webnovel

Chapter 4. Ang Estranghero

August 14, 2018 9:30PM

Nagmamadaling pumasok yung roommate ko sa restroom dahil sa mga nangyari kanina. Ako naman ay nagdadalawang isip na tumawa dahil baka masuntok ako sa mukha. Kinuha ko laptop bag ko at pumunta sa lobby ng hotel.

Dumiretso ako agad sa reception para manghingi ng Wi-Fi password. Tinatangka kong tawagan si Ray sa messenger para ipaexplain sa kanya ang mga nangyari.

"Ray! Sumagot ka! Lagot ka talaga sa akin!" Sabi ko.

Kinalaunan ay may nareceive akong mensahe at nakalagay doon ang isang zoom link.

Ray: Pumasok ka sa zoom! Bilis!

"Ano bang gagawin namin sa zoom?" Tanong ko pero pinindot ko na yung link.

Nang magload ang zoom ay nakita ko sina Algean, Dara, Leo, at Ray. May isa pang kasama si Ray na babae sa bahay pero di ako sure dito kasi puro daw sila beki sabi niya sa akin before. 

"Oh? Kumusta ang hotel stay mo dyan?" Tanong ni Ray.

"Anong kumusta?! Hindi mo sinabi sa akin na mayroon akong kasama dito! Muntik na akong mamatay sa hiya!" Sabi ko.

"Bakit anong ginawa mo? Nautog ka ano?" Tanong ni Algean.

Nagdadalawang isip akong sumagot baka pagtawanan nila ako kapag nalaman nila ang nangyari kanina.

"Uy! May nangyari nga! Ahem! Wasak na ba ang bahay-utot mo, mare?" Pang-aasar ni Dara sa akin.

"Tanga! Baka bunganga nya ang nawasak! Kita mo yan, di na makapagsalita. HAHAHA!" Sabi ni Ray.

"Tigilan niyo ako! Walang nangyari sa amin okay. Medyo muntik na kaming magkapatayan ganern." Sabi ko.

"Ay bakit?" Tanong ni Leo.

"Muntik ko na siyang mahampas ng kawali. Akala ko kasi magnanakaw eh." Sagot ko.

"Tanga ka ba? Bakit magkakaroon ng magnanakaw eh hotel nga diba? Condotel pala." Sabi ni Ray.

"Nako mars, dapat mong i work-on yang pagiging matatakutin mo. Baka makapatay ka pa ng tao dahil diyan." Sabi ni Algean.

"Oo nga. Anyways meron ng doctor sa clinic natin diba Madam?" Sabi ni Leo sabay pacute.

"Yizzz. Meron na nga. Pinoprocess ko pa mga papers ng kapatid ko. Reine! Sasali ka ba sa zoom?" Tanong ni Ray.

"Di na girl. Matutulog na ako. Baka magwave pa buhok dahil sa puyat." Sigaw ni Reine.

Di pa namin nakikita ng lubos ang mukha ni Reine at masyadong pamisteryoso tong babae nato. Si Leo naman....

"Sayang! Gusto ko pa naman siya makita." Panghihinayang ni Leo.

"Ay utog na yan Leo? Kapatid ko yan remember?" Sabi ni Ray.

"Ewan ko sa inyo. Pero guys. I really miss you na talaga. Sana ma reassign ako muli dyan sa Manila." Sabi ko.

"Mars sa pagbalik mo dito dala ka otap at nutring." Sabi ni Dara.

"Naku! Napakautog naman tong babaeng to. Babae ka ba talaga?" Sabi ni Algean.

Parang naextend lang sa zoom ang bangayan ng mga to.

"Bhie, online yung roommate mo." Sabi ni Ray.

Nagulat ako na online yung roommate ko. Di ko nga pala nakuha pangalan niya.

"Weh? Friends kayo? Ano nga pangalan niya?" Tanong ko.

"Gaga! Baka nakalimutan mong HR ako at friends ko lahat ng empleyado pwera nalang kay Mr. O. Takot ako don." Sabi niya.

"Okay pero ano nga pangalan niya?" Tanong ko.

Di na nagsasalita si Ray at may biglang sumali sa zoom. FJ yung initials niya.

"May bago pala sa group natin?" Tanong ni Leo.

"Baka si Mr. Aguilar yan?" Sabi ni Algean.

"Naku Ang tahimik nun. Di Yun sasali sa mga ganito." Sabi ni Dara.

