webnovel

Chapter 3

Chapter 3

Kantahan, hiyawan at tawanan ang nag-hahari sa buong bahay. "Tama na yan inuman naaaaa... Hoy! Pare ko'y tumagay kaaa! Nananabik na lalamunan, naghihintay nag-aabang... Woooooah!!!". Medyo lasing na si Kuya at ang mga friends nya habang nag-vivideoke. Tawa naman kami ng tawa nila Mama at Tita habang pinapanood sila kasi mga mukha na silang adik sa mga itsura nila.

Si Kuya ang may hawak ng mic at kumakanta, si Neil naman ang sumasayaw, at si Kian ang umaacting depende sa lyrics nung kinakanta ni Kuya. Parang mga baliw. Hahaha Si Neil kung maka-kembot, dinaig pa ako. Parang mas malambot pa yung katawan nya sakin eh. Grabe lang! "Oh! Si Neil naman ang kakanta tapos si Jelo ang sasayaw". Suggest ni Tita Zandra.

Natigilan saglit si Kuya nang marinig nya yung sinabi ni Tita Zandra pero nagulat kami dahil biglang syang tumayo. "Pre maupo kana, sayo na'tong mic at ikaw naman naman ang kumanta. Ang pangit mo pala sumayaw" Sabi ni Kuya kay Neil. Umupo naman si Neil at saktong pagkaupo nya sa sofa, nagflash sa t.v screen yung score ni Kuya sa videoke.

70

Lahat kami ay napahagalpak ng tawa dahil bagsak yung score ni Kuya pero mas natawa kami sa reaction nya. Dismayadong dismayado eh... Hahaha "Pre, mas panget yung boses mo kesa sa pag-sayaw ko kaya mas mabuti nga kung sasayaw kana lang pero ayos lang yun, mas gwapo pa rin ako." Pang-aalaska ni Neil kay Kuya. "Tarantado!" sagot ni Kuya sabay batok kay Neil. Si Kian naman ay halos mapaupo na sa sahig sa katatawa. Ganun din kami nila Mama at Tita.

Hanggang sa nag-play na ang next song. 'Banyo Queen - Andrew E.' Ganun pa din ang eksena pero this time si Kuya naman ang kumikembot at si Neil ang kumakanta samantalang si Kian, wala nang ginawa kung hindi ang tumawa ng tumawa. Panu mas malala sumayaw si Kuya kesa kasi nagmukha syang sexbomb dancer. Wahahahahahaha!

★★★

Kinabukasan tanghali na kami nagising. Almost 2am na din kasi kami nakatulog dahil pagkatapos ng eksena nila Kuya sa harap ng videoke, sila at Papa at Tito naman ang pumwesto sa harap ng videoke samantalang natulog na sila Kuya. Dito na din natulog sina Neil at Kian dahil hindi na sila pinayagan kagabi ni Mama na umuwi. Lasing na kasi sila tsaka curfew na din. Baka daw imbes na makauwi sila sa mga bahay nila ay sa prisinto ang diretso nila. Samantalang yung mga Tita, Tito at pinsan ko ay maaga gumising dahil kailangan pa nila pumasok mga trabaho nila.

Monday na ngayon pero umabsent muna ako dahil napuyat ako kagabi at tinanghali na din ng gising. Katatapos ko lang mag-breakfast kaya pumunta muna ako sa kwarto para buksan yung mga gift's na natanggap ko kahapon. Buti na lang at naalala kong ipasok ang lahat ng ito dito sa kwarto ko bago kami natulog.

Dinampot ko yung isang paper bag at agad kong hinanap yung nakasulat para malaman ko kung kanino galing.

From: Julie.

Galing pala sa bestfriend ko. Binuksan ko ito at napangiti ako sa nakita ko. Isang color purple na diary at may nakalagay na pen sa gilid. Sunod kong binuksan ay yung galing kay Christian... At sobrang nacutan ako dahil tatlong bracelet pala yung laman ng maliit na box na binigay nya sakin kagabi.

Pagkatapos nun ay sunod-sunod ko nang binuksan yung iba pang gifts na natanggap ko kagabi.

