Ali's POV
Dumating na nga ang guro namin at kablock ko sina Ken, Mikaela at Allyssa sa subject na ito.
Habang nagtuturo siya ay hindi ko maiwasang mapatingin kay Ken dahil sa ginagawa nitong pangungulit sa akin.
"Ken ano ba, tumigil ka nga baka mapagalitan tayo ni Mrs. Lorenzo" bulong ko sa kanya.
Kinukulikot niys kasi ang mga daliri ko at kung minsan naman hinahalikan niya ito.
Hindi niya pinansin ang ginawa kong pagsuway sa kanya at pinagpatuloy lamang niya ang ginagawa sa kama ko.
"Ang lambot talaga ng mga kamay mo Ali, parang kamay ng mga babae."
Kinilig naman ako sa sinabi niya.
Napakabolero talaga nitong boyfriend ko.
"H-huwag ka nga" nangnginig kong bulong dahil sa kinikilig parin ako sa sinabi nito.
"Kinilig na naman si Misis"
"H-hindi ah" ewan ko kung naniwala ba siya sa sinabi ko dahil hindi na siya nagsalita.
Nang tingnan ko siya ay may ngiting nakapaskil sa labi nito na sa amin lamang niya ipinapakita.
Napaigtad ako sa aking pagkakaupo ng bigla na naman niyang hinalikan ang kamay ko.
"K-ken" inilbot ko ang paningin ko sa aming classroom at napahinga ako ng maluwag ng walang nakapansin sa ginawa niya.
Binawi ko ang ka may ko mula sa kanya na ikinabusangot ng mukha niya na siyang ikinangiti ko naman.
Hay nako nagpacute na naman po ang loko.
Bakit ba ang guwapo guwapo niya? Iyan tuloy ang rupok rupok ko pagdating sa kanya.
Tinawanan ko lamang siya ng mahina na iknanuoot ng mukha niya.
"What?"
"Wala po. I love you Mister" bulong ko sa kanya.
Nakita kong nagulat siya sinabi ko dahil napatulala siya ng ilang saglit.
Nakita kong namula ang mukha niya.
Nako, kinikilig ang loko.
Tinignan niya ako ng may ngiti sa labi.
"I love you" bulong niya na kahit mahina sapat na sa akin iyon upang akin itong marinig.
"I love you too" I mouthed.
Nagulat ako ng may nagsalita at binanggit ang pangalan ko.
"Is there anything wrong Mr. Marquez?"
Namula ako sa naging tanong ni Mrs. Lorenzo at nakita kong nakatingin na rin sa akin ang iba kong classmate sa akin.
Iyong iba nakangisi sa akin at tinignan nila ako ng matang tila sinasabing...
'Yan kasi ang landi-landi'
'Buti sa kanya, salot'
Ito na nga ba ang sinasabi ko. Tumayo ako bago sumagot dahil ayaw kong masigawan at mapahiya mula sa kanya.
Maapektuhan ang mga grades ko kapag nagkataon.
"W-wala po Mrs. L-Lorenzo" ano ba iyan. Bakit ba ako nauutal.
"Then sit" sabi niya sa akin.
Umupo naman ako at nakahinga ako ng maluwag nang itinuloy na niya ang kanyang klase.
"Mamaya na kasi 'yang lambingang niyo. Iyan tuloy nahuhuli kayo" kantiyaw ni Mikaela sa amin.
"Oras kasi ng klase, iba inaatupag" asar sa akin ni Allyssa.
Mas lalo akong pinamulahan ng mukha dahil sa sinabi nila.
"Tigilan niyo nga siya" napa tingin naman ako kay Ken dahil dito.
Nginitian lamang niya ako at ganon rin ako sa kanya.
Nang matapos na ang aming klase ay nilapitan ako ni Ken.
"Tara na sa canteen gutom na ako" natawa kami dahil mukhaang gutom na nga si Allyssa dahil hinimas himas pa niya ang kanyang tiyan.
"Akin na ang bag mo" nagulat ako ng kunin ni Ken ang bag ko .
"Akin na yan ako na ang magdala" wika ko sa kanya pero hindi niya binigay sa akin.
"Ken" hindi parin niya ito ibinibigay "Akin na ang bag ko"
This time tinignan na niya ako.
