webnovel

Kabanata 61: Halik

(Hiraya)

Naputol ang mga iniisip ko nang maramdaman kong may yumakap sa akin, pinunasan niya ang luha sa mga mata ko at nakangiti niya akong tinitigan. Nabuhay ang demonyo sa puso ko at hinawakan ko siya sa ulo, hinalikan ko ang babae at nang maglayo ang mga labi namin at piniga ko ang ulo niya gamit ang buong puwersa ng mga kamay ko.

Ding!

[You killed a player: Klawdya Mangapi Lvl.39

-You gained 39000 exp points

-500 exp points due to level difference

-Bound unique skill: Double the Fun effect: exp X2

-Gained 4 stat points randomly

-a total of 78800 exp points and 8 stat points earned.]

What a waste.. dapat ibinigay ko nalang kay Ma-ay ang exp points. Naglakad ako papalayo at hindi na muling nilingon ang iniwan kong bangkay... nakaramdam ako ng pagyakap sa aking baywang at dalawang pares ng malambot na laman ang naramdaman ko sa aking likod.

"Wag mokong iwan please, kailangan ko ng tulong mo. Hinihintay ako ng mga kabaryo at kaibigan ko. Ipinangako ko kila ama at ina na ipaghihiganti ko sila, ipinangako ko sa sarili ko na magiging malakas ako. Parang awa mo na tulungan mo ako.. kailangan kita Hiraya."

What the fuck just happened? Sinaksak ko siya gamit ang kamay ko at binunot ko ang puso niya.

Ding!

[You already killed Klawdya Mangapi Lvl.39

-No exp points gained

-Bound unique skill: Double the Fun effect: exp X2

-No stat points gained

-a total of 0 exp points and 0 stat points earned.]

Sa pagkakataong ito ay muli kong nareceive ang announcement pero bago ko pa suriin hanggang sa dulo ang notification ay nakita kong nagliwanag ang katawan ni babaeng baliw at muli niya akong niyakap.

"Parang awa mo na Hiraya, tulungan mo ako." Naramdaman ko ang mga tumutulong luha niya sa aking pisnge.

Holy crap, isa ba siyang immortal? No, wait.. shit, hindi ko dapat siya hinalikan, that kiss.. Mayari's kiss. Sinasabi ko na nga ba at may inilagay siya sa katawan ko, or to be precise sa mga labi ko. What the hell is this, an immortality kiss? Anong bullshit nanaman to, imortal? She died twice by my own hands already pero nagagawa niya pa rin akong yakapin at humingi ng tulong.

"Why.. bakit ako? Bakit sa akin ka humihingi ng tulong at hindi sa ibang tao? Hindi ko nga magawang tulungan ang sarili ko.. papaano kita magagawang tulungan?" Tumitig ako sa kawalan at inumpisahang muli ang self reflection.

Why is the story turning like this? Ang akala ko ba ay RPG na ito, dapat puro patayan at pagpapalevel, bakit napupunta sa drama at kagaguhan? Shouldn't I be power leveling right now? Ang dapat na ginagawa ko ngayon ay maghanap ng mga malalakas na monsters at hasain ang magiting kong kakayahan, dapat nakikipagtunggali ako sa mga monsters at nag-iisip kung papaano ko sila tatalunin. Bakit ang daming bagay na hindi ko maintindihan?

Iniling iling ko ang ulo ko at inalis ang pagkakayakap ni babaeng baliw sa katawan ko, tama ang matandang kupal.. gawin ko ang dapat kong gawin dito sa dungeon at pagkatapos noon ay hahanapin ko ang totoong rason kung bakit at para saan ang existence ko. Kung hindi ko ito mahahanap sa labas ng dungeon, hahanapin ko ito sa labas ng bansang ito at kapag wala pa rin doon ay lilibutin ko ang buong story world para malaman ang mga sagot sa aking katanungan.

Masyado akong nagfofocus sa mga long term plans at hindi ko na napagtutuunan ng pansin ang mga puwede kong gawin sa lugar na ito. Shit! That's right, I need to focus here and not outside for now.

"Okay, I promise to help you pero ipangako mo ring tutulungan mo ako." Nabuhayan ang loob ko at nakangiti ko siyang kinausap. Pinunasan ko ang luha sa mga mata niya.

"Hindi mo na ako sasaktan?"

