webnovel

Chapter 13

BREAKFAST

Masaya at excited akong kumilos paggising ko. Maganda ang araw ngayon at sakto sa magiging breakfast date namin ni Ashmere..

Last night, before he went home, he asked me where I would want to have breakfast with him so sinabi ko na yong favourite kong fast food. He would pick me up this morning then drop me off at school after breakfast. Tapos didiretso na siya sa Manila para sa mga dapat niyang gawin.

Nakakakilig.. kasi crush ko na siya.. tapos ang bait at gentleman din niya gaya ni Tran.

Paglabas ko sa bahay ay nakita kong papasok si Tran sa gate namin na bagong ligo at gwapong gwapo sa suot na fitted shirt, jeans and white sneakers. Parang model lang.. casual and fresh..

Ngumiti ako sa kanya at lumapit na. He stopped and smiled at me..

"Good morning!"bati ko at kumaway ng bahagya.

Napapakamot ng kilay na bumati siya pabalik. Halata ang pagiging alanganin niya.

"Pasensya na Gia kung hindi kita naihatid kagabi. Inaya kasi ako ni Boss.. kaya hindi ako nakatanggi.."Halata ang kaba sa tono niya.

Napangiti lang ako ng malaki at umiling.

"I'm fine! Kilala ko naman si Ashmere.. kaya okay lang.. kamusta kagabi?"Kuryoso kong tanong. Kasi kagabi parang iba yong mood ni Coles..

Tran's eyes sparkled. Then flashed his bright smile..

"Ikaw ang lucky star ko Gia."he then held my hands tightly. I was quite surprised but didn't speak.

"I got the contract from both of them.. kaya nga didiretso na ako sa Manila para makapagsimula na kami ng team ko.. Mr Wright and Mr Monteverde knew you so they'll give me a shot.. hindi talaga ako nagkamaling dalhin ka kagabi.."pati ako ay natuwa at napatalon pa sa excitement.

Nasabi niya kagabi na kapag nakakuha siya ng malaking contract ay mapopromote na siya.. at mas lalaki ang sweldo niya at mas magkakaroon na ng time para sa sarili.

"Ang galing! Congratulations! So ilang araw kayo doon?"tanong ko at pinisil na rin ang mga kamay niya. Biglang nawala ang ngiti niya kaya pati ako ay nagseryoso na rin.

"May problema?"nagtataka kong tanong.

Umiling siya at ngumiti ulit. Pero parang mapanglaw na. He then swallowed hard and scratched his eyebrow.

"Well.. I'll be staying there for three months.."bumalik ang saya ko. Akala ko kung ano na.

"Ayos lang yon Tran! At least hindi ka na mas lalayo pa. Six hours drive lang.. ang balita ko, marami silang Mall sa iba't ibang parte ng Pilipinas eh.."

Tumango tango siya. He then licked his lower lip and took a step forward.

Nagulat ako pero nanatili pa rin ako sa kinatatayuan ko.

"Hindi man lang kita maayang lumabas para magpasalamat Gia.."mahina niyang sabi at tumingin sa mga mata ko.

Ngumiti ako at tinapik ang pisngi niya. Isinandal niya ang mukha sa palad ko. At hinawakan ang kamay ko.

Napalunok ako at kumabog ang puso.

"Salamat talaga. Sana mahintay mo ako Gia."

"A-ano kaba Tran. Okay lang yon! S-Sa laki nang naitulong mo sa amin ng pamilya ko, ako nga dapat ang magpasalamat s-sayo!"pilit kong ngiti at dahan dahang hinila ang kamay ko na nasa pisngi niya.

Huminga siya ng malalim.

"Kapag nakuha ko na yong promotion ko.. okay lang bang ayain kitang lumabas labas? May maipagmamalaki na ako non Gia.."napakunot ang noo ko at ngumiti.

Anong konek ng paglabas namin sa promotion niya?

"Oo naman! Tapos ayain na rin natin si Ate! Para makapagtapat ka na.. nako! Nakakaexcite!"natutuwa kong sabi at pumalakpak pa.

Ngayon.. pwedeng pwede na siyang mag settle down.. kaya I'm sure, pagbalik nya liligawan na niya si Ate. Dahil hindi na siya papahuli sa mga mayayamang nagkakagusto sa Ate ko.

Napatingin ako sa BMW ni Ashmere na pumarada sa likuran ng sasakyan ni Tran.

Napangiti ako ulit. Ang ganda talaga ng sasakyan niya. Sexy and expensive.. like the owner.

