webnovel

Tinig sa ibabaw ng karagatan

Nahabag si Jess sa kwento ni Taiji. Ngayon ay Labis na nitong naintindihan kung bakit ganoon na lamang ng trato sa kanya ni Taiji. Nangako si Jess na bilang isang bagong hinirang ay gagawin nya Ang lahat upang Hindi masayang sa lahat ng sakripisyo ni Ah maay at ng nauna pang hinirang. Nangako si Jess na tatalunin nya ang Jakan kahit Anong mangyari.

Isang ngiti Ang isinukli ni Taiji Kay Jess, kasabay nito Ang pag patak ng mga luha Mula sa kanyang mga mata. Naalala ni Taiji Ang pangako ni Ah maay na "Ipinapangako kong babalik ako rito pag payapa na Ang Mundo, at mamumuhay Kasama kayo" Bigo man sa pangako, ay alam ni Taiji na kung napag tagumpayan ni Ah maay ang pagpaslang sa Jakan ay babalik ito sa kanila upang tuparin Ang pangako.

Bago pa man Makita ni Jess Ang luha sa mga mata ni Taiji, ay umalis na sa Teris si Taiji at nag paalam rito. Sunod na kinausap ni Jess si Chu an, Nakita nya ito sa may labas ng pintuan.

Sa pag uusap ng dalawa ay nabanggit nito na talagang tutuloy sila ni Taiji sa paglalakbay, sa Oras na mamayapa na Ang kanilang Lolo Pinyin. Ibinilin ni Pinyin na sa Oras na sya ay mamatay, ay maglakbay Ang dalawa, at Bago umalis ay iwan lamang Ang kanyang katawan sa kanilang Bahay at sunugin Ang Bahay sa huling sandali.

Ninais ni Pinyin na maglakbay Ang dalawa dahil alam ni Pinyin na kailangan ng Mundo Ang mga taong singlakas ni Taiji at Chu an., Mga taong Hindi nabigyang tulong ng hinirang Mula sa nagkalat na demonyo at espirito. Ayaw man sundin ng dalawa, ay wala silang magagawa dahil, eto na Ang iniwang huling bilin ng kanilang Lolo Pinyin.

Sinabi ni Chu an na napag usapanna nila ito ni Taiji, na sa Oras na dumating ang araw ng kanilang paglalakbay, ay nais nitong maglakbay mag Isa. Nais nitong matutong makipaglaban at mag ensayong gamitin Ang kanyang kapangyarihan ng wala si Chu an.

Labag man sa kalooban ni Chu an, ay pumayag rin ito. Batid ni Chu an na planado na ito ni Taiji ang mga nais nyang Gawin sa Oras na mag simula ito sa pag lalakbay. Ngunit, pumayag lamang si Chu an sa kondisyon kung papayag Rin si Taiji na ipasa Ang tinurong estilo ni Ah maay na Yin at Yang, sa iba. Batid ni Taiji na importante para Kay Chu an Ang tinuro ni Ah maay, Kaya Naman Hindi sya nag dalawang isip at agad na pumayag sa kondisyon na ito. Kaya naman nangako Ang dalawa na mag hahanap muna sila ng matuturuan Bago tuluyang mag hiwalay sa paglalakbay.

Inamin ni Chu an na matagal ng sinabi ni Pinyin Ang posibilidad na maaaring Patay na si Ah maay. Ngunit Hindi ito tinanggap ni Taiji at sinabing kinakailangan nya ng patunay upang maniwalang wala na si Ah maay. Hanggang sa dumating si Jess, Ang bagong hinirang, na nangangahulugang wala na Ang dating hinirang. Agad Naman sinabi ni Jess Ang tungkol sa napag usapan nila ni Taiji kanina at nangakong gagawin nito Ang lahat.

Kinabukasan ng umaga ay nag handa na si Jess sa kanyang pag tungo sa bayan. Ngunit Bago pa man makaalis ay, binigyan sya ni Pinyin ng isang munting regalo. Binigyan ni Pinyin si Jess ng isang manipis na espada, dahil napansin nya na walang ibang armas na Dala ang hinirang. Naisip ni Pinyin bigyan si Jess upang magkaroon ng proteksyon Ang sarili bukod sa gamitin Ang kaniyang manikang si Sese.

Labis Naman Ang tuwa ni Jess at tinanggap ito. Bago umalis ay ginawa muna ni Jess Ang katawan Ng payong ni Sese, na isang Kaya ng espada. "Isang magandang taguan" – banggit ni Pinyin

Nag paalam na si Jess Kila Pinyin, Chu an at Taiji para sa patuloy nitong paglalakbay sa bayan kung saan nya gaganapin ang unang pag eexorsismo.

