawal sa buntis ang mga alcoholic drinks.

"Happy new year, Gen!" Bati ko rin sa kaniya.

Nandito kami sa viewing deck ng The Capital Mirage Hotel para maki-party at pagmasdan na rin ang fireworks na inihanda para sa New Year's Eve party na ito.

Fireworks. That's what I felt the moment I knew that I'm pregnant. May sumabog na fireworks. Pagsabog na ang ibig sabihin ay... kasiyahan. It's been months since the last time I felt that and the reason of it was this child's father. So ironic.

"So, what's your plan now?" Matapos ang ilang minutong pagtingin sa fireworks ay kinausap na ako ni Genil. Nakangiti ko siyang nilingon. Isang palatandaan na desidido ako sa magiging desisyon ko.

"I'll keep this child and never let the father of this know everything about his or her existence." Tiningnan ko sa mga mata si Genil at mababakas sa mukha niya na hindi siya kumbinsido sa naging desisyon ko but he smiled anyway. "Ikaw, ano na ang plano mo sa buhay?"

He sip on his wine and iginala ang tingin sa paligid.

"Edi babalik sa napaka-toxic kong trabaho. As in literal na toxic, ha?"

Pareho kaming natawa dahil sa sinabi niya.

He said na he's a nurse at ilang taon na rin daw siyang nagta-trabaho pero ngayon lang daw siya nakapag-leave at nag-travel. Kung hindi pa pala nahiwalayan itong baklang ito, hindi pa gagawin ang mga bagay na masarap gawin.

Marami na kaming napag-kuwentuhan ni Genil sa halos dalawang linggo naming magkasama rito sa Cape Town.

Days passed by at nandito pa rin ako sa South Africa. Naghihintay sa flight ko papuntang Canada.

Oo, pupunta akong Canada. Pupuntahan ko ang kaibigan ko na si Nicole.

"Ano, anak? Ano 'yong sinabi mo?"

Habang naghihintay sa flight ko, I took the chance to call Mama and inform her of my plans. At 'yon nga agad ang tinanong niya.

"Ang sabi ko po-"

"E, bakit sa Dubai? You can have your Masters here in the Philippines. We can admit you to the best graduate school here and I know you can admit in there too easily. Bakit sa Dubai, anak?"

Hinilot ko ang sentido ko at parang mauubosan ng pasensyang iginala ang tingin sa paligid ng airport.

"And you haven't sent your pictures pa from your trip there in Africa. Bakit kasi wala kang social media accounts hanggang ngayon?"

I chuckled a bit. Mama sounds like a teenager. At saka dinaig pa nila ako ha, they have social media accounts pala?

"I'll send it to you, Ma, after I edit it and sort it out. Just please let me study in abroad, Ma? Please?"

Oo, sinabi kong mag-aaral ako sa abroad at sa Dubai iyon. Although, yeah, may plano akong mag-aral ng masters pero sa Canada kasi ang destinasyon ko at hindi sa Dubai.

Gosh, kailan ba ako nagsimulang magsinungaling?

"Can you please go home muna, anak? We missed you so much! You're not here during the holidays kaya uwi ka muna rito before proceeding in your masters?"

Mukhang matinding paliwanagan talaga itong gagawin ko. Punyemas.

"Ma, according to my source there sa Dubai, malapit na po raw mag-start ang class doon, so basically Ma, I need to hurry."

"What about your papers? You first need them bago ka makapag-aral d'yan."

"Dala ko na po ang mga papeles na kakailanganin ko for my masters, Ma. I'm sorry pero kasama po kasi ito sa plano ko, na after po ng bakasyon kong ito, mag-aaral po ulit ako."

And I heard an exaggerated gasping sound on the other line.

"Oh, my God, ang anak mo Restituto!" Parang hindi makapaniwalang sabi niya at mukhang nakikinig din si Papa sa usapan namin ni Mama. "Ikaw talagang bata ka, kahit kailan..."

I pouted.

"Please, Ma, Pa? Mabilis lang po 'tong pag-aaral ko. Maybe mga two to three years lang po and I'm done."

Another gasping sound and exaggerated breathing can be heard from the other line.

Alam kong mapagbibigyan ako ng mga magulang ko sa parteng ito kaya hindi na ako nagtaka na agad silang bumigay sa naging hiling ko.

Pasensya na Ma, Pa. Pangako pagkatapos kong manganak, sasabihin ko sa inyo ang totoong estado at kalagayan ko.

Napatitig ako sa address na ibinigay sa akin ni Nicole. Address ito ng kaniyang apartment dito sa Toronto. May flight schedule siya the moment na dumating ako ng Toronto at gusto sana niyang salubungin ako sa airport kaso nga ganoon. So I told her na I can manage and I'm big enough to know the where and what.

