Pagsapit ng gabi ay naging maingay na naman ang pagtulog ni Lin Che.
Nakahiga siya doon at para bang nakita niya si Gu Jingze na nakamasid sa kanya na ang mga mata'y napakaamo. Ang mga mata nito ay parang isang ilog na banayad na umaagos.
Napaka-perpekto ng labi nito at nakakaakit sa mata.
Hinawakan nito ang mga balikat ni Lin Che at niyakap siya na para bang ipinapadama nito sa kanya na siya lang ang babaeng minamahal nito.
Napakaswabe ng boses nito habang malambing na sinasabi sa kanya, "Mahal kita, Lin Che…"
Nabigla si Lin Che na halos mag-unahan na sa tibok ang kanyang puso. Sa sumunod na sandali ay napansin niyang unti-unting lumalapit sa kanya ang labi ni Gu Jingze.
Inangat naman ni Lin Che ang kanyang ulo at lalong inilapit ang mukha dito.
Ngunit, nang sandalling iyon…
Biglang tumunog ang kanyang cellphone.
Naiiritang nagising si Lin Che. Umupo siya at noon niya lang narealize na nananaginip lang pala siya kanina.
F***, bakit naman siya mananaginip nang ganoon…
Biglang napasuklay ng buhok si Lin Che. Narinig niya ang kanyang cellphone na patuloy na nagri-ring kaya't kinuha niya ito.
Tumatawag si Yu MInmin.
"Ano'ng nangyari sa'yo? Bakit bigla ka nalang nasa balita dahil sa pagkakasangkot sa droga?"
Hindi pa nakikita ni Lin Che ang balita kaya wala pa siyang ideya sa mga nangyayari sa labas. Hinawakan na lang niya ang ulong bahagyang sumasakit at sinabi kay Yu MInmin, "Na-frame lang ako."
Ilang sandalling nag-isip si Yu Minmin bago sumagot, "Huwag mo ng isipin iyan. Pag-usapan nalang natin ito ulit kapag pumunta ka na sa opisina."
"Okay, sige. Pero, Ms. Yu. Hindi kita ma-contact kahapon. Saan ka nagpunta?"
Muling natahimik si Yu Minmin. Dahil wala itong naisip na ibang dahilan, inamin na lang nito sa kanya, "May nangyari lang aksidente kahapon."
". . ." Sumagot si Lin Che. "Bakit naman parang minamalas tayong pareho? Pumunta kaya tayo sa bundok upang manalangin?"
"Sa tingin ko, dapat nga nating gawin iyan. Anyway, mag-usap nalang tayo tungkol dito kapag pumunta ka na sa opisina."
Mabilis na tumayo si Lin Che. Bagama't nahihilo pa siya nang kaunti, nagpatuloy pa rin siyang linisin ang sarili at nagpalit ng damit.
Nang buksan niya ang pinto ay nakasalubong niya si Gu Jingze na papasok sa loob.
Napansin kaagad siya ni Gu Jingze at nagtagpo ang mga kilay nito.
Naalala niya ang mga nangyari nang nakaraang gabi. Bahagyang iniwas niya ang tingin. "Bakit ka bumangon?"
Nagmamadaling sumagot si Lin Che, "Pupunta ako sa kompanya."
"Sa kompanya?" Nagdilim ang mukha ni Gu Jingze. "Bakit ka pupunta sa inyong opisina gayong napakaaga pa?"
"May biglaan lang nangyari. Kailangan kong ayusin ito kaagad."
"Hindi ka maaaring umalis." Hinarang siya ni Gu Jingze bago pa man siya makatakbo palabas.
Nagtatakang nagtanong si Lin Che, "At bakit naman?"
"Hindi mo na kailangang pumunta doon." Dumako ang tingin nito sa mukha ni Lin Che na halatang kagagaling palang sa pagkakasakit. "Sumunod ka na lang at huwag kang umalis ng bahay."
Sumunod nalang at hindi aalis ng bahay?
Muli ay naalala ni Lin Che ang sinabi nito sa kanya kahapon kung bakit palagi nalang siyang pumapasok sa mga gulo.
Marahil ay iniisip nito na gagawa na naman siya ng problema kapag lumabas siya.
