"BANG!"
May nag paputok ng baril at ng makita nila si Chase ang biglang lumitaw at may hawak nga itong baril at lumapit kay Ricai.
"You okay?"
"Um. Pero bakit..."
"Shhh... wag ka ng mag tanong uuwi na tayo."
"O— Oo."
Pinigilan naman ang mga ito ni Ysmael "san mo dadalhin si Rica?"
Ang sama ng tingin ni Chase at hindi sya kumibo dito at binangga niya lang ito at umalis "CHASE!!!!"
"Wag ka ng lumingon." Ang pabulong na sambit no Chase kay Ricai.
At napansin ni Ricai na may dugong bumaba kay sa damit ni Chase "i— ikaw..."
"Don't worry ayos lang ako bilisan nalang natin mamaya ka na mag tanong ng mag tanong."
Habang papalabas sila Chase kasunod naman nila sila Belj at iba pa nitong kasamahang mga bodyguard "BANG! BANG!"
May nag paputok na naman ng baril at sa pag ka kataong ito si Fernan na ang may kagagawan.
"CHASE!!!!" Sigaw pa ni Fernan.
Napahinto naman sa paglalakad si Chase gayon din itong sila Ricai "kapag lumabas ka sa lugar na ito that means hindi ka na kinikilala bilang ALCANTARA!!!!"
"Huh! As if I care!" Nag pa tuloy sa pag lalabas isla Chase pero sa pagkakataong ito namimilipit na sya sa sakit "Sir!!!" Ang nag aalalang sambit ni Belj dahil na out of balance si Chase.
"Bumalik ka sa likod ayokong maka halata si Daddy."
"Yes Sir."
"CHASE!!!! Bumalik ka rito!!!" Ang galit na galit ng sambit ni Fernan kaya lumapit na sya sa anak samantala tahimik lang at nakikiusyoso ang mga bisita.
Nagbtangkang hawakan ni Fernan si Chase pero pinigilan siya ni Belj "bitawan mo ko gusto kong makausap ang anak ko!"
Kinulbit ni Ricai yung isa nilang bodyguard ni Chase para alalayan ito tapos hinarap niya si Fernan "sorry po Sir pero hindi po kayo gustong kausapin ni Chase..."
"Ikaw! Ikaw na naman ano bang gayuma ang ibinigay mo sa anak ko at nag re rebelde sya sakin!"
Haharapin na sana ni Chase ang tatay niya pero hinawakan ni Ricai ang kamay nito na para bang sinasabi na I can handle this "kung gayuma man po ang ibinigay ko sa anak n'yo hindi n'yo na problema kung ininom nya. Isa pa kahit noon pa man wala pa ako ilag na rin naman sa inyo si Chase dahil wala kayong... kwentang... ama!"
"Anong sabi mo?!" Ang galit na galit na sambit ni Fernan pero pinipigilan naman sya ni Belj at ang iba pa nitong kasamahan pero marami na ang nalalaman ng mga bisita kaya naman pa kunwari itong si Eulla na concern kay Fernan "honey, marami ng mata nakakakita at tengang nakakarinig alalahanin mo tatakbo kang pag ka mayor sa susunod na halalan kailangan mo ng good image hayaan mo na muna yang anak mo. Tsaka nalang tayo umisip ng plano para mapag hiwalay silang dalawa."pabulong na sambit ni Eulla pero deep inside natutuwa sya sa nangyayare kay Fernan dahil nalalaman ng tao na hindi responsableng ama ang ninanais nilang maging Mayor.
Nag pa tuloy na nga sa pag labas itong sila Chase pero bago naman lumabas si Belj nag iwan sya ng pag babanta kay Fernan "subukan nyong saktan ulit ang mga boss ko sinisigurado kong..." ikinasa ni Belj ang baril nya bago sya nag pa tuloy sa pag sasalita "sinisigurado kong walang sasantuhin ang hawak kong ito. Tandaan nyo yan Don Fernan."
Hindi naman na nag salita si Fernan at hinayaan nalang na umalis si Belj pero nang gagalaiti sya sa galit kaya sinapak nya ang isa sa kaniyang mga tauhan "Don Fernan! Kumalma po kayo." Ang pagpigil na sambit ni Dantes kay Fernan.
"Ngayon rin tawagan mo si Efren."
"Yes boss."
"Tignan natin kung hanggang saan ka Chase."
Pumuslit naman si Eulla para tawagan ang utusan nya x boyfriend nga "hello, tatawagan ngayon ni Dantes si Efren siguraduhin mong malalaman mo ang pag uusapan nila."
Efren: Wag kang mag alala akong bahala basta ba galingan monang pag acting mo diyan para mapaaga ang pag yaman natin. Kating kati na ang mga palad ko."
Eulla: Malapit na ngayon pang engaged na kami ng gurang na yon? Madali ko na syang mauuto lalo pa't nakikinig na sya sakin ngayon dahil galit na galit na sya kay Chase.
Efren: That's my girl pag butihan mo tiyakin mo ring malalaman mo ang passcode ng vault ng matanda para naman madampian ng alak ang mga uhaw kong kalamnan.
