webnovel

Acting 101

Nag puntang muli sila Chase at Ricai kasama rin si Belj sa huling lamay ni Ziggy at doon makikita kung gaano ka sikat itong si Chase dahil pag dating nila pinag titinginan sila ng mga bisita meron pa ngang nag pa picture.

"Huh! Kalma mo naman kung sinong superstar." Ang pa bulong-bulong na sambit ni Ricai habang nakaupo at katabi nito ay si Belj habang nasa unahan naman si Chase para mag bigay ng mensahe sa na mayapa nyang matalik na kaibigan.

"Miss, sikat naman kasi talaga si Boss kita mo yang mga yan fans nya yan."

"Nakikita ko nga may mata ako di ba?"

"Ehe…ang akin lang po ganyan po kasi talaga kapag artista may nakiki pag kamay tapos yan may nag papa picture."

"I know, my point is burol ito at hindi fan signing ekek..."

"Miss naman… ganito nalang po ikukuha ko kayo ng makakain para hindi kayo ma buryong mamaya pa kasi tayo uuwi."

"Tsss… hating gabi na naman? Pwede bang umuwi tayo agad?"

"Miss, huling lamay po ito ng matalik na kaibigan ni Boss baka nga mamaya maisipan niya na dito na matulog."

"No! Ayoko!"

"Uyyy…natatakot kayo?" Binatukan naman sya ni Ricai.

"Sira! Hindi ako takot sa mag ganyan-ganyan nanonood pa nga ako ng horror movie mag isa eh ang sakin lang paano naman tayo makakatulog sa ganitong lugar kung alam mong may ganyan."

"Well, part naman na po yan ng buhay ng mga tao ang may nawawala sa pamilya."

"Yah…sige na ikuha mo ko ng makakain yung makukukot para hindi ako antukin dine."

"Sige Miss intayin mo ko dito."

"Yah…"

Mga ilang segundo pa ang nakalilipas may isang babaeng naka itim na dress at naka belo ang nag iiyak sa harapan ng kabaong.

"Ziggy…bakit mo ko iniwan!!!" Ang humahagulgol na sambit nung babae at lumapit na yung matandang babae na si Agnes ang nanay ni Ziggy dun sa babaeng naka belong itim.

"Michie, kumalma ka…"

"Inay, inawan na tayo ni Ziggy…hindi ko alam ang gagawin ko…"

Nag iiyak ng nag iiyak yung babaeng naka belo gang sa lumapit na rin si Chase at kinomfort yung babae "Mich, tama na yan nakikita ka ng anak nyo kailangan lakasan mo ang loob mo."

"Ziggy!!!!"

Wala ring nagawa si Chase dun sa babae pero nakayakap ito sa kaniya habang nag hy-hysterical doon "huh! ano toh? Drama rama sa hapon? Ba yan ang OA naman ata nung girl pero yakap na yakap naman kay Chase hanep." Ang pa bulong-bulong na sambit ni Ricai at tumayo na sa kaniyang kinauupuan.

"Hmm? Saan pupunta yon?" Ang sabi ni Belj ng makita nya si Ricai habang nakuha sya ng pagkain.

Habang papalabas naman ng chapel si Ricai napansin rin iyon ni Chase kaya habol nya ito ng tingin pero yung babaeng naka belo hindi nya maiwan dahil nag iiyak pa gang san a himatay…

"Mich? Mich? Anong nangyare sayo?" Iniupo nya sa upuan yung babae at pinaypayan naman ito ni Agnes at nung iba pang nakikiusyoso at kumuha sila ng ammonia para mahimasmasan ito.

"Sighed… naka sagap rin ng sariwang hangin." Ang sabi naman ni Ricai pag kalabas nya ng chapel at na upo sya sa may hagdan.

Napansin nyang nasa may gilid si Baby Girl nakaupo mag isa habang hawak ang kanyang teddy bear kaya nilapitan nya ito at tumubi rito.

"Uy…ayos ka lang?"

"Oh, you're here."

"Yah... bored ka?"

"Nope I just want some space."

Sa isip-isip ni Ricai "wow…space talaga?"

"I don't like crowded area kaya I went here. Kayo po? Bakit kayo lumabas?"

"Ha? Ahm… gusto ko ng fresh air para kasing nakaka suffocate sa loob. Hehe…"

"I like you."

"Hmm? You like me?"

"Um. Cause you understand what I feel but my mom she never listen to me and love me."

