🎶I tried to run from your side, but each place I hide it only reminds me of you🎶
*C2's POV*
(FRANCIS's POV🖤)
*Flashback
🎶I see you beside me it's only a dream....🎶
Magkahawak kamay naming tinahak ang daan patungong parke...
Parkeng natural na laruan, parkeng may mga nagpapalakasang halakhakan ang mga bata't may mga edaran, parkeng hindi ko inakalang wala nang saysay ngayong wala na pala ang taong nagsilbing pundasyon at aking pinanindigan sapagkat sa kanya nanggaling ang salitang ma-ti-bay....
*End of flashback
Nagising ako sa tunog ng alarm clock kong hindi ko namalayang kanina pa pala tumutunog... masyadong busy ang buong pagkatao ko sensya na, tsk!
Nagmulat ako ng mga matang maga pa dahil hanggang ngayo'y hindi sya mawala-wala sa naglalarong mga katanungan at ideya sa mala-snake-en-ladder kong utak. Mautak ako, men.
Kaya naman hindi na ako nagdalawang isip pang bumangon ngunit bago ko gawin yon eh malamang sa malamang pinatay ko muna ang alarm clock, common sense dude, tsk!
Nag-inat muna ako ng iilang saglit ngunit nanatiling naglalaro sa kaniya ang aking isip, hindi ko alam kung minahal nya ba ako o ano, pero isa lang ang nasisiguro ko... sa kaniya umikot ang buo kong pagkatao.. pati nga kaluluwa ko eh kinuwa nya tignan nyo ko ngayon.... literal na wala sa sarili.. high na high pero low na low. Hays, kung di nyo ko maintindihan eh bahala na nga kayo! Kaya ako nagkakaganito kasi nga wala na sya, tsk tanga!
Tuluyan na akong tumayo at dumeretso sa banyo. Naligo ng iilang minuto at lumabas sa pintuan ng banyo na nanatiling sya parin ang laman ng buo kong pagkatao, hindi lang isip ko mga chong.. di lang isip ko, okay?
Nagbihis na ako ng v-neck white shirt at maong pants. Nag-kwintas pa ako ng krus at nagsuot ng inarbor kong loom bands, trip ko eh bakit baa?
Nang matapos ang mga sampung minuto ang tancha ko sa tagal ng oras na ginugol ko sa pagkilos ko kasama na ang pagbangon ko... Ganito ako katipid sa oras, time is gold, men don't waste your time. Marami na akong nalalamang mga paganti-ganto simula nung sya'y maglaho eh bakit ba ulit? Huwag nga kayong maano! Masyadong malungkot ang araw ko ngayon, at ganun din pala kahapon.. ewan basta simula nung mawala sya di na ako sumaya... humuhugot na rin pala ako no? Ngayon ko lang nalaman putsaa di ko to inaasahan tsk, tsk!
Nag-cap pako ng itim na nike malamang naka-check yun at may kulay white at ang kulay white nun ay yung check, baka di nyo pa makuha eh, mahirap na nakakatamad kasing umulit. At tsaka ako nagsapatos ng nike din para medyo cool diba? Tas nag-shades pako ng itim para mas cool at para mag mega-cool nako eh nagpabango pako ng hanes men, o putsaang yan diba? Napakacool haha!
Tuluyan na akong lumabas ng kwarto ko matapos kong magsintas ng orihinal na sapatos ko, wag kayo dahil orihinal at may tatak lahaaaattt ng gamit ko! Haha! Panay ang pabili ko noon eh, di naman halata kasi mahilig rin akong mag-dahilan at sapilitan ang kunwaring pagkagusto-gusto ng mga pambabaeng kasuotan, natural kelangan eh! Tsk!
Nang makalabas ng kwarto ay sinadya kong daanan ang kwarto ng kapatid ko.
Ang kwartong bigay sa kanya este, baka naman akalain nyo eh nang-aangkin na kami eh sensya na, ha?
Binuksan ko ang pintuan non at hindi nga ako nagkamali, hindi iyon naka-lock malamang sa malamang eh diba hinawakan ko ang door knob at inikot kaya nalaman kong di sya naka-clock at hindi naglo-lock ang magaling kong kapatid, tsk! Sana may loko-lokong pumasok sa kwarto neto ng matauhan eh no? Sana pumasok dito ung isa pang tibong pinsan ko, haha! Basag na naman to! May ugali pa namang pagkamabugnutin ang kupal, hays! Tama na kwento, masyado ng humahaba eh no? Hehe.
Dumeretso ako malapit sa kama nya kung saan sya nakabaluktot na nakahiga't hindi makita-kita ang mukha dahil sa jimmy neutron'g unang nakaharang sa mukha nya, hayys bat ba nahiligan masyado nito ang siyensya? Anlakas tuloy ng tama! At kung makikita nyo to ngayon eh nahiya ang salitang 'miserable' sa kanya, tsk! Ang sakit nya sa mata!
Magulo ang buhok at ganoon pa rin ang suot! Kagaya parin kahapon ang ayos ng kwarto nya, ang bagay na hindi ko nakasanayan! Kaya malamang sa malamang eh hindi rin nakakain ang loko! Jusko ka! Akala ko pa naman eh nakalimot na! Dinaig pa kami ng salitang 'lugmok' eh no? 'Kami' dahil wasak rin ang puso ko ngayon hindi ko nga lang pinahahalata hehe, slight lang.
At nang pagmasdan ko ang kabuuan ng kwarto nya eh wala ring mga bagay na nagulo ni isa, bat ko nalaman? Dahil ako mismo hehe, akin itong nasaksihan.
*Flashback
Kararating ko lang galing eskwelahan. Mag-aalas-otso na ng gabi at kumain nako, dahil mahirap ng malipasan ng gutom, alam nyo na baka mabawasan ang istura! Sayang diba,tsk!
Naglalakad nako papunta sa kwarto ko ng mapahinto ako sa pintuan ng kapatid kong may kaunting awang ang pagkakabukas nito. Ano na naman kayang trip neto? May nalalaman pang kaunting espasyo ng pagbubukas ng pinto eh no? Hayyss ang kapatid kong to talaga, ewan bastaa!
Syempre mga chong kinain ako ng kuryosidad ko, ako pa ba? Haha sensya na ah, may pagkadakila lang naman kasi etong chismoso eh, hehe.
Nang tuluyang mapahinto eh nagdesisyon akong sumilip at nakita ko ang dalawang taong hindi ko inaasahang magkasama ngayon. Kaya syempre malamang sa malamang eh nagtaka ako! Si ate jes lang naman yun at ang ate--este kuya ko haha! Wala namang parusa ang pagiging assumero, hehe.
Nilubos-lubos ko na ang pagiging usisero ko dahil huminto na rin naman ako, para saan pa kung di ko pa sasagadin, diba? Hehe ulit.
Nakakagulat man eh kaunti nalang ang pagkagulat ko ng makita ko mula sa awang ng pinto ang kapatid kong walang tigil ang pag-agos ng mga luha sa mukha. Syempre naman kaunti nalang ang gulat ko para di nakakapagod hehe masyado nang stress ang kabuuan ng napakagwapong nilalang na naglalahad sa inyo ng umaatikabong senaryong hindi niyo alam hehe, pag-ultra-mega-over shooktening, nakakapagod masyado yun! hehe kaya dapat eh iwasan ang pagpaparusa sa sarili ha? Kasi mahirap na baka ikaw na naman ang lumuha, mahirap sumunod sa mga nakaranas na,kaya mag-ingat ka, haha! (Hala sya! Nahaluan na ng horror ang istorya ko ah, haha! May pag-babala pa ko eh no? Hehe sensyaaa! sge tuloy na!😂)
Nang makita kong ayun lang pala ang eksena eh pinasadahan ko nalang ang kabuuan ng kwarto--este kwartu-kwartuhan pala hehe ayaw kong mahusgahan na nanggagaling pa mismo sa inyo, men! At alam nyo ng slight lang ang pagkatao ko kaya hindi ako gaanong maano sa buhay, basta yun na yun, hehe --ng kapatid ko at tuluyan ng dumeretso sa kwartu-kwartuhan ko rin, hehe ulit. Yan okay na ah! Pagbabalik eksena lang nang malaman na't isahan na lang o di kaya'y panlahatan!
*End of flashback
Sa ganoong paraan ko nakita ang kabuuan ng kwarto netong kapatid kong to, nilahad ko na ah?! Yan tuloy inaantok na naman ako, hehe biro lang! Di naman ako masyadong pagudin eh hehe, slight lang!
Pinasadahan ko pa ng tingin ang nakapaligid sa kapatid ko at wala akong nakitang iba kundi ang gitarang nakatayo malapit sa kinaroroonan ko, haha! Ang galing ko rin eh no? Kanina pa ako nagpatayo-tayo dito eh ngayon lang nahagilap ng banlag kong mata tong bagay nato, tsk,tsk!
Hehe. Mana-mana lang ng katangahan yan, at ang panganay ang siyang pinagmulan hehe, you know nagpasalin-salin lang! Kaya pati ako eh nahawaan! Hehe.
Di na ako nagtaka sa presensya ng gitarang yan sa tabi ng kanyang kama, dahil musika ang buhay nya, parehas kaming mahilig sa musika, lamna?!
Ang ipinagtaka ko lang naman eh ung katangahan ko, hehe. At tinatamad na naman po ako sa totoo lang! Dahil umaga palang eh parang babagsak na ang buo kong katawan!
Napasulyap ako sa kapatid kong hanggang ngayon eh wala paring pinagbago ang pwesto. Nanatiling nakatanday ang kawawang unang ipit sa napakahaba nyang hita at ayun ay justice league, hehe. At mahilig ako dun gaya-gaya lang ang panganay, hehe ulit! At basta ganun pa rin yung pwesto nya! Ngunit sa ngayo'y may pinagbago na pala! At ayun ay ang kita na nyang mukha!
Sa totoo lang maganda sya. Lalo na pag
mahimbing ang tulog nya, nagmumukha syang anghel na nahiya pa ang salitang 'banal' kapag idedescribe mo ang mukha nya. Dahil pag tulog sya ay perpekto sya! Hehe!
Kaso pag-gumising eh nahiya naman ang mga demonyo sa kanya! Dahil napaka-dami nang tumatakbo sa utak nya! Ultimo mga bagay na nakapalibot sayo eh magagawan nya ng nobela! Ganyan sya katindi, pramis! At isa pa eh ang creepy nya! Dinaig pa ang voodoo doll dahil maya't mayay paiba-iba ang reaksyon ng pagmumukha nya!
Hayy basta!
Para syang buhay na manika pag humihimbing! Sana eh may manika akong kamukha nya para tititigan ko palang eh maaalala ko na sya, dahil wag kayong maingay ah! May balak akong umalis sa buhay nya! Dahil simula nung naging close ko tong isang to eh kung ano-ano ang sa akin ay ipinagagagagawa! Kulang ang 'gawa' sa mga ginawa nya kaya hinabaan ko na! Para umeksakto sa trip kong mga linya hehe, palag?!
At gumalaw na sya! Pero nanatili paring nakapikit, hehe! Tulog mantika tong lokong to eh! Nakatagilid pa rin naman at lumipat lang sa kabilang banda, kaya di ko na nakita, hehe! Kj amputa! Tumalikod?! Paano ko sya mailalarawan ngayon sige nga! Hayys kapatid kang talaga! Haha!
At tuluyan na akong lumabas ng kwarto nya. Dahil nakakatamad din pala hehe! At nakakapagod ang paglilibot ng mata kahit sabihin nating kaunti lang ang inerhiyang aking inaksaya hehe ulit, bakit baa?!
Nang mapagdesisyunan eh tuluyan ko nang tinahak ang hagdan pababa ng tahanang kinukupkop kaming dalawa.
Hayy utang ko kay ate jes ang aking buhay! Kulang ang salitang 'mabait' para mailarawan mo ang katauhan nya!
At nang tuluyang makababa eh nakita ko sya. Ang taong iniisip ko malamang, este anghel pala hehe! Haayy napakaaabait nya mga madla!
Ngunit nagtaka ako sa kadahilanang nang makita ko sya eh kumakain sya ng mansanas at ang nasa harapan nya naman eh ang blueberry cheesecake na di ko alam kung saan nya nanaman nakuha! Grabe lang talaga haha! Dahil ang kinakain eh mansanas na isang piraso lang at hindi pa makita kung saan ang iba pang hiwa ng mga ito, talagang isang piraso lang sya! At ang nakakapagtaka pa eh bakit blueberry cheesecake ang nakahain sa harapan nya? Grabe ang lupit nya, men! Di ko sya matansya! Eh baka umabot to sa highest level at bigla na lang akong mag-teleport at mapunta sa kama't doon bumulagta, hehe! Slight lang kasi ang pagkatao ko, diba nga? Tsk!
At doon nya napansin ang presensya ko't agarang iginawad ang mala-anghel nyang ngiti sakin. Hayy isa syang diwata, haha! Wish granted ang ganap nya sa buhay namin ni kupal, dahil lahat na lang eh kanya nang ginampanan kulang na nga lang eh kami'y pagsilbihan at paliguan tas suotan ng mga kagamitan naming pang-kamahalan, hehe!
Ngumiti din ako sa kanya at para naman syang baliw na natawa, putsaa anong nakakatawa? Hayy may mga ugali talaga silang nakakakilabot at mga ekspresyong mas nakakapag-panindig bahalibo ng kapatid nya, tsk tsk! Talagang kakaiba!