"Sino ka? Paki on ang video po." Mando ko sa bagong sali.

Di nagtagal nakita namin yung mukha ng bago. Talagang grabe ang gulat ko sa nakita ko.

"Ay shingle ka phogi? Ano nhame mhow?" Pag-akit na Sabi ni Algean.

"Mama, di bagay sayo. Pero infair, Ang gwapo ni Kuya!!" Sabi ni Dara sabay tili.

"Hi po sa inyu." Sabi ni FJ.

Tumili si Dara sa malalim na boses ni FJ. Ako rin tinatago tili ko kasi isa yan sa mga weakness ko.

"Ang tigas! Sinu po ito mama Ray?" Tanong ni Leo.

"Magpakilala ka na nga para sa kanila, FJ. Salamat!" Sabi ni Ray

"Ako po pala si Fernan Jay taga Cebu new hire at roommate ni Christian." Sabi ni FJ na Fernan Jay pala.

"Ay Ang ganda ng boses, ang lalim. Shet!!" Sabi ni Dara.

"Inemphasize talaga yung pagiging roommate niyo ano? So may nangyari ba?" Tanong ni Algean kay Fernan

Bigla akong kinabahan sa tanong ni Algean. Sana mag sinungaling si Fernan, ay baka gawin niya kasi nakakahiya naman yung nangyari para sa kanya.

Pero ang mokong hindi nagcooperate.

"Oo, may nangyari." Bulgaran na sagot ni Fernan.

Sigawan at hiyawan ang sumalubong sa sagot ni Fernan. Medyo tumutulo na pawis ko dahil sa kaba at dahil d'yan bigla akong nag leave sa zoom.

Pumunta ako sa suite namin para komprontahin ang mokong na yon pero wala sya doon.

"Ay saan na kaya yon? Kainis! Argh!" Sabi ko.

Pero bakit ako affected? Okay nangyari na yon at aksidente lang ang nangyari at ano paki ko don? Nahihiya ba ako or meron lang akong nararamdaman pero di pa ako sure? Oy! Grabe? Nakakita lang ako ng elepante ang rupok ko na agad?

Pero meron talagang something sa kanya na di ko naiintindihan. Para bang mga mata niyay nang aakit. Para bang gusto kong humiga sa mga bisig niya. Parang gusto kong halikan mga labi niya. Ang rupok ko talaga kahit kailan.

"Argh! Nakakalito! Bakit ba ang rupok ko. Una palang pagkikita namin ah?" Sigaw ko sa kwarto.

Deadma nalang to sa akin dahil baka nalibugan lang ako. Hello, 24 years na akong di nadidiligan kaya di niya ako masisisi. Mas mabuting itulog ko nalang to kesa sa mabaliw ako dahil sa libog.

Fifteen years ago.

It turns out nasagasaan ako ng pedicab. Tanga kasi ng bakla di nagiingat kaya ayun naipit yung daliri sa paa ng gulong ng pedicab at dahil din diyan natumba ako.

Dinala ako sa hospital kahit ganun nangyari sa akin, nabagok kasi ulo ko sa daan dahil sa pagkakatumba ko. Iyak ako ng iyak na parang bata pero hindi dahil sa pagkabagok pero dahil sa nahihiya ako. Biruin mo pedicab lang nagkakaganito na ako.

Tinawagan ko sina Jason, DJ, at Nicole sa Vicente Sotto.

"Ghorl, next time sa truck ka magpasagasa para DOA diba? Sa dinadami-daming pwede sumagasa sayo pedicab pa?" Sabi ni Jason.

"Oo nga ghorl. Buti nalang di ka natuluyan o baka maging comedy bar yung lamay mo." Sabi ni DJ.

"Imaginin mo, Cause of Death: nasagasaan ng pedicab. Laftrip kamatayan mo bhe! HAHAHAHA!" Sabi ni Nicole.

"Peste kayo! Mga kaibigan ko ba talaga kayo?" Sabi ko.

"Ah ayaw mo? Gusto mo tawagin ko mama mo?" Sabi ni Jason.

Alam nila na takot ako sa mama ko dahil sa pagiging strikta nito.

"Ghorl eto naman di mabiro. Pero salamat haaa kahit binabash niyo ako mga hinayupak kayo." Sabi ko.

"Oh anong gagawin mo? Wala kang pambayad ng hospital diba?" Sabi ni DJ.

