webnovel

Chapter 17

Chapter 17 : Dark knight

ZIRO

Agad akong napasunod kay Lilith nang tumakbo ito papunta sa bayan ng Eriel. Habang papalapit ay matatanaw na ang napakalaking usok na tumutupok sa buong bayan, Sumabay pa ang madilim na kalangitan. Katulad ito noong naglaban kami ng ifrit, parehong-pareho.

Pagpasok namin sa bayan ay nababangga kami ng mga demi-monster na nagsisi-takbuhan. Halos hindi kona napansin na nawala na sa paningin ko si Lilith dahil sa daming tao. "Lilith!!" Paulit-ulit kong sigaw sa pangalan n'ya ngunit hindi n'ya ako sinasagot.

nakipagsabayan ako sa mga taong nagkukumpulan. Muli nanamang nagkaroon ng pagsabog kung kaya't nagmadali na ako upang puntahan kung saan nanggagaling ang pagsabog. Siguradong nandoon si Lilith, Wala na akong pake sa mga na babangga ko basta kailangan kong mag-madali.

Sawakas ay nakalabas ako nagdadagsaang mga tao at tanging mga nasusunog at sira-sirang mga bahay ang nakikita ko. Muli akong tumakbo at nagbabakasakaling makita ko si Lilith ngunit wala. "Lilith?! nasan ka?!"

Umihip ang malakas na hangin at kasabay noon ay ang pagsulpot ng isang Lalaki na nakasuot ng itim na pananggalang at nakasakay sa isang itim na kabayo. "Ang babaeng ito ba ang hinahanap mo?" Ipinakita n'ya si Lilith habang hawak-hawak n'ya sa ulo. Walang awa n'ya itong ibinato papunta sa direksyon ko at buti nalang ay nasalo ko s'ya.

"Lilith! gumising ka!" Usal ko. Gumaan ang loob ko nang imulat n'ya ang mata n'ya. May ibinulong ito saakin na ikinagulat ko. "Lilith!!" Bigla nalamang s'yang nawalan ng malay. Inihiga ko s'ya sa kung saan ay hindi s'ya masasaktan o madadamay sa kung ano mang mangyayari.

Muli akong bumalik sa dati kong pwesta, kaharap ang Dark knight na nasa harap ko. Hinubad ko ang black robe na suot ko at kinuha ang dagger na nasa bulsa ko. "Ang mga matang yan, Hindi ko inaasahan na ikaw ang makakaharap ko. Ako ang Dark knight na namumuno sa Eriel, Isa sa tatlong Heneral ng Demon lord"

"Ang ama ko? Hindi na talaga s'ya nakontento" Napahigpit ang hawak ko sa dagger dahil sa inis. Marami na s'yang sinakop pati banaman ang lugar na ito,Wala talaga s'yang awa.

"Ikinagagalak kong patayin ka!" Bumulusok ang Espada ng Dark knight na agad ko namang napigilan gamit ang dagger ko. Walang panama ang dagger ko sa espada n'ya, kung hindi ko iyon napigilan siguradong napatay n'ya ako sa isang tirahan lang n'ya.

Napatalon ako patalikod upang hindi na tumagal ang pagpigil ko sa espada n'ya. Halos manginig ang kamay ko dahil sa sakit, Nagdudugo na iyon sa lakas ng atake n'ya. "tss! Kainis"

"Hindi ka na dapat na ngialam, bata" Ang itim na anino na nagmumula sa Dark knight ay bumalot sa buong lugar, tanging kadiliman ang nakikita ko at tanging kami lang ang nandoon. Saang lupalop naman kaya nya ako dinala?

"Kung ako sayo tumakbo kana kung ayaw mong mamatay" Humalakhak ito ng napakalakas na unalingaw-ngaw pa iyon sa buong lugar.

"Anong kaya ng isang Level 30 Adventurer sa isang Class S Monster? wag mokong pinapatawa bata baka gusto mong maging pagkain ko"

"Marami na akong napagdaanan kaya hindi na ako takot na mamatay" 

"At anong pinagmamalaki mo? Na natalo mo ang isa sa mga Heneral? yung Dalhina na yon? Ang nilalang na iyon ay laruan lang kaya mahina pa iyon" Muli itong humalakhak na ikinainis ko.

