Sa Hospital,
"Kamusta na po si Chase?" Ang nag aalalang tanong ni Ricai pag labas ng doctor.
"Tsk! Belj, iniinom ba ng boss mo ang gamot nya?" Tanong ni Dr. Gian doctor ni Chase at kamaganak.
"Anong gamot? Ayos lang ba si Chase? Mamatay na ba sya?"
"Ahm... Miss, kumalma ka po muna hindi po mamatay si Bossing ayos lang po s'ya di ba Doc?" Sabi ni Belj.
"Um. Exhaustion, masyado syang napagod kaya bigla nalang syang nakatulog."
"Naka... Naka tulog?"
"Um. Anemic at may insomnia s'ya kaya mabilis syang mapagod may ginawa ba syang exercises na dahilan ng pagka pagod nya?"
Napatingin si Dr. Gian at Belj kay Ricai "I... I didn't do anything! Wag nyo kong tignan ng ganyan!"
"Ahhh... kaya naman pala walang ginawa kaya di makatulog ng ayos yung isa." Pabulong na sambit nung dalawa.
"Naririnig ko kayo! Humph!" At pumasok na nga s'ya sa room kung nasan si Chase.
"Hehe... Ako ng bahala sa dalawang yon lalo na kay Bossing." Sabi ni Belj.
"Um. At siguraduhin mong iinumin nya palagi ang gamot nya baka mamaya lumala pa ang tukmol na yon."
"Don't worry Doc ako pong bahala medyo napagod kasi s'ya kanina maaga ko po kasi syang ginising para mag luto sa kaarawan ng nanay ni Miss eh."
"I see. Gagawin nya talagang lahat para lang mapasaya yung girlfriend nya."
"Um. Kilala nyo naman ang bossing ko di talaga s'ya titigil hangga't hindi nya nakukuha yung bagay o taong gusto nya."
"Hmm? Pero hindi ba't may relasyon na sila? Ano pa yung gusto nyang makuha?"
"Po? Wa— Wala halika na nga po sabihin nyo na sakin kung ano pa yung bagong gamot ng Boss ko."
"Ha? Sa— Sandali lang..."
At sa looob ng room ni Chase sa hospital...
Kausap ni Ricai si Tasha "Um. Tawagan nalang kita ulit mamaya ikaw na munang bahala diyan samin. Bye..."
"Mmm..." nagigising na si Chase kaya lumapit namang ka agad si Ricai.
"Hey... kamusta ang pakiramdam mo?"
"Aray..."
"San... San may masakit?"
Napatingin si Chase sa kamay nya dahil may nakasabit sa kaniyang dextrose "ehh? Nasa hospital ba ko?"
"Um. Tsk! Bakit kasi di mo sinabi sakin na may sakit ka? Edi sana parati kong nireremind sayo na may kailangan kang inumin na gamot! Tapos kanina nag luto ka pa! Napagod ka tuloy ng husto ang usok pa di ka naman sanay mag luto sa kahoy."
"I'm okay, hindi naman iba ang ipinagluluto ko nanay mo yon and soon my mother in-law. Pffft..."
"Hayssss! Nakukuha ko pa talagang mag biro sa ka lagayan mong yan."
"Bakit? Natural lang yon you are my fiancée and eventually your mother is going to be my mother too pag kinasal tayo."
"Huh! Masyado kang assuming fake lang namang lahat ng ginagawa natin."
"Tsk! Nag ka sakit na nga ko't sa lahat hindi mo parin ako gusto?"
"Enough!"
"Ahhh... yung pinsan ko nga palang hilaw ang gusto mo."
"Tigilan mo nga ko! Wala akong gusto kay Ysmael!"
"Ohh... so kanino sa mga Alta Gracia? Kay Xitian? Ang leader ng clan nila o baka dun sa kuya niyang si Wram? O pwede rin namang yung pinsan nilang si Brillant? Tell me sino sa tatlong yon ang love of your life?"
Pak!
Nagulat si Chase na bigla nalang syang sinampal ni Ricai "I had enough! Wala akong gusto sa kahit sinong sa mga yon! Parati kang ganyan! Alam mo naman kung sino tinatanong mo pa! Kainis!" Then she left.
At pag bukas nga ni Ricai ng pinto syang dating naman ni Belj "Mi— Miss!!! San ka pupunta?"
"Sa moon!"
"Ha? Miss!!!"
"Tsk! Hayaan mo sya."
"Pero Bossing... ano na naman ba kasing pinagawayan nyo?"