"May isang hinirang na Naman Ang nag iwan ng pangako sa atin" – bulong ni Taiji habang pinagmamasdang papalayo ng papalayo si Jess.

Labis Ang pasasalamat ni Jess sa mag Lolo. Lalo na ang mga panibagong kaalaman na kanyang natutunan, konti man ang naituro sa kanya ni Pinyin, ay batid ni Jess na isang malaking tulong at hakbang na ito bilang isang hinirang. Marami ring natutunan at nalaman si Jess tungkol sa dating hinirang na si Ah maay.

Habang nag lalakbay at tinatahak Ang ruta papuntang bayan, ay sa wakas na gising na rin si Koro. Labis Ang pasasalamat ni Jess na nasa maayos na si Koro, agad ding kinuwento ng binata ang mga nangyari sa mga nakalipas na araw na tulog si Koro. Lingid sa kaalaman ni Jess, ay Hindi totoong natulog lamang si Koro ng ilang araw.

Hindi alam ni Jess na umalis si Koro upang bisitahin Ang isang kaibigan. Pinagtanungan ni Koro Ang kaniyang kaibigan kung nasaan Ang mga babaylan At Ang tamang Daan upang matagpuan ito.

May taglay pa ring kapangyarihan si Koro kahit pa isa na lamang syang sombrero. Noong Oras na nagpahinga sila sa dayamihan. Saka humiwalay sa katawang sumbrero si koro at tinawag Ang kaibigang si "Adarna". Isang nag aapoy na ibon. Tinawag ni Koro Ang Adarna upang sya ay ihatid sa Isa pang kaibigan nito na si "Amphit".

Pagdating sa Lugar ni Amphit ay nagtanong si Koro kung saan nya matatagpuan Ang mga babaylan. Ang kapangyarihan ni Amphit ay ang tubig. Kaya nitong nag bigay ng lokasyon ngunit Hindi sigurado kung ito nga ba ay ang mga babaylan.

Ipinakita nito Kay Koro Ang mga lokasyon kung saan may nasasagap itong kapangyarihan na katulad ng sa mga babaylan. Nagpasalamat si Koro Kay Amphit at mabilis na kinausap si Adarna upang puntahan Ang mga lokasyon na iyon. Masyadong maraming lokasyon Ang nasagap Kaya Naman natagalan si Koro Bago makabalik muli.

Sa pag babalik ni Koro Kay Jess, ay may ideya na si Koro kung saan sila susunod na tutungo upang matagpuan Ang Isa sa mga babaylan.

Sinabi ni Jess Kay Koro na pansamantala muna nyang gagawing kulungan ng mga kaluluwa si Sese. Sinabi ni Koro na wala itong problema. "Pagkatapos ng misyon sa bayan, ay agad Tayong tumungo sa bayan ng Cebu" – Ika ni Koro Kay Jess. Tinanong ni Jess si Koro kung bakit sa bayan ng Cebu nito napili magpunta. Binanggit ni Koro na malakas Ang kanyang kutob na nasa bayan ng Cebu Ang Isa sa mga babaylan. Agad namang pumayag si Jess, kung magkataon na nandun nga ang Isa sa mga babaylan sa wakas ay may makakasama na sya upang hanapin Ang dalawa pang babaylan.

Ikalawang araw na ng pag lalakbay ni Jess simula ng sya ay umalis Kila Pinyin. Sa paglalakbay natanaw ni Jess Ang isang dagat, agad itong pinuntahan ni jess. Labis Ang tuwa at mangha ni Jess sa senaryong nasaksihan ng makarating sa dalampasigan ng dagat. Eto Ang unang beses na makapunta at makakita si Jess ng isang karagatan.

"Maaari Kang maligo sa dagat Jess, at manghuli ng isda para iyong kainin" nagustuhan ni Jess Ang ideyang iyon ni Koro. Agad na Lumusong si Jess sa karagatan upang maligo, at manghuli ng isda gamit Ang manipis na espadang binigay ni Pinyin sa kanya.