Sumagot si Lin Che, "Hindi pwede. Kailangan kong pumunta sa opisina ngayon at ayusin ang problemang 'to. Kapag hindi ko naayos ang problemang ito, then katapusan na rin ng aking career."
"Ang career mo sa buhay ay ang maging Madam Gu." Malamig na tiningnan ni Gu Jingze ang pasaway na babaeng ito.
"Ano? Kapag mag-divorce na tayo, isa nalang akong ex-wife. Mas mainam kung magkakaroon ako ng sarili kong career. Aalis na ako."
"Lin Che! Sinabi kong hindi ka maaaring umalis!" Mas naging mataas ang tono ng boses ni Gu Jingze at ang mata nito'y kakikitaan ng pagbabanta.
Lumingon si Lin Che sa kanya. "Alam ko naman kung ano'ng ikinababahala mo eh. Sa pagkakataong ito, hindi na ako manggugulo. Hindi n akita guguluhin pa. May aayusin lang akong ilang bagay, kaya hindi mo na kailangan pang mag-alala na baka may mangyari na naman sa akin."
Ibinaba ni Gu Jingze ang mata. Kahit nakita niyang nagsuot na ito ng sapatos, nakakunot pa rin ang kanyang noo.
"Aalis na ako," muling lumingon si Lin Che at sinabi sa kanya, bahagyang kinakabahan.
"Gawin mo kung ano'ng gusto mo." Tumalikod si Gu Jingze at pumasok na sa kwarto.
Bahagyang napanguso si Lin Che. Napansin niya na parang galit ito pero hindi na niya ito sinundan pa.
Naalala niya ang lahat ng nangyari kagabi. Bagama't malabo ang ilang bahagi ng kanyang alaala dahil sa antok at sakit ng ulo, malinaw pa rin sa kanyang isip kung paano nito pinaglaruan ang kanyang labi at kung paanong naglakbay ang kamay nito sa kanyang katawan…
Kaagad na nag-init ang kanyang labi. Bahagyang iniling niya ang ulo upang iwaksi ang pagnanasang nararamdaman at nagmamadaling lumabas.
Sa loob ng opisina.
Nakahawak sa noo si Yu MInmin habang sinasabi, "Mukhang si Senmira ang may kagagawan ng insidenteng ito. Hindi na matutuloy ang iyong endorsement deal at pumirma na si Senmira ng bagong kontrata sa kompanyang iyon."
Tiningnan ni Lin Che ang balita. Napansin niya na hindi lantarang nabanggit ang kanyang pangalan. Ang sabi sa balita ay may usap-usapan daw na may isang artistang nasangkot sa kasong drugs at kasalukuyang nakakulong ngayon sa presinto. Babae raw ang artistang iyon at nagsisimula ang pangalan sa letrang 'L'. Nagsisimula pa lang daw itong sumikat sa isang teleserye. Kung totoo man ang balitang iyon, malamang ay magkakaroon din ng problema kung maipapalabas ba ang teleserye nito ayon sa nakatakdang schedule.
Matatalino din naman ang mga netizens; kaagad nahulaan ng mga ito na si Lin Che ang tinutukoy sa balita.
Kahit si Yu MInmin ay medyo pagod din. Halata ang pag-aalala sa mukha nito. "Susubukan ng kompanya na mag-set ng isang arrangement para makita ka ng mga tao na nandito ka at wala sa kulungan. Ngunit kailangan mo munang tiyakin na hindi magsasalita ang mga pulis. Totoo namang hindi ka sangkot sa drugs, hindi ba?"
Bahagyang may pagdududa pa rin ang tingin ni Yu MInmin.
"Siyempre naman hindi!" Sagot ni Lin Che.
Tumango rin si Yu MInmin. Dahil sinabi nito, naniwala na rin si Yu Minmin; nararamdaman din naman niya na hindi ganoong tao si Lin Che.
"Ano'ng gagawin natin ngayon?"
"Pupunta muna tayo sa endorsement company at ipapaliwanag ang sitwasyon sa kanila."
Hindi nagtagal ay nakarating na sina Lin Che at Yu MInmin sa kompanyang iyon.
Ngunit, napakaliit lang talaga ng mundo kaya palaging magkakasalubong ang dalawang magkaaway. Pagpasok nila ay nakasalubong nila si Senmira na palabas habang nakasuot ng napakataas na stilletos.