"May savings naman ako kahit konti. At saka di naman malala tong injury ko." Sabi ko.

"Ano ba kasi nangyari? Bat nagkakaganito ka? Di naman ka ganyan ah!?" Tanong ni Nicole.

At kinuwento ko lahat sa kanila from the time na nagkilala kami ni EJ hanggang sa nangyaring confession of love kanina sa laboratory.

"Ay ghorl?! Kinaya mong magdesign para sa kanila? What a brave soul!" Sabi ni DJ.

"Di ko naman inexpect na para sa kanila yun. Oo aminado akong naging hopia ako. Akala ko ako." Sabi ko habang umiiyak.

"We feel you ghorl. Di naman tayo naging magkakaibigan kundi di tayo sawi sa pagibig." Sabi ni Nicole.

"Ghorl? So hihiwalayan mo na si Axl?" Tanong ni Jason.

"Gago! Hindi. I mean before me and Axl got together diba? Wasak din ako noon." Sabi ni Nicole.

"Buti nalang magsusummer break na. Anong gagawin mo?" Tanong ni Jason.

"Ewan ko ghorl. Di ko Alam. Kakalimutan sya? Ipaglalaban ko pagibig ko sa kanya? Aamin ba ako? O sasabunutan ko si Anne? Gulong gulo na ako eh. Ayoko ng makita sila muna." Sabi ko.

"Meron kang buong summer break para pag isipan yan Christian. Sana pagpalain ka ng Diyos." Sabi ni DJ.

Lumingon kaming lahat sa kanya. Di naman relihiyoso si DJ noon.

"Ghorl, kinain mo nanaman ba yung vulcaseal?" Tanong ko.

"DeeeeeeeeeeJaaaaaay! Sabog ka nanaman!" Sabi ni Nicole.

At tumawa kaming lahat. Pagkatapos noon binayaran namin ni Jason ang hospital. Biruin mo nabagok lang ulo ko ang laki na ng gastos muntik pa maubos savings ko pero buti nalang sinalo ni Jason yung natitirang expenses ng hospital kaya nakalabas.

"Ghorl, salamat ha." Sabi ko.

"Naku, wala yun. Basta wag mo na tong ulitin muli." Sabi ni Jason.

Kahit masakit ang napagdaanan ko, itong tatlong kaibigan ko ang maasahan ko sa buhay. Sila ang pinaghuhugutan ko ng lakas kapag nasasaktan ako sa katangahan ko. Sila rin ang pumupuna sa akin mapaganda man o masakit pero para din iyon sa ikakabuti ko.

"Uioe ghorls, sama pala kayo sa Camotes uwi kami this Summer." Sabi ko.

"Sure ghorl. Itatry ko sa schedule ko." Sabi ni Jason.

"Basta ako sasama ako. Camotes na yan at saka libre pa." Sabi ni DJ.

"Basta sama kayo haaaaa." Sabi ko.

Pinasakay na ako ng taxi ni Jason para makauwi na ako sa amin.

"Ghorl paano yan? May appointment ako." Sabi ni Jason.

"Ako din eh." Sabi ni DJ.

"Eh mga gaga pala kayo eh, bat di kayo naging honest sa kanya?" Sabi ni Nicole.

"Alam mo naman Yun, tampuhin diba?" Sabi ni Jason.

"Nakakaintindi naman yon. Wag nyo kasing binababy. At saka di yan nakakatulong sa ano mang nararamdaman niya." Sabi ni Nicole.

"Nag alala lang ako sa kanya mamsh baka anong gawin niya sa sarili niya." Sabi ni DJ.

"Let's just be the friends he wants us to be guys. Alalayan natin sya." Sabi ni Jason.

"Kayo bahala." Sabi ni Nicole.

Nakakapagod ang biyahe patungong Camotes Islands. Una, may tatlong oras na biyahe patungong Danao dahil sa traffic sa Mandaue. Tapos mag aabang ka pa ng barko patungong Camotes. Okay, barko lang pero sana stable ang tubig dagat dun kasi kahit maaraw napaka alon ng dagat sa Camotes.

"Christian! Kim! Cedric! Kyle! Tulungan niyo papa niyo sa mga gamit." Sabi ni Mama.

"Opo!" Sabi ko.

Nagstay kami sa penthouse ng kamag anak namin. Sila lang ang tumatanggap sa amin kasi yung iba ang tataas ng tingin sa sarili nila. Buti nalang maaga kaming dumating dahil kung hindi baka maabutan kami ng gabi sa kakaayos ng mga gamit.

