(Hiraya)
*Day 13
Pinapanood kong magsanay si Ganit, katatapos lang naming mag-lesson patungkol sa elements, may iilan siyang hindi maintindihang concepts kaya ipinaliwanag ko ng mabuti and now.. she's hovering above the ground.
"Stay balanced, huwag mong bitawan ang control mo sa hangin.. yeah like that. Now, try casting it while leaning to the left.. nooo! Masyadong malaki ang movement na ginagawa mo, try minimizing the control on your feet.. Nice!"
Hindi ko alam kung sa system ba talaga ang rason, whenever I got skills.. It's either mana per second na channeling spell or may time limit sa paggamit ng skill. Ganit has none of the two above, ang mga skills na nakukuha niya ay free to use, ang naiisip ko lang na rason ay dahil iyon sa title niya na Elemental Magician. It is like, she doesn't have to use mana inside her.. more like galing sa labas ng katawan niya ang mana na ginagamit niya, because she is still level 6.
Nasa 500+ lang ang mana pool niya, way over the mana pool para sa isang level 6 na player dahil sa mga passive skills at sa mga titles din na nagbibigay sakanya ng additional mana. Isa na doon ang passive skill niya na Meditation, yeah I know.. ang meditation ay dapat ginagawa habang nakarelax ang katawan at nakafocus ang isipan. But that hovering girl can use that skill while moving, ang sabi niya sa akin ay kaya niyang magfocus habang gumagamit ng skill.. I've asked Ma-ay for the reason why she can do that at ang sagot niya sa akin ay 'Sinanay siya ni Ama sa mga bagay na magiging built-in ang focus niya habang nasa pagte-training.'
It paid off well I guess, now that I think of it.. kapag nakikita ko siya dati na binubully ay kalmado pa rin ang mga galaw niya though umiiyak siya at pinagbabalingan ng galit ang mga gamit sa paligid, hindi nawawala ang pagiging kalmado ng mga mata niya. Even at that time, noong binabalak ko na siyang saksakin sa likod nang ayaw niyang tanggapin si Ma-ay.. nga lang nang maramdaman niya ang awra mula sa Strike Fear ay ibang usapan na ang nangyari. Kagagaling lang niya sa near death experience tapos paggising niya ay makikita niya ang kanyang long lost sister, then may monste.. ako na nakangiti at gusto siyang patayin, she lost it that time.
-
"Manoy, naisip ko lang. Pwede kaya tayong gumawa ng mga sandata gamit ang elements? Gaya ng ginagamit ni Makaryo na gloves, o kaya yung ginagamit ni Magdalya na palakol. Pwede kayang magawa ang ganong bagay?" Hindi na nahihiya si Ganit na makipag-usap sa akin, well for one.. nasanay na siya sa presence ko, and for another.. I let her do whatever she wants maliban syempre sa paghahanap niya kay Borhe, nakapag-usap na sila ng ate niya na hahayaan na lang na tadhana na ang magtulak sa mga landas nila patungo sa isa't isaa.
Hinagod ko ang buhok niya at ngumiti bago magsalita, "We could, watch this." Nag-conjure ako ng apoy gamit ang Fire Manipulation, with the support of Elemental Manipulation.. nagiging mas precise ang control ko sa spells and I can do this.
Pinanood namin ni Ganit ang isang Maya na gawa sa apoy, pina-ikot ko ito sa paligid at nagulat si Ganit nang padapuin ko ito sa ulo ko.
"Wooooow! Hindi nasusunog ang buhok mo Manoy!" Manghang reaksyon niya matapos makita na ayos lang ako kahit may apoy na hayop na nakadapo sa ulo ko.
It's simple really, ginagamitan ko rin ng fire element ang dinadapuang parte ng fire animal na ginawa ko.. it cancels the effect because sa system ng RPG world nato ay fire doesn't eat another fire pero kapag ibang element ang ginamit ay iba ang magiging effect. Kapag ginamitan ko ng water element ang pinapatungan ng fire animal ay maglalaban ang elements ng dalawang spell, leading to something like explosion or ang isa ay matatalo ng isa, like that.
Gumawa pa ako ng isang example, dahil gusto ni Ganit na amras ang gagamitin, "I-cast mo ang skill, gamitin mo ang element manipulation, ukitin mo ang gusto mong itsura ng armas gamit ang imagination mo, then you can have this."