"Naku, Lin Che. Bakit, nabalitaan ko na nakulong ka raw. Nakalabas ka pala agad?"
Nang makita ito ni Lin Che, naisip niya na hindi maaaring basta nalang ito tapakan ang kanyang pride.
"Oo naman. Habang nandito pa sa labas ang katulad mong ubod ng sama, naisip ko na hindi maaaring magtagal ako doon sa loob."
"Ano… Lin Che, nagmamataas ka pa rin, ano. Baka nakakalimutan mong nauna akong dumating sa industriyang ito. Hoy bata, matuto ka sa iyong senior. Kung ano man ang ginawa ko, ang tawag dun ay strategy."
"Huh, tama nga naman. Ang isang taong walang tunay na kakayahan ay tiyak na kakapit sa kahit anong posibleng paraan," Sabi ni Lin Che.
Sa gilid ay ngumiti lang si Yu Minmin at tiningnan si Senmira. "Mira, matagal na rin ako sa industriyang ito. Hayaan mong bigyan din kita ng isang payo. Huwag mong gamitin nang madalas iyang mga strategy mo kung ayaw mong sirain ang iyong sarili."
Suminghal lang si Senmira. "Sino ka ba sa tingin mo? Ang kapal ng mukha mong pagsabihan ako nang ganyan? Oo, ako ang may kagagawan nito. Ngayon, may magagawa ba kayo? Hmph. Dalhin mo nalang itong hopeless mong alaga at mamatay kayong pareho sa gutom. Ang lakas ng loob ninyong harapin ako nang hindi niyo man lang sinusuri ang inyong mga sarili?"
Nang matapos itong magsalita ay nilagpasan na nito sina Yu MInmin.
Naiinis na napakagat ng labi si Lin Che. "Hindi ko siya hahayaang patuloy na maging arogante."
Sumagot naman si Yu Minmin, "Hindi magtatagal ay mahahanap din niya ang sariling hukay."
Pumasok na silang dalawa sa kompanya. Walang ganang sinabi ng isang staff sa kanila, "Huwag na kayong babalik pa dito. Wala na kaming magagawa sa bagay na ito. Hindi kailanman gagamit ang aming kompanya ng isang artistang sira na ang reputasyon."
Pagkasabi ng mga ito ay naghanda na ang mga ito na palayasin sila. Marami ng artista ang nangulit sa kanila nang ganito.
"Lumabas na kayo, labas. Bilisan niyo't wag na kayong babalik pa rito."
Ngunit, sa sandalling iyon ay may isang taong pumasok at may ibinulong sa person-in-charge.
Biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha ng person-in-charge. Nag-iba rin ang tingin nito kay Lin Che.
Tumayo ito at sinabi, "Miss Lin, pasensiya na po sa ikinilos ko kanina. Ngayon lamang po ay may natanggap kaming tawag mula sa police station na naglilinaw na mali raw ang balitang ito at hindi ka po sangkot sa drugs. Medyo naging bastos po ang aming pananalita kanina at sana po ay mapatawad niyo kami."
Kinuskos ng staff ang kanyang noo at may ilang butil ng malamig na pawis ang namumuo sa kanyang likod. Habang iniisip ang ibinulong sa kanya ng kanyang secretary kanina, hindi pa rin siya makapaniwala.
Sinabi nito na sa kanya, "Personal na tumawag si Qin Hao na kukunin nito ang advertisement para kay Lin Che."
Si Qin Hao ay isang mailap at misteryosong tao. Anong status ba ang mayroon ito?
Siya lang naman ang pinaka-pinagkakatiwalaan ni Gu Jingze na kailanman ay hindi maaaring makita ng ibang tao. Pero ngayon, personal itong tumawag para kumuha ng isang advertisement alang-alang kay Lin Che…
Hello po, my dear readers! Kumusta po kayo? Kahit may bagyo at tambak pa rin ang sasagutang modules ay pinipilit pa ring makapag-update. Hehehe para po sa mga matiyagang naghihintay ng updates palagi... :)
Anyways, please rate this novel po para mas marami pa ang magkaroon ng access at makapagbasa ng novel na ito. Maraming salamat sa inyong suporta! ^_^