Nakahiga sa kama si Chase dahil nahihilo at nag 150/90 ang kanyang blood pressure kaya si Ricai ang nag aasikaso sa kaniya at si Belj ang nag hatid sa school kay Baby Girl.
"Nahihilo ka pa?" Ang tanong ni Ricai na tinutulungang ibangon si Chase.
"Ayos na ko medyo groggy lang."
Kunuha ni Ricai ang pineapple juice para ipainum kay Chase "oh, inumin mo makakatulong yan sayo para bumaba ang dugo mo."
Pero may doubt si Chase at tinititigan lang ang pineapple juice na ibinibigay sakaniya ni Ricai "ayaw mo? Sige sasabihin ko kay Doc Gino na dadalhin na kita sa hospital."
Kinuha naman ni Chase ang baso ng pineapple na binibgay sa kaniya ni Ricai at ininom "yan, ganyan nga. Pineapple juice lang katatakutan mo pa? Walang lason yan kung gusto kitang lasunin matagal na panahon na. Humph!"
Chase smirked "so, mag papasalamat pa ba ako sayo dahil walang lason?"
"Ewan, sige na mag bibihis pa ko para pumunta sa school ni Baby."
"Sasama ko."
Binitawan ni Ricai si Chase at wala itong energy kaya balik sa pagkakahiga ito "see, ni hindi mo nga kayang maupo ng ikaw lang kaya tumigil ka pag balik ni Belj dito tsaka ako pupunta sa school ni Baby."
"Basta sasama ko."
"Ewan ko sayo, mahiga ka diyan at matulog kailangan mo mag pahinga."
"Eh kung si Belj nalang ang umattend?"
"Alam na ni Baby na ako ang makakausap ng teacher nya kaya kailangan andun ako dahil magtatampo ang bata sakin."
Napangiti naman si Chase sa sinabing yon ni Ricai "ahm…salamat."
"Ano yon?"
"Salamat!"
"Galit ka?"
"Haysss…ewan ko sayo umalis ka na nga."
"Tsss… babalik nalang ako agad kaya wag kang makulit dito habang wala ako."
Namula naman ang mukha ni Chase kaya nag panic si Ricai at hinipo sya "a—anong nangyayare? Namumula ka baka tumataas na naman ang bp mo."
Lalo namang namula ang mukha ni Chase nung hinawakan ni Ricai ang pisnge at noo nya "a---ayos lang ako ma—mainit lang dito."
Napatingin naman si Ricai sa sa aircom ni Chase at nakita nyang nasa 30 na ang cool level nito "gusto mo ba dagdagan ko pa yung cool level?"
"Ha? Hi—Hindi ayos na sige na mag bihis ka na. Alis!"
"Haysss…oo na!"
Pagkaalis naman ni Ricai pandalas na ng kuha ng remote ng aircon si Chase na nasa mesa sa gilid ng kama nito "kaya pala naninigas na ang kamay ko sa lamig naka 30fahrenheit na ito." Pagka set nya ng cool level kinuha nya rin ang phone nya para tawagan si Belj.
"Oo, nasan kana?"
Belj: On the way na po Boss.
Chase: Sino ang adviser ni Baby?
Belj: Boss?
Chase: Babae o Lalaki?
Belj: Ho?
Chase: Sagutin mo na nga lang!
Belj: Si Mrs. Riego po ang principal ng school nila Baby at yung adviser nya po si Sir…
Chase: Sir? So you mean lalaki ang adviser ni Baby?
Belj: Opo Boss si Sir Andy Linaja.
Chase: Haysss…bilisan mo umuwi ka na agad dito sasama ako kay Ricai.
Belj: Pero Boss sabi ni Miss sya nalang ang aattend kasi hb daw kayo.
Chase: Hinde, magaling na ko kung di ako pupunta sa school lalo akong ma hi-highblood. Kaya bilisan mo!
Belj: O—Opo andito na po ako sa parking lot.
Chase: Good.
***
Maagang nag punta si Ysmael sa mansion ng mga Alacantara kahit na minsan rin syang tumira roon pakiramdam nya hindi sya welcome sa bahay kung saan sya iniwan ng nanay nya.