Isang four meter long Kampilan ang ginawa ko, nakalutang pa ito sa ere.. I wrapped my hand with another fire element then I grabbed the Fire Kampilan, "Mag-cast ka ng fire element sa kamay mo, good.. now try holding this." Ipinasa ko kay Ganit ang ginawa kong armas, ilang sandali pa ay iwinawasiwas na niya ang Fire Kampilan.
If you're wondering bakit kailangang gumamit ng fire element habang hinahawakan ang Fire Kampilan ay dahil hindi nagdi-differentiate ang skill kung ikaw man ang user o ang kalaban. Remember the time na ginamit ko ang skill ni Biloy? I blew up my own hands matapos kong bitawan ang skill, I've tried several times at ang pinaka malaking damage na natanggap ko ay noong ginamit ko iyon sa paa ko. Nakagawa ako ng 5 meter deep, almost 12 meter wide hole sa lapag kapalit ng dalawa kong paa. Awesome right?
You can kill yourself gamit ang sarili mong spells, oh and by the way.. nakaisip na ako ng paraan para hindi ako masyadong madamage kapag ginagamit ko ang skill ni Biloy, pinataas ko ang level ng Harden Skin - nakuha ko nung binubugbog ako ni Ma-ay sa club buildings. Using the skill, namiminimize ko ang damage and at that time, sinampal ko ang sarili ko. Why? Bakit kasi kailangan kong gamitin ang sarili kong katawan para pakawalan ang skill, and so I've adapted the skill from a close range skill to a long range skill. Kailangan ko lang naman ipunin ang power and then pakawalan ang skill, hindi ko kinakailangang hawakan o ilagay sa katawan ko ang power kaya kina-cast ko na siya from a distance away and kapag binitawan ko ang control.. it goes, kaboom!
-
Tinapos ko ang lecture for today dahil gagawin ni Ganit ang skill gamit ang iba pang elements, that should be enough para ma-occupy ang oras niya for the whole day. Nagpaalam na ako dahil binabalak kong puntahan ang nireport ng mga alagad ko, nakita raw nila ang isang babae na nakikipaglaban sa mga monsters, 10 vs 1! That girl, for sure is a power house. Namataan daw nila ang babae na pumunta sa Grade 8 building, and sana hindi pa niya tinatapos ang boss ng spawn point, what's more.. may mga players kaming pinapalevel doon.
Binuksan ko ang telepathy at minessage si Ma-ay na magmadaling pumunta sa Grade 8 Building, napatigil ako nang sumigaw si Ma-ay sa utak ko na ako ang magmadali, halos matumba ako sa lapag dahil sa tindi ng inis na naramdaman ko mula sa isipan niya. Damn, what the fuck is going on there. Narating ko ang Grade 8 building within a minute at nasaksihan kong nakikipaglaban si Ma-ay sa isang babae. Maraming bangkay sa lapag at kasama na doon ang katawan nina Makaryo at Magdalaya, nah.. those two are still alive, barely.
Is that what I think it is?
"Wrahahaha! Hmm? Sawakas nahanap na rin kitang NPC ka! Ikaw ang Moon God's Lover diba?"
Holy mother fucker! Tama nga ang hinala ko, may liwanag na pumapalibot sa katawan niya at nakakasigurado na ako ngayon na gawa iyon sa moonlight. NPC? What the fuck? Kinilabutan ako bigla nang tumalon si Ma-ay papunta sakin at inakbayan ako.
"Moon God's Lover ha.. babyboy, marami ka talagang hindi sinasabi sa akin ha. Hindi ko siya kayang talunin, at may pakiramdam akong babae mo siya. Isa ba siya sa mga creation mo? Ang sabi mo sa akin ay dalawa kaming babae, siya ba yung isa?"
Parang malamig na pag-ihip ni kamatayan ang naramdaman ko nang tumama ang hininga niya sa tainga ko. Hindi ko na muna pinansin si Ma-ay at nag-focus ako sa babae, Ma-ay can't beat her? How?
"Identify!"
'Identify!'
[Klawdya Mangapi Lvl.39]
Race: Human
Gender: Female
Title: Hunter, Babaylan, Self Entitled, Wild Flower, Mad Killer, ??? ????
Health Points: ????
Mana??
Sta???
???
???
????
-
Holy shit!
Mother fucker!
Pinaulanan ko ng mura ang babae dahil bukod sa pangalan, race, gender na walang kwenta ay mga titles lang ang information na nahugot ko mula sa Advance Tier na Identify! Damn.. at ano daw? Identify? Shit.. ginamitan niya ako ng Identify!
"Klawdya bakit puro tandang pananong ang mga nakikita mo sa status screen niya? Di bale Klawdya, sinasabi ng Babaylan na siya nga ang Moon Lover. Hoy, ikaw NPC! Asan na ang skill upgrade ko?"