From: Alvin

Make up kit

From: Mckinley

Necklace and earings

From: Francis

2 Blouse

From: Elle

3 Bench towel

From: Neil

Sketch pad

From: Kian

Headphone

From: Kuya Jelo

Black Hoodie

At yung iba ay mga damit na tsaka panyo. Hindi na nagbigay ng gifts yung mga Tito at Tita ko dahil binigyan na nila ako kahapon ng tig-iisang libo. Dami ko ng pera. Hahaha Sobrang nakakatuwa lang dahil halos lahat sila ay may dalang regalo. Ramdam ko talaga na maraming nagmamahal sakin.

Itinabi ko na yung mga gamit na natanggap ko tsaka inipon yung mga pinagbalutan sa isang plastic. Hindi ko naman sinira kaya pweede pang pag-balutan ng ibang regalo.

Lumabas na ulit ako ng kwarto at tumulong kila Mama maglinis ng bahay tsaka maghugas ng mga ginamit kahapon sa pagluluto. Nakauwi naman na kanina yung mga pinsan ko kasi may pasok pa sila. Hindi ko na sila masyado nakausap kahapon dahil sa sobrang daming ginagawa tsaka isa pa, busy din sila maglaro dahil mga bata pa naman yung mga yun.

"Jestine pumunta ka dun sa kusina tapos hugasan mo yung mga utensils na ginamit kahapon. Ikaw naman Jelo, kumuha ka ng sako at ipaglalagay mo sa sako itong mga basura." Utos sa amin ni Mama. "Kuya anong oras umuwi yung mga kaibigan mo?" Naalala kong itanong kay Kuya dahil hindi ko na sila nakita kanina pagkagising ko. Hindi na din sya pumasok sa School dahil tinanghali na rin sya ng gising.

"Mga 8. Tulog kapa" tugon nya habang iniipon yung mga basura. Grabe ang daming kalat. Mga paper plate, pumutok na balloons, paper cup at kung ano-ano pa. Pumunta na ako sa kusina para hugasan yung mga pinapahugasan ni Mama.

Habang sinasabunan ko yung mga utensils, bigla kong naalala yung matandang kumausap sakin kagabi. Sino kaya yun, san sya nakatira tsaka bakit nya ako kinausap at ganun yung mga sinabi nya sakin. Kinikilabutin ako sa tuwing naaalala ko yun.

★★★

Kinagabihan, nag-open ako ng facebook account ko at nagbasa ng mga updates sa gc ng section namin. Nalaman ko na may gagawin daw kaming activity bukas kaya kailangan ko na pumasok bukas.

Napansin kong nagchat din sakin si Francis. Nagtaka naman ako kung bakit napa-chat sya kaya naman inopen ko ang message nya at agad na nag-reply.

Francis: Yow!

Me: Bakit?

Francis: Bakit di ka pumasok kanina?

Me: Tanghali na ako nagising eh tsaka naglinis kami ng bahay.

Francis: Ah. Papasok ka bukas?

Me: Oo naman.

Francis: Mabuti naman. May activity tayo eh. By partner yun.

Me: May partner kana?

Francis: Wala pa. Ikaw na lang partner ko, pwede?

Me: Sige.

Francis: Okay. Pumasok ka bukas ha.

Me: Oo na. Haha!

Francis: Wala akong kapartner kapag hindi ka pumasok. Hehe

Me: Wala din akong grade sa activity kaya kailangan ko talaga pumasok.

Francis: Sure na yan ha! Wag kang paasa. Hahaha

Me: Oo na. Bye na!

Nag-log out na ako at pumunta sa kusina para mag-dinner. Baliw talaga yun si Francis. May pagka paladesisyon.

Pagkatapos namin magdinner, ako na ang naghugas ng mga pinagkainan namin habang nanunuod na ulit sila Mama at Papa ng teleserye sa sala... Pumunta na ako sa kwarto ko at natulog.

Kinabukasan maaga na ako gumising dahil papasok pa ako. Dumiretso ako sa banyo para maligo at pagkatapos ay sabay-sabay na kaming nag-breakfast dahil lahat kami ay papasok. Kami ni Kuya ay papasok sa School samantalang sa trabaho naman sina Mama at Papa.