Eulla: Oo oras na malaman ko sasabihan agad kita. Sige na mukhang hinahanap na ko ng matandang hukluban.
***
Habang nasa biyahe nakahiga si Chase at walang malay at lap naman ni Ricai ang kaniyang unan hawak rin nito ang towel na punong puno na ng dugo dahil bumukas ang tahi sa tyan ni Chase.
"Bilisan nyo ang dami ng dugo ang nawawala kay Chase!"
"Yes Miss." Sagot ng driver.
"Belj, natawagan mo na ba si Doc Gino?"
"Yes Miss wag kayong mag alala pag karating natin sa hospital aasikasuhin na agad si Boss."
"Bakit ba kasi pumunta pa sya?alam naman nyang bagong opera sya tapos sumugod sya sa engagement party ng daddy nya? Nasisiraan na ba talaga ito ng ulo?"
"Hindi sya nasisiraan ng ulo dahil gagawin nyang lahat maprotektahan ka lang Miss..." mahina almg na sinabi yon ni Belj para hindi marinig ni Ricai.
"Ahhh...." Ang namimilipit na pag daing ni Chase.
"Chase anong nararamdaman mo?"
Hindi naman na naka kibo si Chase kaya lalo ng kinabahan si Ricai "floor it!!!" Sigaw niya kaya naman lalo pang binilisan nung driver.
"."
Makalipas ang isang oras wala paring doctor ang nalabas sa operating room...
"Bakit wala pa? Ano na ang mangyayare Belj?"
"Hi— Hindi ko rin po alam Miss."
"Thump... Thump..."
Iniuuntog na ni Ricai ang noo nya sa padre dahil pakiramdam nya sya ang may kasalanan kung bakit nanganganib ang buhay ni Chase.
"Miss!!! Itigil nyo po yan!"
Pipigilan ni Belj si Ricai na iuntog ang noo nito "Miss hindi makaka tulong ang ginagawa nyo. Mabuti pa umuwi na po tayo duguan na rin ang damit nyo."
"No! Ayoko! Hindi rin ako mapapakali hangga't di ko alam ang kalagayan ni Chase!"
"Pero Miss..."
Napasandal nalang sa pader si Ricai at naupo na parang lugmok na lugmok "bakit kasi iniligtas nya pa ko?!" Nag simula naman ng humagulgol sa pag iyak si Ricai.
"Miss..."
"Chase please be okay..."
Wala namang nagawa si Belj kung hindi ang maki simpatya kay Ricai.
"Wag po kayong mag alala magiging okay rin po si Sir." Kinuha nya ang panyo sa bulsa at dahan-dahan nyang pinupunasan ang luha ni Ricai.
"Sniff... Sniff..."
"Salamat Bro..."
"Wag ka ng umiyak hindi ka maganda."
"Ano?!" Piningot nya ang tenga ni Belj "pangit pala ha, sige mag dusa ka."
"A— Aray Miss sorry na pinapatawa lang naman kita."
"Pwes hindi ako natutuwa! Kainis toh!"
"Sorry na Miss ang sakit na."
Habang papatayo si Ricai hawak-hawak niya parin ang tenga ni Belj kaya naman nag struggle sya kaya na out of balance sya at nagka untugan silang dalawa.
"Aray..." Ang reaction ni Ricai pero di nya napansin na napayakap sa kaniya si Belj.
Nanlaki naman ang mata ni Belj kaya dali-dali syang lumayo kay Ricai "so—sorry Miss."
"It's okay." Patayo na sana sya pero bigla nyang nayapakan ang gown niya kaya sinalo naman sya ni Belj at tumama ang mukha niya sa dibdib nito.
"Miss, are you okay?"
Sa isip-isip ni Ricai "pader ba ang dibdib nya? Ang tigas ah, wagas."
"Miss?"
Lumayo naman na agad itong si Ricai kay Belj "o— oo I'm okay you seem so fit pala."
"Ho?"
Lumingon si Ricai left side nya at pabulong bulong "ano bang sinasabi mo Ricai ano naman kung fit sya nakakahiya ka."
"Ano yon Miss?"
"Ha? Wa— Wala."
"Namumula po ang mukha nyo ayos lang po ba talaga kayo?"
Napalunok naman itong si Ricai dahil lumapit at hinipo ni Belj ang noo niya "a— ano...kasi..."
Bigla namang nag bukas yung pinto sa operating room kaya tinabig ni Ricai si Belj at sinalubong si Dr. Gino.
Napatingin nalang si Belj kay Ricai at pa lihim na ngumiti "kamusta si Chase?"
"Don't worry ayos na sya pero pwede bang itali nyo na sya? Ka oopera pa lang nya pero nag aamok na ng away. Ewan ko na kung anong mangyayare sa kaniya kapag bumukas na naman ang sugat nya."
"Hayaan nyo po kami ng bahala sa kaniya di ba Miss?"
"Oo..." bigla naman syang nakaramdam ng lungkot ng masilip nya si Chase doon sa operating room. "Doc..."
Napatingin naman si Gino sa tinitignan ni Ricai at napansin nyang kawang pala yung pinto kaya may na silip ito ng bahagya "wag ka ng mag alala Chase is stable now mamaya lang uli lipat na sya sa room kaya doon nalang kayo mag intay."
