Gaya ng mga nakaraang araw ng kanilang paglalakbay ay iniiwasan nila ang mapadaan sa mga lungsod.
Dahil kasama ang araw na ito sa tatlong araw na ipinayag ng totoong prinsipe ginamit din naman iyon ni Aya na pagkakataon upang magsanay ng salamangka. Tuwang-tuwa naman ang mga kasama nilang mga kawal sa ginagawa niyang pagpapalutang ng mga nadadaanang sanga o kung ano mang nalalaglag na sa lupa.
"Natutuwa akong makita ang kasanayan mo sa pagpapalutang." Masayang wika ng nagpapanggap na prinsipe at siyang nakasakay sa karwahe.
"Ang pagpapalutang ang pinakaunang dapat na matutunan sa pag-aaral ng salamangka kaya naman ay itinuturing itong pinakamababa." Pagbasag naman ng totoong prinsipe sa kasiyahan ng lahat. Bilang nagpapanggap na tagapagbabtay ng prinsipe ay sakay ito ng kabayong nasatabi ng karwahe ng ginoo.
"Bakit kaya hindi ka nalang maging masaya?" Naiinis na tanong ni Aya dito. "Pero wag na, baka ang pangit ng pagmumukha mo pagngumiti ka."
Mulang nagkatawanan ang mga kawal na lalo namang ikinagalit ng totoong prinsipe.
"Tigil!" Natahik silang lahat ng marinig ang pagsigaw ng isang salamangkero na nasa unahan nila at nahinto narin sila sa paglalakbay. "Hanggang dito na lamang kayo!"
Nagsilabasan sa mga malalaking puno ang iba pang mga kasama nitong salamangkero.
"Sino ba kayo ha?" Tanong ni Makoy bilang siya ang nasa unahan nila. "Mga lapastangan."
"Sa sino mang sakay ng karwahe ay iminumongkahe kong huwag na kayong tumuloy sa Paldreko kung nais niyo pang mabuhay." Lumabas din sa kakahuyan ang isang salamangkero na nakikilala ni Aya.
"Ginoong pinuno, hindi ko alam ang iyong ngalan ngunit natatandaan kong ikaw ang pinuno ng mga salamangkero na nagbantay din sa prinsipe ng nasa hangganan pa ito." Malakas na wika ni Aya habang pinapalakad ang kabayo papunta sa unahan ng hindi si mamaos sa pakikipag-usap sa mga salamangkero.
"Hindi ka nagkakamali binibining punong pangkat." Tugon naman ng pinunong iyon.
"Mawalang galang na ngunit alam niyo po kung sino ang tinutukoy ninyong sakay ng Karwahe na ayaw niyong patuluyin sa Paldreko?" Si Aya ulit.
"Hindi ko nais na alamin pa iyon." Sagot naman ng pinuno na mukhang alam nga nitong buhay ang prinsipe at hindi nahunog. "Sa pagkakaalam ko ay binigyan ko na siya ng pagkakataong tumakas at mabuhay bilang karaniwang mamamayan ng kaharian ngunit hindi ko lubos akalaing magtatangka parin siyang makabalik ng Paldreko marahil ay dahil sa inyong pamimilit upang makuha ninyo ang inyong heneral."
"Isinasaayos lamang namin ang pagkakalay ng mga palamuti upang hindi magulo sa paningin." Wika naman ni Aya.
"Hindi ba't maayos sa paningin kung ilalagay mo ang palamuti sa dapat naman nitong kalagyan? Ngayon sagutin mo ako kung dapat bang maging Hari ang isang sakiting at lampang salamangkero? Dapat bang maging tagapagmana ng kaharian ang isang mahinang prinsipe? Hindi ba't dapat lang na ang isang hari ay siyang pinakamalakas at makapangyarihan sa boong kaharian?" Sunud-sunod na tanong pinuno hindi lamang kay Aya kundi sa lahat ng nakakarinig.
