webnovel

Chapter 11

Bago dumating ang araw ng kasal nina Kent at Ada, dumating ang mga magulang ni Ada. Pag-uwi nila, nakita niya silang kinakausap ang lolo at mga magulang ni Kent sa sala. Masaya silang nag-kwekwentuhan habang kumakain ng meryenda.

"Mom, Dad! Narito kayo!" Unang binati sila ni Ada at mabilis na niyakap ang kanyang Mama at Papa, nangungulila sila sa isa't isa.

"Siyempre, magpapakasal ka, kaya dapat nandito kami." sabi ng kanyang Mama habang nakanghiti ito sa kanya.

At binati rin niya ang lolo at mga magulang ni Kent. Nang batiin ni Kent ang ina ni Ada, pinuri niya si Kent para sa kanyang nakakabighaning hitsura.

"Wow! Ang mamanugangin ko ay napakagwapo!" sabi ng Mommy ni Ada.

"Kayo rin po ay mukhang maganda at bata pa." tugon naman ni Kent.

"Salamat naman sa iyong papuri Iho. Hiyang-hiya naman ako." sabi ng Mama ni Ada.

 

Umakyat si Ada sa kaniyang kwarto para magbihis at palitan ang kanyang damit, at sumunod sa kanya ang kanyang Mama.

"Ito ba ang kuwarto mo? Maganda at malinis." sabi ng Mama niya.

"Opo, kumusta kayo ni Papa?" tanong ni Ada habang nakaupo sila sa coach.

"Okey lang kami, 'wag mo na kaming intindihin. Kumusta ka dito? Mabuti ba sila sa iyo o inaapi ka nila?" Pag-aalalang tanong niya kay Ada, habang hawak ang kanyang mga kamay.

"Maayos naman po ako rito, mabait silang lahat. Masaya ako, dahil tinanggap nila ako." Ngumiti si Ada sa kanyang Mama.

"Mabuti kung ganun. Naisip ko rin, nang una kong kausapin si Mare ngayon, nakahinga ako kaagad ng maluwag at naiwaglit ko ang mga agam-agam at pag-aalala ko para sa iyo. Mababait sila at mapagkumbaba, kahit na mayayaman sila, hindi tulad ng iba." sabi ng Mama niya.

"Opo Ma, mababait silang lahat sa akin at ibinibigay nila sa akin ang lahat ng gusto ko, kahit hindi ko ito hinihiling. At ang totoo, may regalo si Mommy sa akin."

Tumayo si Ada at lumapit sa closet. Binuksan ito at kinuha ni Ada ang pulang kahon at ipinakita ito sa kanyang Mama.

"Ibinigay ito sa akin ng Mama ni Kent. Nahihiya akong tanggapin ito, pero magtatampo daw po siya, kung hindi ko ito tatanggapin." Kuwento ni Ada.

Nasurpresa naman ang kanyang Mama sa ipinakita ni Ada na diamond necklace.

"Wow! Napaka-ganda naman nito Ada. Pag-iingatan mo ito, dahil mukha itong mamahalin." Sabi ng kanyan Mama.

"Opo." Nakangiti si Ada.

"Bagay na bagay sayo ito, isuot mo ito sa araw ng kasal ninyo." Dagdag na sabi ng kanyang Mama.

Ngumiti naman si Ada, "Salamat Ma, opo, isusuot ko po ito sa kasal ko."

Kinuhan naman ng Mama ni Ada ang dalang paper bag ibinigay din sa kanya.

"Ito naman ay may laman na sapatos at may mga damit." sabi ng kanyang Ina.

"Wow! Ito rin ay magaganda Ma. Salamat po. Talagang alam mo ang aking gusto. Isusuot ko na ang damit na ito ngayon." sabi ni Ada.

"Sige, kung iyan ang gusto mo." sabi ng nanay niya.

At pinili ni Ada ang dark blue na dress. Ito ay lubos na fitted at may isang makinang na disenyo. Itinabi na niya muli ang diamond necklace at itinago sa closet.