Hindi ko na sya pinansin pa dahil baka kulang lang ang tulog nya, hehe. Baka gaya lang nang sa akin eh itatawa nalang ang pagurang pagkataong kahit umaga'y biglang umeeksena, hehe ulit.
Nagpaalam ako saglit sa kanya dahil gusto kong pumunta sa starbucks para magkape man lang dahil masyado na akong nagsasawa sa kopiko tree-in-one, hehe. O di kaya'y mag-chocong tig-didisi-otso na lamang para naman mabuhay ang tutulog-tulog kong pangangatawan, hehe ulit. Ano sa tingin nyo ang mas nararapat sa umagang dapat eh magana? Dahil ang buo kong pagkatao ngayo'y masyadong lalamya-lamya! Tulog pa ata ako't panaginip lamang siguro to eh haha! Hayyss ang sarap talagang humiga! Mahiya na ang salitang 'heaven' dahil hindi mo mawawari ang kasiyahan kapag ang buo mong katawa'y taimtim na nagpapahinga sa malambot na kama, hayy buhay ka! Haha!
Ngunit kailangan kong harapin ang reyalidad at huwag hayaang gumaya sa bida ng isang fairytale na sleeping beauty'ng walang ibang ginawa sa loob ng iilang taon kundi ang bumulagta sa mala-palasyo nya sa laking kama, haha oa na kung oa, mga chong. Huwag lang kayong ano, nagkakaintindihan ba?
Ngunit sadyang napaka-putsaa ng takbo ng mundong hindi ko alam kung ano ba ang trip neto at ngayo'y ibinulagta ako papaupo! Ang solid ng pagkakalanding ng tumbong ko sa lupang kulang nalang eh bigla nalang akong lamunin sa pagkalakas-lakas ng pagkakabagsak ko! Masyado akong nahiya sa lupang to, putsaa kang lupa ka, badtrip na-- hayss buhay ka!
Nang mapatingala eh agad kong nakita ang isang taong nakalahad ang kanang kamay sa akin na animo'y tinutulungan ako nitong makatayo. Natural kailangan mo kong tulungan, pero dahil nasagad na ang aking kahihiyan lalo na sa mga matang nakakita ng isang pangyayaring hindi ko naman inaasahan, eh magpapaka-iron-man muna ako sa ngayon na animo'y di tinatablan. At di nako natatawa sa ganitong sitwasyon ko ngayon! Dahil putsaa kahit papaano'y ang ganito pala'y nakakahiyaaaa!
Tumayo ako ng hindi inaabot ang kamay nya, at mukhang wala syang balak sabihin sa mukha nyang parang nairita pa. Putcha, ha! Waw lang talaga! Sya pa ang may ganang mairita! Paano naman ang pagkakasalampak ko sa lupang kala mo eh ginawa ko lang malambot na upuan na pwede kong paglaruan?! Putsaa ka kuya asan ngayon ang katarungan?!
Tinitigan nya lang ako ng iilang segundo at may balak na sanang tumalikod ngunit napigilan nito ang malakas na boses na nanggagaling sa likuran ko. Realtalk ang sakit ng buo kong pagkatao! Para iyong bulkang sumabog at nadamay ang iilang parte sa pagsabog nito! Parang nayanig ang buo kong pagkatao, ito ang pagkakataong masasabi mo ang literal na mga linyahang 'tunay itong mapaglaro' dahil putsaa pati tumbong ko eh, inano! Hays!
"Idooooollllll!" Nanggagaling sa likuran ko ang boses na yan na animong ngayon lang nakalaya sa tanan ng buong buhay nya. Putsaa nahiya naman ang kabuuan ko sa kanya ah? Eh wala man nga lang ako ni isang salitang binitiwan kanina simula nung ako'y sumalampak sa lupang nagfi-feeling kama!
Ngunit ang mas ipinagtaka ko eh ang paglapit nito sa akin. Anong trip ng mundong nakakasalamuha't kung anu-ano ang ipinararanas sa akin ngayon? As in N-G-A-Y-O-N! Putsaa ngayong araw lang kasi nangyari ang mga bagay na to eh! Tas sa kalye pa! Tsk! Sa totoo lang eh ayaw ko ng mabuhay pa!
"Idollllllll uyyy!" Nang makalapit ay iginawaran ako nito ng pagkalapad-lapad na ngiti at hindi lang yan dahil tinapik pako sa balikat ng lokong estrangherong to!
Makatapik naman ang gago! Ni hindi ko nga kilala to, nababadtrip nako!Dahil hindi pa nakakarecover ang buo kong pagkatao sa kahihiyang nagawa ko, tsk tsk, bakit ba kasi di ko man lang nakitang may makakabungguan pala ako, edi sana man lang diba nag-iba nalang ako ng daan ng hindi na umabot pa sa sitwasyong to na to the highest level ang hayup na kahihiyan?! Hayyss! Parang gusto ko nalang tuloy humilata't pumikit dito mismo sa kalsadang ito, putsaa dahil napapagod nako! At eto pa ang nangyare? Grabe, napakagaling talaga ng mundooo!
"Idolllll! Pwede bang magpa-picture sayo, putcha eh--ngayon lang kita nakita! Di bale basta kailangan ay me litrato tayo, sige na! Pumayag kana!" Maligalig na ani neto na inalog-alog pa ang magkabilang balikat ko dahilan ng pagkairita ko. Tsk,tsk! Iba na mga tao ngayon, ano? Wala na silang kahihiyan, tsk! Ako pa tuloy ang nakakaramdam non ngayon! Putsaa kasi eh!
Tumango na lang ako sa lalaking ito ng matapos na ang usapan at makauwi na sa aking 'tahan-tahanan'! Kulang ang salitang grabe para ilarawan sa inyo ang mga kaganapan sa araw nato! Kayo na ang humusga, putsaa eh bahala na nga kayo! Iba na nga kasi diba ang init ng ulo ko ngayon? Dahil sumabog na ang bulkan at niyanig na nga nito ang buong pagkatao kooo! Wag kayong paulit-ulit pwede ba? Hayyy!
Ngunit tumaas ang dalawa kong kilay ng makitang may mas ilalawak pa pala ang ngiti nya kaninang nahiya ang salitang 'lawak' sa pagkakagawad nya. Jusko to! Sana eh may mangyaring masama sa pagkalawak-lawak ng ngiti neto, nang hindi na makangiti pa!
Kakaiba nga pala ang pagtaas ng kilay ko, hehe para may angas at eksena! Mahirap na kung isang kilay ko lang ang itataas masyadong common yun mga madla, hehe ulit!
Inakbayan pa ako nito at inilabas ang kanyang teleponong-- hayuuup naka-iphone ang gago! Putsaa, nakita ko yung apple sa likod ng kanyang teleponong kinagatan nga pala kanina ni ate jes ang kapiraso, hehe! Putsaa! Alam ko na ngayon kung bakit may bawas at bangas ang gilid ng mansanas nato, hehe ulit!
Ngunit hindi nakuntento ang loko sa isang click nya ng telepono para makakuha ng pesteng litratong to, dahil akalain nyo nga naman! Nakapag-utos pa ang loko! At ang ipinagtataka ko eh bat nandito pa tong lokong pinaupo ako ng biglaan at sapilitan sa gilid ng kalsadang hanggang ngayon eh akin paring kinaroroonan! Buti't buhay pako't hanggang ngayon eh eto parin ang tinutungtungan! Hayy diba nga, gusto ko nalang bumulagta dito ng biglaan!
"Kuy--- uyyy ivan! Pre! Kaw pala yan?!Pakuha naman ng litrato kasama tong iniidolo ko! Putcha minsan lang to pre, wag ka ng magtangka pang tumanggi!" Iiling-iling at tumatawang ani nito at ibinigay agad-agaran sa lalaking kanina kong nakabungguan ang kanyang telepono!
Putsaa ang sarap talagang basagin ng mukha ng loko! Dahil akalain nyo nga naman, hindi man lang nagpaumanhin ang tarantado! Parang makakabawas yun sa pagkatao ng gago! Badtrip talaga ang putsaa nakakaloko, tsk!
Itinutok nito ang telepono sa amin ng di ko kilalang lalaking to na nakaakbay pa sa akin, kaya wala na akong nagawa kundi ang maski ngiti ay pilitin.
Hindi makababawas sa pagkatao ko ang pagpapakuha nya ng litrato, mga madla. Ang nakakabawas sa pagkatao ko eh ang solid ng pagkakalanding ng hinayupakang puwitan ko dito sa kalsada! Ayun ang tunay na nakakainis at putsaang nakakairita!
Nang matapos ang pagkuha ng litrato neto ay ibinigay ng lokong to ang telepono sa feeling close na hanggang ngayo'y katabi ko at muling ngumisi ang katabi ko ng malingunan ko ito.
Hayy makaalis na nga! Putsaa andami nang nasayang na oras at panahon at pati pala ang kalusugan ko eh napabayaan ko na! Putsaang muli dahil paano na ang itsura ko mga madla! Diba nga, mahirap na!
"Maraming salamat lodii! I lab u sobra!" Ani nito at muling tinapik ang balikat ko at saka lumakad na rin papalayo.
Muli naman akong napatingin kung saan ang kaninang lalaking malakas ang loob na tumalikod pagkatapos gumawa ng eksenang ikinababa ng dangal ko--- ngunit sa paglingon ko eh napagtanto kong wala na pala ito.
At nang lumingon naman ako sa lalaking kaninang wala sa bokabularyo
ang hiya eh nakita ko itong lakad-takbo ang ginagawang pagsunod sa lalaking putsaang yun na ikinaiinisan ko kanina pa!
Waaw lang ha?! Putsaa mukhang close pa silang talaga! Kulang ang gitnang daliri ko para itaas yun sa kanila, kaya nga ilalahat kona, nang malaman naman nila kung ano ang salitang 'hiya'! Nahiya ako sa inakto nilang dalawa eh no, putsaa sobra talaga akong nahiya! Ako nalang ang mahihiya ha? Dahil putsaang muli! Eh mukhang hindi naman
uso sa pagkatao nila yun no, tsk!
Naglakad nako papauwi dahil kating-kati ng umuwi ng buo kong pagkatao. Pakiramdam ko eh bente-kwatrong oras na akong lumulutang sa mundong ito. Dahil hindi ko na maintindihan ang putsaang ikot at senaryo kung masasabi mong kwento pa ba ito, tsk!
Nang makarating sa condo ng mala-anghel naming mga insan eh nakita ko ang tatlo na nagtatawanan ng marating ang sala ng bahay na kanina ko pa gustong pagpahingahan. Putsaa! Pahinga ka muna, sabi nga ni al james diba?! Hayyss! Gusto ko nang humilata kahit saang bandang makikita kong pwedeng pag-hilataan! Kahit saang banda ng bahay na to pramis, totoo ako, hehe!
Nabaling ang atensyon sakin ng tatlo ng matunton ko ang ikinaroroonan ng mga ito. Ang dalawang loko ay nakakunot ang noo at sa tingin ko eh may balak na agad akong intrigahin sa mga tinginan palang ng mga hayup na to. Wag nga silang mga pakielamero! Mga putsaang to! Mind their own business, ika nga diba? Tsk,tsk.
Dumeretso ako mismo sa mahabang mesang kanilang inuupuan at umupo sa tabi ng nag-iisang anghel na pinsan ko, automatic na dapat ang pagpapagana ng mga utak nyo ng maintindihan nyo ang mga sinasabi ko! Malamang sa malamang eh kilala nyo na dapat ang nag-iisang anghel sa angkan ng mga pinsan ko hehe! Sa hinaba-haba ng istoryang to eh imposibleng hindi sumagi sa isip ninyo ang taong sa ngayon eh itinutukoy ko, putsaa kung hanggang ngayon eh hindi nyo pa makuha ang ipinagsasasabi ko, eh hindi ko na tatapusin pa ang istoryang ito at umaatikabong hilata nalamang at hilik ang makikita't maririnig niyo sa kabuuang dapat eh kanina pang aking idineklara eh ayun na lamang siguro ang munting kapayapaan na aking maigagawad sa buong sambayanan, syempre pabor sa akin ang naisip kong yun hehe! (A/N: Jk lang! May balak po talaga akong tapusin ang istoryang ito, pramis hehe!)
"Te jes, san na ung cheesecake kanina?" Tanong ko rito na ikinatawa naman neto. Yung totoo, may nakakatawa ba talaga sa pagtatanong ng blueberry cheesecake sa panahon ngayon? Kakaiba talaga ang angkan nila, hayy grabe na!
Hindi sya nagsalita at inusog na lang sa banda ko ang ginintuang kahon ng blueberry cheesecake na kaninang nakita ko. Putsaa tinatakam tuloy ako!
Remember mga madla, wala pang laman ang tyan ko! Putsaa na namang muli dahil literal na ang paglalaway ko na para bang ululing aso, hehe! Sarap ng tinapay nato!
Nang mapwesto't makatapat ang tinapay nato, eh akin na agad itong nilantakan ngunit malamang sa malamang eh inihubad ko muna ang parang papel neto at saka ko palang parang patay-gutom na kinagatan ito.
