webnovel

Chapter 34

"Stop, pigilan mo yan love." Napatawa naman ito sa sinabi ko at tsaka unti unti nitong pinakalma ang sarili bago kami napa ayos ng upo.

Nagulat na lang kami na naka tingin na pala si Ate at Aiseline na nakangisi sa aming dalawa.

"What a beautiful love birds." Pumalakpak pa si Aiseline na para bang ngayon lang naka kita ng may naglalambingan sa harap ng kainan.

"Shh, hayaan na nga natin sila."

"Nah, tara at tayo na ang mag hugas nito, mga maids magpahinga na kayo at kami nang bahala dito. Salamat." Napairap na lang ako sa sinabi nito. Masyadong mataas ang tingin nito sa kanyang sarili at hindi marunong mahiya.

"Tara na love, hayaan na natin sila ang mag asikaso nang pinagkainan natin." Sambit ko at hihigitin ko na sana si Israel nang biglang pumasok si Kuya. Ikinalaglag ng panga ni Kuya ng makita nito si aiseline na kinukuha ang pinagkainan.

"Oh! hey brother, nandito kana pala." Pansin ni Ate na ikinatigil ni Aiseline sa kakadada at nilingon nito si Kuya na para bang hindi na nagulat.

"We should go muna love. Hindi natin eksena ito." Sabi ni Israel na ikinatawa ko ng kaunti at dahan dahan na kaming umalis at pumunta sa likod ng bahay.

"So fresh." Ang hangin ang sinasabi ko kaya wag kayo.

"I have something to tell you." Bigla akong kinabahan sa sinabi ni Israel dahil sumeryoso ito bigla.

"What is it?" Pilit kong nilalakasan ang loob ko dahil alam ko na hindi pa natatapos ang mga kababalaghang nangyayari dito.

"Mawawala ako ng panandalian, I swear na hindi ko na kakayaning mahiwalay pa sayo, Love. But I promise na babalikan kita at may babalikan kapa." Umiling iling ako sa kanya, gusto kong maka tulong. Ngunit ayokong sabihin ito, hindi ako makakapayag na ang mahal ko lang ang haharap sa makakalaban nito.

"No, please let me help you." Naiiyak ko sabi ngunit hindi ito pumayag sa gusto ko.

"Gusto kong maprotektahan ka, at alam mong hindi damay ang mga kaibigan mo kundi ikaw lamang. Ayokong masaktan ka."

"Ngunit ikaw ang kahinaan ko." Naluluha ko nang sabi. "Hindi ko na kayang mahiwalay sayo, so please love. Just give me a chance to help you. Lovers tayo, dapat ay magtulungan tayo."

"No love, ayokong mapahamak ka." Nap kalas ako sa yakap nito at hinawakan ito sa gwapo nyang mukha na may luha na at nagmamakaawa.

"You trusting me, right." Tumango naman ito. "Let me help you, please." Pagmama kaawa ko rin. "Kung ako ang gusto na target nila, lalabanan ko sila, alam ko sa umpisa pa lang ay nadamay ka lamang dito. Ako ang haharap sa kanila at hindi ikaw."

"No-"

"Shh. Just trust me, love. Ako na ang kakalaban sa kanila. At ikaw na ang p protektahan ko sa ngayon. Damay ka lang dito sa gulong ito, at ayoko na ng gulo na ito."

Nagulat ako sa biglaang pag dabog niya." NO! MAHAL KITA AT KAHINAAN NA RIN KITA! PLEASE! BUKSAN MO ANG ISIP MO! SA TINGIN MO BA AY KAKAYANIN MO ANG MGA IYON?! KUNG GUSTO MO AY WALA NA AKONG MAGAGAWA!." lalo akong naiyak, dahil mukhang hindi nya nako mapagkakatiwalaan sa ganong sitwasyon.

Paalis na ito nang hinabol ko sya at niyakap ito nang mahigpit sa likuran nya. "Magtulungan tayong dalawa, pls."

Siguiente capítulo