webnovel

Kabanata 3

BIGLA siyang napapreno ng biglang may tumawid na tao. Muntik pang maihampas sa hawak niyang manibela ang mukha niya, dahil sa mariin niyang pagkakapreno. Mabuti nalang at nakaseat belt siya, maski ang mga kasunod niya sa daan ay sunod-sunod ang businang ginawa. Dahil nasa kalagitnaan siya ng highway, mariin niyang ikinurap-kurap ang mga mata.

Namalikta lang ba siya, nakakatitiyak niyang may lalaking dumaan sa harapan niya. Hindi siya puweding magkamali, hindi niya pinangkinggan ang sunod-sunod na busina ng ibang kotse na nasa likuran ng minamaneho niya. Mabilis niyang inalis ang pagkakabit ng kanyang seat belt, agad siyang  bumaba pagkatapos, kahit nangangatog pa ang mga tuhod niya sa sobrang kaba na sumalakay sa kaniya. Dahilan niya'y baka may nabangga siyang tao ng hindi niya namamalayan. Sakop kasi ng kung sino man ang isip niya kanina.

Nagpalinga-linga siya, ngunit ni anino ng lalaking nakita niya kanina ay wala. Dumukwang pa siya para tignan kung may pumailalim sa ilalim ng kaniyang kotse, ngunit wala rin siyang nakita.

"My God para akong tanga!"inis niyang sita sa sarili, habang naiiling. Nakita niyang inunahan na siya ng mga kasunod niya. Lalong nasira ang araw niya, dahil tiyak niyang late na siya. Unang beses siyang naatraso sa trabaho, malinis ang record niya sa totoo lang. Kahit may sakit ay pumapasok siya. Madalas din siyang magovertime, minsan hindi niya rin ginagamit ang day off niya. Wala rin kasi siyang pagkakaabalahan pag-uwi. 

May mga kaibigan siya, pero busy na ang mga ito sa kani-kanilang pamilya. Siya na lang ang natitirang single sa lahat ng mga kaibigan niya, sa ngayon kapag umuuwi siya at hindi madalaw ng antok ang tangi niyang pinagkaka-abalahang gawin ay ang pagpipinta.

Kumukuha rin siya ng sideline sa pageedit ng manuscript, kahit kadalasan ng tambak na sila sa opisina. Gusto niyang abalahin ang utak, para hindi niya naiisip ang lalaking laging nasa panaginip niya. Sa isang sikat na Publishing House siya nagtratrabaho, kung saan kadalasan mga aspiring writer ang lagi nilang inihahandle. ASPIRING WRITER SHINE PUBLISHING HOUSE ang pangalan ng pub. house na pinagtratrabahuhan niya. Mahigit tatlong taon na rin siya sa kumpaniya, kaya kilala na siya bilang editor in chief sa department nila. Kilala siya bilang outstanding performance employee, dahil na rin sa didikasyon niya sa kaniyang trabaho.

Agad na siyang pumasok sa kotse pagkatapos, akmang papaandarin na niya ang kaniyang kotse ng bigla na lang may kumatok sa bintana niya. Laking pagkamangha niya sa sampung taon na wala silang communication nito ay bigla na lang ito susulpot na parang kabute. Sa mismong highway pa!

Nagulat pa siya ng bigla nitong binuksan ang pintuan ng kaniyang kotse at agad itong pumasok at nagseat belt.

"Tara Carreline madami tayong pag-uusapan,"maiksing sabi nito. Sa harap ito nakatingin ni hindi man lang siya tinapunan ng pansin.

"Hoy sino ka ba mister? Hindi kita kilala kaya umalis ka sa kotse ko. Nang ayaw mong ipadampot kita ngayon mismo sa mga pulis na nasa daan!"Inis niyang sita dito. Nagmamang-maangan pa siya, malay niya ba kung anong trip nito. Muling bumangon ang kinikimkim niyang tampo sa binata. Hindi niya maunawaan, ngunit sa sampung taon na lumipas ay tila nawalang bula ang hinanakit niya rito. Lumamang sa dalaga ang kuryusidad kung bakit bigla itong bumulaga sa kaniya na parang kabute.

"Huwag ka ng magtanong Carrieline, malayo ang pupuntahan natin. Alam kong natatandaan mo pa ako. Kung ako sa iyo, agad ka ng pumunta sa opisina para pansamantalang magsabi na magli-leave ka, dahil masyado ka ng stress."matalinghaggang sabi nito sa kaniya, bigla ay nakaramdam ng kaba si Carrieline.

Bakit alam nitong stress siya at kailangan niyang magunwind? May kakayahan ba itong makabasa ng utak? Alam niyang misteryusong tao ito noon pa man. Pero hindi niya aakalaing ganito ito kabilis mag-isip.

Kahit nag-aalangan ay tahimik nalang siyang nagdrive papunta sa opisina, maski ito'y tahimik sa kanyang tabi. Agad niyang ipinarada ang kotse sa parking lot ng kanilang building pagkatapos. Ewan ba niya sa unang pagkakataon na nagkita sila nito ay agad na nitong nakuha ang loob niya.

Tila ba sa mga sandaling iyon pakiramdam ni Carreiline ay matagal na silang magkakilala ni Toshiro na parang nagkita na sila dati? Weird pero iyon ang nararamdaman niya ng mga oras na iyon.

"Sige diyan ka muna at kakausapin ko pa si Boss,"pamamaalam ni Carrieline rito, habang kasalukuyan niyang kinakalas ang kaniyang seat belt. Mabilis niyang liningon ito, ngunit sa pagkagulat niya wala na ito sa loob ng kaniyang kotse. Nagpalinga-linga pa siya, nakita na lamang niyang baklas na ang seat belt na isinuot nito kanina.

Kahit takang-taka at ginagapangan siya ng kilabot ay minabuti nalang niyang lumabas ng kotse. Agad siyang pumunta sa opisina ng kaniyang big boss. Bagamat biglaan ang kaniyang pagpapaalam ay naintindihan siya nito. Isa siya sa mga inaalagaang employee sa kanilang Department at iyon kasi unang pabor niya sa mahigit tatlong taong pagtratrabaho niya sa kumpaniya.

Isinisilid na niya ang ilan sa mga mahahalagang dokumento niya sa trabaho ng biglang may mahulog sa kaniyang dala-dala. Laking pagtataka niya matapos damputin iyon at matitigan niya ito. Dahil isang napakalumang larawan iyon. Sa litarato ay may apat na batang naroroon, mga pawang nakauniporme. Pinasingkit niya ang mga mata upang aninagin ang bawat imahe ng mga batang nasa litrato, dahil madilim sa parteng kinaroroonan niya.

Ngunit laking gulat niya ng biglang may magsalita mula sa kaniyang likuran. Tila linukuban ng malamig na hangin ang lugar na kinaroroonan niya.

"Halika na Carrieline, mahaba pa ang oras ng paglalakbay,"halos pabulong nitong wika sa may dilim. Inis niyang binalingan ang puwesto kung saan nanggaling ang tinig nito. Tuluyan nakilala ni Carrieline ang tinig na iyon. Lantaran na siyang napasimangot.

"Ano ka ba naman Toushiro! Papatayin mo ba ako sa sindak? Bigla-bigla ka nalang nagsasalita diyan!"Gigil na sabi ni Carrieline, habang muli na niyang isinilid ang nakitang larawan sa kaniyang bag.

Isang matipid na ngiti na lang ang namutawi sa labi ni Tosh at sinabayan na sa pagpasok si Carrieline sa kaniyang kotse.

Siguiente capítulo