"Sniff... Sniff..."
Napaluha si Ricai at pinuntahan naman nya agad ang kuya nya "kala ko ba one sided love lang ang mga ito?" Ang pabulong na sambit ni Gino kay Belj.
"Naku kunsensya po kasi sya kaya ganyan sya."
"Ohhh... hanggang dun lang nga kaya?"
Napatingin naman si Belj kay Ricai at nakaramdam sya ng kurot sa puso nya "hindi ko na rin alam Sir."
Sa isip-isip ni Gino "mukhang kahit si Belj nahulog na rin sa charm ni Ricai. Ang sakit nila sa ulo!"
***
Kinagabihan nakatulog na si Ricai sa sofa ng room ni Chase sa hospital at nakita naman yon ni Belj na ka babalik lang galing sa labas para bumili ng pagkain nila.
"Nakatulog na pala sya."
Ibinaba nya muna ang dala nyang supot na may lamang pagkain tapos hinubad nga ang coat nga para galing kumot kay Ricai.
"Sweet dreams Miss."
Hahalikan nya sana ang noo ni Ricai ng biglang nagising si Chase "What are you doing?"
Nanlaki ang mga mata ni Belj pero dahil professional sya humarap sya kay Chase ng naka poker pace "nothing Boss, ipinahiram ko lang po kay Miss ang coat ko wala po kasing kumot na extra dito baka po ka ko lamigin sya."
"Take your coat off from her."
"Boss?"
"Malamig nga dito kaya kunin mo na ang coat mo baka ikaw naman ang lamigin."
Sa isip-isip ni Belj "sigh... kala ko galit sya."
"Belj!"
"Po?"
"Ang sabi ko humingi ka ng extra blanket para kay Rica."
"O— Opo."
Napatitig naman si Chase kay Ricai at napansin nyang ang daming dugo ng gown nito kaya bago pa man umalis si Belj tinawag niya ito "Boss?"
"Ibili mo ng bagong damit si Rica."
"Yes Sir. Pero bago po ang lahat tatawagin ko po muna si Doc Gino sabi niya po kasi abisuhan sila kapag na gising na kayo."
"I'm okay, no need to worry about me basta ibili mo ng bagong damit si Rica ngayon din."
"Ye— Yes Boss."
Nag madali namang umalis si Belj at ilang minuto pa dumating na si Gino para i-check si Chase at nagulat itong naka baba na sa kama ang bagong opera "anak ng! Ibang klase na talaga ang nagagawa ng pag ibig." Pabulong bulong nyang sambit at nakita nya rin na hinalikan ni Chase sa pisnge si Ricai na natutulog at dahil nag bend down kumirot ang sugat ni Chase at doon na lumapit si Gino.
"Yan tayo eh, kung ano-ano kasi ang ginagawa kahit alam na bagong opera."
Nagulat naman si Chase kay Gino "ka—kanina ka pa ba dyan?"
"Oo nakita kong lahat ang ginawa mo."
Inalalayan ni Gino si Chase para makabalik sa kama "lakas mo rin eh no? Ibang klase talaga kapag inlove."
"Manahimik ka nga! Baka nagising si Ricai."
"Base sa posture nya tulog na tulog sya kaya wag kang mag alala hindi nya tayo maririnig."
Nakabalik naman na sa kama si Chase at tinignan ni Gino ang sugat nito "umayos ka nga Bro gusto mo na naman bang maoperahan? Tignan mo nag dugo na naman."
"Hindi naman ako mamatay kung dumugo man yan."
Pinitik naman ni Gino ang noo ni Chase "baliw ka na!"
"Anyways, kailan ako pwedeng lumabas?"
"Anong labas? Kapag hindi ka nakinig di ka nakalabas ng kwartong ito!"
"Gusto ko lang turuan ng leksyon ang kerida ni dad."
"Bro, pwede ba, tumigil ka na sa pag hihiganti mo di yan tama."
"Kailan pa hindi naging tama ang di pag laban sa karapatan? Hindi ako titigil hangga't di ko nalalaman kung ano ang ginawa ni daddy kay mommy."
"Tapos ano? Ano namang gagawin mo kay tito? Ipapakulong mo? O worst...ipapapatay mo?"
Naka tingin lang si Chase kay Ricai at sinagot ang tanong ni Gino "hindi ko alam bro pero isa lang ang sigurado, gigil na gigil na kong mag higante!"
Ngayong na operahan si Chase maging malapit na nga kaya ng tuluyan ang loob ni Ricai sa kaniya? Ano nga ba ang nararamdaman ni Belj para sa tumuturing sa kaniyang “baby Bro” na si Ricai? Mahuhulog nga kaya ng tuluyan ang loob nya dito? O pipigilan nya nalang para hindi sya masaktan sa huli. Abangan ang susunod na kabanata next week. •᷄ɞ•᷅
-at ngayong weekend abangan nyo po ang bago kong tagalog novel ang “PRIDE OF FRIENDSHIP” add nyo po sana sa library nyo “Thankies and Godbless po. (^_^)”