"Wala! Tsk!"
Habang nag lalakad papalabas ng hospital si Ricai na galit na galit may hindi sya sinasadyang maka banggaan.
"Sorry..." Sabi nila sa isa't isa pero yung nakabanggaan ni Ricai ay hindi huminto at nag patuloy lang sa pag lalakad.
Napalingon naman si Ricai dahil familiar sa kaniya ang narinig nyang boses "hmm? Sino yon?" Pero hindi na nya nakita yung taong nakabanggan nya pero sigurado syang narinig nya na kung saan yung boses na yon.
"Ricai!" Bungad ni Ysmael.
"Oh! Ikaw pala. Bibisitahin mo si Chase?"
"Oo sana, pero parang hindi nalang sure naman akong hindi nya ko gustong makita. Pero bakit pala andito ka asan si Chase?"
"Ah, yon? Tsss! Okay na sya."
"Hmmm? Bakit parang di ka masaya na okay sya?"
Nag pa linga-linga si Ricai at hinila papalabas si Ysmael "dito tayo mag usap." At naupo sila sa bench doon sa may labasan ng hospital.
"Nag away kayo?"
"Yeah. Nakakainis kasi sya kagigising lang epal ang bungad asar!"
"Hehe... mukhang parati kayong nag aaway ah."
"Minsan okay naman kami pero madalas toxic sya."
"Dahil?"
"Maraming bagay mahirap nalang mag salita."
"Jealousy?"
"Ahm... Ewan! Basta nakaka badtrip yung pinsan mo."
"Hehe... bata palang kami madalas na syang ganun mainitin kasi ang ulo nya kaya siguro di kayo nag kakasundo."
"Sinabi mo pa. Buti pala ayos lang sayo na inaaway ka niya parati."
"I used to it! Bata palang kasi kami sya na ang paborito ng grandpa at ayaw nila sakin tanging si Uncle Fernan lang ang tanggap ako."
"Huy... wag ka namang ganyan tanggap ka nila di mo lang talaga sila makasundo yan naman kasing si Chase epal talaga yan pero mabait naman yun kailangan nga lang talaga intindihin ang ugali nya. And for Don Arnulfo kilala naman sya ng lahat na dominant kaya mahirap talaga makasundo ang ganun pero to be honest ikaw lang naman sa Alcantara ang hindi nakakatakot. Well, nung una yun ang tingin ko pero nung matagal tagal ko ng nakakasama si Chase I used to understand why he is like that mayabang, maikli ang pasensya at mahirap makasundo dahil he needs love. Even uncle Fernan..."
"Wait lang Ricai... May gusto akong itanong sayo eh about kay Uncle."
"Hmm?"
"Ano kasi... sana di ka magalit."
"Um. Ano ba yon?"
"Ahm... Ano kasi..."
"Miss!"
"Belj?"
Lumapit na nga si Belj dun sa dalawa na parang wala sa mood "Miss, ipinapatawag po kayo ni Boss."
"Tsk! At bakit naman? Sabihin mo bahala sya!"
"Pero Miss, may sakit si Boss at ayaw nya pong uminom ng gamot ng hindi kayo ang mag papainom sa kaniya." He look at Ysmael na para bang inis sya rito.
"Ano sya bata? Pasaway! Ikaw nalang kausap ko pa si Ysmael."
"Pero Miss tinanggal ni Boss ang dextrose nya at gusto na nyang umuwi."
"Ano?! Dati bang baliw yang amo mo?"
Ysmael made a facepalm "sige na Ricai I can handle myself puntahan mo na muna si Chase baka kung ano pang gawin nun."
"Are you sure okay ka lang dito?"
"Um. Uuwi na rin muna ako naalala ko kasi may kailangan pa akong gawin."
"Oh... Sige ingat ka."
"Um."
"Belj, tara na! Puntahan na natin ang pasaway na batang yon."
"Opo Miss."
Nauana ng pumasok si Ricai at nag pa iwan pa si Belj "just a reminder, Ms. Ricai always and forever belongs to Senyorito Chase. Wag na kayong mag tangkang agawin sya dahil hindi nyo kaya. Huh!"
"Belj!!! Ano pang ginagawa mo dyan? Halika na!"
"Opo Miss." Then he left Ysmael with a smirked.
"Tsss! Manang mana sya sa kayabangan ng amo nya." Sambit ni Ysmael at dumating ang isang itim na kotse.
"Sir!" Sabi ni Basty.
Sumakay si Ysmael "to the building."
"Yes Sir."