"K-kasi Gia, hindi naman si Rose-" naputol ang sasabihin ni Tran nang makitang distracted na ako. Napalingon na rin siya sa sasakyan.

Lumabas si Ashmere na sobrang seryoso. Kumaway ako sa kanya na tinanguan lang niya.

"Good Morning!"bati ko at tumingin na kay Tran na seryoso na ring nakatingin kay Ashmere at bumati.

Tinanguan lang siya ni Ashmere at lumakad palapit sa amin kaya napalabas na ako ng gate para salubungin siya.

"I'm off to Manila Mr Monteverde. Thank you for trusting our company." Napatingin ako sa dalawa. Parang may kung ano sa pagitan nila kaya tumabi na ako kay Ashmere na mas matangkad at mas malaki ang katawan kay Tran. Para makaalis na rin kami.

Napalingon si Tran sa akin at ngumiti ng malungkot sabay tango.

"I'll trust you since Gia knows you. So good luck on your first day." He said then took my back pack and placed it at the backseat.

"Thanks Mr Monteverde." Tran said while watching us with his sad eyes.

Napakaway ako sa kanya bago pumasok sa sasakyan ni Ashmere. Ikakabit na sana ni Ashmere ang seatbealt ko pero tumanggi na ako dahil baka malate na ako.

Umikot na siya papunta sa driver's seat at pinaandar ang makina ng sasakyan. Habang ako naman ay nagtitingin na nang kanta dahil nakaconnect na agad ang Bluetooth ng cellphone ko sa sasakyan niya.

"I want the song from last night baby.."hirit ni Ashmere sa paos na boses kaya napatango ako at hinanap ang kanta.

Napatingin ako kay Tran na nakatingin pa rin sa amin habang nakabulsa ang mga kamay.

"Bye! Good luck!"kumaway ulit ako kay Tran bago kami umalis.

Napabuntong hininga si Ashmere habang umiiling.

"May problema ba?"

"It's very clear that the guy likes you baby.."

Napailing ako sabay galaw sa mga kamay.

"Hindi! Natotorpe lang siya kay Ate kaya palaging nagpapatulong sa akin!"tanggi ko.

"Now, I'm make sure he can't ask you anything because he'll be far away from you."mahina niyang sinabi na halos hindi ko narinig.

"Thank you ulit! Sa totoo lang, matagal na niyang hinihintay yong promotion na yon. Ang hula ko kapag napromote na siya, manliligaw na siya kay Ate." Kwento ko na halatang hindi siya interesado kaya nanahimik nalang ako.

"Do you like him?"napalingon ako sa kanya. At napayuko nang mabilisan siyang tumingin sa akin.

Pinakiramdaman ko ang sarili at napakagat labi nang wala na akong maramdamang kilig kapag naiisip si Tran. Sa kanya nalang..

"Crush ko siya dati.."amin ko sa mahinang boses.

"Damn.."he whispered then stepped on the brake and parked it on the side street.

Naguguluhang napatingin ako sa kanya na nakaharap na sa akin.

"And now?"he demanded while clenching his jaw.

Nabibigla ako na pinanood siya. Ang light brown niyang mga mata na madilim na nakatutok sa akin at naghihintay ng sagot ko, ang mapula niyang mga labi na magkalapat at ang panga nyang umiigting.. napakagwapo niya talaga..

"Baby.. answer me."he said in desperation. Napaangat ako ng tingin at nagtama ang mga mata namin. Napapalunok na umiling ako.

"I wanna hear your answer."he said while clenching his jaw.

"H-hindi na.."nahihiya kong tanong dahil baka ang susunod niyang itanong ay kung sino na ang crush ko ngayon..

"Then who is it now? Fuck.."

Napaiwas ako ng tingin sa mga mata niya at natawa nang kinakabahan.

"W-wala na?"sagot ko nang patanong.

"I don't believe you. Look at me then."napalingon ako sa kanya nang idirekta niya ang baba ko paharap sa gwapo niyang mukha.

"I-ikaw na.."utal kong sagot.

Natigilan siya at napalunok. Then he licked his red lower lip and soon it stretched for a smile..

"Damn baby.. so straightforward.."he said smiling while shaking his head.

Napayuko ako at pinagalitan ang sarili sa katangahan. Hindi talaga ako makapag sinungaling kapag nakatingin ako sa mga mata niya..

Napalingon ako sa kanya ng kunin niya ang kamay ko at ipatong sa hita niya..