Habang kumakain si Jess, ay nakuha ng kaniyang atensyon Ang isang malaking isda na Nakita nito. Naging interesado si Jess sa laki nito at Kinuha ni Jess Ang kanyang espada at sinabing huhulihin nya ito. Ngunit ng akmang tutusukin na ito ni Jess ay pinigilan sya ni Koro. "Hindi isda Ang nakikita mong iyan, Isa yang Siyokoy"

Bahagyang nagulat si Jess sa sinabi ni Koro. Sa gulat nito ay nadulas si Jess sa batong tinatapakan nito sa tubig. Ngunit ng nadulas si Jess ay agad na syang nahila ng Siyokoy sa paa. Matagal na pa lang napapalibutan si Jess ng nga Siyokoy, ngunit Hindi ito napansin ni Jess dahil nasa ilalim ito ng tubig. Hindi rin naramdaman ni Koro ito dahil masyadong malalim Ang iniisip ni Koro tungkol sa bayan na susunod nilang lalakbayin.

Naiwan ni Jess si Koro sa isang bato at nabitawan pa ni Jess Ang espada na kanyang proteksyon sa paghila ng Siyokoy sa kanyang mga paa.

Labis ang pagpupumiglas ni Jess ng hilain sya ng Siyokoy papunta sa ilalim na parte ng dagat. Napakahigpit ng pagkakahawak nito sa paa ni Jess, at sa tuwing hahawakan ni Jess Ang Siyokoy ay dumudulas lamang ito dahil sa napaka dulas na balat ng Siyokoy.

Tatlong Siyokoy Ang nakabantay sa Siyokoy na may hawak Kay Jess. Palalim ng palalim Ang sinisisid ng Siyokoy at malapit ng malunod si Jess.

Unti unti ng nanghihina Ang katawan ni Jess. Nauubusan na Rin sya ng hangin sa kanyang Baga. Unti unti na ring pumipikit Ang nga mata ni Jess. Ang tanging huling Nakita na lamang nya ay Ang ambang pag atake sa kanya ng Isa sa mga Siyokoy, nasa isip ni Jess bakit nila ako hinihila, kakainin ba nila ako? Eto ang huling tanong sa isipan ni Jess Bago sya tuluyang mawalan ng Malay.

Bago pa man tamaan ng pagatake ng siyokoy si Jess ay tinira ng isang mala sibat na tubig Ang mga Siyokoy. Nanggaling Ang sibat na tirang ito sa isang sirena. Naalintana ang pag atakeng ginawa ng Siyokoy dahilan Rin nito na bahagyang pag kaluwang ng hawak ng Siyokoy Kay Jess, agad namang hinila ng sirena si Jess upang agawin sa mga siyokoy. Hindi nag patinag Ang mga Siyokoy, hinabol nito Ang sirena na kasalukuyang mabilis na lumalanggoy paahon sa dagat upang makahinga si Jess.

Sa bilis ng pag langgoy ng sirena ay bumalandra sila ni Jess sa dalampasigan ng dagat. Hindi Naman na nagawang habulin ng Siyokoy Ang sirena dahil sa Oras na umahon sila sa tubig ay matutuyo sila ng araw at napaka sakit nito sa pakiramdam ng mga siyokoy dahil sa napaka bilis matuyo ng kanilang balat.

Agad na binigyang hangin ng sirena ni Jess. Binigyang hangin nya ito gamit Ang kanyang mga bibig at Ang pag Bomba sa dibdib ni Jess. Ilang saglit lang ay agad na umubo si Jess labas labas Ang mga tubig na nagbara sa kanyang baga.

Walang nagawa si Koro upang tulungan si Jess dahil wala paring sapat na lakas si Koro upang gamitin Ang kaniyang kapangyarihan. Naubos Ang lakas ni Koro sa pag gamit ng kanyang kapangyarihan sa pag hahanap ng mga lokasyon ng maaaring babaylan.

Isang minuto Rin Ang itinagal ng sirena sa dalampasigan. Unti unti ng natuyo Ang buntot nito at dahan dahan ay naging porma ito ng mga Binti ng isang babae. Agad na tinakpan ng babae Ang kanyang maselang parte ng katawan, at itinakip Naman Ang kanyang mga mahabang buhok sa kanyang dibdib.

Nang magising si Jess ay ipinaliwanag ng babaeng sirena Ang nangyari, sinabi nito na sya Ang nagligtas Kay Jess at Ang dahilan kung bakit buhay pa ito. Labis Ang pasasalamat ni Jess sa babaeng sirena at nang napansin ni Jess na tila ba walang suot na saplot Ang babae. Agad na hinubad ni Jess Ang kanyang damit at ibinigay ito sa babaeng sirena. Nakaramdam ng kakaibang emosyon si Jess. Isang babaeng walang saplot Ang kanyang nasa harapan, pinagpapawisan at kabado si Jess na inabot Ang kanyang damit sa babaeng sirena.