"Baby hinde makinig ka, walang magulang ang natitiis ang kaniyang anak tsaka ang bata mo pa sometimes you ain't understand rin kung ano man ang pinagdadaanan ng mom mo."

"Maybe, but I don't like my mom."

"Baby, don't say that she is your mom."

Hindi alam nung dalawa naka masid sa kanila si Chase at si Agnes…

"Mukhang magiging mabuting ina ang girlfriend mo balang araw." Ang sambit ni Agnes kay Chase.

"Po? Paano nyo naman nasabi?"

"The way she talk and care about the kid makikita mong mahilig sya sa bata. Hindi mo pa ba sya papakasalan?"

Bigla namang na ubo si Chase sa sinabing iyon ni Agnes sa kaniya "ayos ka lang?"

"Cough…opo na bigla lang po ako sa sinabi nyo."

"Hindi ka na bumabata kaya dapat pakasalan mo na ang girlfriend mo mamaya sa iba pa sya mapunta at pag sisihan mo."

"Ehe…si—sige po."

Habang nakatingin si Chase kay Ricai sa isip-isip nya "paano ko naman pakakasalan ang babaeng hindi naman ako gusto?"

"Nga pala, pasensya ka na kay Michie hindi namin alam na pupunta pala sya dito kalalabas nya lang kahapon sa hospital pero sabi ng doctor nya mas makakabuti kung ilagay namin sya sa isang facility kung saan pwede syang mapag tuunan ng pansin."

"Kung kailangan nyo pos yang dalhin sa mental hospital ako na po ang bahala sa magagastos."

"Maraming salamat sa lahat ng tulong mo samin Chase."

"Wala po yon ang importante maging okay po kayo."

"Maraming salamat talaga Chase…gusto ko rin sanang sabihin na bukas libing ni Ziggy pwede bang sayo na muna si Baby nag aalala kasi kami sa kaniya kapag naka uwi na kami samin."

"Ayos lang po yun mahirap naman po kung pati yung bata ma depress na rin."

"Hulog ka talaga samin ng langit Chase."

Sa isip-isip ni Chase "kung maririnig kayo ni Ricai siguradong sasabhin nya na hindi ako hulog ng langit."

"."

Mag 12am na at nandun pa rin sa burol sila Ricai…

"Belj, nasan si Ricai?" Ang tanong ni Chase kay Belj.

"Nandun po sa likod."

"Anong ginagawa dun?"

"Boss, kilala niyo si Miss mahilig sya matulog."

"Ano? Natutulog na naman?"

"Boss, hindi po na naman mag 12midnight na kaya inaantok na talaga sya."

"Haysss…pasaway, kung san-san nalang sya nagtutulog."

At nag tungo sa likod nga itong si Chase kasama si Belj "boss, wala namang ibang tao dun."

"Kahit na public ang chapel na ito dapat binantayan mo."

"Pero kasi Boss…"

Pag bukas ni Chase ng pinto nakita nyang nakahiga sila Ricai at Baby sa sofa natutulog "si…"

"See Boss, paano naman may lalapit sa kanila eh magka yakap yang dalawang yan."

Lumapit si Chase at hinubad ang kaniyang coat at ipinatong sa dalawang natutulog "they look angel…"

Napangiti naman si Belj habang nakatingin kay Chase na natutuwa sa dalawa.

"Belj…"

"Boss?"

"Bumili ka ng damit ni Ricai."

"Po?"

"Dito na tayo tutulog para di na tayo uuwi."

"Eh?"

Na upo na rin si Chase sa bakanteng sofa na para bang nag hahanda na ring matulog.

"Bo—Boss? Dito po kayo tutulog?"

"Oo puwesto ka na rin at matulog."

"O—Okay po."

"Sa umaga ka nalang bumili ng damit isa mo na rin ang damit ko at ang damit mo."

"Ye---Yes Boss."

Sa isip-isip ni Belj "dito talaga sila tutulog? Si Boss? Matutulog sa sofa? Ano na naman kayang nakain nire."

***

Kinabukasan nag hahanda na ang lahat para sa libing ni Ziggy at unti-unti na ring nabuhos ang luha ng mga kaanak, kaibigan at kahit mga katrabaho ay nabalot na rin ng kalungkutan.

"Yow… salamat sa pa dress mayor white na white ah." Ang bungad ni Ricai kay Chase na nakatayo sa harapan ng kabaong ni Ziggy.

"Alam mo white ang paborito naming kulay ni Zig hindi sya nag susuot ng ibang kulay ng damit."