"Hindi na, I wont be able to kill you anyway." Nagpakawala ako ng Fire Kampilan at hiniwa ko siya sa apat. Nalaglag ang mga piraso ng katawan niya at nagliwanag ito, ilang sandali lang ay buo na ulit siya at umiiyak. Nateceive ko ulit ang notification, napaisip ako. Galing kata sa mythical tier item ni Mayari ang immortality? Shit, did I accidentally activated something?

"See? You're an immortal now." Hinagod ko ang buhok niya at gumawa ulit ako ng water cage, pinapasok ko siya doon at binuhat ko iyon papunta sa Gym. Marami siyang pinakawalang reklamo kaya sinabi ko nalang na papataasin namin ang level ng skill niya, tumigil naman na siya... inisip ko ang mga rason kung bakit at anong nangyari sa katawan ni babaeng baliw, papaanong naging imortal siya. Kapag ako lang ba ang pumatay sakanya? O kahit na sino ay hindi siya magagawang patayin.. damn that respawn. Malalaglag kaya ang skill book or title kapag nama... fuck she's immortal!

--

Nagkita kami ni Ma-ay sa loob ng Gym, ipinaliwanag ko sakanya ang mga bagay bagay at in-example ko rin na hindi namamatay si babaeng baliw kaya walang point kung pababayaan lang namin siya kaya naman mas magiging worth it kung gagamitin ang immortality niya para sa mga plano namin para sa dungeon na ito.

And I kinda get the feeling na there's more to it at hindi lang immortality ang mayroon kay babaeng baliw. Something bugs me about how strange the events played out. Una ay nakita ko si Mayari and holy fuck, kinain ng private space niya lahat ng life span ko.. meeting the two of them in a span of a few minutes or maybe not in minutes dahil nga magkaiba ang time pero dalawang kisap mata lang ang nangyari sa dungeon. Marami akong katanungan pero napagtanto kong sinasayang ko nanaman ang oras ko, I better focus in here than out there.

"Babyboy, tutal kaya niyo namang gumawa ng fortress bakit hindi kayo gumawa ng housing project dito sa loob ng gym.. tingnan mo yung babaeng yun oh, tinititigan siya ng mga kalalakihan habang nagpapalit ng damit." Napatingin din ako sa itinuturo ni Ma-ay at namula ang mukha ko, nakatanggap ako ng batok pero hindi ko alam kung para saan, itinuro niya sakin yung nagpapalit na babae tapos binatukan niya ako.

"Nagme-mens kaba ngayon? But I don't smell blood, just the scent of that ming-ming you have there. Anyway, that sounds like a good plan to me. At least hindi ko na kailangang gumamit ng skill para itago ang paglalabing labing natin." Nginitian ako ni Ma-ay at pinisil niya ng malakas ang tagiliran ko. Fuck, man... ano nanamang ginawa ko?

Binuksan ko ang telepathy at ipinaalam kay Ganit ang binabalak na gawin ng ate niya. Ipinatawag ko rin ang mga players na may earth based skills at inumpisahan nilang mangolekta ng lupa. After a few hours ay nakagawa kami ng 50 small houses na gawa sa lupa at mga bato. Pinapili sila ni Ma-ay at ng dating komander ng gym ng kanilang mga titirahan, though pare-pareho at iisang disenyo lang naman ang mga ginawa namin ni Ganit, they just look like a house used by a caveman. Yung bungad ng kuweba tapos may sapat na space sa loob para sa isang higaan at ilang mga gamit.

Nag-insist si Ganit na kapag may gusto silang baguhin ay sabihin lang nila, pinaunlakan naman ito ng mga players and we made some adjustment ayon sa gusto nila. Not that I don't like the job, matrabaho lang at nakakatamad pero inisip ko nalang na kailangan ko pang pataasin ang levels ng mga skills ko and I pushed through. After another hour ay may tig-iisa nang quarters ang mga surviving players ng gym ayon sa gusto nilang itsura. Now the place looks like a town house of cave mens.

Gabi na ng matapos namin ang housing project pero hindi pa ako gumagawa ng bahay namin ni Ma-ay, well.. idagdag na si babaeng baliw, why? Kasi gusto kong gumawa ng mas matibay na bahay-bahayan, naalala ko na may uri ng monster na naglalaglag ng mabigat at matigas na lupa. I need to find some of those and make the monsters body into a house.

