webnovel

A Piece of Cake to Melt your Heart

12:30am na ng madaling araw dumating si Chase sa condo at nadatnan nya na sobrang gulo nito na para bang nanakawan sila.

"What the heck? Anong nangyare dito?"

Nakita naman nya yung note ni Ricai na nakalagay sa may lamisita at sa baba nito ay punong puno ng kung ano-anong mga papel na may drawing pero hindi na yon pinansin ni Chase at ang nakalagay sa note ay…

"Kung makita mong parang binagyo ang condo, ako ang may kagagawan wag kang tatawag ng pulis dahil hindi tayo nanakawan wag kang OA!

Isa pa, wag kang mag alala mag lilinis ako bukas kung gusto mo mag add ka ng 1k sa utang ko kung nagagalit ka.

Napagod na ko kaya hindi ko na naayos ang mga ito. Wag mo ng itanong kung bakit dahil tanga lang ang hindi makakagets kung ano ang ginawa ko.

At wag ka ring mag alala hindi ako umalis dito sa condo buong araw kami ni Belj nandito at marami kaming ginawa kaya tinamad na kong umalis. Gusto mong malaman kung anong ginawa namin? Asa ka! Bleehhh…"

>>>>>>end of the message<<<<<

Nilukot at itinapon ni Chase sa basurahan ang note sa kanya ni Ricai "baliw talaga ang babaeng yon."

May nakita syang isang slice ng cake sa ref at dahil hindi pa sya kumakain buong araw natakam sya ron at may nakita na naman syang note dun…

At ang nakalagay ay…

"Hoy Mr. Bwiset! Kapag kinain mo ang cake ko ibig sabihin lang nun gutom ka. Well, para sayo naman talaga yan sorry isang slice lang ang naitira ko sayo. Pero ayos lang wala naman akong pakialam kung gutom ka. Mabuti nga sayo!

Pero, dahil nalaman kong pumunta ka pala sa barrio yan na rin ang pasasalamat ko sayo kaya wag ka ng mag expect na mag papasalamat ako ha? Yan na yung pasasalamat ko. Wag ka ng choosy !

By the way, wag na wag kang papasok sa kwarto ko! Naiitindihan mo? Oras na pumasok ka lagot ka!"

>>>>>end of the message<<<

Gaya ng naunang note ni Ricai sa kanya nilukot nya ito at shinoot sa basurahan "baliw talaga sya…tsss…pasasalamat daw ano naman kayang lasa ng cake na ito."

Pag angat nya nung plato na may cake may nakita ulit syang note at ang nakalagay ay… "walang lason yan kung gusto kitang lasunin matagal ko na yung ginagawa."

"Huh! Psycho ba sya? Ibang klase talaga ang topak nya."

Dinala na nya yung cake at naupo sa may dining area "hmm…ano naman kayang lasa nga ng cake na pinagmamalaki nya."

Tinikman na nya ito at bigla syang napatigil at sinabing "Jade…"

Hanggang sa naubos na nga nya yung cake at hindi nya inaasahan na dadalhin sya ng mga paa niya sa kwarto ni Ricai kakatok sana sya pero hindi na nya ito ginising ng biglang narinig nya itong sumigaw kaya dali-dali syang pumasok "anong nangyayare?"

Nagulat syang niyakap sya nito pag pasok nya "a—anong …"

"Sorry, pero pwede bang sandali lang ang sama kasi ng panaginip ko."

"O—Oo sige."

Nakatayo lang silang dalawa ng ilang minuto at nung kumalma na si Ricai humingi sya ng tawad kay Chase sa biglang pagyakap niya dito "a---ayos lang…pero pwede ko bang itanong kung ano ang napanaginipan mo?"

"Hindi ko alam kung bakit parati ko nalang napapanaginipan yung mga taong hindi ko naman kilala."

"What do you mean?"

Naglakad patungo ng kama nya si Ricai at naupo at ipinag patuloy ang kwento "so you mean…parang may nangyare sayo nung bata ka?"

"Um. Hindi ko alam kung ano pero parati ko yung napapanaginipan kasabay nung nalunod ako non sa dagat."

"Ah…Ahm…yung time na nalunod ka sa dagat naalala mo ba kung sino yung nag ligtas sayo?"

"Actually, nung nag kamalay ako una kong nakita si Ysmael tapos narinig kong lubos na nag papasalamat sa kanya sila Mama kaya sya yung alam kong nag ligtas sa buhay ko."

"Ohhhh…."

"Bakit mo na itanong?"

"Ha? Wa---Wala naman…curious lang ako ang tanga mo kasi."