"Uncle morning." Ang bungad ni Ysmael kay Fernan na nag uumagahan.
"Mael! Come here join me."
Naupo naman si Ysmael pero hindi sya kumain "sigrudo ka, kumain ka na?"
"Opo." Nag palinga linga naman siya na parang may hinahanap "ahm… Uncle kagabi po lasing raw kayo ng umuwi nasan po si Eulla I mean si auntie… Eulla? Wala po ata sya dito…"
"Are you one of the spy of my son?"
"Po?"
"Pinababantayan ba ni Chase si Eulla sayo?"
"Ho? Hi—Hindi po Uncle alam nyo namang hindi kami ayos ng anak nyo kaya bakit naman ako magiging spy ni Chase?"
"Bakit hindi ka pumasok sa business ng pamilya? Wag mong gayahin ang pinsan mo gusto kong ikaw ang humalili sakin balang araw."
"A—Ako po? Bakit po ako?"
"Alam ko gaya ka ng ama mo at sigurado akong maasahan kita kesa kay Chase."
"Pero Uncle…"
"Kung ang inaalala mo si Chase pwes wag mo syang intindihin akong bahala sayo."
"Sa—Salamat Uncle."
"Sumama ka sakin ngayong araw I will tour you to the site."
"Sige po."
At biglang dumating si Eulla na sugatan na inaalalayan ng isa sa mga kasambahay ng mga Alcantara na si Esme.
"A—Anong nangyare sayo? Ayos ka lang ba?" Ang sabi ni Ysmael at parang wala namang pakialam si Fernan.
"I'm fine na hulog lang ako sa kanal."
"Eh?"
Ang sama naman ng tingin ni Fernan kay Eulla "si—sige una ko."
"Esme, ikuha mo ng gatas si Ysmael." Ang sabi ni Fernan.
"Pero Sir hindi po makalakad ng ayos si Ma'am Eulla."
"Hindi makalakad? Huh! WALA AKONG PAKIALAM!"
"Ah… Ahm…Uncle ayos lang po hindi naman po ako nauuhaw."
"It's okay malayo naman sa bituka ang mga galos ni Eulla, right Honey?"
"O—Oo ayos lang ako. Sige na Esme ikuha mo na ng gatas nya si Ysmael." Then she goes upstairs kahit na nahihirapan sya na mag lakad dahil ang sinabi nyang pagkakahulog sa kanal ay gawa-gawa lang dahil ang totoo pinabugbog sya ni Fernan dahil nalaman ni Dante ang kanang kamay niya na nakipagkita ito sa dati nitong ka relasyon kagabi.
Samantala ng makarating sila Chase at Ricai sa school nila Baby…
"Hindi baliw ang mommy ko!" Ang galit na galit na sambit ni Baby sa kaklase nyang batang babae na tinutukso sya na baliw ang kaniyang ina.
"Sabi ng mommy ko baliw ang mommy mo kaya hindi ka nya hinahatid dito sa school."
Ang sama ng tingin ni Baby dun sa kaklase nya at hindi nya na mapigilan ang sarili kaya sinabunutan nya ito at nag ka gulo na nga ang buong klase na parang pinag sasagupa talaga yung dalawa.
"Class!!! STOP IT!!!" Ang sigaw nung isang teacher na si Ms. Marasigan na nakakita sa mga bata at kasama na noon sila Ricai at Chase.
"Si Baby!!!" Ang sabi ni Ricai at nilapitan nila ito ni Chase.
Kaya binigyan naman sila ng way ng mga bata "are you okay?" Ang sabi agad ni Ricai at niyakap agad siya ni Baby.
"Mommy…"
Na gulat naman ang mga kaklase nya dahil noon lang nila nakita ang akala nilang nanay ni Baby "ang ganda pala ng nanay ni Baby." Sabi nung mga bata.
Pero ang mas gulat na gulat ay si Ricai dahil bigla syang tinawag ni Baby na mommy.
"Mo—Mommy?" Ang pa bulong na pa senyas ni Ricai kay Chase.