Ang ganda ng kahon ng tinapay nato at akalain nyo nga namang may mas ikagaganda pa pala ang lasa naman neto, hehe akalain nyo na pala talaga! Dahil ang isang anghel ay may ginintuang puso at pati ang tinapay na ito eh nahaluan ng pagkagintong kapares ng kulay ng labas nito! Putsaa pag ang meron ka talang insang nagngangalang 'te jes' eh ginto ang nasa paligid mo, hehe! Dahil mga kababayan, kamahalan ka at kelangan eh lagi mo iyong pakakatandaan lalo na't pagkasama mo ang nagpapahiwatig at naglalantad sa iyo ng espesyal mong pagkataong iyon, hehe ulit!
Nang maubos ko ang isa, eh napagdesisyunan kong baunin na lang ang mga natitira pa, hehe. Sa tingin ko'y di naman ito makakasama, sa kadahilanang ng makita ko to eh walang lumalantak dito ni isa sa kanila, hehe ulit.
Dahil nga pala-desisyon ako eh pati ang pag-alis ay hindi ko na nakaligtaan pa. Dahil papasok pa pala ako, ikalawang araw palang ngayon mga loko! Mahirap nang mamarkahan agad ng 'liban' lalo na't masyado pang maaga ang pasukan. Dapat eh sa kalagitnaan na magtangkang tamadin at gumawa ng excuse letter at gayahin ang pirma ng magulang, syempre para naman hindi masyadong halata ang itinatago mong talento sa paghilata,hindi ba?
Kay te jes lang ako nagpaalam at hindi na nilingon pa ang dalawa. Dumeretso ako sa kwarto ko at doon kinuha ang bag kong nike din, eksena lang sa buhay ang kaganapan ko, mga madla!
Para naman walang masyadong kapares sa lahat ng bagay, dapat eh may 'originality' rin ika nga nila, diba?
At nang makuha ang 'nike' kong bag, eh dumeretso na ako sa kotse ko at agad na nagmaneho, ay wait may nakalimutan pala ako, putsaa sayang yung blueberry cheesecake! Ang nag-iisang tinapay na paborito ko lang naman, hindi ko pa nahahayag sa inyo to kaya wag kayong maano, tsk!
Sa halip na magpatugtog sa kotse ko eh, nagpasak ako ng earphones sa tenga ko, bakit baa?! Eh sa ito ang trip ko eh! Masyado akong 'unique' kung ipagkukumpara sa iba, hehe! Wala na ngang hiya-hiya dahil sa kaganapan kanina, remember one thing mga madla ito'y nasagad naaa! Wala na tuloy natira, hayup ka!
Ngunit isa pang putsaang kanta ang agad narinig ng tenga kong malamang eh may nakapasak na dalawang bilog na may disenyong tsek din sa parehong labas nito, hehe! Mahilig lang sa nike, bat baa?!
'She told me that I'm not enough'
Putsaa sa dinami-dami nang kantang pwede namang tumugtog eh bakit ikaw paaa?!!
'And she left me with a broken heart'
Hayup na! Badtrip talaga! Wala nang nangyaring maganda sa araw na ito. Gwapo lang, at ayaw ko nang magbiro pa dahil nawiwindang nako sa kanta.
Nang marating lalo ang koro, ay putsaa may balak na akong itigil ang kalokohang kaninang binalak ko pang simulan.
'Oh i fall apart, down to my core'
At agad ko nang itinigil ang kanta. Syempre inihinto ko na muna ang pagmamaneho, kaya ko nga naitigil itong kantong to eh. At hindi ko na nakayanan pang muling magbiro nang sya nanaman ang pumasok sa isip ko. 'Sya' na naman. Hayyy hanggang kailan?
Binalak kong ihinto ang kotse sa gilid ng kalsada, kasabay ng pagtulo ng aking mga luha. Mahirap na, baka maging sanhi pa ng trapiko kapag ibinalandra ko ang auto ko sa gitna,tsk!
Bakit ba ganyan ka? Ano ba kasing--- putsaa tama na nga! Eto na naman ako eh! Hindi buo ang araw ko hangga't sa walang akong maramdamang tubig na nangagaling sa mga mata ko. Hayy bakit ka ba kase ganito? Napakahirap mo namang espelengin! Putsaang yan!
Nang matigil ang pagluha eh agad ko nang tinahak ang daan patungong paaralan.
*school
Eto na naman ang mga estudyanteng walang ginawa kundi ang magbulungan, at muli na naman nila akong tititigan. Tinging nahiya ang salitang 'mapanghusga' kapag pinagbasehan mo ang mga lantarang tinginan nila.
Naglalakad ako sa quadrangle ngayon ng walang payong. At may kaunting init yun pero dahil hindi naman ako maarte eh tiniis ko yun. Sya nga natitiis ako eh hindi ba? Tsk!
Dahil hindi pa ako nakaka-recover sa kaninang kaartehang ginawa ko sa loob ng auto ko eh, wala na ako sa huwisyong naglalakad patungo sa napag-alaman ko kahapong room ko.
Ngunit ng makita ang babaeng tumatakbo papalapit sa kinaroroonan ko eh sadyang malas nga talaga akoo! Dahil wala na talagang maganda sa araw nato!
Nang makalapit ito ay hingal na hingal itong lumapit sa akin at niyakap ako ng pagkahigpit-higpit. Hayy buhay!
"Uyyy teeee!" Sabi nya habang nakayakap parin sakin.
"Huyy! Bitaw na, putsaa di na ako makahinga!" Tugon ko at ganoon nga ang ginawa nya. Hayy hindi nagbago ang isang to, nanatili paring masunurin, hehe!
"Musta na? Nagbakasyon lang eh di mo na ako kilala? Ganyan ka ba talaga?!" Angil nya at parang batang nagmamaktol pa sa harapan ko at wala akong oras para panoorin ang pag-iinarte nyang to. Putsaa! Baka-malate ako sa unang subject ko! Badtrip! Paano ba makakatakas sa isang to?!
Ngumiti na lang ako dito at bago pa man sya makapagsalita ay tinalikuran ko na sya, hayys! Pramis nakakatamad na ang mga ganung eksena nya, at putsaa nakakabagot pa dahil paulit-ulit na ang mga ganong arangkada nya! Hayy crizilia ka!
Sya nga pala si crizilia, ang kaisa-isang kaibigan ko sa eskwelahang ito. Ang kaisa-isang nagtangkang lapit-lapitan ako sa loob ng isang taong magkasama kami sa iisang silid noong h.s pa lamang ako. At hindi ko sya gusto, una palang ay ayaw ko na sa pagkatao nito. Dahil masyado syang bungangera na dinaig pa ang libo-libong mikroponong grounded sa putsaang lakas at volume ng kanyang boses. Ngunit ang isang ito'y hindi sumuko sa pangungulit at isang araw eh bigla na lamang nagbago ang takbo ng mundo. Dahil akalain nyo nga naman, bukod sa may kaibigan na ako eh tinanggap ko rin sya bilang kaibigan ko! Ganito ako kabuting tao, sa ngayo'y lamna ninyo, ha?
Alam ko nang susunod pa sakin ang isang dakilang nilalang na iyon, dahil sa lakas pa lang ng boses nyang nangagaling sa likuran ko eh dinig na dinig ko itong may sinasabi't gusto ata ay ang ipakulam at isumpa ako! Hayy crizilia kang muli!
"Uyyyyy! Nubayan! Wait nga lang! Di mo man lang ba ako na-miss?!" Tumatakbong ani neto, sumusunod sa tangkang pagtakas ko. Hayy gusto kong makiusap sa mundong tigilan na muna ako kahit sa oras lamang na ito, dahil masyadong durugista ang aking nakilala kahapong guro sa unang subject na ngayo'y papasukan ko! Mag kikinse-minutos na akong late sa klase nya! At putsaa ka! Dahil hanggang ngayon eh nakasunod pa rin syaaa! Hayy ka ng pagatlo na, crizilia ka!
Hindi ko na pinansin pa ang presensya ng babaeng hanggang ngayon eh walang awang sumusunod parin sa akin. Hayy ano bang nangyayare sa mundo ngayon! Putsaa sabi na ngang tigilan ako eh! Nakisabay pa! Mahirap nang magmakaawa! Dahil ang kahihiyan ko kanina'y nasagad na! At baka madamay pa pati ang kabutihang sa dugo ko'y taimtim na nangangalaytay sa pagkakataong ito, mahirap na! Dahil naiisipan ko nanamang pumunta sa mundo ni doraemon at gamitin ang lahat ng nasa bulsa neto't syempre ay wala akong ibang hihilingin kundi ang magkasya sa kanyang bulsa ang malaki't malambot na kahit kutson man lang ng kama! Putsaa gaano kaya kalaki ang bulsa noon at nagagawang pagkasyahin pati ang mga naglalakihang pintuan doon, no? Ano sa tingin nyo?!
At tuluyan ko nang natunton ang harapan ng room na kahapong tinuluyan ko. Binuksan ko ng marahan ang sarado nitong pinto, dahilan ng pangungunot ng noo't pagtaas ng dalawang kilay ng taong ngayo'y nasa harapan nito at sa tingin ko'y sinisimulan na ang pagtuturo.
Putsaa babagsak na ako ngayon sa lupa! Ang mga tinginan pa lamang ng mga bago kong kaklaseng inililibing ako ng buhay at may nalalaman pa ang mga iilan ditong umiling-iling habang diretso ang nagpapataasan nilang mga tingin sakin. Para akong hahatulan ng parusang kapayapaan sa pamamagitan pa lamang ng kanilang mga tinginan. Sana'y pumayapa na ang mundo ko't muling malasap ang 'langit' kong kama! Kahit hindi naman talaga sa akin iyon eh sana ngayo'y bigla iyong sumulpot at doon ako mismo ililipad sa kalawakan ng malambot kong kamang sana'y sa ngayo'y akin itong hinihigaan!
Putsaa naman kasi talagang tunay ang
mga tinginan ng mga taong nakapalibot ang mga mata't titig na titig sakin na animo'y hindi lang dumi't kahihiyan ang mayroon sa buo kong pagkatao! At putsaa pang muli dahil ang mga tinginan nila'y hindi lamang pang-'green inferno'! Kundi ang mga tinginang ito'y para bang nagtatangka silang lapain ang buong mundo!!! At ako ang nag-iisang tao't nagbida-bida't pumunta sa sentro! Kaya eto ako ngayon! Kulang na lang eh ang may biglang maglabas ng patalim at agad na sugurin ako kung saan man tong ikinaroroonan ko.
At huli na ng mapagtanto kong bukod sa late ko, eh may plano pa palang maglakbay at magtagal ng oras ng buo kong pagkatao sa ngayong sahig na kinatatayuan ko.
Napagtanto ko ring unti-unti pang mas sumama ang kaninang masama nang mukha ng matandang lalaking gurong kanina pa nakatingin magmula ng magbukas ako ng pinto.
Dahan dahan akong pumasok ng nakayuko at wala nang mapaglagyan pa ang kahihiyan ko! Putsaa kung meron pa nga ba?! Sa pagkakaalala ko eh kanina pa lamang eh nasagad na! Hayy buhay ka!
Lalo pang nangunot ang noo ng lecturer ko ng magtaas akong muli ng paningin dito. At mas lumakas pa ang mga bulungan sa aking paligid, ng magtangka pa akong maglakad papalapit. Ngunit napagtanto kong hanggang ngayon eh kasama ko pa pala ang isang to! Putsaa paano ko hindi malalaman eh hinarangan pako nito sa mismong harapan ko! Hayy ano nanamang muling pinaggagagagawa mo,putsaa naman oh! Crizilia kang talaga!
"Ahm, sir if you're planning to ask about that thing that we're almost 15 minutes late in your class, please let me explain what happened first, and whatever it is, either its valid or not,
we're here to say sorry for being late in our 2nd day of class." Mahabang paliwanag ng kaibigan kong kailangan eh english pa pala. Waw ah? So kailangan pa palang umiral ang pagiging amerikanang hilaw ng isang to ano? Nakoww naman ng pota!
"Then explain in front of everyone Ms.Yoi! We're having our discussion, and yet you two suddenly come and disturbed everyone! Now let me hear what's the reason for that stupid explanation of yours!" Pasigaw na sabi ng durugistang gurong ito na dinuro pa kaming dalawa't mukhang may balak pang mas lalo kaming ilubog sa kahihiyan ng walanghiya.
"Ahm s-sir, the reason why we're late in your class because there's an emergency-----"
"Get straight to the point Ms.Yoi! You two are marked as an absent in this class. What the hell that emergency are you talking about?!" Salubong na salubong na ang kilay ng gurong ito ng bitiwan ng may pangigigil ang mga salitang iyon. Putsaa nakakatamad na! Late pala ha? Di uuwi nalang kung ayaw mong tanggapin! Monggi ka pala eh, pasalamat ka nga't late lang! Paano kung absent pa? Baka maging isa ka sa mga vip'ng baril sa crossfire, sa madaling salita eh baka maging machine gun kang guro ka! Hayys nakakatamad na nga mag-aral, ganito pa ang mapupunta sa inyong lecturer! Mas lalo tuloy nakakawalang gana!
"From that word 'emergency', is that really an emergency?" Napakasarkastiko ng datingan nya ng bitawan ang mga salitang iyon, at ngingisi-ngisi pa! Hayy bat ba may mga ganito talagang taong nabubuhay sa mundo? At bat buhay pa sila? Hays!