"Haysss…epal ka na naman lumabas ka na nga!!!"

"Matapos mo kong yakapin out of the blue papaalisin mo nalang ako?" Dahan-dahan syang lumapit kay Ricai kaya paatras naman ito ng paatras sa kanya.

"A—Anong gagawin mo?"

Hinubad nya yung sapatos nya pati yung coat kaya kinabahan naman itong si Ricai "ahhhh…Pervert! Lumayo ka kung ayaw mong magsisigaw ako dito!"

Tinakpan nya yung mata nya ng unan at nung naramdaman nyang walang kibo si Chase sumilip sya at nakita nya itong nakahiga na sa kama nya at tulog na.

"Ho—Hoy!!! A—Anong ginagawa mo???"

Sinipa nya si Chase ng sinipa gang sa hinila sya nito at niyakap "bitawan mo ko!!!"

"Kumalma ka nga! Pagod na ko at gusto ko ng matulog! Isipin mo nalang na maswerte ka dahil ang sikat na si Chef Chase ay yakap at katabi mo sa kama."

Nag pupumiglas naman itong si Ricai sa pagkakayakap sa kanya ni Chase pero hindi sya makaalis "pervert!!! bitawan mo ko!!!"

"Dahil pagod na ko pag bibigyan kita ngayong gabi babawasan ko ng 100k ang utang mo kapag pumirmi ka! At wag kang mag alala wala ako sa mood na makipag away sayo. Lalong lalo na ang galawin ka kung meron man dito na may gusto nun... wag kang umasang ako yon! Tsaka ikaw nga na una niyakap mo ko!"

"Aba't!"

"Tahimik! Kapag nag salita ka pa at gumalaw mag a-add ako ng 100k kaya umayos ka!"

"I—Ikaw!!!"

"Matulog na tayo!"

Nanahimik namang bigla na itong si Ricai at hinayaan nalang na yakap at katabi nya sa kama ang lalaking kinamumuhian nya "ahm…nakita mo ba yung cake sa ref?"

"Um."

"Naubos mo?"

"Um."

"Masarap?"

"Um."

"Ano sa…"

Napatigil naman si Ricai sa pagsasalita dahil narinig nyang nahagok na itong si Chase at pinagmasdan nya ito habang natutulog "pagod ka bang talaga? Napagod ka ba dahil sa naging problema ng pamilya ko?" ang mahinahon na sambit ni Ricai at sa hindi maipaliwanag na dahilan tinangka nya itong halikan pero hindi nya tinuloy ngunit bigla namang gumalaw si Chase kaya nag ka dikit ang labi nila.

Nanlaki naman ang mga mata niya kaya dali-dali naman syang tumalikod kay Chase at pinilit ipikit ang mga mata at kinumbinsi ang sarili na matulog na pero ang hindi nya alam gising pa pala si Chase at napangiti ito at lalo pa syang niyakap nito.

***

Kinaumagahan naalimpungatan si Ricai dahil agang aga may nakatok na ng pintuan nya kaya dahan-dahan nyang minulat ang mata nya at nakita nyang nasa tabi nya parin si Chase na mahimbing na natutulog "kala ko panaginip lang yung kagabi….wait! totoong lahat ng ito?" pinindot nya ang pisnge ni Chase at sa gulat nya naitulak nya ito at nahulog sa pagkakahiga sa kama.

"Ano ba?! Alam mo na ngang natutulog pa ang tao eh!"

"I—Ikaw? Ako? Sa…sa i—isang kama?"

"Ano bang problema mo? Ulyanin ka na ba? Oo dito ako natulog at hindi ka nanaginip, bitch!"

"Knock…knock…"

"Sir, andiyan po ba kayo?"

"Belj? Bakit ang aga naman nya ata?"

Binuksan nya yung pinto at nagulat sa kanya si Belj "Si—Sir?"

"Oh? Bakit ang aga mo? May meeting ba ko?"

"U—Umuwi po pala kayo?"

"Obvious ba? Nakikita mo ko dito hindi ba? Malamang!"

"Pe—Pero, ba—bakit po kayo nasa kwarto ni Mi—Miss?"

"Ahhh…yun ba kasi…"

Hindi naman na naituloy ni Chase ang sinasabi nya dahil dali daling tinakpan ni Ricai ang bibig nito "mmm…mmm…"

Bumulong sa kanya si Ricai "manahimik ka kung ayaw mong pilipitin ko ang leeg mo."

"mmm…"

"Mi—Miss?"

"Ha---ha---ha…good morning Belj wag mong pinag papansin ang sinasabi ng boss mo may hiniram lang sya sakin kaya nandito sya lalabas na talaga sya nung kumatok ka."