He was smiling while driving.. and his cheeks were red..

Pinindot ko ang aircon dahil baka naiinitan siya.. maputi kasi kaya mabilis mamula kahit konting init lang..

Narinig ko siyang sinasabayan ang kanta..

Gusto ko rin ito.. love of a lifetime ng firehouse..

Nangingiti akong tumingin sa bintana ko at kumanta sa isip..

I really like him.. at sana magustuhan din niya ako..

Ipinarada niya ang sasakyan sa parking lot. Mabilis na akong bumaba sa pagmamadali dahil wala nang isang oras para makakain kami.

"Bilis! Baka malate ako Ashmere!"nagmamadali kong sabi at hinila na siya sa kamay. Napasunod lang siya at pinindot ang lock ng kotse niya.

Nang makapasok kami ay napahinto lahat ng mga tao. Siguro dahil para akong tanga na tumatakbo or baka dahil sa kasama kong halatang mayaman at out of place.

"We'll get a table baby?"alanganing tanong niya sa akin.

Napabungisngis ako sa kanya.

"Pipila ako. Tapos nagreserve kana nang table para sa atin."utos ko at tumalikod na..

Ako pa pala ang magbabayad.. patay..

Hinawakan niya ang kamay ko para patigilin. Napatingin ako sa impit na napatili. Mga students sa kabilang school.

"I'm the man. You get our table and I'll order."nakakunot ang noong sabi niya.

Ang gwapo at ang cute.. namumula pa rin ang mga pisngi niya at halatang hindi sanay sa ganitong kainan..

"Pero baka malito ka sa pag order.."tanggi ko.

Napabuntong hininga siya at may pinahintong binatilyo. Kinausap niya ito saglit at tumango tango ang bata bago umakyat. Naguguluhang napatingin ako sa kanya.

"Solved. Let's order for us. You're gonna be late baby."nang ipaalala niya yon ay napatakbo ulit ako.

Nagsialisan ang mga nakaharang sa amin. At tumango lang para paunahin kami.

"Are you ready to order Sir?" Napalingon ako sa babaeng nasa harapan namin. Kay Ashmere lang siya nakatingin na nakatingala rin at binabasa ang mga nasa itaas.

He then crouched down and held my shoulders.

"What do you want to order?"he whispered.

Nakarinig ulit ako ng hagikhikan. "I'll just get the same as you.."dagdag niya at humalik sa temple ko.

Mabilis kong sinabi ang gusto ko.

At nakakainis lang na kay Ashmere siya nakatingin kahit ako ang nagsasalita.

"Is that all Sir?"pacute nong crew. Gusto ko nang mapairap.

"Baby?" Tanong ni Ashmere sa akin. Umiling na ako.

"That's all."paos na sagot ni Ashmere at nagbayad.

Nanlaki ang mga mata ko nang dumukot siya ng wallet at puro tig isang libo ang laman. At makapal pa. Nako.. baka maholdap ito..

"What's wrong?"tanong niya habang ibinabalik ang wallet sa bulsa niya.

"Bakit andami mong cash? Baka maholdap ka nyan!" Sabi ko habang naghihintay ng order namin.

Nang makompleto ang pagkain namin ay ay umakyat na kami sa second floor. Dala ko ang chicken at sakanya ang inumin

At iba pang sides.

"Okay.. I'll let you keep my wallet next time then.."he said then walked towards the boy he talked to and was guarding a table.

Napatingin ako sa kanya. Hindi makapaniwala. After he placed the tray he was holding, he took out his wallet and pulled a thousand bill and handed it to the boy. He smiled at us then ran down the stairs. In excitement..

Ay grabe siya... isang linggo ko yon sa pagtu-tutor..

Hindi ko namalayan na natulala na pala ako sa pagtingin sa batang lalaki kaya nagulat ako nang kunin niya ang tray na hawak ko at inilapag.

Hinila niya na ako sa upuan at inayos ang pagkain para sa akin.

"A-Ashmere.. ang laki nong binigay mo don sa bata.."natigil siya sa pagtanggal ng papel sa kanin at tumingin siya sa akin nang nakapout.

"Well.. I don't have any change.."sabi niya at hinila ang upuan ko para mas mapalapit sa akin.

"Meron! Yong galing sa cashier! Kahit one hundred lang pwede na don sa bata! Baka kung saan niya dalhin yon."pangangaral ko sa kanya.

