Ken's POV
"Bro, darting din sila. Maghintay ka lang"
Nilingon ko si Joshua dahil sa sinabi niya. Kanina pa namin kasi hinihintay sina Ali at ang mga kaibigan niya dito.
"Kanina pa tapos ang klase nila Bro pero hanggang ngayon wala parin sila"
"Baka naman nag-overtime yung professor nila ngayon" ani naman ni Kyle.
"Kanina pa tapos ang klase nila, nandirito rin iyong mga klaklase ni Ali"
"Baka may ginawa lang sila"
Tumayo na ako upang puntahan sila nang magsalita si Kyle.
"Oh saan ka pupunta?"
"Pupuntahan ko na sila"
"Huwag na, papasok na sila sa canteen"
Tinignan ko kung ang itinuro ni Kyle at tama nga siya papasok na sila sa canteen habang nag-uusap sila ng mga kaibigan niya at tumatawa pa sila.
Napabuntong hininga ako dahil nandito narin sila sa wakas. Kinawayan ako ni Ali at ngunit Ian ko lamang siya.
"Bakit ang tagal niyo" tanong ni Joshua sa kanila ng tuluyan na silang makaupo.
"Bakit ba anong problema mo doon?" pangbabara ni Mikael sa kanya.
"Kanina pa kami kasi naghihibtay dito at puwede ba ayusin mo yung pananalita mo" namula si Mikael sa sinabi ni Kyle.
May ibinulong si Allyssa kina Ali at Mikael na ikinatawa nina Ali at Allyssa na mas lalong nagpamula sa mukha ng kaibigan nila.
"Bakit ngayon ka lang?" tanong ko kay Ali nang maakbayan ko siya.
Inasar naman siya ng mga kasama namin dahil sa pamumula ng mukha niya.
Hanggang ngayon nahihiya parin siya sa akin kapag mayroon akong ginagawa sa kanya.
"N-napasarap lang ang kuwentuhan namin ng mga kaibigan ko habang pagpunta kami rito" nakatungo niyang sagot.
Tinawanan ko siya.
"B-bakit ka tumatawa" nahihiya niyang sabi ngunit nakatingin na siya sa akin ngayon.
"Ang ganda kasi ng Misis ko" mabilis ko siyang hinalikan sa noo.
Ngayon pulang pula na talaga ang mukha niya sa ginawa ko at dahil narin sa pang-aasar ng mga kaibigan niya. Tumingin siya sa paligid kayat tinignan ko rin yung mga tinitignan niya.
Nakita kong may mga taong nandidiri sa ginawa ko habang yung iba ay kinilig naman. Hindi na talaga mawawala sa tao ang manghusga sa mga kapwa nila.
Nakatingin nila sa amin, o mas magandang sabihin na masasama na ngayon ang tingin nila kay Ali.
"Ali" tawag ko sa atensiyon niya.
Hinawakan ko ang mukha niya at hinarap sa akin dahil hindi niya ako magawang tignan dahil sa nangyari.
"How many times should I tell you that don't mind what others think to us. Just let them say whatever they want to say. It's they nature to judge. At siguro naman na bago natin pinasok ang relasyong ito alam na natin na maraming tututol at manghuhusga sa atin. Bonus na lang natin na tanggap tayo ng mga kaibigan at mga magulang natin." tumango siya sa sinabi ko.
Binitawan ko ang mukha niya at hinalikan ko siya sa noo.
"A-alam ko naman iyon. Pero iba pa rin talaga kapag nangyayari na. Okay lang naman kung ako ang husgahan at pandirihan nila kaso pati ikaw nadadamay dahil sa akin. Nadudungisan pangalan mo dahil pumatol ka sa katulad ko, sa isang bakla"
"Parehas tayong nasa relasyong ito kaya sabay natin haharapin yung mga panghuhusga nila sa atin ang mahalaga ay may mga nakakatanggap at masaya parin sa atin" ngumiti siya sa sinabi ko. "Isa pa wala akong pakialam kung madungisan ang pangalan ko na sinasabi nila. Masaya ako sa iyo at mahal natin ang isat isa iyon ang importante" niyakap niya ako ng mahigpit sa sinabi ko.