Tinulungan siyang ayusin ang kanyang buhuok ng kanyang Mama, habang nagsasalita ito.

"Ikaw ay baby girl ko noon at bukas ikaw ay magpapakasal na bilang isang lady. Ada, alam ko na ayaw mong sumang-ayon sa kasal na ito. Ngunit, alam mo naman na si Kent ay mabait, makisig at gwapo. Tiyak na ikaw ay mahulog sa kanya sa pagdating ng araw. Alam kong pasasalamatan ninyo din kami balang araw, dahil alam namin na kayo ang nararapat sa isa't-isa. Anak, alagaan mo si Kent, alagaan mo ang iyong asawa, kung ikaw ay mabait sa kanya, siya din ay magiging mabuti sa iyo. Gawin mo ito, para magkaroon kayo ng mabuti at matibay na pagsasama." Sabi ng Mama ni Ada.

"Opo, tinatanggap ko ito at nauunawaan. Ang kasunduang ito sa kasal ay para sa sarili kong kabutihan at tiwala po ako sa inyo." sabi ni Ada.

"Ada, mayroon ka bang anumang damdamin para sa Kent? Alam mo, kakaunti na lang ang lalaking magalang, mabait at maalalahanin, ano pa ang hinahanap mo?" tanong ng Mama niya.

"Ma, hindi ko alam ang nadarama ko para sa kanya, sa ngayon. Kung minsan ay mabait siya, subalit kung minsan ay tulad siya ng galit na leon! Kaya naman, hindi ko po masasabi ang nararamdaman ko para sa kanya." sabi ni Ada.

"Ganun ba, hayaan mo matututo ka ring mahalin siya balang araw." sabi ng Mama niya at niyakap siya nito.

Pagkatapos nila mag-ayos ay bumaba sila sa hagdan at muling kinausap ang kanilang pamilya.

~

Dumating ang araw ng kasal nina Kent at Ada...

Sina Kent at Ada ay ikinasal lamang sa isang pribadong hotel, na pag-aari din ng kanyang pamilya.

Pagkaraan ng maikling seremonya, maayos na nagdiwang ang bagong kasal at mga bisita. At pagkatapos nilang kumain, nagsasayawan sila sa magandang musika bilang mag-asawa.

Habang nagsasayaw sila ng sweet, bumulong si Kent sa kanyang kanang taenga.

"You are so wonderful tonight!" sabi ni Kent sa kanya.

"Talaga ba? O siguro lasing ka lang?" sabi ni Ada habang hindi siya makapaniwala na sinabi ito ni Kent sa kanya.

"Nasa iyo yan, kung ayaw mong maniwala sa asawa mo." Sabi ni Kent habang nakangiti.

"Salamat sa papuri! Ikaw rin, napakagwapo mo ngayon." Nakangiting sabi ni Ada.

"Salamat, pero alam ko na ito." Sabi ni Kent at ngumiti sila sa isa't isa.

Nang matapos ang kanilang sweet dance, ay nagpalakpakan ang kanilang panauhin at pagkatapos ay pinasalamatan nila ito sa kanilang pagdating sa event na ito.

Nakita ni Ada na inanyayahan din ni Kent ang matalik niyang kaibigang si Alfred, iniisip niya kung sinabi rin niya kay Joice ang tungkol sa kanyang kasal ngunit nag-alala siya na baka sabihin niya sa iba ang tungkol dito.

Ipinakilala siya ni Kent sa iba pa nilang mga kamag-anak at panauhin.

"Kent, Congrats!" Masayang sinabi ni Alfred.

"Salamat!" Sabi ni Kent at nagcheers sila ng inumin.

"Sabi ko na nga ba si Ada ang tipo eh." Nagbiro si Alfred kay Kent.

"Ikaw talaga, ang ingay mo. Uminom na lang tayo." Sabi ni Kent habang umiinom sa hawak na baso na may lamang alak.