Naglalakad ako sa dalampasigan ng mag isa. Medyo na disappoint ako kasi akala ko sasama sila pero hindi pala. Habang naglalakad meron akong nakitang bonfire. Papatayin ko sana kasi bawal pero ang sarap din magmuni-muni. Umupo ako at tumingala sa langit at  nakita ko ang mga bituin na parang nagpipiyesta dahil sa kanilang mga nagniningning na ilaw.

"Anong ginagawa mo?" Sabi ni estranghero.

"Ay shuta!!! Sino ka?" Tanong ko?

"Eto Naman, bakit ka naninigaw?" Tanong niya.

"You came from out of nowhere, anong inexpect mo matutuwa?" Sabi ko.

"Oh, sorry. Pero ang lungkot mo ngayon ah?" Tanong niya.

Dededmahin ko sana pero meron akong nabasa na Twitter post na something about sharing your feelings to a stranger para easy mag let go.

"Meron lang akong pinagdadaanan ngayon Kuya." Sabi ko.

"Kuya? Anong kuya? Eh magkasing edad lang tayo." Angal niya.

"Sorry na nga. Wait eto na isashare ko na." Sabi ko.

At sinabi ko sa lahat sa kanya. Kinalaunan naging magaan pakiramdam ko.

"Any advise?" Tanong ko.

"Wait bakla ka? Kelaki mong tao?" Sabi niya.

Medyo na disappoint ako dahil na judge ako ng isang estranghero pero agad naman niyang binawi.

"Di joke Lang. Tanggap ko naman mga ganyang sitwasyon. Ito lang masasabi ko, kung mahal mo at nakita mong masaya siya sa iba edi maging kaibigan ka nalang para sa kanya. Mas fulfilling kasi na yung nakikita mo masaya siya yun nga lang sa iba sya masaya." Sabi ni estranghero.

"Eh paano kong ipaglalaban ko?" Tanong ko.

"Yan kung ipaglalaban ka, diba? At first place nireject kana dahil hindi ikaw ang pinili." Sabi niya.

"Wow. Ang lalim. Pero salamat ha. Parang natauhan ako sa mga sinabi mo. Pero paano ko sila haharapin? Ang gulong gulo na sa tingin ko." Sabi ko.

"Simple, maghanap ka ng ibang paglilibangan. I-distract mo sarili mo sa ibang bagay. Pwede mo din alagaan sarili mo. Marami kang pwedeng gawin actually para iwasan sila." Sabi niya.

"Oo nga. Salamat ha. Alam mo plano ko sanang." Sabi ko pero di ko tinapos.

"Planong ano? Magpakamatay? Nako di ka tatanganggapin ni Satanas. Mauubos rasyon nila sa impyerno." Biro niya.

"Ay gagu. Kamag anak mo si Satanas?" Tanong ko.

"Hindi pero katext ko sya kanina sabi pigilan ka daw." Biro niya.

"Puta ka? Hahahahahaha yawa natawa ako." Sabi ko.

"Pinatatawa lang kita kasi para mawala stress mo. Kailangan mo kasi eh at wag mong isipin magpakamatay dahil mahal ka ng Diyos, iho." Sabi niya.

"Opo, Father." Sabi ko.

Biglang nagtext si mama na papauwiin na ako dahil gabi na.

"Tinatawag na ako ni mama. Salamat talaga haaa." Sabi ko.

"Ay sus, wala yun ano kaba? O sya, aalis na ako. Babye!" Sabi niya.

"Sige, babye!" Sabi ko.

Papalakad na sana ako ng narealize ko na hindi ko nakuha pangalan niya pero paglingon ko wala na siya. Totoo talaga na pag nag share ka sa stranger ay gagaan loob mo dahil napalabas mo lahat problema mo.

Nagstay kami sa Camotes buong summer at talagang kinalimutan ko lahat nangyari for the meantime dahil for the first time naenjoy ko ang summer ko.

Hapon nang sumakay na kami sa barko at muli, sa paguwi ko, kaming maghaharap ni EJ at Anne.

-----End of Chapter 4-----

Hi guys!! Sorry natagalan ang pagrelease kasi naubusan ako ng creative juices kaya nag relax muna ako ng kaunti. Salamat sa pagbasa at pagtangkilik. See you on Chapter 5.

Siguiente capítulo