Dalawang malalaking maleta at isang maliit na back pack ang dala ko. Kung titingnan mo ako ngayon, para talaga akong maglalayas.

Na-i-kuwento ko na ang lahat kay Nicole, maliban sa parteng buntis ako. Sa personal ko sasabihin sa kaniya at akala niya lay over ko lang itong Toronto trip ko. Ang hindi niya alam, I'm here for good. I processed all my papers, visa, and everything when I was still in Africa. Nagpatulong na rin ako ng patago kay Aira. At sa lahat ng taong nasa Pilipinas, siya lang ang bukod tanging nakakaalam kung saan talaga ang totoo kong destinasyon. I do hope na marunong siyang sumunod sa usapan naming i-disclose ang information na iyon.

Ah, basta, that's what being an alta can do to me. Connections and easy passageway to everything.

Gabi na at hanggang ngayon, naghihintay pa rin ako kay Nicole sa labas ng kaniyang apartment. Literal na nasa labas talaga ako ng pinto dala-dala ang dalawang malalaki kong maleta. Nag-indian sit ako sa carpeted floor ng hallway at isinandal ang aking likod sa medyo malamig na dingding. Mabuti na lang at na-inform ako ni Nicole tungkol sa season ngayon dito sa Toronto. Winter pa rin dito kahit na January na, kaya agad akong nakapamili ng mga panlamig na damit like jacket at fur coats. Kaya nga naging dalawa na ang maleta ko. Umalis akong Pilipinas na isang malaking maleta lang ang dala ko, and look at me now.

Ilang sandali lang ay agad ding dumating si Nicole na halatang galing pa sa duty niya sa airport. Dala-dala ang medium sized luggage niya, halos takbuhin niya ang distansya nang makita niya ako. Ako naman ay agad na tumayo at sinalubong siya ng yakap.

"Hoy! Bakit nandito ka sa labas? Bakit hindi ka pumasok?" Alalang-alalang tanong niya matapos ang matagal naming yakap.

"Uh, paano ako papasok, e, wala namang tao?"

"Ay oo nga pala! Sinabi ko nga pala sa 'yong hintayin mo 'ko." Natawa na lang ako sa sinabi ni Nicole pero agad din naman niyang inasikaso ang pagbubukas ng pinto ng apartment niya. "Pasok ka bruha sa abode ko. 'Tang ina naman, na-miss talaga kita, bruhang MJ!" Aniya nang mabuksan ang pinto. Niyakap niya ulit ako at parang nanggigigil na naman sa akin.

Pinabayaan ko lang si Nicole kasi na-miss ko rin naman siya.

"Grabe, isang taon tayong hindi nagkita! Kaya no'ng sinabi mong pupunta ka ng Canada for your side trip, sobrang tuwa ko!" Tuloy na kuwento niya habang isa-isang pinagbubuksan ang mga ilaw sa loob ng kaniyang apartment. Malinis at saka spacious naman.

Pinagkiskis ko ang kamay ko sa magkabilang-braso ko at pinagmasdan si Nicole na gawin ang mga dapat niyang gawin. Tinulungan na rin niya ako sa mga maleta ko.

"MJ, hindi ko nga pala nasabi sa 'yo. May kasama nga pala ako rito, pinsan ko. Isa siyang nurse kaya minsan wala rin dito kasi tambay siya ng hospital kaya ganoon, nakalimutan kong sabihin at saka mukhang wala naman siya rito, e," sabi niya sabay gala ng tingin sa paligid ng apartment niya.

Iginala ko ulit ang tingin ko sa loob ng apartment niya. Meron itong tatlong pinto at sa tingin ko iyon ang mga kuwarto ng apartment na ito.

"Hoy! Ang tahimik mo naman? Magsalita ka naman d'yan, ang dami mong kailangang i-kuwento sa akin!" Eksaherada siyang tumuro sa akin habang dahan-dahang tinanggal ang heels na suot niya at saka binuksan ang isang pinto na sa tingin ko ay kuwarto niya. "Pero teka, magbibihis lang ako."

Umupo ako sa sofa nang makapasok na si Nicole sa kuwarto niya. Pinagsalikop ko ang dalawa kong kamay, medyo kinakabahan. Ewan ko ba.

Ilang minuto ang nagdaan ay lumabas ulit si Nicole, nakapag-bihis na.

"Feel at home ka lang, bruha, 'wag kang mahihiya," aniya nang makalabas.

Pagak akong ngumiti sa kaniya.

"Teka lang..." Bigla siyang natigilan sa paglalakad at tiningnan ako, nakaturo pa siya sa akin habang dahan-dahan akong nilapitan. "Okay ka lang ba? You are so quiet and it's very unusual of you to be like that," dagdag na sabi niya.

