webnovel

" THE HEART OF AMNESIA " ( PART 13 )

Dumating ang aming inorder na talaga naman nakakatakam, unahan pa kami ni Renz sa pagpili kung anong dish ang uunahin. Minsan pag aawayan pa namin ang kursonada naming kainin. Samantalang si Paulo ay nakatungangang di makapaniwala sa mga trip namin ni Renz.

" Hindi ka pa ba kakain tol Pau?". Tanong ko kay Paulo habang subo ang slice ng steak.

" A-ah sige lang tol! Hintayin ko nalang kayong magsawa tapos ang mga natira ay akin na..". Sagot nya sabay natawa pa.

" Sigurado ka tol? Kumakain ka talaga ng tira tira?". Sarkastikong biro ko.

" Gago! Ibig kong sabihin.. S-sa dami nyan kaya nyo ba yang ubusin? Syempre hindi! Kasi mga ugok kayo!!". Bulyaw nya.

Nagkatinginan na lang kami ni Renz. Nagsingisian nalang kaming dalawa.

-----

Habang nasa kalagitnaan kami ng kainan. Napansin ko sa labas sa di kalayuan malapit lang sa may national park na may mga taong nagkakagulo doon. Hindi na namin ito pinansin dahil di pa naman kami tapos kumain. Nakisabay na rin si Paulo dahil tama nga sya, di namin maubos sa dami ng inorder namin. Si Renz ay natapos narin kumain at busog na busog, samantalang kami ni Paulo ay nag uunahan naman matapos. Muli akong bumaling sa may mga nag uumpukang tao. May dumating na ambulansya at doon ko na napagtantong may aksidente o insedente palang naganap. Di ako mahilig sa pakikipag usisa pero bigla akong nakaramdam ng kaba, pero hindi ko naman iniisip kung sya nga iyon. Curious lang ako. Nang may dumating na tao na galing doon sa pinangyarihan ay nagtanong na ako.

" A-ah may nahit and run doon na lalaki. Malala yata ang pinsala dahil sa pagkakabunggo! Nandoon at walang malay. At yung nakabundol ay tinakbuhan lang ito..". Ang sabi ng babaeng napagtanungan ko.

Tila hindi ako napanatag sa nangyayari kaya minadali ko na ang pag ubos sa aking pagkain at mabilis na uminom ng tubig. Tinungo ko agad ang nasabing pinangyarihan ng aksidente.

Sa plaza border:

Ang dami pa rin tao kaya halos hindi ko makita ang taong naaksidente na nasa gitna. May mga pulis na rin doon pero ilan ilan palang. Ibinaba na rin ng ambulansya ang kanilang stretcher, nang nasa lapag na ang stretcher at akma nang bubuhatin ang biktima ay nakita ko rin ito sa wakas dahil sa pagkakasiksik ko sa mga usisero. Nagulat ako sa aking nakita. Si Steve! Ang nakahandusay sa semento at walang malay. May tumagas ang dugo sa kanyang ulo. Agad akong lumapit sa kinaroroonan nya pero bago pa man ako makalapit ay hinarang na agad ako ng mga pulis.

" Sa-sandali!!!! Kilala ko yan!!". Mangilid ngilid kong sigaw sa mga pulis na humarang sa akin.

Agad naman nila akong pinakawalan at nagtatakbo sa kinaroroonan ni Steve.

" STEVE!!!!!". Sigaw ko pero hindi ko sya magawang mahawakan dahil pinagbawalan ako ng mga paramedics na pumrisenta dito. Napaupo lang ako sa tabi nya.

Chineck muna ang kanyang pulso, kinumpirma nilang humihinga pa ito. Nilapatan din ng paunang lunas ang kanyang ulo na may lumabas na dugo. Agad na nilagyan ang kanyang leeg ng supporter at dahan dahang binuhat at inihiga sa stetcher.

" STEVE!!!!". Sigaw ko pa rin. Nangingilid ang aking mga mata pero walang tumutulong luha.

