webnovel

Chapter 20: Nanay, Tatay—Gusto Ko Tinapay

NANAY, Tatay—gusto ko tinapay.

Ate, Kuya—gusto ko kape. Lahat ng gusto ko ay susundin niyo ang magkamali ay pipingutin ko...

Lahat naman siguro sa atin ay alam ang larong ito, malamang nakatatak ito sa childhood memories natin. Pero alam niyo ba na ang larong ito ay may tinatagong kwento na kailanman ay hinding hindi pa naibubunyag—

"Jane! Hugasan mo ito, labhan mo ang mga iyan at linisin mo ang mga ito!" Bulyaw ng nanay kay Jane

"P-pwede si Ate Crystal muna nay? M-masama po kasi ang pakiramdam ko..." Mahihimigang may takot sa boses na sagot naman ni Jane

"Ano! Hindi pwede, isasama ko ang Ate mo—sige na magtrabaho ka na!" Palatak ng nanay at iniwan si Jane kasama ang Kuya niya

Napangisi naman ang Kuya ni Jane at dahan-dahang hinubad ang suot nitong damit at shorts

"Kuya, 'w-wag po... Maawa po kayo sa akin" Pagmamakaawa ni Jane sa kanyang Kuya na gagahasain na naman siya

"Hubad." Utos ng kanyang Kuya habang ipinulupot ang sinturon sa kanang kamay nito

"Kuya 'wag po—"

"Sabi ng hubad!" Walang nagawa si Jane kundi sundin ang utos ng nakakatandang kapatid

"Ano 'to! Bakit walang ulam at bakit walang kanin?!" Reklamo ng tatay at itinapon ang kaldero sa sahig

"Pasensiya na po tay, hindi pa kasi ako tapos maglaba eh" Pagpapaliwanag ni Jane na abala sa pagpahid ng mabulang kamay sa medyong may kadumihan na damit

"Pasensiya? Magsaing ka nga! Nagugutom na ako." At binatukan pa ang kanyang ulo

Umiiyak naman na sinunod ni Jane ang utos ng tatay, araw-araw ay palagi na lang siya nitong pinapagalitan at sinasaktan. Plano niya sanang magsumbong sa kanyang nanay pero ang problema ay hindi naman siya nito pinaniniwalaan hanggang sumapit ang ikatlong araw ay inilihim niya pa rin ito.

Una siyang nagsumbong sa kanyang Ate Crystal pero pinagtawanan na lang siya nito

"Nay, may sasabihin po ako sa inyo—" Panimula ni Jane at nilalaro laro ang mga daliri

"Diyos ko naman Jane oh! Kung kailan hindi ako busy ngayon ka pa magsasabi!" Palatak ng nanay na abala sa pagbibilang ng limpak limpak na pera

Napabuntong hininga si Jane bago nagsalita

"N-nay, nirape po ako ni K-kuya...." Pagtatapat ni Jane sa kanyang nanay na ikinahinto nito sa ginagawa

"Anong sabi mo?" Naniningkit ang mga matang saad ng kanyang nanay

"Hoy Jane. Hindi ko pinalaking rapist ang Kuya mo! Ang lakas ng loob mong siraan ang Kuya mo ah!" Parang bulkang sumabog sa galit na bulalas ng kanyang nanay

"Nay—"

"H'wag mo kong ma nay, nay! Bwesit kang bata ka, sumasakit ang ulo ko dahil sa'yo." Sumbat sa kanya ng nanay na ikinaiyak niya

Gaya nga ng hula niya ay hindi nga siya nito pinaniniwalaan. Sawang sawa na siya na palagi na lang sinasaktan hanggang sa naisipan niya na gumawa ng isang tula bago siya mamatay

Nanay, Tatay—gusto ko tinapay.

Ate, Kuya—gusto ko kape

Lahat ng gusto ay susundin niyo

Ang magkamali ay pipingutin ko

Abot hanggang langit ang dasal niya na sana kung patay na siya ay mabasa ng mga ito ang sinulat niya

Matapos matagpuan ang katawan ni Jane na nakasabit sa kisame ng sariling kwarto ay parang wala man lang paki-alam ang kanyang nanay, tatay, ate, at kuya... Parang masaya pa nga ang mga ito sa nakita

Pinaburol nila si Jane, at doon lang nila nabasa ang sulat nito. Hindi na lang nila ito binigyan ng pansin sa halip ay itinapon lang ng nanay niya ang ginawang tula

Hanggang sa lumipas ang isang buwan ay nagparamdam si Jane sa mga ito sabay kanta ng ginawang tula...

NANAY, TATAY—gusto ko TINAPAY.

ATE, KUYA—gusto ko KAPE

Lahat ng gusto ko ay SUSUNDIN niyo

Ang magkamali ay PIPINGUTIN ko!

Natakot ang nanay at tatay niya gayon dina ang kanyang Ate at Kuya hindi nila alam na ang tulang 'yon ay may gustong iparating sa kanila. Nagalit si Jane, kunting pabor lang ay ayaw pang ibigay ng mga ito kaya napagpasiyahan niyang kunin ang mga ito at isama sa kabilang buhay.....

Siguiente capítulo