Walang kaalam alam Ang babaeng sirena kung ano Ang dapat Gawin sa telang damit na binibigay ni Jess sakanya. "ano Ang gagawin ko riyan?" tanong ng sirena. Agad na napalingon si Jess ngunit umiwas Rin agad ng tingin.

"Suutin mo Ang damit na ito" Sabi ni Jess. Ngunit Hindi alam ng sirena kung paano isuot Ang damit na inaabot ni Jess. "Hi-hindi ko alam kung paano ko susuutin Ang bagay na ito" wika ng sirena.

Walang nagawa si Jess kundi Ang pumunta sa likuran ng babae at isuot dito Ang damit na kanyang ibinibigay.

"Ako si Dyesebel" pagkilala ng sirena "Ako Naman si Jess" sagot ni Jess. Nagpakilala sila sa isat-isa ng maalala ni Jess na naiwan nga pala nya si Koro sa bato kung saan sya kumakain kanina. Agad na naglakad si Jess upang Kunin si Koro.

"okay ka lang ba?" tanong ni Koro Kay Jess. Agad Naman sumagot si Jess na okay lamang sya. Sinabi ni Koro na Nakita nya Ang mga nangyari pati Ang pag sagip ng sirena Kay Jess sa dalampasigan. Paalala pa ni Koro Kay jess na utang ni Jess Ang buhay nito sa sirena.

"Sirena?" – tanong ni Jess. Hinding Hindi makakalimutan ni Jess Ang ginawa ni Dyesebel sa kanya. Kinuha ni Jess si Sese upang kontrolin at Kunin Ang espada sa bato kung saan sya hinila ng mga syokoy kanina.

Nang makuha na ni Jess Ang espada ay agad syang lumapit muli Kay Dyesebel.

Tinanong ni Jess Ang sirenang si Dyesebel kung bakit sya iniligtas nito.

"Matagal na naming kaaway Ang mga Siyokoy na iyon. Marami na silang nabiktima. Mga pinatay na isda. Madalas rin silang mag nakaw ng mga pagkain sa amin. Iniligtas kita dahil ayokong may mabiktima na naman ang mga syokoy. Masyado ng maraming nabiktimang tao at kasamaang nagawa Ang mga syokoy na iyan" – lingid sa kaalaman ni Jess, ay Hindi Rin talaga alam ni Dyesebel kung bakit nya iniligtas si Jess. Batas ng mga sirena na huwag mangialam sa mga tao, ngunit sinaway ito ni Dyesebel ng nakitang nasa panganib si Jess.

Sa totoo lamang, ay Ang parte ng dagat na iyon ay lokasyon talaga ng mga Siyokoy. Siguradong Hindi nito nagustuhan Ang pangingialam na ginawa ni Dyesebel. Marahil ay nag hahanda na itong umatake Kila Jess, o Kaya Naman ay hinihintay Ang pagbabalik ni Dyesebel sa dagat.

"kung gaanon ay nasa piligro na Ang iyong buhay dahil sa pag sagip mo sa akin" – wika ni Jess Kay Dyesebel. Nakaramdam si Jess na responsibilidad na makabalik ng ligtas si Dyesebel sa Lugar nito.

"Maaari Naman akong maglakad tungo sa ibang dalampasigan At doon na sumusid upang makatakas sa mga syokoy na nakaabang" depensa ni Dyesebel. Nakampante si Jess sa sinabi ni Dyesebel. Labis Ang pasasalamat ni Jess Kay Dyesebel at sinabing utang talaga nito Ang buhay nya sa dalaga.

"Kung Ang Lugar na ito ay Lugar ng mga syokoy, ano Ang ginagawa mo dito?" – Biglang tanong ni Koro. Napaisip lamang si Koro kung bakit nasa Lugar ng siyokoy ang isang sirena, kung gayung Lugar ito ng mga syokoy at mag kaka away sila.

Nagulat si Dyesebel ng Makita Ang tatsulok na sumbrerong nagsasalitang si Koro. Eto Ang Koro na kilalang-kilala. Unti-unting napagtanto ni Dyesebel na ang lalaking kanyang iniligtas ay Ang bagong hinirang.

Tulala Ang sirenang si Dyesebel dahil sa kanyang natuklasan. Hindi sya maaaring nagkamali. Ang sumbrerong Kasama ni Jess ay si Koro, at ang Kasama ni Koro lagi ay Ang hinirang na mangkukulam.