Nasa gate loob na kami ni Kuya ng sasakyan at hinihintay namin sina Mama at Papa na nasa loob pa ng bahay dahil nilolock pa nila ang mga pintuan tsaka inaalis ang mga nakasaksak na appliances. Maya-maya pa ay lumabas na sila at sumakay na rin sa loob ng sasakyan at pinaandar na ito ni Papa. Hindi pa kami tuluyang nakakaalis nang bigla akong mapatingin sa may gate namin at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ulit yung matanda na nagpakita sa akin nung birthday ko. Nakatayo sya sa may gate habang natingin sakin at nakangiti...

Kinilabutan na naman ako kaya mabilis kong iniiwas ang tingin ko sa kanya. Hanggang ngayon hindi ko pa rin makalikutan yung mga sinabi niya sa'kin. Parang kasing nagbabanta.  Haaaays ayoko na nga isipin yun. Nakakakilabot...

★★★

Nang makarating kami sa School, bumaba na kami ni Kuya saka nagpaalam kay Mama at Papa. Dumiretso na ako da Classroom ko at pagdating ko ay wala pa ang teacher namin.

Nakita ko naman si Julie at Elle na busy sa pagkulikot ng cellphone nila. Umupo na ako sa upuan ko sa tabi nila, napatingin naman sa akin si Julie. "Kanina ka pa?" tanong ko sa kanya. "Oo. Bakit hindi ka pumasok kahapon?" Nagtataka nyang tanong. "Marami kaming ginawa sa bahay eh." Tumango-tango lang sya at ibinalik na ulit ang atensyon nya sa cellphone.

Dumating na ang teacher namin sa Political Science at nagsimula na ang klase.

"Good Morning Class!" Bati nya sa amin.

"Good Morning Ma'am!"

"Okay! Dahil Political Science naman ang subject natin, pag-aaralin natin ang ilan sa mga Laws o Batas na ipinatupad dito sa Pilipinas. Pero bago yun, alam nyo ba na may mga batas na ipinatupad sa ibang bansa na medyo weird at hindi mo aakalaing batas talaga yun na kinakailangang sundin"

Parang naexcite naman kaming lahat sa sinabi ni Ma'am Gozar. Mukhang interesting ang topic namin ngayon.

"In Cali, a city of Columbia. The couples are not allowed to be alone on their wedding night. The mother of the bride has to witness everything going on in the newly wed's room."

Napanganga kami sa sinabing iyon ni Ma'am. Yung mga classmates ko namang boys ay natatawa samantalang nanlaki naman yung mga mata ng girls. Grabe, hindi ko akalain na may batas na ganun sa bansang Columbia. Parang nakakailang naman yun kung hanggang sa honeymoon nung mag-asawa ay nakabantay yung nanay nung bride. Yoko nun! Hahaha

"Okay next". Natigilan kaming lahat nang magsalita muli si Ma'am Gozar at ibinalik ulit ang paningin namin sa kanya para makinig sa susunod nyang sasabihin.

"In Colorado, it is illegal to kiss a sleeping woman."

"Kahit asawa?" Tanong ng isa kong classmate na lalaki. "Yes. Medyo okay to dahil nakakatulong para maprevent ang rape sa bansa nila" sagot ni Ma'am.

Oo nga naman. Minsan kasi chinichempuhang tulog yung biktima bago pagsamantalahan...

Nakinig na ulit kami sa sasabihin ni Ma'am.

"Next time na yung iba dahil batas talaga ng Pilipinas ang topic natin ngayon... Naranasan nyo na bang murahin o mabastos sa harap ng ibang tao? Diba nakakahiya yun? Pakiramdam mo tinapakan ang buo mong pagkatao. Pero dito sa atin sa Pilipinas, pwede natin kasuhan yung taong nambastos." Tahimik lang kaming nakikinig.

