webnovel

52. ligaw

Chapter 52

Rose ann pov

Pagkatapos naming gawin ang plano para kay aira umuwi na kami at nag dere-deretsyo ako sa kwarto ko at nahiga

Sobrang saya ko para sa kaibigan kong childish hmmmmm ako kaya?

Kailan kaya ako mamahalin ni jeff?

Gabi na pala haysttt

-

5 am nang nagising ako aga pa di muna ako nag palit ng damit nag toothbrush lang ako saka lumabas at nag punta sa garden

Naupo muna ako sa duyan don at sinandal ang ulo ansarap ng hangin pumukit ako at dinama ang mga hangin na dumadampi sa katawan ko at muka

"rose ann ang aga mo ata gumising?"

Napadilat ako sa narinig kong boses nakita ko si jeff na nakaupo sa tabi ko

Pinikit ko nalang muli ang mata ko

"jeff....anong gusto mo sa isang babae?"lakas loob kong tanong sa kanya habang nakapikit

"hmmmm..... Siguro masiyahin,mabait,di nakikipag away,at maganda"narinig kong sagot niya

Napaisip ako siguro hindi niya talaga ako gusto di maitatago na iba gusto niya  kasi wala naman sa akin yung gusto niya sa ibang babae saka lagi akong  nakikipag away

Nanatili akong nakapikit at kalmado ayokong umiyak sa harap niya

"j-jeff gusto mo ba a-ako?"sabi ko sa kanya ng deretsyo

"hmmmm hindi" sagot niya na nag paiyak sa akin ansaket!....huhuhuhu pinipigilan ko ang sarili ko na hindi pahikbiin

"rose ann sorry kung hindi kita gusto dahil..."nag taka ako sa sinabi niya dahil putol

"Mahal kita" sabi niya teka may sinabi ba siya?? Na mahal niya ko?

Dali dali kong minulat ang mata ko

"ano?  Ulit nga?"tanong ko sa kanya at umayos nang upo

"sabi ko MAHAL KITA" sabi niya

"kyahhhhh?!!!!!!!!!!!"tili ko at niyakap siya

Aytttttt spell awkward?

A.I.R.A

"so tayo na?" tanobg niya kaya naging seryoso ako

"anong tingin mo sa akin?easy to get?ulol manligaw ka muna!"sabi ko sa kanya sabay cross arm

"sige ba"mayang sagot niya

Siguiente capítulo