Pa-simple akong nagbuntunghininga at nginitian si Nicole.

"Medyo pagod lang sa biyahe, Nic. Don't worry about me," assurance ko naman.

"You should rest there, 'wag kang masiyadong magalaw d'yan. Magluluto lang ako ng dinner. Gusto ko sanang sa labas na tayo kumain kaso malamig at saka ayokong malamigan ka kaya ipagluluto na lang kita. Bukas na lang tayo mag-eat out, day off ko naman bukas," aniya sabay hawak sa magkabila kong balikat.

Ngumiti ako sa kaniya at napasinghap.

"Thank God at matitikman ko na rin ang mga luto mo after a year."

"Yes naman! Halika, samahan mo ako roon sa kusina, doon tayo mag-chikahan," at kinaladkad na nga niya ako papunta sa spacious niyang kusina sa apartment na ito.

Kita mo 'to, sabi niya magpahinga lang daw ako tapos kung makakaladkad naman parang wala ng bukas.

Naupo ako sa isang bangko ng pang-apatang lamesa ng kusina. Iisa lang ang dining area at ang kitchen area ng apartment, ibang-iba sa mga nakasanayan kong bahay sa Pilipinas.

Gosh, ngayon pa lang nami-miss ko na ang Pilipinas.

Kuda nang kuda si Nicole habang nagpi-prepare sa mga ingredients ng kaniyang lulutuin. Pero heto ako at parang nakalutang sa ereng nakatulala lang. Hindi ko na alam kung ano ang mga pinagsasabi niya but I snapped out when she click her fingers in front of me.

"Hoy! Tulala ka na naman, sigurado ka bang pagod ka lang? Hindi ka ganyan 'pag pagod, a?" Aniya nang mabalik ako sa katotohanan.

"Ano na nga ulit 'yong sinabi mo?" I smiled at her para itago sa kaniya ang kung anong uneasiness na nararamdaman ko ngayon. Kahit na alam naming dalawa na meron talagang bumabagabag sa akin.

Dala-dala ang sandok ay naupo si Nicole sa harapan ko.

"May problema ka ba, MJ? 'Yong seryoso talaga?"

Matagal ang naging titig ko kay Nicole. Isang titig na naninimbang.

Dahan-dahan ay may kinuha ako sa maliit na sling bag na kanina pang nakakabit sa aking katawan. Kinuha ko ang isang bagay na alam kong maipapakita ko kay Nicole nang isang bagsakan. Nang makapa ko ito, mahigpit ang naging hawak ko sa bagay na iyon.

"Nic, may importante akong sasabihin sa 'yo," panimula ko.

"Teka, ang seryoso mo, kinakabahan ako," sabi niya sabay tahip sa kaniyang dibdib at umayos sa pagkakaupo. "Sige, go, I think I'm ready to hear that," dagdag niya.

Bumuntunghininga ulit ako.

"Here's a thing about me being here," panimula ko. "I orignally told my parents that I'm in Dubai right now having my masters pero nandito ako sa Canada hindi para mag-side trip lang kung 'di para dito na manirahan at dito na mag-masters," dagdag ko.

Naging idle ang mukha ni Nicole hanggang sa unti-unting nagsalubong ang kaniyang kilay at itinuro pa ako.

"Dubai? Masters? Manirahan sa Canada? Ha? Teka, sandali, please enlighten me, MJ?" Confuse pa rin na tanong niya.

I heavily sighed again.

"Hindi alam ng pamilya ko na nandito ako ngayon sa Canada. They thought na nandoon ako sa Dubai."

"B-Bakit? I mean hindi 'to side trip? Dito ka na titira? I mean, hindi sa hindi ka welcome dito ha, pero medyo confuse pa kasi ako, MJ, nakakagulat ka naman?"

Halata nga'ng naguguluhan siya sa sinabi ko kaya 'yong bagay na kanina ko pang hawak sa loob ng sling bag ko ay unti-unti kong inilabas at inilipag sa lamesang namamagitan sa aming dalawa. Inilapit ko sa kaniya ang bagay na iyon nang hindi inaalis ang tingin sa kaniyang mga mata.

But damn it, being pregnant makes me emotional again. Punyemas na hormones naman ito.

Nanggigilid ang aking luha nang magsimulang gumalaw si Nicole.

"W-What's this? Kanino 'to?" Kinuha na niya ang isang pregnancy test na ilang linggo ko ring itinago.

Hindi ako nakapagsalita kasi nang ibubuka ko na sana ang bibig ko ay bigla niya akong pinigilan sa pamamagitan ng kumpas ng kamay.

"Paniguradong hindi sa 'yo 'to. Is this a prank, MJ?"

