webnovel

PROLOGUE

Maliwanag ang buwan na nakatunghay sa madilim na langit. Rinig na rinig ang paggabing hayop sa kapaligiran, nababalutan ng katahimikan ang buong kakahuyan. Nangangamoy ang kakaibang simoy dahil sa katatapos lang na ulan. Mahihinang yabag ng paa ang maririnig sa maputik na daan, kung saan patungo siya sa kaniyang pakay.

Hindi niya alintana ang masukal na daan, maging ang mga siit at dawag na kumakapit sa kaniyang suot na jacket. Hawak niya sa kabilang kamay ang ballpen at katamtamang laking notebook kung saan isinusulat niya ang bago niyang nobela na ipapasa sa gabing ito.

Tatapusin niya ang pagsusulat sa natura niyang akda. Makalipas ang ilan pang lakaran ay nakarating din siya sa pinakadulong bahagi ng kanilang lupain. Dahan-dahan niyang binuksan ang tarangkahan ng lumang gate ng bahay. Marahan niyang iginala ang paningin sa paligid, kitang-kita niya ang matataas ng tabas ng damo sa kapaligiran pati ang mga tanim na bulaklak na nasa umaabot na sa mataas na bahagi ng bahay. Mabilis niyang ipinagpag sa harapan ng bahay ang maputik niyang sapatos.

Mag-a-alas-onse na ng gabi kaya hindi niya alam kung gising pa ang taong pakay niya. Marahan niyang kinatok ang pinto sa paraang maririnig ng taong nasa loob. Mayamaya, narinig niyang nagbukas ang lock ng pinto. Dahan-dahan niyang pinihit ang seradura ng pinto kasabay ng kaniyang pagpasok. Agad niya ring isinara ito, pagkatapos ay iginala ang tingin sa paligid.

Napadako ang sulyap niya sa lalaking nakaupo sa wheel chair na malapit sa hapagkainan. Mataman itong nagtitimpla ng kape. Marahan siyang lumapit dito nang makita niyang pilit nitong inaabot ang garapon ng asukal.

Binuksan na rin niya ito saka ibinigay sa kaharap, S-salamat, masiyado kong naipagitna kaninang umaga to.

Tumango na lang siya nang wala siyang maapuhap na sasabihin dito. Minabuti na lang niyang umupo sa kaibayong silya na katapat nito. Pinagmasdan niya ang bawat galaw nito, kung gaano na ito kakupad. Hindi na ito katulad noon. Ngayon. halos hindi na ito makagalaw nang maayos. Bukod sa may edad nay nadali pa ito ng sakit na stroke.

Marahan niyang ipinitik-pitik sa lamesa ang hawak na ballpen. Kung bibilang pa ng ilang taon ay tiyak niyang magiging alagain na ito.

Dahan-dahang inilagay nito sa lamesa ang tinimplang kape, nag-alis muna ng bara sa lalamunan bago ito magsalita. So, kumusta ang araw mo Dexter? May susunod ka na bang plano para kay Lydhiemay?

Marahan niyang idinantay sa labi ang kapeng ibinigay nito bago niya sinagot ang tanong.

Meron na po pero bago iyon may tatapusin muna ako, bigkas ni Dexter habang marahan niyang pinagsasalikop ang mga daliri, at saka ito idinantay muli sa lamesa.

Matamang pinagmasdan ng matandang lalaki ang mga kamay ni Dexter. Mababanaag sa mga mata nito ang kalituhan. Marahan nitong ipinihit ang wheel chair palayo sa binata. Dahan-dahan namang tumayo si Dexter upang sundan ito. Nasa mga mata niya ang pinaghalong emosiyon, pait, awa at lungkot ngunit nanaig ang sigaw ng budhi niya. Ilang dipa na lang siya mula rito nang kusa itong napatigil. Matapos itong tumigil sa tapat ng bintana ay akma na sana niyang ilalabas ang nakatagong katana nang magsalita ang matandang lalaki.

"Alam kong darating ang araw na ito, Dexter. At nakahanda na ako sa ano mang mangyari magmula nang araw na ibinigay ko sa iyo ang katana." Dahan-dahan itong pumihit paharap kay Dexter. Nasa mga mata nito ang kalungkutang ngayon lang nakita ng binata.

"Magmula nang ipinagbuntis kayo ng Mama ninyo ay lihim akong sumubaybay. Inilayo siya ng iyong abuela at abuelo nang malaman nilang bigla akong nawala sa pinaglagakan nila sa akin. Maumpluwensiya ang angkan na pinanggalingan ko, Dex. Lahat ng taong sakop ng aming lupain sa Samar ay nangingilag marinig lamang ang aming pangalan. . ." patuloy nitong pagsasalaysay.

Marahang ibinaba ni Dexter sa tabi ang hawak na katana. Hinayaan niyang magsalita ito.