"Si…Sir? May hiniram sa inyo? Sigurado po ba kayong si Sir talaga?"

"O—Oo charger. Di ba? Charger?"

Ang sama ng tingin ni Ricai kay Chase "ah---ahm…anyways, Miss may nag inquire na po sakin."

"Talaga?"

"Opo bali apat po yun."

Binitawan naman ni Ricai si Chase at nag pa tuloy na makipag usap kay Belj "opo at mga kaibigan ko po silang lahat kaya hindi po sila scam."

"Ano ang pinag uusapan nyo?" Ang sabi ni Chase

Ricai smirked "wala ka na don!"

"Aba't! Sumosobra ka na!!!"

Pero hindi sya pinansin ni Ricai at nag patuloy lang na kausapin si Belj "nag agahan ka na ba?"

"Hindi pa nga po eh nag madali po kasi talaga akong mag punta dito."

"Ohhh…gusto mo bang ipagluto kita?"

"Talaga po?"

"Oo naman dahil tinulungan mo ko."

"Ayos! Matitikman ko na naman ang luto nyo."

At parang dinaanan lang ng malamig na hangin si Chase dahil iniwan sya nung dalawa na nagtungo na sa kusina "hoy kayong dalawa!!!"

"."

Matapos mag luto ng agahan si Ricai tinawag na rin nila si Belj para kumain pero hindi parin nila pinapansin ito.

"Umalis lang ako ng isang araw bakit parang hindi ko na kilala ang mga ito?"Ang pabulong bulong na sambit ni Chase habang patuloy namang nag uusap yung dalawa.

"Talaga? Ginawan mo ko ng logo?"

"Opo Miss, hindi lang yun ginawan ko rin po kayo ng page sa FB at sa IG."

"Oh? Ginawa mong lahat ng yon para sakin?"

"Opo malakas kayo sakin eh."

"Ikaw talaga. Hayaan mo pag nag bake ako mamaya bibigyan kita ng cupcakes."

"Ahhh…talaga po?"

"Um…para pasasalamat sa mga ginawa mo."

"Maraming salamat po."

"PANG!"

Napatingil naman sa pagsasalita yung dalawa because all of a sudden Chase thump the table "can I eat peacefully?"

"So—Sorry po Sir." Ang ninenerbyos na sagot ni Belj.

Ricai smirked "aga-aga ang init na naman ng ulo mo."

Chase just glares at her without saying anything "o—okay…tatahimik na po Your Majesty."

At the same time…

Sa mansion ng mga Alcantara ipinatawag ni Fernan ang private investigator nya na si Gibo bago syamag tungo ng planta.

"You mean, all the time na hinahanap ni Chase ang nanay nya ni minsan wala syang naging clue kung nasan ito?"

"Yes Sir. Ang ipinagtataka ko rin po lahat ng nabalitaang lugar na pinuntahan ng dating niyong asawa ni isa dun walang natagpuan si Sir Chase. Walang bakas ng kahit ano sa mga lugar na yon ang dati nyong asawa."

"Ano? Paanong nangyare ang ganung bagay? Kung ang balita ay nag tungo ron ang asawa ko."

"Hindi ko rin po alam pero may natuklasan po ako na ikagugulat niyo."

"Ano yon?"

"Gumawa po ng investigations si Sir Chase sa maaaring maging kaanak ng dati nyong asawa at natuklasan po nila na kapatid pala iyon ng tatay ng girlfriend ng anak nyo."

"What? You mean yung asawa ko kapatid ng tatay ng girlfriend ni Chase? Si Ricai?"

"Yes Sir, pero hanggang ngayon walang ginagawang hakbang ang anak nyo patungkol don."

"Ibigsabihin ba non mag pinsan sila Chase at si Ricai?"

"Parang ganun na nga po pero gaya ng sinasabi ko wala pa pong ginagawang aksyon ang anak nyo patungkol sa bagay na yan."

"Hmm…kilala ko si Chase, manang mana yan kay Pa'Pa kaya sigurado akong may binabalak yan kaya alamin mo."

"Yes Sir."

"At nga pala, sundan mo si Eulla kung san man sya mag pupunta."

"Yes Sir."

"Sigurado akong may ginagawang kung ano ang babaeng yon kaya manmanan mong mabuti ang bawat galaw nya."

"Yes Sir ako na pong bahala wag kayong mag alala."

Emeged! HAHAHAHA... kilig yern? Penge po votes. MEHEHEHE... (っ^▿^)

lyniarcreators' thoughts
Siguiente capítulo