"Ikaw ha porket boyfriend na kita nananching ka na sa akin lagi." biro ko sa kanya.
Hinampas niya ako at tumawa lamang ako sa sinabi niya.
"Tse"
"Puwede bang kumain muna tayo? Mamaya nalang ang harutan at landiang iyan ah, kanina pa ko gutom eh" tumingin kami kay Allyssa sa sinabi niya.
"Amapalaya lang?" biro ni Joshua sa kanya
Natawanan kaming lahat sa tinuruan ni Joshua.
"Alam mo ka babae mong tao pero ang takaw mo" pang-aasar ni Mikael sa kanya.
"Hoy bakla wala kang pakialam kung matakaw ako, ikaw nga lahat na lang ng guwapo ng lalaki pinapatulan mo, pinakaialaman ba kita?"
"Atleast ako hindi single at bitter bakla." pagababangayan nila Allyssa at Mikael.
"Pagpasensiyahan niyo sa sila ha, ganyan lang talaga sila kapag gutom ay hindi pala ganyan talaga sila kaingay pero masarap naman silang kasama iyon ng lang masisira tenga niyo sa kaingayan nila" biro ni Ali sa amin.
Napahagikhik kami sa sinabi niya.
Napatigil sina Mikael at Allyssa sa pagbabangayan at tinignan nila si Ali.
"Bakla ka, sinisiraan mo kami sa kanila."
"Trinatraydor mo kami Ali" nakita kong inikot ni Ali ang mga mata niya dahil sa pagdradrama ng mga kaibigan niya.
"Ano ba kayo mga bakla, hindi no. Nagsasabi lang ako ng totoo" sumimangit ang dalawa sa sinabi niya habang natawa naman si Ali sa hitsura ng mga kasama niya.
"Mabuti pa kumain na tayo" komento ni Joshua at nagsimula na niyang lantakan ang pagkaing nasa mesa niya.
"I love you" narinig kong bulong sa akin ni Ali.
"I love you too" bulong ko rin sa kanya.
Malambot magsalita at gumalaw si Ali pero lalaki parin siya kung manamit gayon nga lang agad mong malalaman ng hindi siya tunay na lalake dahil para siyang babae kumilos at ang daling mahiya.
"Tama na ngayan kanina pa kami nilalanggam dito oh. Maki ramdam naman kayo" tumawa kami sa sinabi ni Mikael at nagsimula na rin kaming kumai.
I love Ali and I will always do kahit minsan pakiramdaman ko nahihiya siya kapag kasama niya ako.
Despite his sexualities I love this man and I don't care if thiy will call me gay as long as I will be gay only for him, Ali.
*****
Ali's POV
Naglalakad na ako ngayon kasama si Ken dahil nauna ng umalis sina Mikael at Ali dahil kanina pa nagsimula ang klase nila.
Habang ako mamayang alas tres pa ng hapon at si Ken naman ay mamayang two na.
Ihahatid niya ako sa bench na tambayan namin ng mga kaibigan ko.
Sinabi ko nang huwag nalang at pumunta na siya sa sususond niyang klase dahil baka malate lang siya ngunit ang isinagot lang niya sa akin ay, 'Huwag na maaga pa naman at gusto pa kitang makasama'. Syempre ako namn an itong si marupok ayun kinilig ako at pinayagan na siyang ihatid ako rito.
"Dito na ako" wika ko sa kanya ng makarating na kami sa aming tambayan.
"Sigurado ng okay ka lang kahit wala kang kasama?" nag-aalalang tanong niya sa akin.
"Oo naman, magbabasa nalang ako habang hinihintay ko pa ang susunod kong klase. Huwag ka ng mag-alala kaya ko ang sarili ko at wala naman sigurong mangyayari ng masama sa akin dito sa school" paninigurado ko at binigyan ko siya ng nanniniguradong ngiti.