"Hmm, o ayaw mo lang marinig ng asawa mo ang tungkol sa iyong lihim?" sabi ni Alfred habang kumindat ito sa kanya.

"Anong sikreto?" tanong ni Ada habang papalapit sa kanila.

Nagtinginan naman ang dalawa sa pagkabigla sa tanong ni Ada, agad na sumagot si Kent.

"Ah… Wala." Agad sinabi ni Kent, at tumingin kaagad kay Alfred.

"Uy, wala daw." Muling tumawa si Alfred.

"Ano iyon? Hmp." Muling tanong ni Ada.

"Hahaha, bro, paano ba yan, tinatanong ka ng asawa mo." sabi ni Alfred.

"Ano nga yun?" tanong ni Ada kay Kent.

"Wala!" sabi ni Kent at tumitig ng masama kay Alfred.

Ngunit binalewala ito ni Kent, at hinagkan niya ito sa noo at binago ang paksa.

Pagkatapos ng party sa hotel, mayroon ding isang maliit na party sa mansiyon. Kaya, hindi sila maaaring agad magpahinga at nakipag-usap muli sa mga bisita.

Mag-aalasdos na ng umaga, ng matapos ang kanilang pagkwekwentuhan. Sa oras na ito, ay lasing na si Kent.

Hiniling ni Ada sa Daddy ni Kent na dalhin siya sa silid. Pagkatapos ay inihiga nila si Kent sa kama. Pagkatapos ay lumabas na ang kanyang Daddy at nagtungo sa sala.

Samantala, nagpunta si Ada sa bathroom para maglinis ng katawan at magbihis ng pajama.

Lumapit siya sa kama at umupo sa gilid nito at dumandal sa dingding. Habang nakaupo, pinagmasdan ni Ada ang singsing niya na nakasuot sa kaliwa niyang daliri. Ito ay ginto at may isang maliit na disenyo at diamond.

"Ako na ngayon si Missis Kent Wilson." Sinabi ni Ada sa kanyang sarili.

Tiningnan din niya ang kamay ni Kent na may singsing. Dahan-dahan niyang hinawakan ang kamay ni Kent habang ito ay natutulog.

"Ito ang unang gabi natin pero lasing ka. Tsk!" Sabi ni Ada habang minamasdan ang mukha ni Kent.

Tumayo si Ada at nagpunta sa balcony.

Tumayo siya sa gilid at pinagmasdan ang kalangitan. Napakaliwanag ng buwan ngayon, at nakikita niya ang lahat ng bituin sa kalangitan. Medyo malamig ang hangin na nararamdaman niyang humahaplos sa kanyang pisngi, dahil halos mag-uumaga na iyon.

Bigla siyang nagulat nang biglang naramdaman niya ang mainit na yakap ni Kent mula sa kanyang likuran.

"Bakit ka narito?" Bumulong si Kent sa tainga ni Ada habang nakayakap sa baywang nito.

"Ah, akala ko tulog ka na?" Kunot-noong tanong ni Ada.

"Hindi ako makatulog, kung wala ang asawa ko sa tabi ko." Sagot ni Kent.

"Lasing ka, matulog ka na." Itos na sabi ni Ada.

"Sige, pero sabay na tayo matulog." Sabi ni Kent habang hinahalikan niya ang leeg ni Ada.

"Tsk! Ano ba?" Bumaling si Ada kay Kent at tumigil siya.

"Naaalala ko, ano ang sinasabi ni Alfred kanina? Ano ang inyong lihim?" tanong ni Ada habang nakatitig sa mga mata ni Kent.

Ngumiti si Kent sa kanya, habang nakatingin sa kanyang mga mata at yumuko siya at ...

"Ito ..."

Dahan-dahang hawak ni Kent ang mukha ni Ada at hinagkan ang kanyang mga labi. Dahan-dahang hinahagkan siya ni Kent na may magiliw na pagmamahal.

Siguiente capítulo