"Or maybe--" natigil ang dapat pang idudugtong ng walang-kasinghiyang guro namin ng bigla ay may umarangkada't nagbukas ng pinto at sumakto iyon malapit sa tumbong ko! Putsaa pangalawa na to! Bat ba ganito kasolid ang mundo?!
At ang mas ikinagulat ko eh ito ang lalaking kanina lamang eh nakabungguan ko! May suot pang headphones ang loko at parang walang pakialam ang mokong sa mundo! Yung totoo ano ba talagang problema nito sa tumbong ko?!
Hinimas-himas ko ang kanang pisngi nun kung saan tumama ng solid ang seradura ng pintuan, at hindi ko namalayang kanina ko pa pala sya tinititigan.
"Excuse." Nang magkalapit kami ay kanya itong binulong ng mahina sa akin.
Nanlilisik ang mga mata kong tinitigan ang gagong to na hindi talaga uso ang paghingi sa kanya ng putsaang pagpapaumanhin na dapat eh kanina nya pa ginawa! Putsaa pangalawa na to ah? At masakit na! Lalo na ang puwitan kong wala namang kasalanan sa mismong kapabayaan at pabigla-biglaang pagkilos nya!
"Wow! Mr. Grey! It's nice to see you again!" Malugod na pagbati't pagkalawak-lawak na ngiti ang iginawad nya sa taong ito na nasa likuran ko't pinanatili ko ang pagmamatigas ko't hindi pag-alis sa aking pwestong kanina nya pa pinakikiusapang bigyan sya ng espasyo.
Kailangan nya munang magpaumanhin no! Hindi naman ako myembro ng avengers at lalong hindi ako si ironman! Mapagpanggap lamang ang pagkatao ko di kalaunan! Dahil putsaa asan na ngayon ang aking kahihiyan?! Andami na namang nakakita ng pagkakatama ng 'ano' ko sa door knob ng hayup na pintong ito! At mas hayop pang nagbukas nito! Putsaa nawala na pati ang katarungang kanina pang hinihingi ko!
Napatingin ako sa ngayo'y mukhang anghel naming guro ngunit ng mapag-alaman ko ang ginagawa ko eh syempre tumabi na ako ng kakaunti at di na lumingon pa sa hayup na kanina'y espasyo't dangkal lamang ang aming pagitan dahil mahirap na, ang napakagiting naming guro eh akalain nyo nga namang, tagilid pala! Putsaa, HAHAHA! Makangiti sa gagong to eh akala mo napakadami ng kabutihang ginawa sa kanya ng iisang taong walangkasinghiya niya! Tama! Putsaa magsama nga sila! PAREHONG WALANGHIYA! Tsk,tsk!
Nang nasa amin na ang paningin ng mongi naming lecturer eh biglang sumama ang timpla ng mukha nito. Tsk, kiber amputa! Palibhasa lalaki ang interes ng di-hamak na napakaganda naming gurong ito, HAHA!
"Ms Yoi, and you..." pinutol nya ang kabaliwang mga pinagsasabi at tinuro ako mula sa kinaroroonan ko.
"Who are you? Are you attending my class?" Masungit na tanong nito ngunit ngayo'y malumanay na. Tsk, bawas points kasi mga madla pag nag-ingay pa sya! Mautak rin ang lec. naming to eh no? Ang gusto lang pala ay yung mga lalaking may mukha!
"Ahmm, I'm Ms. Johnson sir." Napakagalang na tugon ko sa kumpirmado ang katangiang taglay ng guro kong ito.
"Then... why are you late?" Muling pagtatanong nito at ako naman eh parang ewang nangangapa ng pu-pwedeng maisagot.
"A-ahmm, i was able to attend---" naputol ang pagsasalita ko ng magsalita na naman ang nasa harapan ko. Hayy crizilia ka talagang tunay!
"It's all my fault, sir." Napalingon naman ako sa gawi ng kaibigan kong to na ngayo'y nakatalikod sa gawi ko't nakaharap sa tagilid naming guro.
Napataas naman ang dalawang kilay ng nagsusungit naming gurong ito, na ngayon ko lang napansing ginagaya pala ako,tsk! Putsaa, weh wala na walang originality tong lokong to,hehe!
Akala ko pa naman ako lang ang nagtataas ng dalawang kilay kapag sinusumpong! Mas malakas pala ang sumpong ng isang to, baka siguro ngayon dinatnan ang isang to, hehe! Imbyerna siguro para sa kanya ang mga ganitong sitwasyon, wag kayong maano dahil mukhang mananampal na ito, haha!
"Ah... i get it, so you two are..." pambibitin na naman ng kumag na gurong ito.
Napapagod nako katatayo, putsaa naman oh! Kanina pa nakaupo yung isang mas nahuli pa samin! Kaya napaghahalataan eh! Hindi marunong magtago ng nararamdaman, tsk tsk! Maturuan nga ang nagtataray naming gurong ito,hehe!
"Ahmm, that's right sir we're friends." Pilit ang ngiting dagdag ng isa pang kumag kong kaibigan at ang mataray naman naming guro eh parang dinaganan ng mga anghel na nagmumula sa langit, pinalibutan talaga sya mga madla! Dahil akalain mo nga naman, nakakangiti pala sya! Kaso nga lang eh kapag nandito lang yung isa. Yung putsaang kupal na yon na walang-kasinghiya! Hayys, bakit ganito maglaro ang mundo? Masyadong pininta ng abstract ang pagkatao ko! Nahiya putsaa ang salitang 'gulo'! Tsk,tsk! Badtrip na buhay to, oh!
"Hmm, fine..." maya maya'y mukhang bagot na bagot na ang itsura ng loko, pati ang pagkakabitiw nya sa mga salitang yun eh dinaig pa ang may mga naglalakihang katawan na bumuhat ng 'mas' mga malalaki pa sa kanilang sako, sa madaling salita mukhang pagod na pagod ang loko naming guro! Nahiya naman kami sa kanya eh, no? Malakas rin pala ang sapak nito sa ulo! Tsk!
"You two may now take your seats..." malumanay na paliwanag nitong dinaig pa ang malamig na hanging ngayo'y kami'y nagyeyelo sa lakas ng dalawang naglalakihang ac'ng nakapalibot sa pagkalaki-laking silid-aralang ito. Waw lang dahil sa pagkamahinhin nya, dalagang-dalagang pilipina siguro ang gustong maging datingan nya, putsaa napakahusay mo sir, haha!
Inokyupa na ni criz ang nasa dulong bahagi ng silya, nasa likuran ito at sagad sa bintanang nakasarado ang kinaroroonan ng kaibigan kong ngayon ko lang din nalamang kaklase ko. Kaya naman pala sumusunod sakin ang loko, eh kaklase ko na naman pala ang isang to, tsk tsk! Bat ganito na ba kahina ang kukote ko ngayon? Kailangan ko ng masinsinang pagbabalik-aral sa mga ganitong panahon, baka sa kaka-lasap ko ng katarungan to eh, haha! Wag na kayong magbasa, kung di nyo yun nakuha! Hayy, nangangati na agad ang mga kamay kong magpipipindot sa may pwestong pahiga kong telepono!
Putsaa, nakakamiss maglaro! Ilang araw palang ang nakakalipas na hindi ko nalalasap ang nasa-sistema ko nang katarungan! Ang VICTORY ng MOBILE LEGENDS: BANG BANG!
(A/N: Hey, follow follow naman mga madlang nagbabasa ng aking istorya! Sa totoo lang nag-eenjoy pa rin po ako sa kagagawa nito haha! Basta follow naman yun lang tsaka mga boto nyo rin pala, basta ayun! Hehe saranghae mga monggi😅🖤)
Ngunit nang mapalingon ako sa nag-iisang silang okyupado eh labis ang putsaang pagkairita ko! Dahil mga madla, ngayon ko lamang napagtanto na yung isandamukal na nahiya ang salitang 'walanghiya' sa nag-iisang tao na sa ngayo'y nasa kaliwa ang upuang ikinaroroona'y makakatabi ko! Takteng buhay to, putsaa na namang muli oh!
Gusto ko sanang umupo sa ngayo'y okyupado nang upuang kinauupuan ng magiting kong kaibigan, eh kaso nga lang mga madla alam nyo ba yung salitang 'no choice amputsaa?!'
Dahil wala eh, wala na talagang magagawa! Ayaw ko ng tignan pa ang isang dakilang mokong nato na nasa gawing kaliwa kung saan ako ngayo'y nakaupo.
Naupo na nga pala ako, hehe. Nakalimutan ko lang sabihin dahil sa sobrang panggagalaiti ko sa hinayupakan na ngayo'y nasa gawing kaliwa ko. Ngunit hindi matutumbasan ng galit ko ang ngayo'y dinatnan kong guro, mahirap na! Baka mapagtripan akong patayuin neto hanggang dismissal, hehe ulit.
Iniiwas-iwasan ko talaga ni mapalingon lang sa kinaroroonan nya, mga madla! Matindi ang pagpipigil ko sa mga kamao kong ngayong napag-alaman kong nanggigigil na! Mahirap na namang muli at baka may makatakas na isa at lumanding pakaliwa, kung saan ang ikinaroroonan ng taong gusto ko na sana eh maglaho na lang sa mundo ng wala na akong maging problema, hay!
O di kaya'y syotain na lang ng isang to ang 'nagpapaka-anghel' naming guro, hehe! Makakatulong sya ng sobra sobra kapag ang mga nasa isip ko eh binigyang aksyon nya, hehe ulit! Dahil sa ganong lagay eh mawawala na ang pagkamasumpungin ng guro kong ito na dinaig pa ang mga babaeng nag-iinarte sa bigla-biglaang pagkulo ng kanyang dugo! Sana'y idolohin na lang din ni sir si shugo hehe! (A/N: Annyeong muli mga madlaaa! Si shugo ho eh ang nasa 'mang kepweng' na pinangungunahan ni vhong navarro't kim domingo. Ang isa sa mga naging patok sa panlasa natin nung mga nakaraang taon, hehe. Si 'shugo' ho ay isang tauhan don na itinatago ang naibubunyag o nangagaling na sa kanya mismong lantaran at tagilid nyang pagkatao hehe, sa madaling salita si 'shugo' ho ay isang modelong nagpapaka-macho hehe, dahil trying hard po sya masyado😂 Anyways, continue!😁)
Nang mapag-alaman kong mate-matika ang asignaturang itinuturo ng gurong ito eh nakinig nako. Papanisin ko na lang ang buo nitong pagkatao, hehe! Dahil ako ang magpapaka-jollibee sa mga pagagawin nya sa paboritong asignatura kong to, hehe ulit. Yari ka sakin ngayon 'shugo'!
Akalain nyo nga namang wala talagang kapares ang napakahusay naming gurong ito! Dahil mga madla, 2nd day palang ng pagbabalik-aral ng mga estudyanteng nagbakasyon ang pisikal na pangangatawan at malamang sa malamang eh anuba kayo? Nadamay rin syempre ang mga utak nating walang ginawa nung bakasyon, kundi ang magliwaliw at magpahinga't bakasyon basta ganon, sa kanya kanya nating trip na gawin kapag dumarating ang dalawang-buwang kapahingahan natin! At ayun ay ang isa sa mga ipinagtataka ko sa napakaganda naming guro ngayon, dahil mga madla, nagtuturo na agad sya ng mga araling pang-mate-matika sa pangalawang araw na naglalakbay pa ang mga kaniya-kaniya nating kukote't nagpapahinga't kusang bumabalik pa sa mga nakasanayan at mga kawalwalang ating ginawa noong binigyan tayo ng dalawang buwang kalayaan na ngayo'y hinahatulan ng maganda naming gurong ito na itigil na ang paglalakbay ng mga utak natin sa dalawalang buwang kalayaan natin! Mga estudyante, asan ngayon ang katarungang kanina ko pa hinihiling sa mga taong ganito na sumira ng araw ko! Putsaa kase eh sira na nga buong pagkatao ko pati ba naman pisikal at utak ko'y sisirain ng mga isandamukal na dalawang hayup sa buhay kong mga ito! Nakakabanas ang ganitong mga eksenahan, mga madla! Tsk tsk!
Buti na lang at paborito ko ang asignaturang ito, hehe! Alam ko na lahat ng itinuturo ng nagtataray naming gurong ito, na ngayo'y nasa harapan at busy'ng busy sa pagpapacute at pagpapakitang-gilas sa hayup na katabi kong to sa kaliwa't diretsyong nakatingin sa kanya! Kaya syempre common sense nalang mga madla! Natural eh panay ang pagpapaganda ng lecturer namin nato na ngayo'y nagtuturo sa 'master ko ng asignatura' hehe ay mali mga madla 'let's erase the master' hehe! Lemme replace that word into 'mythic ko ng asignatura' hehe ulit! That's the right thing mga madla, alright? At ayun ay magegets nyo lamang kung naglalaro kayo ng paborito kong laro sa teleponong 'MOBILE LEGENDS: BANG BANG'!
Ngunit sa paglipad ng utak kong mautak eh hindi ko namalayan ang pagriring ng bell na hudyat syempre ng pagtatapos ng kanyang klase. Nakakaboring masyado itong isang tong magturo mas magaling pa ata ako sa kanya kung ako ang magiging guro ng buong sectio'ng ito, hehe! Biro lang, baka isipin nyong masyado nang mataas ang aking lipad sa hanging aking nararamdama't inilalanghap, hehe ulit!