Napasimangot siya.
"Dito muna ako"
"Huwag na baka malate kapa at mapagalitan sa guro niyo ngayon. Maapektuhan ba grade mo at diba nangatayo sa mga parents natin na mas pagbubutihin natin yung pag-aaral natin" bumuntong hininga siya sa sinabi ko.
"Huwag muna akong pumasok ngayon, gusto kitang samahan" nakasimangot niyang wika.
Alam ko naman ang mga galwan niyang ito. Nagpapacute na naman ang loko para pag bigyan ko siya. Gusto ko din siyang magkasama ngayon pero masy klase pa siya kaya kailangan niyang pumasok.
"Ano ka ba Ken, mas mahalaga parin ang pag-aaral na'tin"
"Pero ikaw ang priorities ko, mas mahalaga ka sa akin" namula ang mukha ko dahil sa kilig.
"S-syempre mahalaga ka rin sa akin pero Mas unahin natin dapat ang pag-aaral natin" kinikilig ko paring wika.
"Pero-" pinutol ko na ang sasabihin niya.
"Walang pero pero. Pumasok ka sa klase mo ngayon tapos ang usapan"
Natawa siya sa sinabi ko.
"Tapang natin ngayon Misis ha"
"Ken, hindi ako nagbibiro. Kailangan mong pumasok ngayon" utos ko.
"Sige na dito na lang ako" paglalambing niya sa akin pero nagmatigas parin ako.
"Ken" pagbabanta ko sa kanya.
"Oo na aalis na po ako Misis" natatawang niyang sagot sa akin kayat natawa rin ako.
"Mag-aral ng mabuti ha at huwag na huwag kang mangbababae kundi talagang puputulan kita" pagbiniro ko sa kanya.
Natawa ako ng tinakpan niya iyon at umiling na parang natatakot.
"Misis huwag naman sa iyo lang naman ako ah. Kung puputulin mo ito wala na ang magpapasaya sa iyo at wala ka na ring kakainin, sige ka" pilyo niyang sabi na sinabayan niya pa ng pagtaas baba ng kilay niya.
Namula ako sa sinabi niya. Ito talaga napakabastos.
Lumapit ako sa kanya at piningot ko siya.
"A-aray Misis m-masakit, a-ray bitaw na" pakiusap niya sa akin.
Nakita kong namula ang tainga niyang piningot ko.
"Ikaw talaga Ken kahit kailan manyakis ka" nagiguilty kong sabi dahil pulang pula talaga ang mukha niya ngayon.
"Anong manyak doon, eh totoo naman sinasabi ko na wala ka nang kakainin kung puputulin mo- Hindi na Misis joke lang iyon" pagbawi niya sa sasabihin niya ngunit natakot nang hahampansin ko na sana siya.
"Sige na baka malate ka pa"
"Opo Misis, aalis na ako"
"Hep, huwag kang lalandi ha kundi malilintikan ka talaga sa akin."
"Yes, Misis yes. Your wish is my commamand" natawa ako sa kalokohan niya dahil sumaludo pa siya sa akin.
"Loko-loko" pagtawa ko sa kanya.
"Loko-loko sa'yo" banat niya at kinilig na naman po ang lola niyo.
"Heh, sige na, bye" pagpapaalam ko sa kanya.
"Bago ako umalis nasaan na yung kiss ko sa pisngi" pagpapacute niya sa akin.
"Huwag na" natawa ako dahil ngumuso pa siya dahil sa pag hindi ko.
"Sige na para makaalis na ako. Ikaw din ang may kasalanan kapag bumagsak ako dahil nalate ako dahil hindi mo ako kiniss" pagpapaawa niya sa akin.
Ako pa ba tatanggi sa napakaguwapong nilalang na ito? Hinalikan ko siya sa magkabilang pisngi at sa noo niya.
