webnovel

CHAPTER ONE

HUMAHANGOS na napasugod si Ruth sa Pink Martini, isang kilalang club sa bayan nila. If there's one place she hated the most, it would be places that were dark, noisy and dirty like that place. Napapikit siya at muling napatagis ang bagang nang maalala si Crystal. Hindi siya makapaniwala sa nalaman niya kanina bago siya nagpunta roon. A bartender called her. Isang bartender na hindi niya kilala pero kasama ng nag-iisang anak niya! What the heck was Crystal doing in that kind of place? Iyon ang malalaman niya mamaya kapag nakausap na niya ito.

Pagpasok na pagpasok palang niya ay nalukot na agad ang ilong niya dahil sa pinaghalong usok ng sigarilyo at amoy ng alak. She wanted to puke that instant. She's never been in that kind of place before pero ang anak niya...The thought made her insides churn.

"Excuse me, ako iyong tinawagan ng isa sa mga staff ninyo rito tungkol sa isang dalagang sobrang lasing," pakilala niya sa isang waiter na dumaan sa harap niya.

"Nasa malapit siya sa counter ma'am," magalang na sagot nito.

Nagpasalamat siya rito bago tumungo sa kinaroroonan ni Crystal. Natampal niya ang noo nang makita ang hitsura nito. Nakayukyok ito sa mesang punung-puno ng bote ng alak. Naeskandalo siya nang makita ang klase ng suot nitong damit. It was so scanty, halos wala na nga itong suot! Pinagtitinginan ito ng mga lalaki at halatang ginagawan na ng kamunduhan sa isip ng mga ito. She couldn't stand to know that those thugs were ogling at her daughter!

"Ako iyong tinawagan ninyong susundo sa kanya," pakilala niya sa bartender. "I'm her mother." Napansin niya ang pagdududa sa mga mata nito. She couldn't blame him. She was only eighteen when she got pregnant with Crystal. Bata pa siyang tignan sa edad niyang bente nueve.

"Ma'am, hindi pa ho siya bayad sa mga nainom niya. Bago pa kasi siya makabayad eh bagsak na siya sa kalasingan. Pinakialaman ko na ho itong cellphone niya para tawagan kayo."

Napahawak siya sa kanyang sentido. Her night was getting worse by the minute. Hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyayari. Mabait ang anak niya, matalino sa klase, masunurin at ni minsan ay hindi siya binigyan ng problema. Her baby was not like that!

"Underage ang anak ko. Paano siya nakapasok sa lugar na ito? You shouldn't have let her in!" reklamo niya habang nagbabayad. "I'll talk to your manager."

Nagitla ito at hindi agad nakahuma. "N-Nagpakita ho siya ng i.d. nung pumasok siya. Sabi niya ay disi-otso na siya. Nacheck ho namin iyong i.d, valid naman."

"Paano magkakaroon ng valid i.d. na peke ang anak ko?" she snarled.

"Hindi ko ho alam. Aba'y kayo ang nanay niya eh, dapat kayo ang may alam."

Tinamaan siya roon. Kahit na gusto niyang pasabugin ang bar na iyon dahil sa sobrang inis ay hindi niya magawa dahil may punto ito. Inirapan niya ito bago nanggagalaiting inalalayan si Crystal palabas. Nang makarating sila roon ay agad niyang hinugot ang kanyang cellphone at nag-dial doon. It took three rings before somebody answered her call.

"Where are you?" iyon agad ang ipinambungad niya.

"Hello, mabuti din naman ako," sarkastikong sagot ng nasa kabilang linya.

She rolled her eyes. "This is not the right time to pick up a fight. I need your help."

"You're a very independent woman, ano ang maitutulong ko sa isang babaeng kayang gawin ang lahat nang walang hinihinging tulong sa iba?"

She clenched her fist. Lay Raven has always hated how she wanted to take care of Crystal alone. May mga pagkakataong hindi nito matanggap na hindi niya ito tinatawagan para ireport ang lahat ng nangyayari sa anak nila. She did that on purpose. Gusto niyang ipakita rito na hiwalay na sila, na kaya niyang palakihin ang anak nila ng mag-isa, that they must live their separate lives.