***
Mag 10pm na halos ng makauwi sila Xitian matapos ang kanilang agenda ng araw na iyon.
"Where are you going?" Tanong ni Wram kay Xitian na paalis.
"Sa hospital."
"What? Don't tell me dadalawin mo ang Chase na yon? Baka nakakalimutan mo ang mga Alcantara ang dahilan kaya hindi naituloy ang shipment natin sa Vietnam."
"I know! At hindi si Chase ang dadalawin ko kung hindi si Ricai. Nag aalala ako dahil hindi nya ako sinasagot sa mga tawag ko."
"Tsk! Why are you always think of her? Are you inlove with your baby sis?"
"Kuya!"
"Tumigil ka Xitian hindi porket ikaw na ang leader ng clan hindi mo na ako susundin! Hindi ka na pwedeng parating makikipag kita kay Ricai alalahanin mo hindi lang ang Alcantara ang kalaban ng pamilya."
"..."
"Hayaan mo na si Chase ang mag alaga kay Ricai maraming security ang nakabantay sa kaniya kaya wag ka ng mag alala!"
"Hindi kuya! Pupunta pa rin ako at hindi mo ako mapipigilan!"
"Sige! Umalis ka! At wag kang hihingi ng tulong sa clan kapag si Ricai ang pinuntirya ng mga kalaban. Kaya mo bang makitang masaktan si Ricai? Ang tinuturing mong baby sister?"
"Anong nangyayare dito?"
Sabay namang lumingon yung mag kapatid sa likuran nila at nakita nila ay si "U— Uncle Noli."
"What's the matter? Bakit nag sisigawan kayo?"
"No— Nothing Uncle, how's your day? And how's auntie? Nakabalik na sya?" Sambit ni Wram na iniba agad ang usapan.
"I'm going to fetch her actually then I heard you guys. Ano na namang problema Xitian? You go with me to fetch your auntie."
"Pero Uncle..."
"What? Ayaw mong sumama?"
Nagkatinginan sila Wram at Xitian "no, Uncle sasama po sa inyo si Xitian right Bro?"
"U... Um."
"Good! Let's go. Ikaw na munang bahala dito Wram."
"Opo Uncle."
Samantala sa hospital,
Nakatulog na sa may couch si Ricai at nakita yon si Chase na may tinapos pirmahang papeles.
"Rics? You asleep?"
Hindi naman sumasagot si Ricai at ng mga oras na yon wala si Belj doon.
"Mukhang nakatulog na nga ata sya."
Tumayo si Chase at dahil wala na syang dextrose pwede na syang mag lilibot pero bukas pa sya pwedeng makauwi for observation nalang.
"Hey, wake up."
Pero hindi nya magising ang tulog na tulog na si Ricai kaya naman binuhat nya ito at ibinaba sa kama.
"Sweet dreams my love. Ako lang dapat ang mapapanaginipan mo." Then he kissed Ricai sa lips.
Pak!
"Mmm... May lamok Tasha."
"Ano? Lamok? Ako? Ang pogi kong lamok ha!"
Chase sighed at siya ang nahiga sa couch "goodnight my love of my life."
"."
Nagising si Ricai ng mga 2am na siguro at pag mulat nya nag taka sya na kakaiba yung nasa paligid nya kaya she abruptly sit up "hmm? Bakit ako na ang nasa kama ni Chase? Asan sya?"
At nung may narinig syang nahagok "heh... silly, sya pa talaga ang nahiga sa couch eh sya itong may sakit." Bumaba sya sa kama at lumapit kay Chase inayos nya rin ang kumot nito.
Ricai smile "why you always like that? Parati mo akong pinag aalala. Sigh..."
She pinched Chase nose "Mmmm..."
"Pffft... ang cute nya pag tulog."
At ng mga oras na yon nag mamasid na pala si Belj pero nakatago at nakikinig lang sa sinasabi ni Ricai kay Chase.
"I hope someday we can love each other without any hindrance. At sana dumating yung araw na matanggap mo sa sarili mo na hindi ka nag iisa dahil parati mo akong karamay kahit na pasaway ka. Sana rin wag ka ng ring parating tanong ng tanong kung sino ba ang gusto ko alam mo namang ikaw lang. Sadyang epal ka lang eh. Pero hindi ko sasabihin sayo ng harapan for you to find out. Humph!" Patayo na sana sya para bumalik sa kama pero tinitigan nya muna si Chase.