Ngunit ng harangin ako ng isandamukal na maganda naming guro, eh napakunot ako ng aking noo. At napatanong sa isip-isip ko kung 'ano na naman ba ang problema mo shugo' hehe wag kayong maingay dahil hanggang sa isip ko lamang nasasabi ang hinanaing ko sa dinatnan naming ngayong gurong ito, hehe ulitzz! Sapagkat mga madla, baka tuluyan akong ipagang-bang nito kapag sinagad ko pa ang kakarampot na pasensyang nananalaytay sa buo nitong pagkatao, hahahayyy! Mahirap na no?! Masyado pa naman akong maiinitin, hehe at baka pag-pinagangbang ako neto, eh ipa-massacre ko buong angkan ng mga Dizon na tao, hehe! (A/N: Saglit lang mga madla, ah?! Hehe niyayaya ako ng pinsan kong maggitara at pauunlakan ko ang yaya nya, wag kayong ano dyan, arasso? Basta itutuloy ko ito mamaya just trust me mga madla, pramis wala sa inyong mawawala, hehe ulit! At mag-eenjoy pa rin kayo sa istorya. Basta gawa ko diba? Hehe nahahawa na tuloy ako sa mga hambog na karakter na ginawa ko. HAHAHA! Basta bigyan nyo naman ako ng kalayaan! Isang buong linggo na puro exam, research, at putsaang quiz ang ikinaharap ko! Huhu! Masyado na ngang marami ang pimples ko eh, HAHA! Btw i will continue this later! Muwaa! Labyu mga readers ko!!!!!)
(A/N: Annyeong muli mga madlaaa! HAHA! Pasensya na at madaling araw na ako makakapag-update hehe, kasi tumagal yung pag-jajam namin nung pinsan ko eh hehe, akalain nyo nga naman alam nya na gitarahin yung kantang 'mundo' ng apat na espades hehe! Kaya nagpaturo ako, hehe! Ganun ako eh, gaya-gaya! Hehe jk basta juskoo wasted na ho ako, siguradong hindi na naman ako makakapag-update ng mga ilang araw pero sisiguraduhin ko nang buo ang chapter 3 ko kapag in-update ko, hehe! Dahil alam kong masyado na po akong paimportante sa inyo! Dahil nag-uupdate lang ako kung kelan ko gusto😂! Basta akong bahala sa inyo, abangan nyo lang tong istoryang ito, hindi nyo pagsisisihan pangako hehe!)
Nagtataka siguro kayo kung bakit ko titirahin ang angkang 'Dizon' no? At dahil nga nagtataka kayo'y akin itong ipaliliwanag, ganito ako kabuting tao mga kababayan ko, hehe!
Ang Dizon ay ang apelyido ng maganda naming guro. Haha! Single siguro to si gandang dilag, putsaa hahang muli!
Ngunit balik tayo sa kwento, hehe! At hanggang ngayo'y hindi pa rin ako binibigyang daan ni 'shugo'! Naloloka na ko sa kanya, putsaa! Baka mahawa ako ng kabadingan nito mga madla, haha!
Ngunit ng hindi ito magsalita ng iilang minuto ay napagpasyahan ko ng agad na tumayo at magtatangka na dapat bumaba ng silid-aralang aking kinaroroonan at pumunta sa banyo sa kadahilanang nanginginig nako! Grrrr, anlamig putsaa! Para akong nasa antartica!
Ngunit sadyang babawian nga yata talaga ako ng buhay ng maganda naming lecturer nato. Sapagkat hindi pa nga ako tuluyang tumatayo eh bigla na naman agad akong pinaupo. Putsaang laki naman ng problema mong yan 'shugo'!
Napatingala ako sa kanya dahil masyadong syang maganda. Haha! Dat itinitingala sya! Hehe biro lang dahil literal talaga ang aking pagkatingala! Dahil malamang sinenyasan nanaman nga akong maupo nito ng magtangka akong tumayo upang pumaroon sa banyo.
Nang mapag-alaman kong wala na ang buong sec. namin sa kwartong ito eh malamang sa malamang, automatiko akong napatayo! At nang pasadahan ko ang kabuuan ng kwarto ay kaming dalawa nalang ni criz ang nandito! Hay ano nanaman bang trip mo 'shugo!'
Ngunit totoong gumaan ang pakiramdam ko ng mapag-alamang nandito pa pala si crizilia'ng kagaya ko ay ayaw ring paalisin ng maganda naming guro. Sabi nang sya na nga ang maganda at wala nang papantay sa kanya! Huwag na sana syang mainggit samin ni crizilia! Haha! Biro lang dahil hindi ako maganda, gwapo ako mga kaibigan, gwapo ako ha?! At pumasok rin sa kokote kong kung ako lamang ang naiwan sa silid-aralang' ito'y pupuwede nang kumilos ang dalagita naming guro't tuluyan nang ipagang-bang ako hehe! Kahit papaano'y tanggap kong hanggang ngayo'y babaeng pagkatao pa rin ang nasa-loob ko. Literal ang ibig-sabihin ko mga kaibigan hindi ang aking emosyon o nararamdaman. Para naman maging malinaw sa inyo ang aking pagiging loyal o sabi nga nila'y straight na pagkatao't gusto. At sya lang ang gusto ko sya lang. Hay pati ba naman sa eskwelahan ay bigla ka nalamang bibida sa aking isipang nandito ka bawat dulo, sapagkat putsaa honey ko, alam mo bang mababaliw na ako kaiisip kung bakit ka lumayo?
Muntikan ng mangilid ang aking mga luha sa isiping yun. Putsaa napakaiyakin ko, at dahil yun sa kanya. Sya ang nag-iisang dahilan ng pananakit ng buo kong katawan. Dahil malaki ang epekto nya sa akin, mga kaibigan. Yung tipo bang parang nahahawa ako sa lahat ng kilos, at munting mga galaw nya. Kase.. kasi putsaa kung ako lang ang hihiling sana kami nalang ulit... sana... sana hindi sya nakahanap ng iba sa biglaang paglayo nya...
Ngunit natinag ang paglipad ng utak ko papuntang SBS sapagkat nagsalita ang taong nasa harapan ko ngayon. Putsaa kazzz! Hindi ko man lang namalayang hanggang ngayon pala eh nakaupo pa rin ako dito't nakaharang ang bini-bini kong guro, ano?! Hayy. Talagang kapag sya, sya lang. Hindi na ako nagbago. Sana'y gayun rin sya, no? Hanggang ngayon kasi'y bukod sa hindi pa ako tuluyang maka-move on sa nangyari eh may katiting paring patuloy na naniniwalang may dahilan ang paglayo nya sa akin. Siya, sya lang at wala nang iba, iisang taong mahal kong hindi na kayang palitan ng kahit na sino pang makasalamuha ko. Dahil sya lang, hanggang ngayo'y walang nagbago, mahal na mahal ko parin sya.
"Since you two are marked as an 'absent' in this class, hmm..." Pambibitin na naman ni 'shugo'
Putsaa kung ituloy nya nalang kaya eh no? Wag nga syang maggagaganito ngayon sa harapan ko, dahil pag di ko sya natansya eh baka sya ang patiwarik na ibitin ko. Nakakainit sya ng ulo, tsk! Sa ngayo'y wala na para sa aking epekto ang pag-iiinarte nyang yan! Dahil pag sinapak ko yan, taob yan! Biro lang hehe, masyado na akong 'hot' ngayon, ano? hehe muli!
"Ahmm... you two seem so quiet close, huh?...." tumigil na naman sya ng bitiwan ang mga salitang yun. Putsaa 'shugo' isa pa! Ititigil ko na talaga ang pag-ikot ng mundo mo! At literal kang iikot dyan sa kinatatayuan mo! Badtrip anloko, pabitin ang aura ng hinayupak na ganda lang nato, hehe ganda lang sya eh no? Tsk!
Bagaman seryoso ay hindi maitago ng maganda naming guro ang sungit-sungitang awra nito, tsk! Napakaganda nyo po talaga, 'shugo'! Hehe!
"As your punishment i want you..." pambibitin nya at ako ang napagtripang ituro ng mga daliri nitong pumipilantik pa kasabay ng masungit na tono ng napakaganda nyang boses, hehe!
" To answer this problem...hmm i think 5 pages are enough? Aren't it?!" Dahil nga monggoloyd ang isang ito eh hindi na ako nagtaka pa ng pasagutan nya ang limang pahinang puro problem solving ng asignaturang kanyang itinuturo which is 'mate-matika'! Putsaahan ang datingan! Pasalamat talaga sya't 'mythic' ko ang asignatura nya, hehe!
"Hmm. Aren't it, Ms. Johnson?!" Bahagya akong nagulat sa pagtataas ng tono ng boses nya. Lakas ng saltik ng puthaa! Inuulit lang naman ang itinatanong nya! At dahil nga ako'y nataranta eh muntikan na akong madulas sa bansag ko sa kanya.
"A-ah, Yes sh--sir..." papahina nang papahina ang pagsagot ko sa kanya para hindi halatang mayroon na agad akong nakuhang basag sa kanya sa pangalawang araw pa lamang ng klase nya. Mahirap na! Baka pasagutan sa akin ang buong bago naming libro ng asignatura nyang 'mate-matikang' puro problem solving amputhhhaaa!
Takte mga kaibigan, kahit High tech ang pagkatao ko eh remember one thing ho dahil gustong-gusto kong nalalasap ang kama ko, bukod sa katarungan ring namimiss ko, hehe!
Napataas ang dalawang kilay nya, na laging ikina-didistract ko sa tuwing gagawin nya dahil ganon rin ako, hindi ba? Putsaa gaya-gaya na sya ng pangalawa, ah! Upakan ko na ba?hehe!
Ngunit matapos ang kalokohang kaniyang ipinaggagagagawa eh, binalingan nya naman ng tingin ang aking kaibigang kating-kati na ring bumaba't mukhang kumakalam na ang sikmura't gusto nang bumili ng pagkain. Magugutumin ang isang to mga madla, baka kainin neto si 'shugo' kapag nagtagal pa ang kabadingan ng lecturer naming to hehe!
"And you..." saktong paglingon ni criz ay nasa kanya na ang tingin ni 'shugo'
Napamaang naman si criz at kitang-kita ang kaba sa kabuuan ng pagkatao nya. Hindi lang mukha ang kinakabahan sa kanya mga madla ha, okay?
"Since earlier i can clearly remember..." pambibitin nya ng magtama ang paningin nila ng kaibigan kong mukhang gutom na gutom na. Ano kayang pakiramdam ng gutom ka na nga, kinakabahan kapa?! Mamaya'y matanong nga sa kanya, hehe!
" You said that it's all your fault, am i right, aren't it?..." malumanay na tanong nito't napansin kong ayan nanaman ho si 'shugo' sa pa- 'aren't-aren't it' nyang yan, tsk tsk! Mukhang matatae na tuloy ang kaibigan ko sa pamumula nito, haha!
" Ah-hmm... you're definitely right sir.." tsk,tsk! Gustong sumipsip ng kaibigan ko sa panahong to no mga madla? Ano sa tingin ninyo?
" Hmm.. so well, since you admit it then i will let that situation... just pass..." pagpapaliwanag nito't nagningning naman ang mga mata ng kaibigan ko, dahil putsaa may mas malawak pa pala akong makikitang ngiti sa lalaking nakasalamuha ko kanina! At ang may mas malawak na kabuuan ay walang iba kundi ang kaibigan kong si crizilia yhana!
" But..." pambibitin nito't biglang sumeryoso ang kaninang mahinahon lamang na ekspresyon nito. Haha! Yari ka na, kaibigan. Magsisimula na ang 'shugo the mythic' at kinakailangan eh sa ayaw at sa gusto mo'y bigyan mo sya ng katarungan, haha! Tsk,tsk!
" Well, you're also must be punished and of course that's for fair treatment, hmm..." tatango-tangong dagdag nitong ikinabigla naman ng kaibigan ko. Wala kang takas sa mental na ibinuo ng isang to kaibigan ako na ang nagsasabi sayo, dahil literal ang lecturer nating ito na 'takas lamang sa binuo nyang mental na hindi mo pwedeng takasan, dahil sya ang bumuo ng kanyang kabaliwan at bibihagin ka't makakasama mo na ang mga kalahi nya! Ano kuha mo ba, kaibigan?' hehe!
" Hmm... you have to solve 10 pages of this book..." bahagyang lumapit sa kanya si 'shugo' at ipinagtututuro ang sampung pahina ng kabaliwan ng angkan nilang gusto nyong iparesulba sa kaibigan ko. Putsaa, nakakabaliw pala ang mate-matika ano?! Di na nga ako mag-aacountant at mahirap na no! Dahil baka mahawa ako sa lakas ng amats ng utak neto! Sabi ko nga't Mag-a-IT- nalamang ako hehe!
Syempre'y makikita ngayon sa mukha ng kaibigan ko ang bumagsak sa kanyang lupa, langit, purgatoryo't impyerno! Dahil putsaa, kapag tinitigan mo sya'y masasabi mo talagang sya'y kaawa-awa! Pasagutan ba naman sayo ang doble ng pahinang pinasagutan sa kaibigan mo?! Dahil putsaang muli't lima lamang ang ipinasagutan nito sa akin! Habang ang sa katabi ko namang nasa gawi kong kanan eh dinoble pa ang problema nyang ipinapasan na nga ng kadakilaan ng shingane-nganeng 'shugo'ng' to sa akin ng biglaan!