"Ma-ay, I'll find some monster soil outside tapos babalik siguro ako after a few hours. Keep an eye on this crazy girl while I am out, okay?" Matapos kong magpaalam at tanggapin ang death glare ni Ma-ay ay naglakad na ako papalabas ng gym. Narinig ko ang pagtatalo nila pero hindi ko na pinansin.

-

Monsters in this dungeon are now weak, para sa taglay kong lakas ay kaya ko silang ma one hit kill. I found seven Maligno ng Lupa and gathered their bodies, nakapulot din ako ng ilang potions at isang monster core, ginamit ko iyon para maging experience points ng Earth Manipulation.. the core gave me 15% experience points para sa skill at naglevel up na ito sa intermidiate 3. Nakahanap din ako ng isang uri ng monster na maraming gem stones sa katawan, I plucked every last piece of stone at himalang maganda ang mga applications and effect nito. Pinagsisihan kong pinatay ko iyon agad pero nang makakita pa ako ng isa pa ay nawala rin ang pagsisisi ko, I'll tell the players later na mangolekta ng monsters at subukan kung puwede nilang ma-farm ang items.

Pagbalik ko sa gym ay nakita kong nagtatalo pa rin si Ma-ay at ang babaeng baliw. Nang makalapit ako ay tumigil silang dalawa, woa.. what happened?

"Babyboy, itapon na natin ang babaeng to sa labas or kung saan man. Nabubwisit ako kapag nakikita ko ang mukha niyang panget, tsaka bakit ba kinuha mo pa to ha? Maghahanap ka na lang ng babae tong panget pa na to." Kunot ang mga noo ni Ma-ay at pagalit niyang sinisipa ang ginawa kong water cage, if you wonder why hindi nasisira at hindi nawawala ang water cage.. channeling spell siya kaya hanggat hindi nauubos ang mana ko ay mananatili ang water cage, tungkol naman sa kung bakit hindi ito nasisira ay dahil, well.. again, channeling spell nga siya. Nababawasan ang mana ko kapag nababawasan ang parte ng water spell pero agad din itong bumambalik once na masira.

"Don't mind her, paano ang gusto mong style ng bahay-bahayan natin? Kasya ang lupang kinuha ko for about two story house." Ngumiti si Ma-ay at tinawag niya si Ganit na nagpa-practice ng spells. Nagpadrawing siya at tutal andito na si Ganit, nagpatulong na ako para buuin ang gustong bahay-bahayan ni Ma-ay. After half an hour ay nabuo na namin, it is just a simple and commonly used style ng bahay.. isang palapag lang din dahil wala naman daw silbe kung gagawing dalawa, ilang araw na lang ang aantayin namin at lalabas na kami ng dungeon, so iiwan lang din at magiging walang kwenta.

Nag-cast ako ng fire spell pagpasok dahil walang koryente, naisip ko bigla ang generator na malapit sa building ng grade 7 at baka puwedeng makuha namin ang generator at magamit. Simple lang din ang loob, gumawa kami ni Ganit ng simpleng bed, table, mga upuan, si Ganit na ang nag-style sa kusina at sala na wala namang gamit dahil walang tv set o kahit na anong appliances.

Inilabas ko sa inventory ang isang uri ng bato na binunot ko sa katawan ng isang monster kanina, isang Light Stone. Nagliwanag ang pagilid matapos kong punuin ng mana ang Light Stone.. this will be good for a few days pero sa parte lang ng bed ko iyon nilagay. I didn't get much dahil karamihan sa mga batong nakuha ko ay Earth Stones, iisang Light Stone lang ang napulot ko. Nagliwanag ang paligid at natuwa si Ma-ay sa nakita niyang style.

"Bulilit, ganito ang itsura ng dati nating bahay diba?" Napuno ng pag-reminisce ang mga mata ni Ma-ay at inilibot ng magkapatid ang tingin nila sa paligid. Tumango si Ganit at hinawakan ang kamay ng ate niya.

"Namimiss ko na si papa." Malungkot na bigkas ni Ganit, hinagod naman ni Ma-ay ang buhok niya at pinanood ko silang magyakapan.

Namimiss din kaya ako ng parents ko? Asaan na kaya sila? Well, may mga magulang din ako hindi ko lang nababanggit.. what? Tingin niyo wala akong character design, bigla nalang akong sumulpot tapos nabuo na isang tao? Sana lang ligtas sila sa Manila. Right, ano kayang lagay sa lugar nayon, sobrang daming tao roon.. maybe most of the players who survived this RPG world will come to that place. I'll go there soon too.

Siguiente capítulo