It has been their set up for ten years now. Sa kanya ang weekdays, weekends naman ang schedule nito. She sighed. Ayaw sana niya itong abalahin ngunit batid niyang ipagsisintir na naman nito ang hindi niya pagtawag rito kung sakali. Isa pa, sa mga ganoong pagkakataon kung saan malala ang sitwasyong kinasangkutan ni Crystal ay talagang sinisiguro naman niyang ipinapaalam niya rito ang kalagayan ng anak nila. It was a promise they've made with each other.

"I'm in front of a bar right now," she said through gritted teeth.

"Are you inviting me out?" amused nitong tanong.

"Don't count on it. Nandito ako sa labas ng bar ngayon dahil sinundo ko si Crystal. Guess what, our daughter was knocked out and is wearing this promiscuous dress that almost took my eyeballs out! Can you imagine this? Now get your ass off here and help me lock up our Crystal!"

Isang malutong na pagmumura ang naisagot nito nang marinig ang balita niya. "Text me the address. I'll be right there." Iyon lang at mabilis na nitong tinapos ang tawag.

Napatitig siya kay Crystal. Ano'ng nangyari? Bakit ganon ang hitsura nito? Nagpaalam sa kanya si Crystal kaninang umaga na hindi ito makakauwi dahil may gagawin itong group project sa bahay ng kaklase nito. Dahil mabait at masunurin ito ay agad naman siyang pumayag. Never did once Crystal has made her feel embarrassed like that. She has always been the perfect daughter for her. Or at least, it's what she thought she was.

Nang maalala si Lay Raven ay hindi niya napigilan ang kanyang sariling kabahan. Mahigit tatlong buwan na rin silang hindi nagkikita nito. They still see each other, pero bihira na lamang. As much as possible ay iniiwasan niya itong makita ulit. Simula nang maghiwalay sila ay bihira na silang magkita. Nag-uusap lang sila sa telepono kapag tungkol iyon kay Crystal. Nagkikita lang sila kapag may okasyon. Huli silang nagkita noong birthday ni Crystal.

Napasulyap siya sa suot na relong pambisig. She didn't bother to bring her car, natitiyak niya rin nama niyang magpupumilit lang si Lay Raven na ihatid sila pauwi. He never took no for an answer. She unconsciously bit her lower lip when she remembered him. How would she react if she would see him again? Mariin siyang napapikit. May importanteng bagay silang kailangang pag-usapan pero hindi niya inasahan na sa ganoon sitwasyon sila muling magkakaharap.

She was supposed to call him tomorrow, para pag-usapan ang tungkol sa annulment papers na ipinadala niya rito. Tatlong araw nang nasa kamay nito ang mga papeles na ipinadala niya ngunit hindi pa nito ibinabalik iyon sa kanya. All she wanted from him was his sign. Siguro naman ay hindi nito ipagdaramot iyon sa kanya. At least, that's what she was hoping for.

"Where is she?"

It took her a minute to recover from shock when she heard that familiar voice. Ni hindi na niya ito kailangang lingunin para mapagsino ito. Lay Raven. Pasimple niya itong pinagmasdan habang humahangos itong lumalapit sa kanya. He still looked gorgeous as ever.

He was half-Chinese and half-Filipino. He has milky white skin. Matangakad ito, sapat para maramdaman niyang nanliliit siya sa harap nito. Ang singkit nitong mga mata ay tila hindi nagbago sa kabila ng mahabang panahon—mayroon pa rin iyong kakaibang kislap sa tuwing nakikita niya. Matangos ang ilong at mapula ang manipis na mga labi nito.

She cleared her throat. When she saw his eyes, she caught her breath. Ni minsan ay hindi nagbago ang klase ng tingin nito sa kanya. Kahit na noong naghiwalay sila ay ganon pa rin ito kung makatingin sa kanya—it was as if she was the most beautiful woman he's ever seen. His gaze was full of tenderness and something she didn't want to think about. She looked away.

"L-lasing na lasing siya," aniya bago usmisod. Ipinakita niya ang hitsura ng anak nila habang natutulog ito sa isang maliit na bench sa harap ng bar.

"What happened?" kunot noong tanong nito.

"I don't know. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang siyang nagkaganito."

Mataman nitong pinagmasdan ang hindi kaiga-igayang hitsura ni Crystal. She's already covered her with her own jacket but her face was still smudged with heavy make up.