" And... I'm expecting that work that I've just given the two of you...." pambibitin nya't itinuro muli kaming dalawa, hayy anlakazz talaga ng tama!
" must be submitted tomorrow earlier than the word 'early'... understood?!" Malumanay ang pagkakabitiw nito sa mga unang linya ngunit unti-unti'y papalakas ng papalakas ang pagkakabitiw nya gaya na lamang ng sayad nya, tsk tsk! Hayss, bat ganito ka bang 'shugo' ka! At ansabeee? Earlier than early? Ha! Sadyang napakahusay talaga ng dalagitang eto, mga madla ano?!
" Understood?!" Nanlaki pa ang mga mata nito sa pag-uulit ng huling salitang iyon na ngayon ko lang napansing nahiligan ni 'shugong' mag-ulit ng mga huling salitang namutawi sa kanyang napaganda't perpektong labi, hehe! Pag ako siguro ang nagtangkang sumipsip sa isang to eh, makaka-score ako? Ano sa tingin nyo, hehe! Wahh epek kanina si crizilia eh no? Ansaya-saya nya tas biglang babagsakan ng kung anu-ano ang buong pagkatao nya?! Hehe! Madagdag nga sa itatanong ko mamaya ang feeling ng ganoon at ang ipinaplano kong itanong sa naunang pangyayaring kanyang pinagdaanan sa nag-iisa naming prinsesang guro lang naman, hehe ulit!
Ngunit hindi pa man kami nakakasagot eh biglang nagdagsaan ang mga kaklase namin sa taong ito na may iba't-ibang dalang pagkain at inumin na mas ikinatakam ng nag-iisang kaibigan ko't kulang na lang eh kainin pati si 'shugo', hehe! Ikaw na ang yari ngayon 'shugo!' Nagiging 'titan' ang criziliang yan lalo na kapag nakakakita pa ng mga nakakatakam na bagay na ngayon eh nakapalibot sa kanyang kinaroroonan!
Nang mapansin ng aming guro ang papadami na muling pagpasok ng mga bagong kaklase ko eh tinaasan na lang kami ng dalawang kilay nito at taas noong itinahak ang daan papalabas ng silid-aralang pinairalan nya ng kanyang ka-monggoloydan! Putsaa, pangalawang araw pa lamang yan mga madla, ah? Kita nyo na! Limang pahina't sampu naman sa isa ang ipinatikim sa amin ng aming gurong nahiya ang magandang 'si maribela!'
(A/N: Annyeong muli mga madlaaa! Ang maribela po ay ang dating pelikula sa kanya kanya nating mga telebisyon na pinangungunahan ni julia barreto. Ayieee sya po ang one and only idol ko ngunit ikinahiya ni maribela ang pagkatao nya dahil nakita nya ang kinakailangang tingalaing si 'shugo' hehe! Skl friendss! Dali tuloy na mga kababayan!)
Take note mga madla, unang subject pa lamang iyon at paano na sa mga susunod pa?! Jusko! Baka mas may ilalakas pa ang sayad ng mga kasunod na lecturer na magsisidatingan dahil noong unang araw eh tatlo pa ang mga lecturer na wala at lumiban! Tsk, tsk! Ang buhay talaga parang life, eh no?! What if.. what if magpasundo ako kay doraemon at bumulagta na lamang sa kama ko oh, ano sa tingin nyo?
Ngunit hindi na nakapaglakbay pa ang utak ko ng may isang dalagitang pumasok sa aming silid-aralang ginawang picnican. Putsaa, mukhang sasampolan rin kami ng isang to ah!
At hindi nga ako nagkamali mga madla. Dahil ng marating nito ang gitnang mesa kung saan umuupo ang mga lecturer naming durugista eh agad nitong ikinalampag ang dalawang kamay nya sa mesa, na nakapagpatigil sa lahat ng mga kaklase kong kanya kanya ang takbo ng kani-kanilang mga mundo.
Kasabay ng pagkalampag ng dalawang kamay papalapat ng
bini-bining ngayo'y nasa aming harap eh tumingala ito sa amin, kanina kasi'y nakayuko to nang gawin nya ang kalabog na yun na hindi naman nagkamaling agawin ang lahat ng atensyon ng buong klaseng nakapalibot at nakatingin na sa kanya sa ngayon. Nang mag-angat ito ng paningin eh nanlilisik itong pinasadahan kami isa-isa at walang anu-ano'y biglaan na lamang sumigaw at nagwala! Hayy!
" Students really, nowadays!" Paninimula nito ng nakasigaw na agad at ganoon pa rin ang ekspresyon ng buong mukha nyang akala mo'y bombang sasabog na sa sobrang pula!
" Hmm, i'm nah here yestahday becahause that was jahaust ah faharst dway, hwurayt?! Maarte ngunit mahinahon ng paninimula nito. At yari ako dito kapag ako ang napagtripang durugin ng isang to, huhu. Mahina ako sa asignaturang pang mga amerikana mga madla! Sa mga sinabi nya pa nga lang ngayon eh wala na akong naintindihan! Ganyan na ganyan ang mga gurong hindi ko nauunawaan! Dahil putsaa sobra naman ang isang yan sa ka-islang-an!
At nagtuloy-tuloy na sya ng kasesermon at di kalauna'y bigla na lamang huminahon Hayy! Mga ganitong lecturer dapat ang tinatawag na 'teachers nowadays' Tsk,tsk! Baliktad ang utak ng isang to eh no, parehas na parehas sila ni 'shugo' HAHA!
Nagpakilala nang may tonong istrikta ang guro namin itong ngayon ko lang ring napag-alamang durigista! Sya pala ay si Miss Santos. Ang babaeng walang sinasanto--(s)! Hehe! Ang bansag ko naman sa kanya eh si miss 'betty boop'!Dahil kapag nakita nyo sya ng personal mga madla, ang mukha nya'y hindi mapapantayan ng kahit ang munggo'y nahiya sa liit ng mukha ni maam 'betty'ng' dalaga pa ngunit stress na stress na agad sa kanyang buhay! Hayy sayang may itsura pa naman si maam! Papatulan ko sana para mabawasan ang pag-iinit ng kabuuan eh! Hehe biro lang mga kaibigan, hindi ako pumapatol no! Sugar mommy ko to pag nagkataon, hehe!
At nagpatuloy ang discussion nyang agad na ikinabago't ko dahil bukod sa wala akong maintindihan ni isa man lang sa mga salitang kanyang binibitawan, eh sadyang hindi lang ho talaga ako interesado sa asignaturang ito! Jusko, ansarap tuloy matulog sa lamig at presko ng hanging feeling ko eh sa buong mukha ko lamang nakapalibot ang dalawang naglalakihang ac'ng ang totoong ikinalalagya'y sa kabuuan ng silid naming eto, haha!
Ngunit natinag ako ng may maramdaman akong kalabit papakaliwa mula sa kinaroroonan ko. Taimtim nang nagpapahinga ang buo kong pagkatao kaya muntikan ng matumba ang kamay kong kaninang nakahawak sa baba ko ng kani-kanina lang eh nasa tamang huwisyo pako't pinipilit pang lumaban sa putsaang kaantukan nato!
"Haaaaaahhh!" Napalakas ang hikab ko habang nag-iistretch pa dahil sa kaantukang ngayon eh nilalamon na ang buo kong pagkatao. Mga madla, inaantok na talaga ako, totoo na ho ito, pangako!
Mas natinag pa ako ng may biglaang sumigaw at ayon sa aking tancha'y malapit sa kinaroroonan ko ang malakas at strikta't bukod doon ay galit ang tono ng taong iyon na sa tingin ko'y nasa harapan ko.
Ngunit sumobra na ang pagkatinag ko ng pumasok ang ideyang yun sa isip ko't huli na ng mapag-alaman kong nasa eskwela nga pala ako! Putsaa mga madla, bat hindi nyo man lang pinaalala?! Yari nako ng todo kay 'betty boop' ngayon nito! Putsaang muli dahil iyon eh kasalanan nyo!
" TAIERED?!" Animong nandidiri't malakas na sigaw ang dumagundong sa buong silid naming ito at walang ibang salitang namutawi bukod sa sigaw na aabot na hanggang sa dulo ng langit na kanina lamang eh ang feeling ko'y hinihigaan ko na ang malaking kamang kasama pa pala si 'novita' ng sunduin ako ni doraemon gamit ang kanyang mga nasa bulsa't dumagdag pa ang naglaro sa aking isipang marahan nya akong inihiga sa kanina ko pang 'hinihiling na kama!'
Ngunit ang lahat ng ito'y kathang-isip lamang at putsaahan na namang sermon at baka magka-record pa ako ng agad-agaran sa pangalawang araw pa lamang ng pagpasok ko't agad-agad na ring hahatulan ng guidance office na pinangungunahan ng halimaw na dean ng eskwelahang akin ngayong pinapasukan! Putsaa kung alam nyo lang ang ugali ng dean na yun na biniyayaan o sabihin nating binigyan nya lamang ang mga gurong ito ng kakaunting 'attitude' sa lahat ng pagkakataong isinusumpong ang LAHAAAT ng durugistang gurong sumakto pa ang mga ito sa sectio'ng syang kinaroroonan ko! Hayyss, bat ka ba ganito kamalas sa araw nato, mundo?!
" I DOWNT CEIHR HWOU DIEH HEIL YUO AWRE!!! JUIST IMMEDIEATILY LIEYVE THIAS WRUOM NAHAWW!!!" Sobrang lakas na sigaw nito't dinaig pa ang mga 'giant' sa palabas na 'jack and the beanstalk' sa putsaahang milyon-milyon ang volume at grounded ng basag ngunit hindi pa rin mawawala sa pagkakabitiw nya ang maarteng pananalitang mukhang nasa sistema nya na! Hayy kaya tumatanda ang isang ito, dahil sa kasisigaw! Hindi na nakakapagtaka kung sa ganyan pa lamang edad nya eh 'high blood' na sya! Feeling ko nga kanina eh S.T ko lamang sya mga madla! Dahil nga bukod sa ambata-bata ng kanyang itsura eh pati ang mukha'y ang amo-amo na mayroon pala talaga ang isang itong itinatago't ngayon lang lumabas si 'incredible hulk' sa buo nitong pagkatao! Hayyss buti nalang at hindi nagkalasog-lasog ang katawan ng isang to ano?
Ngunit syempre'y bago ko pa isipin ang mga nagkukumpulang ideyang aking binitawan sa napakalawak kong utak na yan eh malamang sa malamang, binuhat ko muna syempre ang nike kong bag at lilisanin na sana ang lugar ng marating ko ang kalagitnaan ng aming silid-aralan ngunit ng marinig na naman ang matining na kabosesan ng pamilyar na boses ni 'betty'ng' sa tingin ko ngayo'y ibang kaklase ko naman ang kanyang napagtripang puntiryahin eh napahinto ako't napatingin sa kaniyang gawi.
Bahagya akong nagulat ng makitang pagtapos ko eh, kaibigan ko naman ang tinitira nya kung saan ang babaeng to lang naman ay mukhang inaantok rin at gaya ko'y pinaaalis na rin sya ng aming guro't sinabi sa salitang ingles ang 'kanyang pagpapaalis' sa babaeng ito na tinularan pa ang putsaang katangahan ko! Hayy, lagi na lamang tayong magkasunod o di kaya'y parehong napapahamak ng pareho rin ang panahon at oras na animo'y nakatakda talagang mangyari ang parehong kamalasang nangyayari't ating pinagdadaanan sa mga ganitong kapanahunan!
(A/N: Annyeonghashimika, mga madla! Magandang gabi po sa inyong lahat hehe. Nakakashookt na po kayo, mga readers ko alam nyo po ba yon? Hehe. Dahil nagsimula po ako sa 1 pirasong nagbabasa ng istorya ko ng i-publish ko ito ng gabi noon at iilang minuto pa ang lumipas bago may nakapagdiskubre't nagbasa! Pero hanggang ngayon po'y hindi pa rin ako makapaniwala sa dami ng mga readers na sa aki'y sumuporta! Huhu, mahal ko na po talaga kayong lahattt! Puro kamemahan lang naman po ang laman ng istoryang to, hindi po ba? Pero sinuportahan nyo pa rin ako, huhu. Iiyak na ako ng ultra-mega-over, as in now na! Huhu. Again maraming salamat po sa inyo! At dahil po dyan ay ngayon ko na po tatapusin ang 'Chapter 2' ng nobelang ituu, haha! Sana'y nag-eenjoy pa rin po kayo sa kababasa ng kabaliwan kuu mga madla kuu hehe thanks sa inyo, godbless😘🤗💖)
At ayun nga ang nangyari mga madla! Gaya ko'y pinaaalis rin sya ni 'betty' at idinagdag pa ang mga katagang, "You two ahareh disrespectful humanities! Huh! Do yah two knoiew what a good mahawners and right candakts is?" Waw lang sayo 'betty' ha, waw lang. Ewan ko sa lelang mong guro ka bala ka dyan, tsk tsk!
