webnovel

Chapter 4

Kairo Gray

Puting kisami ang bumungad sa'kin pagmulat ko. Bakit ako nandito? Naramdaman ko na may oxygen palang nakakabit sa'kin. Nasa hospital ako? sinubukan kung alalahanin ang nangyari. Bakit basa ang noo ko? Pinunasan ko nalang ang noo ko gamit ang wipes.

Aaminin ko matagal na akong nasisinungaling kay kiari. Simula ng bumalik ako sa school after ng funeral ni Mommy. Sinubukan ko naring maghanap ng part time jobs. Namasukan ako sa coffee shop kaso hindi pumasa ang performance ko. Ang pag dedeliver lang ng yello do'n ako na tangap. Kaya kapag uwian dumidiretso ako sa wet market lagi rin akong nag babaon ng extrang damit para hindi madumihan ang uniform ko at para walang ibidensya. Sa subrang pagtratrabaho ko minsan narin akong hinimatay sa wet market na hospital ako no'n. at yon yung araw na nadatnan ako ni kiari na kumakain. Nagmadali lang akong lumabas sa hospital no'n para hindi sya magalala na nagabehan ako. Naiinis ako kay kiari pero naiintindihan ko rin siya. Gusto kung tulongan sya kahit na ako nalang magpaaral sa sarili ko. Maya maya may kumatok sa pinto. Pumasok ang isang nurse at e chineck niya ako at may itinurok sya sa dextrose ko.

"Sir kailangan niyo po ng pahinga hindi po nakaya ng puso nyo ang pressure at subrang pagod." Pagkatapos niyang masalita lumabas na sya. Pahinga? pa'no ang pagaaral ko? ang bill sa hospital? Sana pala sumunod nalang ako kay Kiari naging pabigat nanaman ako. Teka nga pala asa na ba sya? Mag iisang oras na simula ng gumising ako wala parin sya. Gusto ko na syang makita para makahingi ng tawad sa kanya. Hindi ko naman sya ma text kasi lowbat ang phone ko. Maghihintay nalang ako hindi naman ako papabayaan no'n e.

Nakatulog na ako sa kakahintay sa Kiari pero hindi parin sya dumating. Maya maya bumukas ang pinto pumasok ang isang babae. May bitbit syang food tray halata sa pananamit niyang mayaman sya.

"Here boy, I know you're hungry mag breakfast ka muna." Breakfast umaga na? kanina ng matulog ako tanghali ah? At sino 'to? Asan si Kiari?!

"Who are you? where's kiari?!" I asked her. At tipid syang ngumiti.

"I have to go." I pulled my oxygen away and about to stand up but she stoped me. "Hey easy kairo you're in States" Sabi niya sa 'kin.

"States?"panaghinip ba 'to pa'no ako mapupunta sa states e nahimatay ako sa wet market kanina lang. Ang gulo ng isip ko.

"Will you please explain everything to me? what's really going on? where's my twin?! Kiari? huh?"

"Habang tulog ka. Nakita nakin si Kiari na umiiyak sa labas ng room mo. Kaya nilapitan ko sya at tinanong kung okay lang sya at anong nangyari. He asked for my help. He didn't have enough money para bayaran ang hospital bill at ang pagpapagaling mo. Tinanong ko si Kiari kung nasaan na ang magulang nyo. And i'm sorry condolence kairo, Kayo nalang pala ni Kiari ang bumubuhay sa sarili nyo. Na awa ako sa kanya kaya gusto ko syang tulongan. Pero hindi ako basta tutulong nalang Kairo. Wala kaming anak ni Martin and we wanted to adopt a baby boy but instead we are going to adopt you." Adopt? ako inampon nila? ano ako tanga? hindi papayag si Kiari na maghiwalay kami. Uuwi nalang ako! ayaw ko ng makausap ang baliw ma babaeng 'to.

"Hey you!" at tinuro ko sya " find someone to fool around and someone who will fell in your trap not me. I'm leaving." Umalis na ako. Totoo ba yung sinasabi niya? Bakit nag iba ang hospital? Tumingin ako sa labas ng hospital window iba na talaga lahat. Kiari asan ka bakit mo ako iniwan akala ko ba walang iwanan? Kiari please mapakita ka. Mga salita sa isip ko. Na iyak nalang ako at lumapit sa nurse station.

"Hmm excuse me. Can I brow your phone? I need to call my brother. Please" The nurse look at me and without hestation he hand me her phone and I dailed kiari's number but his phone was turned off. I give back the phone sa nurse at umalis. Wala na bumitaw si kiari sa pangako niya. Umiyak nalang ako ng umiyak subrang sakit ang kaisa isahang pamilya ko iniwan ako. Pina ampon at 'to ako nasa ibang bansa ni hindi ko alam mga lugar dito. Sinugaling ka Kiari! Wala kang salita! nagsisi ako na nagtiwala ako sa mga salita mong walang iwanan. Naramdaman ko nalang na may humimas ng likuran ko pag tingin ko ang babaeng sosyal. So, totoo pala lahat ng sinasabi niya?

"Hey stop crying makakasama yan sa 'yo kairo. Kailangan mong mapagaling para makauwi na tayo." sabi ng babae.

"Bakit hinayaan ni kiari na amponin nyo ako?" Tanong ko sa kanila kailangan ko ng rason para kahit paano mabawasan ang sakit nanararamdaman ko.

" Inampon ka namin. Una hindi pumayag si Kairi dahil hindi ka niya pwedeng iwan, dahil nangako kayo sa isa't isa na walang iwanan. Pero pag sabi ng doctor na lumalala na ang kalagayan mo at kailangan mong ma operahan as soon as possible kina usap niya ulit ako. Sabi niya alaga-an ka namin ng mabuti. Masakit sa kanya na iwan ka pero kailangan niyang gawin para mabuhay ka kairo. Kaya pumasok sya sa room mo for the last time umiyak siya habang hinahawakan ang kamay mo. Lagi niyang sinasabing sorry. Kasi maiiwan ka niya at hindi niya maitutupad ang pangako niya sayo. Pag katapos no'n hinalikan ka niya sa noo at nag paalam na umalis." Kaya pala basa ang noo ko ng gumising ako? Umiyak nalang ako pero kaya naman naming dalawa e. May ipon na ako sa pag tatrabaho ko itinabi ko sa ilalim ng kama ko at kaya naman talaga namin, duwag lang syang harapin ang pasubok na 'to. Umayaw na sya sa'kin subrang pabigat ko na siguro sa kanya.

Mapapagaling ako Kiari at ipakita ko sa 'yo ang binitawan mo. Ipararanas ko sayo ang sakit ng tinalikuran.

Siguiente capítulo