Napangiti naman ang loko at humirit pa na halikan ko rin daw siya sa labi pero tumanggi na ako dahil baka may makita sa amin.
Nagpumilit pa siya pero nang kukurutin ko na tumigil na siya sa pagpupumilit.
"Sige Misis alis na ako" pagpapaalam niya sa akin.
Nang makalaya na siya ay lumingon siya sa akin at kinawayan ako. Kinawayan ko rin siya at binigyan ko siya ng isang flying kiss at natawa ako ng hinuli niya iyon at itinapat niya sa kanyang puso.
Itinuloy na niya ng paglakad at nang mawala na siya sa paningin ko ay umupo na ako at binuklat ko ang ang librong babasahin ko.
Habang nagbabasa ako ay may nakita akong isang taong nakatayo sa harapan ko. Iniangat ko ang tingin ko upang malaman at makita ko kung sino siya na siya na lamang ikinanuot ng noo ko.
Anong ginagawa niya dito? At mukhang wala siya kasama ngayon ah.
Manggugulo na naman na siya dito?
Imbes na pansisin ang taong nakatayo sa harap ko at ibinalik ko na lamang ang atensiyon ko sa binabasa ko.
"Trying to pretend that you did not saw me, faggot?" naiinis na wika ni Megan sa hindi ko pagpansin sa kanya.
Oo si Megan ngayon ang nasa harapan ko at mag-isa siya ngayon hindi niya kasama ang mga alipores niya na kulang na lang ay magkadikitdikit na sila.
Hindi ko parin siya pinansindahil alam Kong iinisin niya lamang ako.
"Hey I'm talking here, if you have manner look at me. What would I expect a gay like you don't know how to respect others." pang-iinsulto niya.
"Look who's talking. Talking about good manners, really huh? Before you insult me, make sure that whatever you will say to me will not reflect you because that will be totally absurd"
Nainsulto siya sa sinabi ko at kitang kita sa mukha niya ngayon ang pagtitimping saktan ako.
"As you can see I'm busy reading my notes here so if you don't have anything to say, you can leave the gay your talking right now" napairap siya sa sinabi ko.
"You think I didn't saw how you flirt with Ken earlier? And how dare you to kiss him." nangagalaiti niyang sabi sa akin.
Baliw ba ito? Syempre boyfriend ko si Ken kaya malaman pwedeng pwede ko siyang halikan.
"Are you crazy?" sarkastiko kong sabi sa kanya
"Ken is my boyfriend so I have all the rights to kiss him while you?" tinigan ko siya ng nakakainsulto. Kahit ayaw kong gawin iyon pero sumosobra na siya.
"You're just a pathetic jealous bitch who can't accept the truth that the man you love is mine."
Nagulat siya sa sinabi ko maski ako'y nagulat din dahil hindi ko akalaing masasabi ko iyon sa kanya.
Marahil kung nandito ngayon sina Mikael at Allyssa ay magtatalon na sila sa tuwa dahil sa pagsagot sagot ko kay Megan.
Namula ang mukha niya dahil sa galit sa sinabi ko. Nainsulto siya ng tuluyan.
"How dare you to-"
"And one more thing how did you know that I kissed Ken? Are you busy stalking me the whole day because that would be totally creepy?" pagputol ko sa sasabihin niya sana.
Hindi ko alam kung saan ko kinuha ang lakas ng loob para masabi sa kanya ang mga salitang iyon.
"Why would I?" tinaasan niya ako ng kilay.
"I don't know so please if you are just here to insult me or insist me to break up with Ken that I will never do and I never did consider, you may now leave me." diniinan ko ang lahat ng mga salitang iyon
"Whatever" tinalikuran niya ako at umalis na siya.
Napahinga ako ng maluwag ng wala na siya at mas pinagtuunan ko na lamang ang binabasa ko.
Lumipas ang ilang oras ng hidi ko namamalayan dahil napasarap ako sa pagbabasa.