"Kung Ang Lugar na ito ay Lugar ng mga syokoy, ano Ang ginagawa mo dito?" – muling tanong ni Koro sa sirenang si Dyesebel nang mapansing tulala na ito.

"Inutos sakin na magpahuli sa mga Siyokoy bilang kaparusahan sa pag labag na huwag na huwag magpakita sa mga tao. Kaya nagkataong nandito ako para magpahuli ng Makita ko na may bagong biktima sila, ay Hindi ko napigilan Ang aking sarili ."

Naikwento ni Dyesebel na gustong-gusto nyang naka upo sa bato, kapag hapon at inaabangan nito Mula sa dalampasigan Ang senaryo ng paglubog ng araw, sinasabayan nya ito ng pagkanta ng isang musikang nakakahalina kung pakikinggan. Ngunit tatlong araw Ang nakalipas ay isang tao ang nakakita sa dalaga, para bang nahalina Ang tao sa narinig nitong tinig sa may tabi ng dagat.

Mula noon ay naging tumpukan ng mga tao Ang dagat upang manghuli ng sirena, dahil dito mas maraming nabibiktima Ang mga syokoy na tao at mas marami ang namamatay na tao.

Ngayon ay muling sinuway ni Dyesebel Ang kanilang batas. Isang tao ang muling nakasulyap sa kanya at Ang hinirang pa. Paniguradong nagalit Rin Ang mga syokoy at gaganti at maninira sa pamumuhay nilang mga sirena.

Nakaramdam si Jess ng pagkahiya dahil sa natuklasan. Kung Gayon ay napakalaking epekto pala Kay Dyesebel Ang ginawang pagligtas nito sa kanya. Ngunit Hindi Rin Naman nakaligtas sa Isa pang tanong si Dyesebel Mula Kay Koro.

"Alam Kong Hindi nagkakaroon ng binti ang mga sirena. Ngunit bakit sa Oras na natuyo ang iyong mga buntot ay naging mga Binti ito" muling tanong ni Koro Kay Dyesebel.

"Ang paglabag na aking nagawa ay nagdulot ng kapahamakan sa dagat at pati narin sa kaharian. Kaya Naman Isa sa mga kaparusahan ko ay Ang sumpa ng perlas na sa Oras na ako'y umahon sa tubig at natuyo Ang aking mga buntot, ay magiging mga Binti ito. Nang sa gayon ay Hindi na ako umahon pang muli mula sa dagat. Kapag ako ay umahon ay siguradong aakalain ng nga syokoy na ako'y isang tao, at kakainin nila ako."

Hindi marunong maglakad Ang dalaga. Hindi pa nito Kaya na gamitin Ang mga Binti nito, bukod pa roon ay sa oras na sya ay Naglalakad ay nararamdaman nya na para bang sya ay tumatapak sa maliliit na bubog ganoon ang epekto ng sumpa.

Naintindihan na ni Koro Ang sitwasyon ni Dyesebel. Malayo Ang tingin ni Dyesebel na nakatanaw Mula sa malawak na karagatan, dahan dahang tumulo Ang mga luha nito sa mata. Nang Makita ni Jess na lumuluha Ang dalaga ay agad na nagtanong ito kung bakit sya umiiyak at kung ano Ang kanyang nakita

Hindi na napigilan ng dalaga Ang pag hagulgol. "Nakita ko Mula sa mga alon Ang mensahe na nais ipabatid sakin ng aming kaharian."

"Dahil sa muling paglabag sa batas, ako ay papatawan ng kaparusahang kamatayan" Isang syokoy pala Ang nagtungo sa kaharian nila Dyesebel upang sabihin Ang mga nangyari at Ang ginawang pangingialam ni Dyesebel sa kanila.

Nakaramdam ng Galit si Jess sa parusang ipapataw Kay Dyesebel. "Bakit maniniwala Ang kaharian sa mga syokoy na iyon?! Bakit tila naka ayon Ang kaharian sa kagustuhan ng mga syokoy?!" inis at Galit na tanong ni Jess.

"Dahil sa kabibe sa mga dagat, Hindi ito nag sisinungaling Kaya nagawang maniwala ng kaharian" sagot ni Dyesebel Kay Jess.