At sinamahan naman ni Ms. Marasigan sila Ricai at Chase sa may guidance room kasama sila Baby at yung batang babae na nakaaway nito pati na rin ang parents nito.
"Sorry I'm late." Ang sabi ni Sir Andy at pag lingon ni Ricai nakilala nya ito.
"Andy?"
"Rica?"
Nakataas naman ang kanang kilay ni Chase habang pinag mamasdan yung dalawa.
"Teacher ka pala dito?"
"Ah... Oo actually kalilipat ko lang pero bakit nandito ka?"
"Ahhh…para kay Baby?"
"May…May anak ka na?"
"Ah…eh… mahabang istorya."
Sinimulan naman na nila ang pag uusap tungkol sa mga inaasal ni Baby lately dahil simula ng nawala ang daddy nito naging mainitin na ang ulo nito kaya madalas na nakikipag away.
"Ah… pasensya na po kayo sa ngayon depressed pa po ang bata hayaan nyo kami na ang bahala sa kaniya." Ang sabi ni Ricai sa teacher ni Baby at sa principal pati na rin sa mga magulang nung batang babae na nakaaway ni Baby kanina at nung isang araw.
"Pagsabihan nyo ang anak nyo para hindi nananakit. Kabata bata walang modo." Ang sabi naman nung nanay nung batang babae na nakaaway ni Baby.
"Huh! Ano pong walang modo? Sino po kaya ang na unang galitin si Baby? Hindi po ba ang anak nyo?" Ang naiinis na sambit ni Ricai.
"Ano?! Bakit hindi ba totoo na baliw ang nanay nyang si Baby?"
"Hindi po baliw ang mommy ko!" Ang pagalit na sambit ni Baby at tumingin kay Ricai.
Hinawakan naman ni Ricai ang kamay ni Baby "kami na po ang legal guardian ni Baby at hindi po baliw ang mommy nya may sakit po at kailangan nyang mag pa galing."
"You don't need to explain everything to them ililipat ko ng school si Baby let's go!" Ang nagagalit ng sambit ni Chase.
"Huy…anong pinag sasabi mo? Lipat agad?" Ang pabulong na sambit naman ni Ricai.
"I don't have time for this let's go!"
At wala na ngang na gawa si Ricai at lumabas na sila ni Baby kasama si Chase sa guidance room na hawak ang kamay nila.
"Rica!!!" Ang pahabol na sambit ni Andy at lumingon naman si Ricai at huminto.
"Andy…"
"Hindi naman kailangan lumipat ni Baby sa ibang school kawawa naman yung bata nakasananayan na nya dito."
Napatingin naman si Ricai kay Chase pero naiwas ito sa kaniya "ah…eh… hayaan mo pag uusapan pa naman namin ito pag uwi."
Kumuha naman si Andy ng calling card nya at ibinigay kay Ricai "hihintayin ko ang tawag mo."
"Um… babalitaan kita."
Chase smirked "honey let's go!"
"Ho—Honey?" Ang pabulong na sambit ni Ricai at iniwan na nga nila si Andy na natigilan sa sinabing iyon ni Chase.
At ng makarating sa parking lot sinalubong naman sila ni Belj at ng sasakay na si Ricai sa kotse "bakit mo ginawa yon?"
"Ang ano?"
"Bakit mo ko tinawag na ganon?"
"Bakit? Nagagalit ka? Bakit sino ba yung Andy na yon at parang close na close kayo!"
Tinawag ni Belj ng pa simple si Baby at lumapit naman ito sa kaniya.
"Don't tell me nag seselos ka."
"Huh! Ako? Mag seselos? Bakit ano ba kita?"
"Oo nga ano nga ba kita at maka react ka wagas!"
Nag bubulungan naman sila Baby at Belj "nag aaway po ba sila?"
"Ahhh…hindi bebe ganyan lang talaga sila mag usap. Ang sweet no? Ha… Ha… Ha…"
Galit yarn? HAHAHAHA... kayo ba pag nag seselos di n’yo pinapahalata? Eiiii....Hahahaha.... ( ͡▀̿ ̿ ͜ʖ ͡▀̿ ̿ )