"Boyfriend mo ako kaya obligasyon kong aalagaan ka" May kung anong dulot na kiliti sa akin ang sinabi ni Ken.
"Ken hindi kita sinagot para maging alalay ko kaya ibigay mo na sa akin 'yan"
"Huwag ka nang makulit, ako na ang magbibitbit nito. Ayaw kong mapagod ang reyna ko." natawa ako sa ka oa yan ni Ken.
"Hindi naman ako mapapagod sa pagbibit ng bag Ken" natatawa ko paring sabi.
"Kahit na"
"Pero-"
"Wala ng pero-pero tara na". pinutol niya ang sinasabi ko nang hilahin na niya ako palabas ng room.
Hinayaan ko na lamang siya.
Nang marating namin ang canteen ay agad naming nakita sina Mikaela at Allyssa na nakaupo na sa dati naming puwesto.
"Bakit ang tagal niyo?" tanong ni Allyssa sa amin ng tuluyan na kaming makaupo.
Nakita kong may mga pagkain na sa lamesa namin at alam kong sila na ang nag-order ng pagkain namin.
"Ito kasi nakipag-agawan pa sa bag ko" turo ko kay Ken.
Tinignan naman niya ako nang marinig niya ang pangalan niya.
"Syempre ayaw kong mapagod ang reyna ko"
Kahit na kinikilig sa sinabi niya inikutan ko na lamang ito ng mata, para maitago ang aking pagkakilig.
"Kinilig naman ang bruha" tumawa kami sa sinabi sa akin ni Mikaela.
"Tse"
"Alam mo Ken masyado kang Oa minsan, hindi mapapagod tong kaibigan namin dahil lang sa pagbitbit ng bag" sumang-ayon naman ako sa sinabi ni Mikaela.
"Eh bakit ba sa ayaw kong mapagod 'tong Misis ko" depensa niya
"Huwag mo nang pansinin ang sinasabi nitong baklang to. Inggit lang kasi walang gumagawa nito sa kanya."
Sumimangot naman si Mikaela sa sinabi ni Allyssa.
"Ken" nagulat kami nang marinig naming may sumigaw sa pangalan ni Ken.
"Oh bakit?" si Joshua pala ang dumating kasama niya si Kyle, mga kaibigan ni Ken.
"Pinapatawag tayo ni coach" Ani Kyle at napatingin naman kami sa kanya ngunit ang tingin niya ay nakay Mikaela.
Tinignan ko naman si Mikaela at nakita kong pualng-pula na ang mukha niya ngayon.
Hmmm. I smell something fishy here...
Tinignan ko si Allyssa at inginuso ko si Mikaela at tinanong ko siya kung bakit ganon ang reaksiyon ni Mikaela.
Hindi rin daw niya alam. Matanong nga ito mamamaya mukhang may namamamagitan sa kanila ni Kyle at walang balak ata na sabihin ni Mikaela ito sa amin.
"Bakit daw?" napabalik ako sa realidad dahil sa pagsasalita ni Ken.
"May iaannounce ata" Hindi sigurado ng sagot ni Joshua.
Tinignan ko naman si Kyle na hanggang ngayon nakatingin parin kay Mikael. Nagpabilik balik ang tingin ko kina Kyle at Mikael.
Napalingon ako kay Ken ng tumikhim ito at nakatingin na ito ng masama sa akin.
"B-bakit" kinakabahan ako dahil sa pagtitis nito sa akin.
Anong ginawa ko? Bakit ganyan siya makatingin.
"Wala" matalim parin ang pagtitis niya sa akin kayat ibinaling ko na lamang ang tingin ko sa harapan.
"Kumain ka ng marami. Mag-uusap pa tayo mamaya" kinabahan naman ako dahil iba ang tono ng pananalita niya parang galit.
Ay hindi galit pala siya sa hindi ko malaman dahilan.
Tumango na lamang ako sa kanya dahil nakakatakot ang hitsura niya ngayon.
"Sundiin na lamang kita mamaya sa next class niyo. Aalis na kami"
"S-sige" nauutal kong sagot.
Nagpaalam na sila sa amin at nang tuluyan na silang makaalis ay agad akong inusisa ng dalawa.