"Bakit hindi mo alam? You are her mom," akusa nito.

"And you are her father," she sarcastically snorted.

"She lives with you."

"Bakit, nasa iyo rin naman siya kapag weekends ah?" angil niya. "May trabaho ako. Hindi naman oras oras ay binabantayan ko siya."

She owned Crystal Heart Publishing Company. Ipinatayo niya iyon four years after they've decided to live their own separate lives, matapos niyang makagraduate. Ang pag-aaral at pagtatrabaho niya ang naging paraan niya para makalimutan ito noon. Simula noon ay hindi na siya tumigil sa pagpapalago sa kumpanya niya. It's the only thing that made her feel proud after leaving him. Itinago niya ang mapait na ngiting sumilay sa labi niya.

"You always work. Dahil sa trabaho mong iyan ay napapabayaan mo na ang anak natin."

She frowned at his another accusation. "Busy ka rin naman lagi ah?" she snapped back. "And don't give me that crap! Alam mong hindi ko pababayaan ang anak natin!"

He was busy running his own company too—ang Rave Recording Company. It was a gigantic company that he's built on his own. Kagaya niya ay naipatayo rin nito iyon matapos nilang maghiwalay. It was his second company, nalugi kasi ang unang kumpanyang naipatayo nito noon. Luckily, lumago at naging tanyag ang ikalawa nitong kumpanya.

"Let's stop fighting, okay?" tila nanghihinang iling nito kapagdaka.

She shrugged and sighed. "I was just about to say that."

He gave her that you-will-never-stop-talking-until-you-win-look. "Get in the car."

Binuksan niya ang pinto sa passenger's seat at naupo roon. Umikot naman ito at sumakay sa driver's seat. Sa backseat nito ipinahiga si Crystal. Tahimik nitong binuhay ang makina. In a few minutes, binabagtas na nila ang daan patungo sa bahay niya.

"Hindi ko maintindihan kung bakit nagkaganito si Crystal," basag nito sa katahimikan.

"Hindi ko rin alam. Nagpaalam siya sa akin na may gagawing group project. And the next thing I know, may tumatawag na sa aking bartender na nagsasabing lasing na lasing daw siya."

"You should've checked on her."

"Please, don't start again," aniya habang hinihilot ang kanyang sentido.

He sighed. Kung hindi man nila gusto ang isa't isa ay nagagawa na nilang itago iyon. But since bickering seemed to be the only way they could be civil with each other, yun ang madalas nilang ginagawa. Madalas man silang magbangayan ay nagkakasundo pa rin naman sila sa huli.

"S-so, how are you?" tanong nito matapos ang panibagong katahimikan.

"I'm doing fine," sagot niya.

Umangat ang gilid ng labi nito. "How fine is that?"

"Too fine that I wanted to tell you that it's none of your damned business."

"Kailan ka kaya makikipag-usap sa akin ng maayos?"

"I don't know. Kapag nagawa mo na sigurong pirmahan iyong annulment papers na ipinadala ng abogado ko sa'yo."

"Ruth!" he hissed. Nagbabantang tinapunan siya nito ng tingin bago mabilis na lumingon sa gawi ng anak nila. Muntik na niyang natampal ang sariling bibig. Nakalimutan niyang naroroon pala si Crystal."Next time you talk about that, siguraduhin mo munang walang ibang nakaririnig."

"S-sooner or later, ipapaalam rin naman natin sa kanya," mahinang sambit niya.

He glared at her. "Let's talk about it later."

Napalunok siya. Mahigit sampung taon na rin nang huli niyang marinig ang ganoong klase ng tono mula rito. Kilalang kilala niya ang tonong iyon kaya agad siyang natahimik.

"On the other hand, namiss ko ang pagiging masunurin mo," he grinned.

Inirapan niya ito. Agad niyang ibinaling sa labas ng bintana ang kanyang mukha. Damn! Bagamat madalas silang magbangayan, may mga pagkakataon ring inaasar siya nito sa pamamagitan ng panlalandi sa kanya. And whenever he did that, she still blushed, just like she used to. Narinig niya ang nakakalokong tawa nito. Napahawak siya sa kanyang dibdib.

Darating pa kaya ang araw na mawawala ang "spark" sa pagitan nila?

Siguiente capítulo