Punyemas. Kay Nicole pa lang na kaibigan ko mula pagkabata, nahihirapan na akong ipa-intindi ang nangyayari sa akin. Paano pa kaya sa pamilya ko?

"Nic, buntis ako. Akin ang pregnancy test na iyan, buntis ako, Nicolane," halos magsumamo na ako sa kaniya, maniwala lang siya sa akin. Bigla siyang napatayo at gulat na gulat na napatingin sa akin.

"Oh, my God! Maria Josephina Constancia? This is not a good joke nor a good prank. This is not the right to time for a good time!" Aniya.

I almost groaned nang hindi pa rin siya naniniwala. Tumayo ako at pinakita sa kaniya ang tiyan ko. Nag-side view ako para mas makita niya ang bump. I was known for my flat stomach ever since, kahit anong kain ko, nananatiling flat ang tiyan ko kaya kung may kaonting pagbabago mula rito, agad itong mapapansin. As of now, yes, medyo visible na sa akin ang baby bump kahit nasa dalawang buwan pa lang yata ang baby.

"I'm pregnant, okay, Nicolane? Ito 'yong rason kung bakit ayaw kong umuwi ng Pilipinas. Sa katanuyan, nang malaman kong buntis ako, ang unang pumasok sa isipan ko ay ang lumayo at hindi ipaalam sa lahat na buntis ako. Nicole, maski ako nagulat sa balitang ito."

Heto na naman ang mga luhang walang katapusan kong umagos.

Naalarma ko yata si Nicole kasi bigla siyang lumapit sa akin.

"H-Hey, stop crying! I understand you. Okay, okay, naniniwala na ako. Please calm down, makakasama 'yan sa baby,"

Parang automatikong nakalma ang buong sistema ko dahil sa sinabi ni Nicole. Pinilit ko nga ang sarili kong kumalma alang-alang sa bata.

"Gulong-gulo na kasi ako, Nic, kasi hindi ko inaasahan 'to. Hindi ko na alam ang gagawin ko kaya sana matulungan mo ako."

She hugged me very tightly.

"Oo, tutulungan kita pero magsabi ka sa akin ng totoo," aniya "Ito ba ang rason kung bakit kayo naghiwalay ni Darry, MJ?"

What?

Kumalas ako sa yakap ni Nicole at naguguluhan siyang tiningnan.

"What? No! I was in Africa when I first found out that I'm pregnant. And kung mas nalaman ko nang maaga, hindi na sana ako nakipaghiwalay sa kaniya."

"Ha?" Halos hysterical na tanong niya.

"But I'm too late, wala na akong babalikan sa kaniya kaya naisipan kong hindi na bumalik ng Pilipinas."

"Too late? What do you mean?"

Kinuha ko ang phone ko sa sling bag na suot ko at kinalikot iyon. Hinanap ko ang isang news article na ni-screenshot ko noong nakaraang araw. Matapos makita, agad kong ipinakita kay Nicole.

Tahimik na binasa ni Nicole ang kung anong nakasulat sa screen ng phone ko. Nag-iwas ako ng tingin nang makita ang expression niya sa mukha.

"Oh, my... ang kapal naman ng mukha ng babaeng iyan?" Agad kong iniwas sa kaniya ang phone ko at ibinalik ito sa sling bag. "Seriously? Isang buwan pa lang after ma-approve ng annulment niyo, ganoong balita agad?" Hindi pa rin makapaniwalang tanong ni Nicole.

Natahimik ako at marahang hinaplos ang tiyan ko. Sorry, baby.

Malalim na buntunghininga ang ginawa ni Nicole kaya naibalik ko ang tingin ko sa kaniya. Pero wala sa akin ang tingin niya kundi sa may bandang tiyan ko.

At mas nagulat ako nang bigla siyang lumapit sa may bandang tiyan ko, almost in kneeling position.

"Baby, simula ngayon, ako na ang daddy mo! Kasi 'yong daddy mo, walang silbi! Akala ko pa naman siya ang pinakamatino sa mga Lizares pero siya pala itong walang silbi! Hindi mo deserve maging tatay, 'yon baby! Palalakihin ka namin ng mommy mo hanggang sa makakaya namin!" At bigla niyang kinausap ang maliit na nilalang sa aking tiyan. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o ano, pero nakakatuwa.

"You can stay here as long as you want, bruha. If that's what you want, I'll support you all the way. Pero sana, at least you let your family know about your real condition and your real location, kahit 'yon lang, MJ."

Tumango ako sa sinabi ni Nicole at nginitian siya.

"Maraming salamat, Nic. Kahit noon pa man talaga ay maaasahan na kita." I hugged her again as a sign of my gratitude.

Baby, I'm sorry if I choose to live a life away from the chaos. That's the only thing that I can do to protect you. I love you, my not yet born blessing.

~

Siguiente capítulo