"Okay. Next time then..I'll give you my wallet."he said then tried to feed me.

Umiling ako agad at nagsimula nang kumain.

"I'll be back on Friday.."he said quietly. Napatango ako at sinalpak lahat ang chicken. Favourite ko to.

"Slowly baby.. it won't run anymore.."he said smiling and helped me slice the meat.

"Thank you."sabi ko at uminom ng ice tea.

Nangingiti ko siyang pinanood kumain nang matapos ako. Pati siya ay malalaki na rin ang pagsubo. Samantalang kagabi ay napakabagal at napakasosyal niyang kumain.

Nang magpunas siya ng bibig ay napatingin ako sa mapula nyang mga labi na bumubuka at may sinasabi.

Napailing ako para magconcentrate.

"So.. like I'm saying.. I'll be back on Friday afternoon.."

"Oh?"sabi ko habang nagpapaalalay makapasok sa kotse niya.

"SML?" Patawa kong tanong pero hindi na niya narinig dahil umikot na siya para sumakay sa driver's seat.

"Here.."sabay abot niya sa iphone niya.

Naguguluhang kinuha ko ito para makapagdrive na siya.

"Para saan to? May cellphone na ako."sabi ko at hinanap ang bilog na pindutan.

"Swipe it up. I removed my passcode."he said while manoeuvring the car out of the parking lot.

Sinunod ko ang sinabi niya at tumambad ang picture ko na nakahiga sa kama at nakabalot ng parang turon!

"B-bakit ito ang wallpaper mo? Ang pangit ko dito!"angal ko at nagpunta sa photos niya.

Napalabi ako sa marami kong pictures na nakabalot ng parang turon!

"Change it then."he said while smiling. I rolled my eyes on him.

"Oo! Ang pangit ko eh!"angil ko at inayos ang buhok ko bago tinapat ang muka sa camera at nagpeace sign sabay ngiti.

Nakailang kuha na ako ay wala pa rin akong makuhang maganda! Nagmukha akong dugyot!

"Ang pangit! Ayoko nito.. nito.. at eto pa! Ang pangit ng cellphone mo! Puro pangit ang kuha!" inis kong sabi at binuksan ang compartment sa gitna namin at inilagay ang cellphone nya.

"Nakakainsulto yan!"angil ko at pinagkrus ang mga braso.

"Okay.. I'll buy new one."he said quietly then shook his head.

Kinuha ko ulit yong cellphone nya at parang naaakit akong buksan ang messages niya.

"Can you save your number?.. just for Friday when I see you.."napalingon ako sa kanya na nakatutok ang tingin sa daan.

May usapan ba kami?

Nagkibit balikat lang ako at biglang may naisip. Isesend ko din yong mga pictures ko na maganda..

Tinype ko ang number ko at magmissed call bago ko sinave ang number ko sa phone nya. Then I saved his number and sent my selfie with my peach dress..

Nakokontentong sinave ko ang picture ko sa cellphone niya at ginawa na itong wallpaper niya.

There.. pretty and sexy na..

"I'll see you on Friday hmm?" He said when he parked his car on the school parking lot.

Napaawang ang mga labi ko nang maalala ang busy kong schedule sa linggong ito.

"M-may tutor ako sa friday.. bale, 4-6pm yon.."alanganin kong sabi.

"That's just right for dinner.."sagot ni Ashmere.

"Ah.."napatango tango ako. Dinner lang pala..

"So, I'll call and text you okay?"napatango ako at nagtanggal na nang seatbelt. Napatigil ako nang mabilis niyang pinigilan ang braso ko.

"Well.. I won't be able to see you for five days.."Tumingin lang ako sa mga mata niya. Kapag naging boyfriend ko ito manlilibre talaga ako..

"You don't mind if I call you every night?" Napatango ako at napakagat ng labi para pigilan ang kilig ko.

Shocks..Ang gwapo..

He sighed then smiled at me before going out of the car and opened the door for me.

He offered his hand and pulled me out of his car.

I smiled and tiptoed to kiss him. It landed on the corner of his lips. He wrapped his arms around my small waist and hugged me tight.

"I'll see you on Friday baby.. please stop crushing on someone else..ako na lang dapat.." he said then kissed my hair before letting me go.

Ramdam ko ang pang-iinit ng mukha ko.

"Beautiful.."he said then caressed my cheek and dipped his head to kiss both. A lingering one.

"Don't miss you too much.."he smirked.

I bit my lower lip.

Damn.

Siguiente capítulo