"SLANDER, paninirang puri o ng dangal ng isang tao sa pamamaraan ng (minura sa harap ng ibang tao, sinabihan ng pokpok yang babae na yan,kabet o kirida). Slander or Oral Defamation.....- Oral Defamation shall be punished by arresto mayor in it's maximum period to prision correctional in it's minimum period if it is of a serious and insulting nature; otherwise the penalty shall be arresto menor or a fine not exceeding P200 pesos.

SLANDER BY DEED, nasira ang dangal ng isang tao sa harap ng iba dahil sinampal siya, sinabunutan, o dinuraan. Article. 359. Slander by Deed. The penalty of arresto mayor in it's maximum period to prision correctional in it's period or a fine ranging from Twenty Thousand pesos (P20,000) to One hundred thousand pesos (P100,000) shall be imposed upon any person who shall perform any act not included and punished in this title, which shall cast dishonor, discredit or contempt upon another person. If said act is not of a serious nature, the penalty shall be arresto menor or a fine not exceeding Twenty thousand pesos (P20,000)"

Pagkatapos sabihin yun ni Ma'am Gozar, nagulat kami ng biglang tumayo si Alvin. Yung tropa naming bakla.

"Ma'am? Kung may batas pala na ganyan, eh bakit talamak pa din yung mga bully." Bakas sa mukha ni Alvin ang lungkot kasi madalas syang makaranas ng pambubully dahil bakla sya. Mga masasakit na salita ang natatanggap nya galing sa mga taong hindi sya tanggap bilang sya. Bilang kaibigan nya, nasasaktan ako sa tuwing naririnig ko na sinasabihan syang salot, walang kwenta at minsan minumura pa dahil lang sa kasarian nya. Alam naming sawa na sya sa panghuhusga ng mga tao sa kanya kaya nga nandito lang kaming mga kaibigan nya para sa kanya at lagi namin pinaparamdam sa kanya na tanggap namin sya bilang sya.

"Yun nga ang problema dito sa atin. Maraming batas ang naipatupad pero hindi masyadong nagagamit. Kaya madaming nagsasabi na bulok ang sistema ng Pilipinas" sagot ni Ma'am.

Umupo na lang si Alvin at hindi na nagsalita.

"Pero pag mayaman yung nagreklamo, kulong agad yung salarin. How pathetic" Si Elle naman yung nagsalita.

"Siguro dahil mas marami ang mahirap kesa sa mayaman kaya saka lang nagagamit yung mga batas na yan pag may pera yung naaargabyado. Pero pag salat sa buhay, bihira na lang pansinin." Sagot nung isa ko pang classmate na Joan.

Sumang-ayon naman kaming lahat dahil sa sinabi nya. After nun ay pinahanap na kami ni Ma'am Gozar ng mga partner namin para sa gagawing activity. Pumunta ako sa pwesto ni Francis at umupo sa tabi nya dahil sya ang kapartner ko.

Ang activity namin ay gumawa ng batas na gusto naming ipatupad sa Pilipinas. Hinayaan ko na lang si Francis ang mag-isip at mag-sulat dahil wala din naman akong maisip.

Lunch break na kaya tapos na din ang klase. General Math ang last subject namin ngayong araw. Wala naman kaming masyadong ginawa sa math dahil nagdiscuss lang yung teacher namin na hindi naman namin malaman kung kami ba ang kausap o yung blackboard. Hays! Naistress ako.

"Guys sabay-sabay na tayong umuwi." Yaya ni Julie sa amin.

"Kayo na lang. Dito kami sa School maglalunch dahil may training kami sa basketball after." Sagot ni Kinley.

Tumango na lang si Julie at naglakad na palabas ng School. Sumunod naman kami nina Elle at Alvin sa kanya at naiwan na yung tatlong boys. Nandito kami ngayon sa hallway palabas ng gate ng School.

Nakalabas na kami sabay-sabay na naglakad. "Guys, may mallshow mamaya ang Megathrone. Nood tayo." Yaya ni Elle. Fan na fan talaga sya ng boy band na yun.

"Bahala na mamaya kung hindi ako busy" sagot ko. "Sama ako, wala akong gagawin mamaya" tugon naman ni Alvin.

"Ikaw Julie?" Napatingin si Julie kay Elle at agad na tumango. "Sige! Sama din ako."