"Hmm? Bakit di na nag sasalita si Miss? Belj thought at pag silip nya saktong nakita nyang ninakawan ni Ricai ng kiss si Chase. "What the?! Sana gising si Bossing!!! Jusmiyo!!!"
"Sweet dreams."
Pandalas naman ng labas si Belj ng makita nyang pabalik na sa kama si Ricai.
"Muntik na ko dun! Pero dapat pala na videohan ko. Pfft... Congrats Bossing!!! I'm happy for you! Sa wakas! Na fall na rin si Miss kay Bossing."
"Belj?"
"Niana?"
"Anong ginagawa mo dito?"
"Ha? Ah... Eh..."
Si Niana De Guzman ang nakababatang kapatid ni Dr. Gian at isa syang nurse sa hospital ring iyon.
"Nandito kasi si Bossing."
"Si kuya Chase? Anong nangyare sa kaniya? Is he okay?"
"Um. Okay na, discharge na sya bukas."
"Ohh... hindi nabanggit sakin ni kuya Gian na andito pala si kuya Chase."
"Don't worry sasabihin ko nalang kay Bossing na kina kamusta mo sya. Pauwi ka na?"
"Um. Katatapos lang ng shift ko."
"Ahh... tulog pa kasi si Bossing gusto mo ba ihatid na kita?"
"No need malapit lang naman ang unit ko dito. See yah! I will visit kuya Chase nalang bukas."
"Ah... Ahm... Sabay na ko."
"Hmm?"
"A— Ano? Mag... Mag kakape kasi ako kaya lalabas rin talaga ako."
"Ohh... Tara? G rin ako."
"Hmm?"
"Halika na..."
Belj was shookt ng biglang hinawakan ni Niana ang kamay nya at sabay silang lumabas ng hospital.
"Is this a dream? Sana hindi na ko magising Lord!" Belj thought at hindi na nga nya namalayan na nakalabas na pala sila ni Niana ng hospital.
"Belj? Hey!"
"H— Ha?"
"Yung kamay ko... He... He..."
Pandalas naman si Belj na binitawan ang kamay ni Niana "so— sorry."
"Its okay. San mo gusto mag Coffee? Meron kasi dito na Coffee machine kaso di ko bet yung lasa. Pero meron akong alam na masarap na kape malapit lang dito do you want to try?"
Hindi naman nakikinig si Belj sa sinasabi ni Niana sa kaniya dahil nakatingin lang ito sa kamay nya.
"Belj!"
"Hm... Hmm?"
"Ayos ka lang ba?"
"O— Oo naman."
"Inaantok ka na ata eh dapat talaga mag kape ka na halika na samahan mo ko."
"Saan?"
"Sumunod ka nalang... Come on!"
"A... Ahm... You... hindi mo hahawakan ang..."
"Ha?"
"No— Nothing sabi ko ano... dapat hawakan ko na ang bag mo baka nabibigatan ka na."
"Hmm? No its okay sanay na ko. Lets go na."
"O— Oo sige."
"Don't worry treat ko coffee mo."
"Ah... Tha— Thanks"
Noon pa man crush na ni Belj si Niana ng una syang mag trabaho kay Chase yun rin kasi ang unang pagkakataon na makita nya ito sa mansion ng mga Alcantara. Hindi nga lang nya masabi na may nararamdaman s'ya sa dalagita dahil pakiramdam nya ang layo ng estado nila sa buhay kaya pinili nalang nyang ilihim ito mag pa hanggang sa ngayon.
Kinaumagahan,
Nagulat si Dr. Gian pag pasok nya ng room ni Chase doon sa hospital dahil mag katabi na yung dalawa ni Ricai sa kama.
"Ahem! Belj? Belj!"
Nagising namang agad noon si Belj na nakahiga sa couch sa tawag sa kaniya ni Dr. Gian.
"Do— Doc..."
"Can you wake up your Boss? At bakit ganyan? Ginawa nilang hotel ang hospital!"
"Ahm... Doc sir... Alam nyo naman si Bossing masyadong patay na patay kay Miss. S'ya mismo ang nag higa kay Miss sa kama nya hayaan nyo na wala naman po silang ginawang masama."
"Hayssss... Gisingin mo bilis!"
"O— Opo!"
Pandalas namang ginising nga ni Belj si Chase at Ricai na mag kayakap pa.
"Mmm... mamaya na Belj inaantok pa ko!"
"Pero Boss, andito na po si Doc."
Sabay namang minulat ni Chase at Ricai ang mga mata nila.
"Ahhhh!!!" Sigaw ni Ricai at naitulak nya si Chase na nahulog sa kama.