"Anong nangyari don sa boyfriend mo, parang galit" nalungkot naman ako dahil pati ako ay hindi ko alam ang dahilan kung bakit siya nagkaganon.
Muli kong sinulyapan kung saan Lumabas si Ken.
Miss ko na siya agad. Kakausapin ko nalang siya mamaya baka may pinoproblema lang siya.
"Paanong hindi magagalit yon, nagseselos" napaisip naman ako sa sinabi ni Allyssa.
Nagseselos si Ken? Kanino naman?
"Nagseselos? Bakit" tinaasan lamang niya ako ng kilay sa naging tanong ko.
"Maang-maangan lang?" ito talaga kahit kailan.
Naguhuluhan ako sa sinasabi niyang nagseselos daw si Ken. Bakit naman siya magseselos, diba?
"Hindi ko nga alam" sagot ko sa kanya.
"Nagseselos kasi kanina pa niya pansin na tingin ka ng tingin kay Kyle, alam mo naman iyong boyfriend mo seloso"
Napaisip naman ako sa sinabi ni Allyssa.
Bakit naman siya magseselos eh kaibigan naman niya iyon.
Magpapaliwanag na lang ako mamaya sa kanya kung bakit ko tinitignan kanina si Kyle kung nagseselos nga siya.
At isa pa hindi lang naman si Kyle ang tinitignan ko kanina.
"Tinitignan mo kanina si Kyle?" liningon ko naman si Mikael.
Tinaasan ko siya ng kilay sabi na nga ba may kakaiba sa kanilang dalawa.
"Correction. Kayong dalawa ang tinitignan ko kanina" pagtama ko sa kanya.
"Bakit mo naman kami tinitignan, aber?" tinaasan niya rin ako ng kilay.
"Nakita ko kasing titig na titig siya sa'yo kanina, may hindi ka ba sinasabi sa amin Mikaela?"
Hindi siya nakapagsalita at namula ang buong mukha niya sa naging tanong ko.
Napangisi ako. Sabi ko na nga ba eh.
"Pulang pula rin ang mukha mo kaninang nakatingin siya sa'yo" Mas lalong namula ang mukha niya ng sumali si Allyssa sa pang-aasar ko sa kanya.
"Dali magkuwento ka" tumingin naman sa akin si Mikaela.
"A-ano naman ang i-kukuwento ko sa inyo" sagot niya na marahil ay nagsisinungaling.
"Sinungaling" pang-aalaska ni Allyssa.
"H-hindi ah" depensa niya.
"Dali na kasi" pinilit namin siya ng pinilit hanggang siya na mismo ang sumuko.
"S-sige na magkukiuwento na ako" tumahimik naman kami ni Allyssa at hinayaan siyang magkuwento.
Kinuwento sa amin ni Mikael ang nangyari sa una hanggang sa kahuli-hulihang detalye. Nakinig kami sa kanya ng mabuti kahit na kanina pa namin pinipigilang tumawa dahil sa mga kinukuwento niya sa amin.
Nang matapos na niyang magkuwento sa amin ang lahat halos mamatay na kami sa kakatawa ni Allyssa habang si Mikaela naman ay pulang-pula ang mukha at hiyang-hiya dahil sa nangyari.
"Nakakahiya ka Mikael" tumatawang wika ni Allyssa.
Tumigil kami sa kakatawa nang napansin naming halos lahat ng estudyante ng kumakain ay nakatingin na sa amin.
Ngayong lang ako nabalot ng hiya ng mapagtanto ko ang kakahiyang ginagawa namin. Nakakahiya ang iingay namin.
Kami naman ngayon ang pinagtawanan ni Mikael ngunit mahina lamang iyon.
"Iyan kasi ang iingay niyo, nakakahiya kayo"
Tumawa kaming tatlo dahil don.
"Kumain na nga tayo, gutom na ako" ani Allyssa
Nagsimula na kaming kumain at nang matapos kami ay lumabas na kami at nagtungo sa tambayan namin.
Mamaya pang two ang susunod naming klase ni Allyssa habang si Mikael ay mamayang ala una na.
Nagkuwentuhan muna kami upang malibang kami dahil marami pa naman kami oras sa susunod naming klase.