Napatigil kami sa paglalakad ng biglang tumigil si Alvin. Yumuko sya at iniroll nya pataas yung pants nya hanggang sa magmukha na itong short na maiksi pagkatapos ay rumampa sya sa kalsada. "Ginagawa mo?" natatawang tanong ni Julie kay Alvin. "Rumarampa! Nakikita mo naman diba?" Tumawa na lang kami habang umiiling-iling.

"Uy sexy! Pwede ka ba mamaya?" Napalingon kaming apat sa lalaking nagsalita. Medyo may itsura naman sya kaya madali nyang nakuha yung atensyon ni Alvin. "Saan ba Kuya?" tanong ni Alvin habang may pakindat kindat pa.

"Sa Hotel. Basta ikaw ang magbabayad. Hahahahaha!" Sagot nung lalaki sabay tawa. Nakitawa na din yung mga kasama nya kaya biglang nag-bago yung expresion ng mukha ni Alvin. Biglang sumeryoso. "Bastos! Tara na nga."

Aalis na sana kami ng biglang mag-salita yung isang kasama nung lalaki. "Akala ko bro papatol ka dun, eh bakla yun. Salot sa lipunan, tsaka baka mamaya may aids pa yun. Hahahaha!"

Biglang kumulo yung dugo ko sa narinig ko. Napansin kong biglang kinuyom ng mahigpit ni Alvin yung kamao nya at parang handang-handa na manapok. Hinawakan sya ni Elle at Julie sa magkabilang braso. "Wag mo na lang pansinin" bulong ni Elle sa kanya. Napansin kong may tumulong luha sa mata ni Alvin kaya hindi ko na napigilan yung sarili ko.

Lumapit ako sa mga tambay na nambastos kay Alvin. "Kung salot sya, mas salot kayo! Wala namang syang ginagawa sa inyo pero grabe kayo makapang-husga. Wala ba kayong mga magulang?! Bago kayo manghusga, siguraduhin nyo munang may naiambag na kayo sa lipunan!!! Mga walang respeto!" Bulyaw ko sa kanila. Magsasalita na sana yung isa nilang kasama pero umalis na ako at hinila sina Julie palayo sa mga tambay na yun.

Umiiyak na si Alvin habang hinihimas ni Elle yung likod nya. "Ikaw naman kasi. Bakit pinansin mo pa yung mga yun" Tanong ni Julie sa kanya. Pero hindi sya pinansin ni Alvin.

"Ibaba mo na nga yang pants mo. Mukha kang ewan eh." Hindi nya din ako pinansin at patuloy lang sya sa paghikbi.

"Alam mo, paano ka irerespeto nyan kung pinapakita mo na hindi ka karespe-respeto. Dahil sa ginawa mo, binigyan mo sila ng chance or reason para ijudge ka. Pero sabagay, nasa tao naman yan. Kung gusto ka nila ijudge, ijajudge ka nila. May ginawa ka man o wala. Siguro sakit na ng tao yun. Hindi nila mapigilan ang sarili nila na hindi manghusga. Ang magagawa na lang natin ay huwag silang pansinin" Sabi ko habang nakatingin sa kawalan.

Kung sabagay, nagjujudge din naman ako pero sa isip ko lang. Para sakin kasi opinyon ko lang yun sa isang tao. Kapag hindi ko gusto yung suot ng isang tao, sinasabi ko sa isip ko na ang panget ng suot nya at hindi ko pinapahalata na ayaw ko yung porma nya kasi ano naman ngayon kung ganun yung suot nya, yun ang gusto nya eh. Respeto na lang sa kagustuhan ng iba. Hindi naman kasi lahat ng nakikita natin ay gusto natin. Kaya kung hindi man natin gusto yung isang tao or hindi natin gusto yung pananamit at mga ginagawa nila sa buhay nila, manahimik na lang at irespeto sila sa kung ano man ang gusto nila as long as wala silang natatapakang tao...

*★*★*★*★*★*★*★*★*★*★*

[Source of Law: Deep Web Facts & Articles Group]

Siguiente capítulo