Isinakay na ito sa ambulansya. Nakita na rin ako nila Renz at Paulo.

" TOOOL ANONG NANGYARI!!". Sigaw ni Renz.

Sandali akong natahimik. Tulala.

" Si-si si Steve y-yung nasa l-loob!". Di ako makasagot ng maayos dahil sa pagkadisoriented ng aking utak. Medyo wala na ako sa sarili.

" Kilala nyo ba ang biktima Sir?". Tanong ng isang pulis na lumapit sa amin.

" Opo Sir!". Sagot naman ni Renz.

" Maaari po ba kayong sumama sa presinto?". Pag iimbita ng pulis.

Silang dalawa ni Paulo at Renz ang sumama sa presinto, ako naman ang sumama sa ospital.

-----

" Wala na kayong dapat ipag alala sir.. may mga nabaling buto sa kanyang tagiliran pero hindi malala. Hindi rin malala ang pinsala sa kanyang ulo at tanging balat lang ang natuklap. Pero kailangan parin nya ng mahabang admission para na rin sa iba pang observation sa kanya..". Ang paliwanag ng doktor noong nandoon na kami sa ospital.

" S-salamat po Doc!". Sagot ko.

Agad akong pumasok sa silid kung saan nandoon si Steve. Wala pa rin itong malay, nakabenda ang ulo, kamay at paa at bahagi ng katawan nito. Nahiya pa sila! Hindi pa nila ginawang mummy si Steve!. Nandoon lang ako at nakatuon ang paningin sa kinaroroonan ni Steve. Sobrang awang awa ako sa kalagayan nya ngayon. Ano ba kasing ginawa nya at naisipan nyang mamasyal mag isa ng hindi ako kasama? Napansin ko naman ang bag na nasa bandang gilid ko lang, ito daw ang dala dala nya habang tinatawid ang pedestrian lane patungong plaza. Agad kong binuksan ang bag, tumambad sa akin ang mga damit na mamahalin at medyo bago bago pa. Tinanong ko pa sa aking sarili kung saan galing ang bag na iyon at may mga damit na laman. Muli kong tinuon ang aking paningin sa kanya. Tumayo ako at nilapitan sya. Umupo ako sa tabi nya at pinagmasdan ang kanyang mukha habang wala syang malay.

" Steve tol? Kung may problema ka sabihin mo naman sa akin oh.. Makikinig naman ako. Bakit kasi umalis alis ka ng hindi manlang ako sinabihan? Sa totoo lang medyo nagtampo ako sayo eh, ni hindi ka manlang nag iwan ng note kung saan ang tungo mo. Maiintidihan ko iyon tol! Kanina lang noong hinanap kita hindi ko alam ang gagawin, wala akong maasar sa kwarto! Hindi kumpleto ang araw ko kapag hindi kita naasar. Ang boring kapag wala ka.. Sayo lang din nagiging magaan ang pakiramdam ko. Gusto kitang kausap araw araw kahit na minsang pilosopo ako, pero nandyan ka pa rin at natitiis ako. At kapag ngumingiti ka? Doon ako lalo nadadala kaya mas lalo pa kitang inaasar. Pero ngingiti ka pa rin eh! Nakakaasar lang. Take note? Ako pa talaga yung naasar! ( Buntong hininga ) Tol! Kapag gumising ka na.. Ipinapangako kong sa iyo lang ang buong atensyon ko. Hindi na kita aasarin kung gusto mo. Di ko alam ang nararamdaman ko pero ito yung feeling na ayaw kitang mawala sa tabi ko. Miss na miss na kita tol!". Mahinang mensahe ko kay Steve habang nakatapat ang aking mukha sa kanyang mukha. Di ko na rin namalayan ang pagtulo ng aking mga luha at napatakan nito ang mukha ni Steve.

Nasa ganoong posisyon ako nang biglang may bumukas sa pinto at dali dali itong pumasok patungo sa kinaroroonan namin ni Steve.

Itutuloy...

Siguiente capítulo