Tuluyan na akong lumabas at isinukbit sa aking kanang balikat ang back pack kong nike at kinuha sa bulsa nang aking sibilyang kasuotan o sabihin nalang nating pants nang mawari niyo ito ng tama't hindi na muling magtatanong pa't syempre'y ipinasak ko agad ang earphones na yun sa aking magkabilang tenga, at kung wala kayong amnesia'y alam nyong nike din ang disenyo ng isang yun! Sinong malinaw pa ang memorya sa ganitong mga madaling araw na? Hehe. Uy teka, ako na lang ata, hehe biro lamang mga kaibigan, hehe ulit!
" Uy tehhh! Sayang ang panggagaya ko sa mga koreana't koreano kung hindi mo man lang ako papansinin o maski sulyapan man lang dito, hays! Na-iistress sayo ang beauty ko!" Nagmamadaling ani neto at nang malingunan ko ito'y nasa likuran ko na agad ang mabagsik na Yoi na to. Tsk, tsk!
Ayan na naman ang superpowers nya mga kaibigan, bukod sa pagkain ang hobby neto'y mabilis rin ang isang ito na animo'y si 'flash' na nagteteleport kahit gaano pa man kalayo ang agwat ninyo. Ganyan sya kalupit mga madla, at isa rin ito sa mga dahilan kung bakit ko naging kaibigan ang isang to. O ano? Mahuhulaan nyo ba kung bakit o maski man lang ano? Kung hindi eh tigilan nyo na ang pagbabasa nito! Haha biro lamang mga kaibigan, baka naman itigil nyo na talaga ang pagbabasa ah! Maglulupasay talaga ako dito kung nagkataong gagawin nyo ang sinabi ko, hehe! Sinabi ko pero ayaw kong pagawin sa inyo eh no?! Sadyang malakas rin pala ang amats ko no mga madla, ano sa tingin ninyo?! Hehe ulit!
"Ay ganyanan talaga?! Kailangang mang-snob ng ganyan teh? Uy wag ka nga tiyak na mang mas palo ang beauty ko sa iyo no! Kaya wag ka nang mag-inarte pa dyan, at kausapin mo na akooo!" Malakas na sigaw nito na sa tancha ko eh mga kalahati ng sigaw kanina ng teacher kong santo kani-kanina lamang ng sampolan ako ng 'attitude' neto.
Bugnot na bugnot man eh, wala na lang rin akong nagawa kundi ang pansinin na lamang sya. Kaysa naman yanigin nya ang taimtim na mundong kanina pa ako iginugulo't kasama sya sa mga binida sa araw ko ngayon ng hayup na mundong ito, hayyss.
Nang sumagot na ako sa iilang mga naka-auto-mikroponong boses na mga katanungan nya eh, masayang masaya syang naglahad mula pa kanina't iba pang nangyari sa kanya sa ngayon mismong araw na ito. Pati na rin ang mga pinagpaplanuhan kong itanong sa kanya kanina eh hindi ko pa man nasisimulaha'y ibinahagi na rin nya. Haayy, kapag itong babaeng to talaga ang kausap mo eh hindi ka na makakapagsalita pa!
Pati na rin ang panggagaya nya sa akin noong klase ng santong si dalagitang 'betty' eh hindi nya nakaligtaang banggitin mula umpisa hanggang dulo'y kanya raw itong cinopy-paste nang makita nyang ayun ang daan para makalabas sa boring nitong discussion at ang mga baguhan kong kaklaseng hindi na maski makahinga sa atmosperang nakapalibot sa mga dumaan na mga durugista naming mga guro sa paaralang itong hindi namin alam na ito pala ang magiging kahihinantnan ng pangalawang araw na pagbabalik namin sa aming eskwelahan. Tsk, tsk! Wala ito sa aming inaasahan. Tsh!
At hindi na nakuntento ang babaeng ito sa samu't sari nyang pagkukwento dahil bigla akong hinila nito t niyayang mag-half day na lamang sa kadahilanan at ang maayos nyang pagkakasabing pangalawang araw pa lamang. Kaya ako tong si engot na sumunod na lamang sa tangka naming pag-cu-cutting sa ikalawang araw pa lamang ng pasukan namin. Hahahayss! Masyadong nakakatamad ang mga buhayyss! Kaya magpapahinga muna ako sa ngayon mga madlang pipolss na sumusuporta sa kasusulat ko ng kamemahang istoryang ito, hehe!
At dahil nga mag-hahalf day kami eh di kami pupwedeng dumaan sa mismong gate na pinapasukan at inilalabasan ng mga matitinong estudyanteng ngayo'y nasa kani-kanilang mga silid aralan. Di bale na lamang hindi ma-meet ang dalawa pang guro sa asignaturang computer tech at philosophy subject, hehe! Malay nyo naman at mababait pala ang mga yun hindi ba? Kaya hindi ko muna gagayahin ang santo kong teacher sa ngayon at kami'y bababa gamit ang mga kabuuan naming sanay na sanay na sa mga ganitong eksena, hehezz! At amin nang isinagawa ang pagtulay sa mga pader, lagayan ng mga halaman at mga bubungang aming tinatapakan at doon ring minsa'y itinutuon ang aming mga bigat upang tuluyang makababa ng eskwelahan ng lingid sa kaalaman ng tatanga-tangang guwardiya ritong sa tanging harapan lamang nagbabantay ng mga batang kagaya naming maaaring tumakas kapag oras ng klaseng sobra na ang putsaahang pagkaboring ng aming mga pagkatao't kalamnan! Hay mga kaibigan ngayon ko lamang napag-alamang ako'y nagugutom rin pala! Hay buhay ka!
Nang makalabas ng eskwelahan ay isinukbit ng babaeng ito ang kanyang kanang kamay sa kaliwa kong brasong malapit sa gitna nitong pulso at nagdadadadaldal na naman ukol sa kanyang tiyan na wala na raw talagang laman, tsk! Kahit hindi mo sabihin kaibigan, dahil yung mukha mo palang kanina'y parang magta-transform na sa pagiging 'titan'!
Ngunit sa tingin ko'y mayroon pa kayong mga katanungan mga kababayan. Siguro'y nagtataka kayo kung paano namin nagagawa ang pagbaba gamit ang mga bubungan at ang paglabas ng gate ng hindi kami napapansin nino man. Ngunit sa aking tingi'y hindi nyo maaaring malaman ang aming lihim, sapagkat baka ito'y inyong gayahin! Hayy, baka maging masamang impluwensiya pa ako sa inyo mga kaibigan at isipin ng mga magulang nyong sa pagbabasa nyo ng wattpad ay natututo kayong magbulakbol, at ang kasunod nyon ay ang hindi nyo na pagbabasa ng istoryang ito. Mga kababayan, wag naman ho sana oh! Tsk,tsk! Wag tularan ang bida ng istorya, pakiusap ha?!
Nang makakita ng mga pusang siomai at ng mga maruruming pagkain ay syempre! Hindi na kami nagdalawang isip pa't duon na magsimulang lumapang ng mga maduduming pagkaing kami ngayo'y pinalilibutan,
Hehe! Mahilig kami sa marurumi eh, bat ba? Haha! At mga kababayan may bahid po ang ating mga katauhan ng karumihan. Kaya wag na kayong maginarte't magpakanegosyanteng animo'y hindi alam ang ganitong mga pagkaing nakakalat lamang sa madumi nating paligid kasabay ng mga mamantikang pagkaing ilang beses pinauulit-ulit lamang ang mantikang pinagpiprituhan gamit ang kanilang mga maduduming kasangkapan, hehe! Mas masarap kapag may mga nagswimming nang iba't-ibang mga uri ng hayop na makikita lamang sa ating kapaligiran, at take note mga kababayan, ang mga insekto't maruruming nilalang na ito'y sa pilipinas nyo lang makikita't malalasahan, hehe! Putsaang sarap yan! Isipin nyo na lamang ang mantikang ipinampiprito sa mga maruruming pagkain nato na inaabot ang lima hanggang sampung araw (5-10) na nananatili ang mantikang pinagprituhan ng mga marurumi ring nagtitinda ng mga pagkaing kami'y inaakit ngunit inilalapit rin sa mga sakit, hehe! At take note ho, isipin nyo rin ang mga ipis at dagang ito siguro malamang ang resort nila, sapagkat sawa na sila sa mga imbornal at kanal, at sila siguro'y humahanap ng mas espesyal at magandang pag-swimmingan hehe!
Nang maramdaman ang mga kamay ng babaeng to sa balikat ko't sa ngayo'y iniyuyuyog na pala ako, eh saka lamang bumalik sa huwisyo ang nag-iimagine kong buong pagkatao, hehe!
" Uy! Ano ka baaaa? Tara naaaa gutom na gutom na ko oh! ano? Tutulala't tatayo nalang ba tayo dito, hay dahil sayo tong mga pimples na to, oh! Tsh!" Ani nya habang masamang masama na ang tingin sa akin na animo'y hindi nakakakain. Tsk,tsk! Ganito sya pag gutom mga kapatiran, haha!
At sumunod na naman ako sa kanyang plano, dahil mga madla kapag nagdilim ang paningin ng isang to eh ako pa ang mapagtripang lapain ng babaeng ilang taon nang hindi nakakakain, tsk tsk!
Nang makalapit kami sa pwesto ni kuyang nagtitinda ng pusa eh pinangunahan na agad ng umaatikabong may auto-mikroponong boses ng putsaang sobra na ang pangangalam ng tiyan ng kaibigan kong sa ngayo'y hindi ko na nakilala kung sino bang superhero ang maiinitin ang ulo. Sino nga ba sa tingin nyo mga madla? Hehe.
"Kuyaaa! Tatlong order po ng siomai nyo, yung hindi pusa! Tsaka po iyang gulamang iyan mga limang baso gusto ko po eh gawa yan sa mineral ng hindi po matae ang wala na sa ngayong laman nang pagkatao ko! Tas kuya may kanin po ba kayong walang tutong at hindi panis?!" Sunod sunod ang pag-oorder nito na pati ang tindero ng siomai ay sobra ang putsaahang pagkalito.
Napailing naman ako sa mga sinabi nito, tsk, tsk! Putsaa ka crizilia, loko-loko! HAHA! Hanep sa pang-iinsulto ang gago! Hahang muli!
Bakas naman ang pagkahiya sa mukha ni kuya. Natural! Talagang mahihiya yan sa pang-re-realtalk gamit ang mga nagdudumihang paninda nya ng napakagaling kong kaibigang si crizilia yhana! Haha, putsaa husay!
Napasunod naman nito ang kuyang ngayon eh nagmamadali nang kumilos at takot ng baka muling mapahiya ang paninda nya. Haha putsaa kayo ba naman kasi ang real-talkin mga madla, syempre mas bibilisan nyo na ang inyong kilos at gawa, putsaang muli ng hindi na madagdagan pa, haha!
"Hmmpp! Antagal naman kuyaaaa!" Pagmamadali ni crizilia't hawak na ang tiyan nyang parang animo'y dine-desmenorhia! Putsaa masaway nga ang isang to sa paraang hindi nya mahahala't hindi mapag-aalamang grabe na ang kanyang ginagawa sa mga taong nakapalibot sa kanya. Hayss ka namamang muli, crizilia ka!
" Huy! Dun muna tayo sa kabila, crizilia!" Pang-aalok ko rito na mukhang hindi naman nya nahalata. Paano ko na lamang hindi nya nahalata? Dahil sa ngayon ho mga madla, ay para syang batang nagniningning ang mga ipin at mata't muli na namang makakakain ng mga paborito nila! Putsaa crizilia yhana, iba ka na!
Nang makita ko ang itsura ni manong ay para itong nabunutan ng tinik na nasa dulo na kanina ng kanyang ngala-ngala. Tsk, tsk! Pasalamat ka sa akin kuya, at iyong markahan ang araw na ito na sinagip ka ng isang superhero't bayaning katulad ko, hehe! Talagang tunay nga ang kagitingan ko ano? Oh mga madla, ano sa tingin ninyo?!
Hinila ko na ang babaeng to patungo sa isa pang maduming tindahan ng kwek kwek, fishball, kikiam, hotdog at iba't-ibang uri ng sasawan nitong may halo ng kanal at imbornal sa panahong ito sapagkat remember one thing mga madla, iba't-iba hong uri ng insekto ang mga nagtagumpay ng magtangkang pasukin ang mga sawsawang wala man lang masking mga takip na sya lamang proteksyon ng mga magtangkang bumili ng ganitong mga uri ng maruruming pagkain!Napaghahalatang marumi ang paninda ni manong sa ganito pa lamang na mga kasangkapan at nanlilimahid din sa kaitiman ang gilid ng kawaling pinagpiprituhan ng aming mga kakaining pagkaing nahiya ang salitang 'dumi' dahil nakapalibot dito ang isa pang sangkalan na mukha nang pwet ng kaldero kung ito'y titingnan ninyo.
Hayy ansarap talagang kumain ng mga maruruming pagkain sa panahon ngayon, mga madla hehe!
" Ugh, wag tayo dyan teee! Nanlilimahid naman sa kaitiman lahat ng mga kasangkapang ginagamit panluto ng mga iyan! Gustong gusto mo talaga sa mga marurumi, eh no?!" Nakataas ang kaliwang kilay nito ng paandaran ako ng 'ratatatat' nyang espesyal na uri ng boses na maririnig mo lamang kapag sya'y masyado nang nag-iinit. Hehe! Buti na lamang at naisipan ko ang isang itong ilayo kanina sa kuyang nagtitinda ng pusa sapagkat kapag hindi agad nasunod ang gusto ng isang yan eh damay-damay na ang lahat! Pati ang mga kababayan naming nakapaligid sa kanya'y kanyang kakainin! Remember one thing muli mga madla, isa syang 'titan' na hindi uso ang salitang 'awa'!