"Ohh…."

"Noon ang usapan namin kapag isa samin ang namatay kailangan hindi kami iiyak."

"Hmm? Bakit naman?"

"Lagi kasi kaming napagkakamalan noong mga bakla kasi sobrang close kami."

"Pero hindi naman kayo bakla di ba?"

Ang sama naman ng tingin sa kaniya ni Chase ng sinabi nya iyon "gusto mong subukan kung bakla ako?"

"Cough… si—sige iwan na muna kita nalimutan ko may gagawin pa pala ko."

Hinila siya ni Chase at niyakap "dito ka muna."

"Ho—Hoy… umayos ka nga nakakahiya ang daming tao na nakatingin."

"Nalulungkot ako comfort mo naman ako."

"O—Okay pero pwede ba wag naman diti sa harapan nakakahiya ang daming nakatingin."

Napangiti naman si Chase at hinalikan nya si Ricai sa pisnge "i—ikaw!!!"

"Minus 50k maki ride on ka nalang sakin."

"Hmm?"

"Paparating si Ysmael maging clingy ka."

Napatingin naman si Ricai sa may entrance at nakita nya ngang paparating si Ysmael "a—anong ginagawa nya rito?"

"Kaibigan nya rin si Zig kaya umayos ka maraming mata ang naka tingin."

"Minus 50k ulit I will hold your hands gang sa matapos ang libing. Deal?"

Chase smirked "mukhang natututo ka na… pero hindi ikaw ang masusunod dahil ako parin ang Boss mo."

"Wha—What do you mean? Umayos ka!"

"Huh! Let's see."

"."

Hindi binibitawan ni Chase ang kamay ni Ricai at pinag gigitnaan pa nila ito ni Ysmael sa upuan kaya lalong hindi pumapayag si Chase na mahiwalay sa kaniya si Ricai "Ziggy…anak…mamimiss ka namin…" Ang iyak ng iyak na sambit ni Agnes habang unti-unting ibinababa ang kabaong ni Ziggy sa lupang pag lilibingan nito. "Ziggyyyy!!!"

Napansin naman ni Ricai na nangingilid ang luha ni Chase "you okay?"

"Um."

Napatingin naman si Chase kay Ysmael at ganoon rin naman ito sa kaniya kaya ipinatong nya ang ulo nya sa balikat ni Ricai "pat mo ko." Ang pabulong na sambit ni Chase kay Ricai.

"Ha?"

Si Chase na nga ang nag move ng kamay ni Ricai at ipinatong sa balikat naman nya "pat me…kapag hindi mo ginawa di ko ibabawas yung 100k sige ka."

"Haysss…ang arte mo…sige…sig eng tumigil ka."

At nakita naman nga ni Ysmael na tinatapik tapik ni Ricai ang balikat ni Chase "cough... Rica, pa uwi nab a kayo pag katapos dito?" Ang tanong naman ni Ysmael na gigil na gigil kanina pa dahil hindi nya ma solo si Ricai.

Huminto naman sa pag pat si Ricai kay Chase pero nung tatanggalin nito ang kamay nya sa balikat ni Chase hinila nito ang kamay nya "don't move."

Ricai smirked at pa bulong-bulong pa "epal ka talaga."

"Ano yon?" Ang sabi ni Ysmael.

"Ha? Wa—Wala."

"Pwede ba pag tapos dito mag kape tayo?"

Narinig naman yon ni Chase kaya nag iiyak ito na para bang umaarte na "Zig!!!! Bakit mo kami iniwan…" at naka agaw naman sya ng atensyon kay pinag tinginan sya. "Zig!!!" dagdag nya pa.

"Hoy! Nakakahiya umayos ka nga pinagtigtinginan ka na. Itutulak kita para makasama ka na rin sa bff mo." Pabulong na sambit ni Ricai.

"Sabihin mo sa katabi mo hindi ka sasama sa kaniya…" Pabulong namang sambit ni Chase at bumalik sa pag tawag kay Ziggy. "Ziggy!!!"

"Haysss…kainis! Oo na hindi naman ako sasama sa kaniya tumigil ka na nakakahiya."

"Okay." Sambit ni Chase na para bang walang nangyare dahil nginitian nya lang ang mga taong nsa paligid nya.

At nakita naman iyon ni Belj na nasa likuran at naka masid "baliw na talaga si Boss naluko na."

RiChase for the Win! Mehehehe... (✿◠‿◠)

lyniarcreators' thoughts
Siguiente capítulo