"Bo— Boss, ayos lang po ba kayo?"
Chase bonked him "hindi mo ko sinalo!"
"So— Sorry po."
"Cough! Good morning!" Ang sambit ni Dr. Gian. Dali- dali namang nag punta sa cr si Ricai dahil nahihiya sya rito.
"Ri— Ricai!!!"
"Hep! You calm down okay? Nasa hospital kayo at hindi ito hotel! Isa pa may sakit ka pero okay ka na kaya maaari ka ng umuwi. At paalala lang ano? Hindi ka pwedeng mag paka pagod bawas bawasan ang pagiging clingy kung gusto mo pang mabuhay ng matagal!"
"Tsss!"
Kinuha naman ni Belj yung iniaabot ni Dr. Gian na prescription para kay Chase.
"Siguraduhin mong iinumin yan ng tukmol na yan."
"Yes Doc Sir."
"S'ya sige na mag ro-rounds na ko. Nga pala, pupunta dito si Niana after 10minutes siguro. Sige."
"Thanks Bro."
"No problem. Basta yung reminder ko tandaan mo. You can go out na rin Ms. Ricai."
Nahiya namang lumabas si Ricai ng cr pero nung lumabas sya humingi sya ng pasensya sa inasal nya kanina "so— sorry po doc."
"No worries, pero wag mo masyadong papagurin ang pinsan ko ha?" Pabulong na sambit ni Gian kay Ricai.
"Hoy! Anong binubulong mo sa fiancée ko!" Sambit ni Chase na hinila si Ricai
"Tsss! Baliw!" Then he left.
"Tsk! Bitawan mo nga ko! Bakit katabi na kita sa kama?"
"I... I don't know! Ako nga ang nag tataka kasi nasa kama kita eh samantalang ako ang pasyente dito."
"Huh! At ako pa ngayon?!"
Belj made facepalm at pabulong bulong "here we go again... ayaw pa kasing umamin ng dalawang ito eh halata namang gustong gusto na nila ang isa't isa."
"Hey! Discharged na ko san ka pa pupunta?!"
"Uuwe! Bahala ka sa buhay mo!"
"Huh! Wow! Ikaw pa talaga ang galit? Ako yung nag ka sakit dito! Be considerate naman!"
"Ohh? Talaga ba? Parang hindi ka naman nag kasakit na tulog ka lang dito sa hospital nag iinarte ka lang!"
"Huh! Edi sana pala hindi na ko pumayag na umuwi tayo sa inyo! Kung ganyan naman ang ugali mo!"
"Huh ka den! Edi umuwi kang mag isa mo! Di na ko sasama pa Manila!"
"Edi wag! Hindi ka kawalan!"
"Wa— Wait lang Boss, Miss kumalma naman muna kayo hindi kayo pwedeng umuwi sa kani-kaniya nyong bahay remember may deal kayo." Sambit ni Belj na pumagitna na doon sa dalawa.
"Deal? What deal?"
"Niana?" Sabay sambit nila Chase at Belj
Hindi naman kilala ni Ricai si Niana kaya no reaction sya pero nakaramdam sya ng selos ng biglang yakapin ni Niana si Chase.
"How are you? You okay? Why didn't you texted me na naka admit ka pala dito?" Sambit ni Niana kay Chase at napatingin sya kay Ricai. "Who is she?"
"Ah... Eh... Niana she is my..."
"Friend! Hello, my name is Ricailee nice to meet you."
Nakipag kamay naman si Niana kay Ricai at nag pa kilala na rin.
Nagkatinginan sila Ricai at Chase at ramdam ni Chase na lalong nagalit sa kaniya si Ricai.
"Ah... Sige I need to go na rin eh. Nice to meet you again Niana." Sambit ni Ricai at then she left na para bang paiyak na.
"Oh, aalis na sya?"
"Ri— Ricai!!! Wait lang!!!"
"No, you can't move to much baka mamaya mabinat ka you stay here lang muna." Sabi ni Niana.
Sumenyas naman si Chase kay Belj "Ahm... Aayusin ko lang ang discharge papers ni Boss maiwan ko muna kayo."
"Okay. Ako na munang bahala kay kuya Chase."
"O— Okay."
At hinabol na nga ni Belj itong si Ricai pero pag labas nya ng kwarto hindi nya na ito mamataan.
"Tsk! Wrong timing naman! Mukhang na misinterpret pa ni Miss ang pagiging concern ni Niana kay Bossing. Anu ba naman yan?!!!"