" Tsk, bala ka sa buhay mo eto gusto ko eh pera't kaluluwa mo ba ipambibili ko, ha?!" Sarkastikong sagot ko rito at sinimangutan naman ako nito habang ako nama'y naglakad na lamang patungo kay manong na nagtitinda ng mga mga pagkaing may iba't-ibang uri't bahid ng lasa. Jusko! Wag nya ngang masyadong dine-discriminate si kuya! Grabe ang isang to makalait eh no? Malay nya, hirap lang talaga sa buhay si kuya't pati 'joy' ay hindi nakayanan ng kanyang bulsa. Wag kayong tumawa, dahil imbis na magalit ako ng makita ang kasangkapan at paninda nya ay hindi ang reaksyong natural lamang sa ating kapaligiran ang aking ngayo'y nararamdaman. Masyado akong naaawa kay manong. Halatang matanda na ito at pinipilit na lamang maghanap buhay ng marangal at walang kahit na sinong tao ang mapeperwisyo't magagawan ng krimeng karumaldumal. Ganito mga kaibigan, ganito dapat ang mga tipo ng mga taong ating kinakaawaan. Saludo ako sayo, manong hehe! (A/N: Saglit lang po mga kababayan ko, gagawa lang po ako saglit ng sanaysay na ikauunlad ng bayan ko, hehe charot! Anyways, tutuloy ko po ang update later pagkatapos kong maligo't gumawa ng mga takdang aralin. Hehe! Alam ko pong masyadong mahaba nanaman ang chapter na ito ngunit onting tiis na lamang muli mga kaibigan, ngayong araw eh nangangako akong tatapusin ang kagagahang ito, hehe! Salamat sa mga sumusuporta ng kabaliwan kong to, hehe BLAHBLAHBLAH! Gumawo!)
(A/N: Annyeonghaseyo mga kababayan ko! Tapos na ho ako sa nobelang sanaysay na ginawa ko hehezz, tatapusin ko na po ang chapter na ito at kailangan hong maexcite kayo sa pagtatapos nito, hehe! Charot bala kayo hindi ko hawak pagkatao nyo, hehez! Baka sabihin nyo pong mapagpanggap lamang akong gumagawa ng mga gawain kong pang-akademiko ah! Eto po patunay oh! Hehe! Btw enough of kachichika, sge na tuloy na't magatatapos na ho ang chapter na ito ng aking istorya, hehe ulit mwappss!)
SKL LANG YANG LITRATO MGA MADLA HAHAHA PATUNAY LAMANG PONG MAYROON AKONG GINAGAWA'T HINDI LAMANG PO PURO HILATA!😂

Nang makalapit sa bandang yun na kinaroroonan ng pwesto ni manong ay hindi na ako nagdalawang isip pa't agad nang bumili sa kanya, hehe! Saludo nga kasi ako mga kaibigan, bat ba? Hehe ulitzxcz!
" Manong magkano po sa kikiam at hotdog?" Malumanay na tanong ko rito habang sya nama'y abala sa kapiprito ng kanyang mga panindang hindi ko na lalaitin pa. Maniwala man kayo o hindi eh nagiging santo ako kapag naaawa, HAHA!
" A-ahh yung k-kikiam ay piso isa at---" naputol ang pagsasalita ni manong, ngunit sa ikinaikli nito'y makikitang sya'y nahihirapan ng magsalita, ngunit makikita rin sa kanyang pinipilit nyang ipagsawalang bahala na lamang ang kanyang karamdaman at huwag ng indahin pa. Hayy! Kung mayroon lamang talaga kong pera! Kaso kapos rin ako sa panahon ngayon at binibigyan lamang ako ng kapatid ko ng allowance na ipinagkakasya ko sa isang linggo. Hindi na kami mayaman sa panahon ngayon mga kaibigan, kaya mahirap na ring tulungan ang mga taong nakapalibot sayo lalo na kung ikaw mismo'y wala ring laman ang pitakang ipinagkakasya mo lamang para mabuhay ka.
" UYYY! Anubayan teehh! Magyayaya ka tas mang-iiwan ka?! Napakagaling mo namang tao kaaa!" Napakaingay na naman ng boses ng isang to na putsaa lang dahil kanina pa ang pagkarindi ko sa matining na uri ng boses nito.
" Tsk! Dun kana sa siomayan dito ako kakain ayaw ko ng mga pabebe sa buhay na hindi naman dapat pinaiiral sa lahat ng pagkakataon ang kaartihan..." mahinahong pagpapaliwanag ko dito at ngumuso naman to ng parang bata at lumingkis na namang muli sa kaliwang braso ko, tsk, tsk! Iba rin ang lahi ng isang crizilia yhana sa angkan nila mga madla, hayss! Napapagod na ako masyado at hindi na matuwid pa ang pag-iisip ko ng mga bagay-bagay at parang kahit sa anong oras ngayo'y pakiramdam ko'y bigla na lamang akong babagsak at matutulog ng mahimbing sa kalyeng ito na pinalilibutan ng mga maduduming pagkain. Badtrip mga madla, antok na zii aq!
" Ayawww! Sino bang may sabi na hindi ako kakain dito? Ansarap sarap kaya ng tukneneng at kikiam, hehe!" Pilit ang mga ngiti at tawang namutawi sa kanya sa pagkakabitiw nya ng mga salitang iyon. Siguro'y akala nya galit ako sa kanya, mga madla! Pero ngayon palang eh sinasabi ko nang malabong magalit ako sa ganong kababaw na rason, tsk! Hindi ako kasing bata netong si crizilia, wag kayong mag-alala! Haha! Pagod lamang ako mga madla, pagod lang ang nasa buo ko nang pangangatawan sa mga ganitong kapanahunan, hehe!
At nawawala rin ako sa mood kapag tinatamaan ng mga literal na mga salita't idagdag pa ang mga linyahang 'totoo ako't" sinamahan pa ng mga katagang 'gustu nang matulug ng buu kung pagkatau' hehe! Memahan nalang natin ang buhay, at gawing simple ang bawat karanasang nangyayari sa atin para naman hindi na tayo masaktan pa sa mga bagay na matagal nating minahal at pinagg ugulan ng ating mga panahon gayunarin ang mga nakasanayan nating kapiling sa kanila. Simplehan nalang natin mga madla, ng hindi na lumala pa ang mga sitwasyong sa hindi inaasahan ng karamihan sa ati'y matatapos pala ang akala nati'y walang katapusang ligaya't nagkikinangang mga tinginan na hinihiling na lang nating sana'y hanggang ngayon ay ganoon na lamang muli't wala ng kalungkutan na siyang ikinalulugmok ng bawat isa sa atin, lalo na kapag sila na ang pinag-uusapan eh wala ng 'tanga't desperadang matatawag pa' dahil kapag tinamaan ka, tinamaan ka. At gagawin mo ang 'LAHAT' bumalik lang ang taong pinaranas ka ng walang hanggang kasiyahan at ginabayan ka sa bawat araw na dumadaan, pinatitibay ka kapag libo-libo na ang mga suliraning iyong ikinahaharap. Kaya mahal ko siya, dahil mahal ko siya. Wala ng ibang dahilan pa.
Tuluyan na akong nawala sa mood at hindi na nakakain pa. Binigyan ko na lamang si manong ng isandaan at pinilit ko ito ng tumatanggi pa sya. Hindi ako kumuha ng kahit anong pagkaing itinitinda nya. Nang hindi na mabawasan pa ang pinagkakakitaan nya.
Mukhang natunugan naman ni crizilia ang pag-iiba ng timpla ko kaya ng makarating kami sa sakayan ng jeep kung saan ako sumasakay ay nagpaalam na sya't sabi nya'y magtataxi na lamang daw sya't hindi na muna makakasabay sa akin dahil may aasikasuhin sya, tsk! Nakonsensya tuloy ako sa hindi ko malamang dahilan ng biglaang pag-iiba ng timpla ko. Pakiramdam ko hindi lang pagod na pisikal ang nararamdaman ko, dahil pagod talaga. Pagod na ako sa LAHAT ng bagay.
Sumakay na ako sa jeep at nagpara ng matunton nito ang lugar na panandaliang tinitirahan ko. Ang condo ni ate jes.
Nang nasa labas na ako ng condo nya ay nag-doorbell ako at maya-maya lang ay bumungad ang maganda't malawak na pagkakangiti ni ate jes ng direstyo sa akin. Sana lahat ng tao'y nakakangiti ng sing gaan ng ngiti mo, ate jes.
Pilit ang ngiti kong ginawaran ito at walang anu-ano'y tumuloy sa kanyang condo't naglakad papunta sa binigay nya sa aking kwarto.
Nang malasap na naman ang mala-langit na kama ko ay saka lang ako napangiti muli ng todo, parang ilang araw ko nang nararamdaman ang pamemeke't sapilitang pagngiti ko, haha! Sadyang nakakatuwa!
Binalak kong buksan ang telepono ko habang nakapasak pa rin hangggang ngayon sa tenga ko ang earphone ko.
Nagbukas rin ako ng account ko sa facebook dahil sa tingin ko'y magadedeactivate na ito sa ilang taong hindi ko paggamit nito. Buti nga't naalala ko pa ang password ng account kong to, tsk antalas talaga ng memorya ko, hehe!
Ngunit sadyang mapaglaro nga talaga ang tadhana at ang taong pilit ko nang kinakalimutan ang unang lumabas sa aking timeline. Tsk, badtrip na buhay to, oo!
Nang makita ang bago nyang post ay napangiti ako ngunit ng mapag-alamang hindi pala sya nag-iisa dito't may kasama pa syang hindi ko kilala ngunit pamilyar para sa akin ang mukha. Bakit pakiramdam ko eh niloko nya ko?
Unti-unti'y biglang sumikip ang aking paghinga habang pinagmamasdan ang maganda't buhay na buhay nyang litrato habang kasama ang sa tingin ko sa ngayo'y nagpapakulay nito. Masyadong pamilyar ang mukha ng kasama nyang nakaakbay sa kanya at pareho silang nakangiti sa litrato. Halatang parehong masaya ang mga ito... pero... pero honey paano naman ako?
Hindi nagtagal ay nag-unahan na namang tumulo ang mga nagpapakapalan at mga nagpapalakihang mga luhang ngayo'y halos sumabog na sa aking mukha.
Kasabay noon ang pagtunog ng pamilyar na kantang dati'y wala lang sa akin ngunit ngayo'y para akong binato't sapul ang buong pagkatao ko.
'I want you to stay never go away from me, stay forever...'
Kasabay ng mga linyang yun ay ang palalim na palalimang pagbuso ng aking mga luhang ngayo'y nagpasakit na sa buo kong katawan.
'Why did you have to leave me, when you said that love will conquer all, why did you have to leave me when you said that dreaming was as good as reality...'
Bakit nga ba? Why honey? 'Why did you have to leave me? Do you really have?'
Lalo pa akong napaiyak sa kantang ngayo'y hindi pa rin tumitigil sa katutugtog at parang ito na ang pinakamahabang pinakinggan ko ang kantang dati'y tinatawanan ko lang at sinasabing 'kasinunghalingan!' ngunit ngayoy akin na itong iniiyakan kulang nalang eh sabihin ko sa ngayon ang mga katagang katotohanan' tsk!
Life sucks! I miss you so much my honey.
Wala na ang honey kung walang sugar diba sabi mo pa nga? Kasi ayun ang pinakanagpapa-tamis at binibigyang buhay ang pagkaing mabubuhay lamang kung masarap at may lasa at ang tanging makakapagpabuhay nun ay ang asukal na animo'y ako pa nga. Kaya masyado kong pinanghahawakan ang mga pangakong siguro'y totoong napako na nga sa panahon ngayong hindi ka na nagtangka pang bumalik sa piling ko't tuluyan nang tumagal sa kahit ni katiting na impormasyon sa iyong tinitirahan ay wala akong kaalam-alam. Basta bumalik ka lang, mapapatawad na agad kita, at sabihin mo na rin pala sa akin kung bakit ka biglaa'y nilisan na lamang ako't parang basurang iniwan kung saan.
Kasi....
Kasi....
Kasi 'stef' hanggang ngayon, hanggang ngayon. I still love you so f*cking bad!
A/N:
Annyeong! Salamat sa pagbabasa mga madla, abangan ang buong Chapter 3 ng aking istorya! Hehe! Muli ako po'y estudyante lamang at tiyak naiintindihan nyo po ung mabagal na pag-update ko, hehe! Lalo na po sa mga estudyanteng nagbabasa ng istoryang ito na galing sakin, hehe ulitzz. Diba po mga mag-aaral? Nakakastress ang pag-aaral? Hehe! Btw...
HOPE YOU ALL STILL ENJOY READING THIS STORY HANGGANG NGAYON SA WAKAS NG PANAHON, HEHE! ANYWAYS THIS STORY IS STILL MADE BY J🖤❤️💚💜💛!!!
(14,880 words)
I will edit those errors soon. I'm Sorry for some errors such as wrong grammars and typos that you would encounter. Thanks!💞
Mga kantaaa sa chapter na ito, bwehehez!🖤
*Reminds Me Of You- by: MYMP
*I Fall Apart- by:Post Malone
*Stay- by:Daryl Ong