webnovel

Chapter 1

*Riiiiiinnnnggg!* (Bell Rang!)

Marami ang nagtatakbuhan papalabas ng Cafeteria upang bumalik sa kani kanilang mga classroom. Btw, My name is Lyn Irish Mendoza And I am 21 yr old. Graduating college in Slyvia University.

Back to the story. Kalmado akong nag ayos nang pinagkainan kahit may waiter naman na magliligpit ay nakasanayan ko na ito. I am a Rich Girl pero hindi ako maarte magligpit nang mga kalat. Kahit nga kung may makita akong kalat sa daan nang hallway papunta sa classroom ko ay lalapitan ko ito at pupulutin.

Marami na talagang tamad sa panahon ngayon at umaasa tayo lagi sa tao, kaya ikaw dyan bes galaw galaw dahil in the future ay gagawin mo din iyan.

Paglabas nang Cafeteria ay tanaw ko ang naghihintay kong Best Friends. Si Chloe and Krisha. Since birth magkaka kaibigan na kami nyan.

"Ang tagal mo naman, Lyn. Mala-late na naman tayo nito e." Maktol ni Krisha at inirapan ko na lang siya bago lingunin ang umiidlip na si Chloe.

"Woi! Gising!" Mahinang sigaw ko dahil hindi naman ako pwedeng mang istorbo dito ano.

"Eto na." Hikab nito bago tumayo.

Nang maglakad kami paalis ay may kinuha akong lollipop sa bag ko. Si Chloe naman ay bubble gum at si Krisha ay Candy. See? We're Best Friends Forever at may kani kaniya kaming hobby. Kaya walang may pake kung gayahin man nila kami psh.

Pag dating nang classroom ay nagsisigawan na naman ang mga babae at lalaki dahil nga idol daw nila kami. psh mga baliw.

Nakinig lang kami matapos ang morning discussion at saktong half day lang kami dahil may mga meeting ang mga teacher kaya tuwang tuwa ang mga classmate namin.

"Saan naman ang punta natin ngayon?" Sambit ni Krisha

"Aishh!" Reklamo ko na ikinalingon naman nang dalawa sa'kin.

"What's the problem sis?" Wika ni chloe

"Hindi ba kayo nagugutom?" Tanong ko ngunit sabay naman nilang sabi na

"Treat mo?" Napairap na lang ako bago sumagot.

"Alright." Pag sagot ko sa tanong nila ay tuwang tuwa na naman sila. Dahil kapag sino ang nauunang nagugutom ay kailangan manlilibre ka.

Pag pasok sa cafeteria ay pumila kami. Dahil may awa rin naman kami este ako lang pala dahil alam ko na ang order nang mga impakta.

Alam mo ba yung nag e effort kang maghintay/pumila tapos uunahan ka lang? Saklap yon friend. Btw I am not nbsb at may Ex na ako dito at basketball player iyon.

Saka nyo na alamin kung bakit kami nag hiwalay non. Nag flip na lang ako nang buhok nang ako na ang sumunod.

"Sundae, Fried chicken and Rice.. 3 order please." Sambit ko at ngumiti naman ang babae at binigay ko na ang 1k sa kanya. "Keep the change." Sambit ko at hindi rin nag tagal ay dumating na ito.

Nang bitbitin nang waiter ang pagkain ay sumunod ito sa akin at tinapon ko muna ang stick nang lollipop bago naglakad ulit.

"Why so matagal?" Conyong sambit ni Krisha.

Hindi ko naiwasang pag taasan siya nang kilay ko. "Why so conyo?" Sarkastikong sagot ko na ikinatawa nito.

Really anong nakaka tuwa?

Habang nasa kalagitnaan kami nang pagkain ay nakarinig na naman kami ng chismiss sa paligid.

"Balita ko Sis, MVP na daw si Fafa Andrei"

"Oo nga e"

"Pero may hinahamon siyang naka bangga nya kaninang umaga."

"Talaga sino?"

"Well, Nerd lang naman siya dito." Irap ng isang babae at maarteng kumakain ng fries.

"Ewwww I hate pathetic nerds."

Iiling iling na lang kaming tatlo sa narinig at pinagpatuloy ang pagkain.

Siguiente capítulo