"Sa kasawiang palad ay magkaiba tayo ng panananaw," sagot ni Aya at natahimik ang lahat at nagnanais na marinig kung ano nga ba ang panannaw ng isang punong kawal. "Ang totoong kapangyarihan ng isang pinuno ay ang tiwala sa kanya at ang isang hari ay pinuno ng lahat na ang tunay na kapangyarihan at lakas ay hindi ang sarili kundi ang mamayan nito. Kung nais mo ng laban ay ipagkakaloob yun sayo ng prinsipe."
Nagulat ang mga kawal ng biglang lumabas sa karwane ang magpapanggap na prinsipe at lumipad papunta sa kinaruroan ni Aya na nasa unahan. Mabilis itong nagpalabas ng salamangka na pumalibot sa liig ng pinuno ng mga salamangkero ng hindi man lamang ito nakapalag.
"Ginoong pinuno," tawag dito ng ginoong walang pangalan at pinaninindigan ang pagpapanggap bilang prinsipe. "Nais ko lamang linawin na ikaw ang pinagbigyan ko pang mabuhay ngnit hito ka at muli ka na namang nagpakita at humarang pa sa dinaraanan ko. Bilang karapat dapat na tagapagmana ng Hari ay muli kitang bibigyan ng pagkakataong magpasya ng papanigan."
Ibinuhos ng pinunong iyon ang lakas nito at nagawang wasakin ang salamangka ng ginoo.
"Sugod!" Sigaw pa nito
"Lumayo kayo!" Sigaw naman ni Aya sa kanyang mga kawal na sadyang walang kalaban-laban sa mga salamangkero.
Kaagad namang sumunod ang ang mga kawal ni Aya at silang dalawa na lamang ang naiwan at pinaligiran ng mga kalaban.
"Kaibigan ilalabas kita dito ako na balaha sa mga ito." Wika ng ginoo sa kanya.
"Hindi." Pagtanggi naman ni Aya. "Tutulungan kita."
"Diba tagapagsilbe ka ng prinsipe? Ba't hindi ka kaya tumulong sa kanila't makita naman namin ang ipinagmamalaki mong salamangka." Tanong ni Kalo sa totoong prinsipe na tulad nila ay umatras din ito at hito ngayon nanunood lamang silang lahat.
"Kung nasa hanggan lamang ito ay samasama kaming lalaban ng pinunong pangkat." Wika naman ni Makoy.
Nakita nila ang mabilis at sabay-sabay na pagsunog ng mga salamangkero kina Aya at sa ginoo. Laking gulat ng totoong prinsipe ng biglang pumaere si Aya na animoy isang malahibo lamang na sumasabay sa pag-ihip ng hangin at hawak ni Aya ng ginoo balikat sa pagkakataong iyon at kasamang lumutang.
Hindi magawang makapikit nilang mga nanood at baka may pangyayaring hindi makita ng kanilang mga mata.
Nagliliwanag naman ang mga kamay ng ginoo at nagbilim ang paligid habang sila ay nasa ere.
"Ang lakas ng loob mong ipakita ang iyong kakayahan!" Ang pinuno naman ng mga salamangkero habang naghahanda narin sa ganti ng inaakala niyang prinsipe.
Naglabasan ang mga kidlat papunta sa baba nila na kinaruroonan ng salamangkero ngunit bago iyon tumama ay nakapaglabas ng harang ang mga salamangkero.
"Walang hiya." Ang nasabi naman ni Kalo.
"Ano mang sandaling naisin niya ay maaari patayin niya ang mga salamangkero." Wika ng totoong prinsipe ang tinutukoy ay ang ginoong nagpapanggap na siya. "Boo ang kanyang salamangka dahil hindi niya kailangang maglaan para sa paglipad, idagdag pa na pinapagaan din ni Aya ang paglabas ng mga salamangka niya."
"Wag mong sabihing humahanga kana sa aming pinunong pangkat?" Si Makoy naman.
Napangiti ang ginoo sa ginawang ng mga salamangkero na pagharang sa kanyang sapamangka at samasama parin ang mga ito sa ilalim nila.