"Si Dalhina ay," Kahit masakit ang kamay ko ay hinawakan ko ng napakadiin ang dagger ko. "Ipaghihiganti ko!"

Gamit ang natutunan ko kay Lilith ay nasasabayan ko ang dark knight. Hindi pa iyon sapat ngunit matamaan ko lang s'ya malaking bawas na yon. 

Ngunit sa bawat atake ko sa kanya ay nasasalag nya habang ang atake nya ay tinatamaan ako. Hindi ko alam kung hanggang saan aabot ang buhay ko lalo na't hindi ako nakapaghanda para sa laban na ito.

Dahil sa pag-iisip ay hindi kona nasangga pa ang malakas na atake ng Dark knight. Halos tumalsik ako at tumama sa isang pader. Isang atake nalang ako at tyakang kamatay ko, hindi ko man lang nagawang patayin ang ama ko. "Masyado kang mahina! Ikaw ba talaga ang anak ng Demon lord? Nakakatawa!"

Hindi kona maigalaw ang katawan ko, parang naparalisa na ako dito sa pader na sinasandalan ko— teka pader? Ang akala koba nasa ibang lugar kami? ang akala ko nasa kawalan kami? Hindi kaya!

Hirap mang igalaw ang katawan ay pinilit ko padin. ipinasok ko ang kamay ko sa aking bulsa at mariing napapikit "Skill activate,'Steal' " mahina kong sabi at sa isang iglap lang ay may kung ano na ang nasa kamay ko.

"Anong binubulong-bulong mo dyan!," Itinaas n'ya ang kanyang espada at walang alinlangang iwinasiwas iyon sa aking direksyon. Halos gumawa ng napakalakas na pagyanig ang atakeng iyon. "P-panong—" 

Ang kadilimang bumabalot sa paligid biglang nawala at bumalik sa anino nya "Unique Skill; Fire Inferno!" Isang ipo-ipo na gawa sa apoy ang bumalot sa kanya. Nilamon sya nito at halos ang sigaw nya sa sobrang sakit ang umalingaw-ngaw sa tahimik na bayan. Wala talaga kami sa kawalan nung mga oras na iyon, Binalot lang nya ng kadiliman ang paligid upang maisip ko na nasa ibang lugar kami.

Kasabay ng pagbagsak ng dark Knight ay ang paglaho ng apoy na tumutupok sa kan'ya at sa mga bahay na nadamay. "H-hindi ito totoo!"

"Lahat may limitasyon, at umabot kana sa limitasyon mo, Hahayaan kitang mabuhay pero ipangako mo na wala ka nang saaakuping mga bayan o lugar sa mundong ito" Natawa naman s'ya ng mahina na parang hindi nya gusto ang sinabi ko.

"H-hindi ko mapapangako yan.."

"Anong ibig mong sabihin?!" Hindi ito man lang ito kumilos upang atakihin ako, bagkos ay nanatili lang ito sa posisyon n'ya.

"Ang sumpa sa mundong ito ay hindi tulad sa nababasa mo, Ang sumpa sa mundong ito ay tanging kamatayan lang ang makakapagtanggal sa kahit anong sumpa" 

"K-kamatayan?"

"P-pakiusap... Patayin mo na ako upang maging payapa muli ang buhay ko," Lumuhod ako sa harap nya na ngayon ay umiiyak na sya. "Wag kang mag-alala, Ibabalik ko sila"

"Kung ganon," tiningnan ko ang aking dagger na hawak-hawak ko. Mabigat man sa loob ko ngunit kailangan. Itinutok ko ang dulo ng dagger ko sa kanyang ulo. Ibinaon ko iyon sa kanyang ulo at kasabay non ang pagliliwanag n'ya. Katulad ito noong namatay si Dalhina, Naglaho s'ya kasabay ng katawan n'ya. "Ipagdadasal ko ang kaluluwa mo"

Narinig ko ang mga palakpakan at hiyawan ng mga masasayang Demi-monsters. Tapos na ang lahat pero ang Demon lord ay nabubuhay parin.

