Wala na, finish na. Hindi ko na siya ulit nakita at ang masama ay nam-miss ko siya. Nandito siya ngayon sa kasal ng pinsan ko. Hindi man lang ako nabigyan nang isang pagkakataon para mamaalam sa taong pinakamamahal ko na rin.
Hindi naman ako pwedeng umiyak nang dahil doon. Nagpapanggap na lamang na masaya sa maraming tao.
Kasama ko ang pamilya ko ngayon. Halos lahat yata nang kilala ko ay invited na dito. Naka tunganga lamang ako at pinagmamasdan silang nag uusap na dalawa.
'Napaka swerte mo talaga, ang daya nyo. Nakaka bitter kayo.' Napairap na lamang ako sa naiisip ko.
Malapit na rin dumilim. At mag ikot ang dalawang mag asawa sa mga table upang mag picture. Ang tanda na talaga nang pinsan ko. Napanguso ako dahil 20 pa lang ako at sya ay 24 na. Apat na taon ang tanda nya.. Gurang na talaga.
Nang makarating sila sa table namin ay nag kuhaan ng litrato bago sila makipag chikahan.
Ginala ko na lamang ang paningin ko at pilit nalang na tumahimik. Nahagip nang mata ko si Mico at Naiser na nag uusap habang kumakain. Si Xyria na kasama ang lalaking hindi ko kilala. Na nag susubuan pa. Si Krisha at Chloe na nagtatawanan at si Irish na tulala na parang iniwan nang jowa. Sina Tyron, Nicko at Kevin ang kaibigan ni Kuya ay nandito rin. Sina Israel at ang kapatid nya ay nag uusap sa kabilang table. Si Desiree na nandoon rin ang pamilya at kausap ang kapatid ko kaya naman nangunot ang noo ko.
Bumalik ang tingin ko sa lamesa namin at hindi ko namalayang umalis si kuya Daven. Napailing na lamang ako. Parehas silang seryoso sa pinag uusapan. Bagay sila kapag naging sila.
Itinuon ko ang pansin sa kapatid kong si Leigh na kausap si Jed. Si Ate Yvonne na kausap ang jowang si Andrew, Si Andrei ang ex ni Irish ay kausap ang kapatid nito na si Lisa. Ang kambal naman ay panay inom at kain. Ang kapatid naman ni Xyria ay naglalaro lamang.
Si Veil na kausap si Jia na may gusto dito. Napairap ako. At hindi sinasadyang magpabalik balik ng tingin kay Xyria at Veil.
At ako ay nanahimik sa ibang tabi habang sila ay merong naglilipatan nang lamesa. Ang mga magulang ay nagsama sama sama na rin.
Bumalik ulit ang tingin ko sa dalawa. Nagkamali ako dahil umalis sila sa unahang lamesa na magkahawak ang kamay. Wala sa sariling napatayo ako nang hindi nila napapansin at pinilit pa rin silang sundan kahit na mali ito.
Nang sa madilim na lugar ako ay duon bumuhos ang luha ko na pilit hinihigpitan ni Scott ang yakap nya kay Klaire na gustong kumawala. Parehas na silang umiiyak ngayon at mukhang nagtatalo pa rin.
"I'm so sorry, I love you Klaire.. You're the only one who make me feel this way." Wika ni Scott.
"I am so sorry, to lost you." Tumigil ito sa pagwawala nang marinig nya ang magic word ni Scott.
Nagyakapan sila. Parang kami lang ng nung nakaraang buwan. Umiiyak rin sya noon sa akin habang yakap ko siya. Ngunit dahil rin sa kanya iyon. Hindi ko na kayang makita pa silang ganun sa harap ko. Dahil ramdam ko ang pagmamahal nila sa isa't isa.
Hindi ko na kaya.. Una pa lang ay talo na ako..
Umalis na ako doon nang may luha sa mga mata kaya naman imbis na dumeretso ako sa pinang galingan ko ay pumasok ako ng hotel at nag punta ng rooftop upang magpahangin. Dahil masyado nang ubos ang lakas ko dahil sa nakita ko.