Itinuloy ng matandang lalaki ang sinasabi matapos masigurong makikinig na si Dexter sa kaniya. "Hanggang sa napag-alaman kong dito nga idinala ang Mama ninyo. Lihim kong kinausap ang may-ari ng lupa na ipagbili sa akin ito ngunit hindi nito basta ibinenta sa akin at naging matigas. . . "marahan nitong ipinihit ulit paharap sa bintana ang wheelchair.

Mataman lang pinapakinggan ni Dex ang lahat ng nais pang sabihin ng matandang lalaki.

". . . Kaya dinaan ko itong muli sa dahas. Ibat ibang klaseng pagpapahirap ang ginawa ko sa kaniya. Maski pamilya niya ay idinamay ko hanggang sa tuluyan na nga niyang ibinenta sa akin ang lupang ito. Kilala mo ba kung sino ang dating may-ari ng lupang ito, Dexter?"

Naninigkit at puno ng pagtataka ang lumarawan sa mga mata ni Dexter. Matapos hindi sumagot ang huli ay minabuti ng matandang lalaki na ipagpatuloy ang pagsasalita.

"Sa Lolo ni Zetch. . ."

Unti-unting nagsalubong ang kilay ni Dexter. Ngayon na niya napagtagpi-tagpi ang lahat na maski itoy ginagamit lang pala siya sa lahat ng makasarili nitong plano. Napayuko siya at dahan-dahang siyang lumapit sa nakatalikod na matandang lalaki.

"Alam mo bang pinakaayaw ko ay iyong gagamitin ako?!" Puno ng galit ang boses ni Dexter.

"Maano naman, Dexter, eh, Ana-" ngunit di na siya pinatapos ni Dexter dahil mabilis niyang dinakma and buhok ng matandang lalaki at tinalupan ang anit nito. Sumirit sa mukha ni Dexter ng dugo. Hindi pa siya nakuntento ay unti-unti niyang ibinaon sa anit ang katana. Puno na ng hiyaw ang maririnig sa kabuuan ng bahay. Patuloy ang pagdanak ng dugo at pilit na inaabot ng matandang lalaki ang kamay ng binata. Makikita sa mga mukha ni Dexter ang labis na kasiyahan sa nagaganap. Kitang-kita niya ang paghihirap sa mukha ng kaniyang biktima. Napuno na ng pinaghalong luha, dugo at laway na tuloy-tuloy na sa pag-agos sa malamig na baldosa.

Nang tuluyang mabuksan na ni Dexter ang ulunan nito ay nag-umpisa nang mangisay ang matandang lalaki. Halos tirik na tirik ang mata at umuunat na ang mga paat kamay nito.

Maluwang ang ngiting hinablot niya ang gumagalaw-galaw pang utak ng matandang lalaki. Matapos niyang maalis ito nang tuluyan sa pagkakakabit sa ulo nitoy unti-unti na rin itong tumigil at nawalan na ng buhay. Pinagmasdang maigi ni Dexter ang hawak na utak, unang beses pa lamang siyang makakahawak kaya tuwang-tuwa ito.

Mabilis niyang inilagay sa malaking garapon ang hawak. Magagamit nila ito sa biology sa paaralan. Matapos isara ay mabilis niyang hinila ang bangkay ng matandang lalaki. Tulad ng dati ay may nakahanda nang hukay para dito.

Agad siyang nagbalik sa loob ng bahay, matapos niyang tabunan ng lupa ang bangkay nito. Mag-a-alas tres na ng madaling-araw kaya lalong lumamig ang simoy ng hangin. Mabilis niyang iginala ang pansin sa paligid, agad siyang kumuha ng panlinis. Tapos na siya sa ginagawa nang mapansin niya ang tasa ng kape nila. Inamoy-amoy niya ang naturang kape. Hindi siya puwedeng magkamali. May iniligay ang ang matandang lalaki sa inuman niya. Iniligay niya ito sa hugasan. Kitang-kita niya ang papasikat na araw mula sa likod ng mga bundok sa hindi kalayuan.

Muli ay nanumbalik ang mga alaala kung saan naging parte ang matandang lalaki sa lahat ng mga plano niyang pagpatay. Maski siyay hindi niya akalaing kaya rin siyang patayin ng sariling ama. Ngunit matalino man ang matsing ay nalalamangan pa rin. Ama niya ito, oo. Ito nga ang nagturo sa kaniya ng lahat-lahat. Pero may isa itong nakaligtaang Ituro sa kaniya, na maski siya ay sarili niya lamang ang nakakaalam. Iyon ay ang hindi pagtitiwala sa kaninuman.

Sa mundong ito, nakalalamang ang mas tuso. Maingat siyang umupo at inumpisahang isulat ang huling kabanata na kaniyang tinatapos.

A/N

Ito po ang ikalawang bahagi/yugto ng sinulat kong "Ang Misteryong Bumabalot Sa Kupas Na Larawan."

Siguiente capítulo