Binuksan ko ang cellphone at nakitang 2: 48 na kaya nagmadali konh iniligpit ang mga gamit ko upang makapunta na ako sa gagamitin naming room.
Tinakbo ko ang pagpunta sa room namin dahil ayaw kong malate at sa hindi inaasahan may nakabangga akong tao dahil sa pagmamadali ko.
Nagkalat sa sahig ang mga librong hawak ko
"Sorry hindi ko sinasadya" paghingi ko ng paumanhin sa kanya nang hindi siya tinitignan dahil agad akong yumuko upang pulutin ang gamit kong nagkalat na ngayon.
"Okay lang hindi rin naman ako nakatingin" narinig kong wika niya. Base sa tono niya ay lalaki ang nakabangga ko.
Habang nagpupulot ako nakita ko siyang tinulungan akong magpulot.
Tumayo na ako nang mapulot ko na ang ilang gamit ko. Ibinigay niya sa akin ang mga gamit kong pinulot niya kanina.
"Salamat" pagpapasalamat ko sa kanya ng hindi parin siya tinitignan dahil inaayos ko parin ang mga gamit ko.
"Walang anuman" tugon niya.
"Ali right?" nakuha niya ang atensiyon ko nang banggatin niya ang pangalan ko.
'Bakit alam niya ang pangalan ko? Kilala ba niya ako?' tanong ko sa sarili ko dahil nagulat ako na alam niya ang pangalan ko kahit ngayon ko lamang siya nakita.
"Kilala mo ako?" tanong ko sa kanya.
"Hindi sa katunayan ay ngayon lamang kita nakita" nagulat ako sa sinagot niya at kinabahan ako.
'Stalker ko ba siya?'
'Huwag ka ngang assumera Ali' panemermon sa akin utak ko.
Iniling ko na lamang ang mga iniisip ko at tinignan ko siya.
"Kung gayon bakit mo alam ang pangalan ko" nagtataka kong taong sa kanya.
Tinignan naman niya ako pababa at nakita kong nakatingin siya sa I.D ko.
"Ah" tumango na lamang ako sa sinagot niya dahil sa pagkakapahiya.
'Ang galing mo talagang mag-assume Ali, nakakahiya ka' sermon ko sa sarili ko. Ngintian niya ako at kitang kita ko ang mapuputi niyang ngipin gaya kay Ken.
Ngayon ko lang din siya napagmasdan ng mabuti at masasabing kong ang guwapo guwapo niya pero walang makakatalo sa kagwapuhan ni Ken, ang boyfriend ko.
"Hello" napabalik ako sa huwisyo ng kumaway siya malapit sa mukha ko habang nakangisi. Hindi ko namalayan na napatitig na pala ako sa kanya ng matagal dahil sa pagkukumpara ko sa kanila ni Ken.
Namula ang mukha ko dahil baka kung anong isipin niya at sabihing pinagpapantasiyahan ko siya na hindi naman talaga.
"H-hi" ewan ko kung bakit ako nauutal pero inisip ko lamang na dahil siguro ito sa pagakakapahiya ko ng mapatitig ako sa kanya.
"I'm Kurt. Kurt Montes. I've just transfere here earlier. Third year. I'm taking Business Ad."
Napatango ako sa sinabi niya. Kaya pala ngayon ko lamang siya nakita ay dahil kalilipat lamang niya ngayon.
Kilala man niya ako ay nagpakilala parin ako. Nakakahiya naman kasi kung hindi.
"Ali. Ali Marquez. Third year din ako and like you. I'm taking Business Ad."
"So there's a big possibility na magiging magkaklase tayo?"
"Yeah?" natatawa kong sagot sa kanya. Ang cute niya kasi ng kumunot ang noo niya.
Tumawa rin siya.
"Sige una na ako baka malate pa ako sa klase ko ngayon." pamamaalam ko kaya't tumango naman siya.
"See you around?"
"Sige, bye." at ipinagpatuloy ko ang pagtakbo pagpunta sa magiging room ko ngayon.