Bilang mga sirena, may kakayahan silang Makita Ang isang pangyayaring Nakita ng kabibe. Bubukasan lamang nila ito at masisilayan na nila Ang mga nangyari sa bulang inilalabas nito. Inamin Rin ni Dyesebel na takot silang mga sirena na makaharap Ang mga syokoy, dahil sa taglay nitong abilidad at galing sa pakikipaglaban. Inamin ni Dyesebel na mahina Ang nga sirena kumpara sa syokoy, at Kaya nito silang paslangin.

Kagustuhan ng mga syokoy na maging kamatayan Ang hatol Kay Dyesebel. Sinabi ng mga syokoy na kung kamatayan Ang ihahatol nila Kay Dyesebel ay hinding Hindi na muli Mang gugulo Ang mga syokoy sa kaharian ng mga sirena.

"bakit Hindi kana lamang manatili sa lupa at manirahan? Kesa naman bumalik ka at harapin Ang kamatayang ninanais ng mga syokoy" Suhestyon ni Jess sa dalaga.

Batid ni Dyesebel na maaari nga iyon. Ngunit lubhang napaka panganib nito. "Napakadelikado nito para sakin. Isang patak lamang ng tubig sa aking Binti ay magiging buntot na muli Ang aking mga Binti." Batid ni Dyesebel na siguradong pagkakakitaan sya ng mga taong makakaalam na sya ay isang sirena.

O Ang masama pa nito, ay maaaring patayin sya dahil Ang dugo ng sirena ay may kakayahang magpabalik sa kabataan ng isang tao, Kaya Rin nitong dagdagan Ang buhay ng isang tao.

Mas magiging masama at brutal pa ang kakahantungan ni dyesebel sa panig ng mga tao o ang manirahan sa lupa.

Naintindihan na ni Jess kung bakit napaka delikado nito para Kay Dyesebel. Kaya pala ganun na lamang Rin Ang kagustuhan ng mga tao na makahuli ng isang sirena kahit pa alam nilang may mga syokoy na nakatira at handang kumain sakanila.

Sinabi ni Dyesebel na napaka brutal ng mga tao kung sya ay papatayin ng mga ito. Pero wala Rin Naman itong pinag kaiba sa dagat. Siguradong kakainin ng mga syokoy Ang bangkay nya sa oras na mamatay sya.

Nakaisip ng paraan si Jess, pero Bago pa man mabanggit ito ni Jess ay nag salita na si Koro. "Tandaan mo Jess, Ang mga babaylan Ang mas higit na dapat mong makasama. Hindi Ang ibang nilalang." Alam ni Jess na Tama si Koro. Pero Hindi Rin lubos na matanggap ni Jess Ang ipinataw na kaparusahan sa isang nilalang na nais lamang masaksihan Ang pag lubog ng araw habang kumakanta.

"maaari ko bang sabihin sayo Ang isang sikreto?" Sabi ni Dyesebel. Malayo Ang tingin nito sa karagatan pero makikita sa Mukha ng dalaga Ang isang ngiti habang iniisip Ang mga bagay na nais nyang Gawin.

"Nais Kong maglakbay sa lupa. Makapunta sa bundok, at masaksihan Ang ibat ibang tanawin na naka tago rito. Nais Kong Makita Ang nga hayop na meron sa lupa. At Kumain ng mga pagkain ng tao na inyong kinakain." Nakangiti Ang dalaga habang sinasabi ito. Ngunit Hindi matatago Ang lungkot sa mga nito.

Halos gumuho Ang Mundo ni Jess sa sinabi ng dalaga. Labis na kalungkutan Ang naramdaman ni Jess ng malamang gustong maglakbay ni Dyesebel. Tumulo Ang luha Mula sa mga mata ni Jess. Hindi nya lubos maisip kung bakit hindi maaaring maging Malaya Ang mga sirena sa lupa, kung gayong kalahating tao Rin Naman sila.

Tao ba Ang may problema? Bakit ganito kabigat Ang kaparusahan kung gayong Ang kalayaan lamang Ang ninanais ng dalagang ito?

Maraming katanungan si Jess sa kanyang isipan. Ilang minuto Rin Bago muling magsalita si Dyesebel.

"Bilang kabayaran ng pag ligtas ko sayo, nais Kong Ikaw na Ang tumapos sa buhay ko. Kamatayan Ang parehong nag hihintay saakin sa tubig at lupa. Nanaisin kong mamatay sa kamay ng isang hinirang at ng taong iniligtas ko."

Check out the upcoming updates of witch fate on my Facebook account : Em Ramos

Follow me to see the official witch fate art & design.

IG :@nammemmy | FB :Em Ramos

nammecreators' thoughts
Siguiente capítulo