Abay putangina talaga! Nagkatinginan kami ni Ma-ay at nagkasundong baliw ang isang ito. Phew, nakahinga ako ng maluwag dahil nawala ang inis sa mukha ni Ma-ay at napalitan ito ng kaseryosohan, maski ako.. mahirap kalabanin ang isang baliw, kaya nilang gawin ang lahat dahil walang pipigil sa baliw nilang utak at walang magsasabing hindi tama ang ginagawa nila. Wait a minute.. something is not right with that. Hmm, whatever.
Pinilit kong intindihin kung ano ang pinagsasasabi ng baliw na babaeng ito pero kaunti lang ang nakuha ko, "Hindi ako NPC, at anong skill upgrade ang sinasabi mo? Nasa title mo ang Babaylan pero parang iba ata ang kausap mo, are you nuts or something? Nuts, nuts.. nuts! Mood Goddess?"
------
Nang marating ni Klawdya ang building na ito ay maraming players ang nakikipaglaban sa mga halimaw na gumagala sa lugar, sinubukan niyang kausapin ang mga tao at gusto niyang humingi ng tulong pero bigla na lamang may umatake sakanya at sinabing sa hunting team nila ang spot kaya dapat na siyang umalis. Napikon agad si Klawdya dahil ilang araw na niyang hinahanap ang Moon Lover pero hindi niya ito mahanap hanap, dala ng pagkainis ay inundayan niya ng suntok ang player, tumilapon ito at nang bumagsak ay patay na.
Hindi alintana ni Klawdya na pumatay siya ng isang player dahil ang nasa isipan niya ay mag-rerespawn lang naman ito kung saan, gaya ng mga halimaw na kinalaban niya ng mga nakaraang araw ay hindi sila nauubos dahil nag-rerespawn lang sila. Inumpisahan niyang ubusin ang mga players sa loob ng silid at ilang segundo lang ay patay na silang lahat.
Nagpatuloy ang pag-ubos niya sa mga players na nakakasalubong niya hanggang sa may dalawang malalakas na players ang nakatunggali niya. Nahirapan siya dahil sobrang galing at pino ng kooperasyon ng dalawa kaya naman napilitan siyang gamitin ang skill na ibinigay sakanya ng Moon Goddess, gamit iyon ay ilang minuto siyang nakipaglaban hanggang sa matalo niya ang dalawa.
Nang gusto na niyang pabalikin sa spawn point ang dalawang player ay may dumating na isa pa, isang babae at mas malakas ang player na dumating kaysa sa dalawa niyang nakalaban. Ilang minuto lamang sa loob ng kanilang paglalabanan ay napansin na ng bababe na hindi niya kayang talunin si Klawdya, hindi dahil mas malakas ito o mas mabilis. May kapangyarihang pumuprotekta kay Klawdya at iyon ang dahilan kung bakit hindi siya magawang talunin ng babae.
Dumating ang Moon Lover sa silid at nalaman niyang magkasama ang dalawa, "Sawakas nahanap na rin kitang NPC ka! Ikaw ang Moon God's Lover diba?" Pinanood ni Klawdya na parang nagtatalo ang dalawa pero hindi na niya problema iyon. Hiningi niya ang skill upgrade na sinasabi doon sa misc ng mga skills niya.
Nagulat siya nang gamitan niya ng Identify ang Moon Lover dahil bukod sa pangalan ay wala na siyang iba pang impormasyon na nakikita sa status screen maliban sa mga tandang pananong. Nagtaka siya pero hindi na importante pa iyon, ang pinakaimportante sa ngayon ay makuha niya ang skill upgrade, at nang marinig ni Klawdya na banggitin ng lalaki ang Moon Goddess ay lalong umigting ang kagustuhan niyang mapasakamay ang skill upgrades.
-
Pinanood ni Hiraya ang babaeng baliw at inobserbahan ang mga susunod nitong ikikilos, napansin niya rin na gaya niya ay iyon din ang ginagawa ng baliw na babae. Kumunot ang noo ni Hiraya at sinenyasan si Ma-ay na ihanda ang sarili, pero nang dahan dahang lumapit ang babae na walang taglay na malisya sa mata ay napahinto si Hiraya, pinigilan niya ring umatake si Ma-ay at inantay niyang makalapit ang baliw na babae sakanya.
Tinanggal ko ang nakalagay sa mga title na Before the Storm. Madami pa palang hindi nasama sa story, so pasensya na.