Tumayo ako at Timingin sa kalangitan na unti-unting bumabalik sa dati. "Ziro nagawa mo!" Bigla nalamang tumalon si Lilith papunta sa direksyon ko at binigyan ako ng mahigpit na yakap.

Umiiyak sya sa sobrang saya at ganon din ang mga mamamayan ng Eriel. Ang sarap pala sa pakiramdam na tanggap ka ng lahat, ganito pala ang pakiramdam ng Arc knight kapag natutuwa ang mga tao kapag nakikita sila. Ang mga ngiti nila ay hindi peke, galing sa puso ang ngiting iyon na ngayon ko lang nakita. "M-maraming salamat sa inyong lahat" Pati ako ay napaiyak na sa sobrang saya.

"Teka, naiyak kaba Ziro? HAHAHA" pang-aasar ni Lilith, Wala ehh ayaw magpaawat ng luha ko.

"Salamat talaga, Maraming salamat sa inyong lahat" Hindi ko malilimutan ang pangyayaring ito. Babaunin ko ang napakasayang ala-alang ito hanggang kamatayan ko.

Lumipasang ilang araw, ang mga nawawalang mamayan ng Eriel ay muling nagbalik. Masayang-masaya si Lilith dahil bumalik na ang mga magulang n'ya, masaya ako para sa kanya. 

"ohh Ziro, nakabusangot nanaman yang mukha mo" Napaiwas ako upang hindi makita ni Lilith ang mukha ko.

"May naalala lang ako" Inihain ng nanay ni Lilith ang pagkain na s'ya mismo ang nagluto habang ang tatay nya ay tumutulong sa pag-aayos ng mga nasira sa bayan.

Habang kumakain ay tahimik lang ako nang kausapin ako ng nanay ni Lilith "Magtatagal kaba dito Ziro? Mas maganda sana kung dito kana tumira"

"Hindi na po ako magtatagal, May iba pa pong lugar na naghihintay saakin" 

"Ganon ba? sayang naman" Humingi nalang ako ng tawad sa kan'ya at tahimik kaming kumain. Maganda nga sana kung dito nalang ako, dito kasi tanggap ako pero hindi pwede. May mga lugar pa na ngayon ko lang mapupuntahan. 

"Aalis na po ako" Pagpapaalam ko sa nanay ni Lilith, Si Lilith naman ay nagkulong daw sa kwarto n'ya. 

"Ziro dalhin mo ito, Baka magutom kayo sa byahe" Tatanggapin ko nasana yung bag ng mga pagkain at kung ano pa nang may mapagtanto ako.

"Kayo? Ano pong ibig nyong Sabihin?" Nginitian n'ya ako at lumingon sa likod n'ya kung kaya't napasilip ako doon.

"Tingin mo ba hahayaan kitang umalis ng hindi ako kasama!" 

"L-lilith?! Sasama ka?" Hindi makapaniwala kong sabi. Dala-dala n'ya ang mga gamit n'ya at mukhang handang-handa na.

"Alis na po kami Nay!" Nagpaalam na si Lilith sa nanay n'ya at sabay kaming lumabas ng bayan. Sa huling pagkakataon ay masisilayan ko ang bayan ng Eriel.

Hindi ko akalaing ang isang tulad ko ay tatanggapin ng bayan na ito. Hindi man ako katanggap-tanggap ngunit tinanggap nila ako ng buong puso.

Sabi nga nila 'Sa bawat paglalakbay ay may mga bago tayong makikilala at sa bawat paglalakbay may matututunan tayong aral'

Muli akong magpapatuloy sa aking paglalakbay habang baon ang mga ala-alang dadalhin ko kasama si Lilith.

Paalam Eriel. Ako si Ziro Ifrich, Ipapangakong tatalunin ang aking ama. Ang demon Lord upang ibalik ang kapayapaan.

Siguiente capítulo