webnovel

Chapter 4

"Astraea! Astraea! Stop the car!"

I was about to stop it but-

***

Dahil sa sobrang pagkadala ko sa aking panaginip ay ang agad na pagbangon ko sa kama. Akala ko ay bumalik ako sa pangyayaring gustong gusto ko ng kalimutan.

I instantly look at my bedside table but I only saw a lamp there. Naalala kong wala nga pala ako sa mansyon ng mga Crius.

Pawis na pawis ang buong katawan ko at ramdam ko ang unting unting pagtulo ng mga luha sa mata ko. Nakita ko ang bag sa may paanan ko at paniguradong doon nilagay yun ni Keia kanina.

Kinuha ko agad doon ang phone ko and was about to call my mom pero hindi ko tinuloy kasi bigla akong nahiya.

Natulala na lang ako sa kanyang phone number. How am I supposed to ask her right? They didn't even want me to get any closer to the Crius Mansion.

When I look into my phone contacts my finger paused, looking intently at Yaeruz number. Siya lang ang nakakapagpatulog sa akin sa tuwing nagkakaroon ako masasamang panaginip.

But this past 2 years ay hindi ako nakakatulog ng maayos at lagi akong inaatake ng insomnia ko. And I guess hindi lang dahil gawa ng insomnia dahil na rin siguro sa takot kong matulog.

Pinatay ko ang phone ko at tumingin sa wallclock ng aking kwarto. It's 11 PM and I guess sobrang haba ng tulog ko at pakiramdam ko e kahit papaano e gumaan din ang pakiramdam ko kahit na napanaginipan ko na naman.

I get myself out of the bed at dumiretso sa study table ko na punong puno ng mga papeles na hindi ko pa natatapos.

Kahit na wala ako sa mood magtrabaho ay ginawa ko pa rin yun. The due date is tomorrow at alam kong kakailanganin agad ito ni Caeruz.

Sa tingin ko ay mabilis kong natapos lahat dahil kahit gabi na ay sobrang energetic ko at pakiramdam ko ay parang nakapagrecharge ako.

Tumingin ulit ako sa wallclock at nakitang 2 AM na and I still haven't eaten anything. Kahit gusto kong tumawag ng katulong ay hindi ko na lamang ginawa.

Nakakahiyang mang-abala ng natutulog lalo na at alas dos na ng madaling araw. Bago ako bumaba ay naligo ako kaya basa basa pa ang buhok ko, hindi pa ako nagboblower dahil gutom na gutom na talaga ako.

Dumiretso agad ako sa kusina at binuksan ang ilaw. Walang tao at sobrang tahimik kaya kahit bahay ko ito ay hindi pa din ako gumagawa ng ingay.

I prepared a vegtables salad dahil tinatamad akong magprito at magluto ng kung ano ano.

"What are you doing here? It's already late." Halos mangilabot ako ng marinig ko ang boses niya. Nakalabas na pala siya ng ospital. Good for him.

Hindi ako sumagot at nagpatuloy lang sa aking ginagawa. Niready ko naman ang kakainin ko at nilagay ko sa bowl. As I started eating I can still see him on my peripheral vision.

Ngunit hindi ako nagtangkang tingnan siya dahil ayokong salubungin ang kanyang mga mata.

"I am asking you Astraea."

Still, I didn't answer him and just ate my food pretending that I didn't hear him.

"Are you ignoring me? Ginagalit mo na naman ba ako ha?"

This time ay tiningnan ko siya ng masama. "Can't you see that I am eating? Are you blind?"

"I wish I was." Then he walked out. kahit hindi ko naintindihan ang kanyang sinabi ay hindi ko na siya pinansin at pinagpatuloy lang ang pagkain ko.

***

Pagkatapos kong magligpit ay umakyat agad ako at naglock ng pinto. Pumunta ako sa veranda at doon tumambay. I check my social media account, emails and watch funny videos too.

But an invitation caught my eye. It's from a batchmate from my college asking me if I am free for the upcoming reunion of our club. I was in a Journalism club before as long as Yaeruz. Ang alam ko every year kung magreunion tong mga nasa club lalo na at close close kame dati. But eversince na magkaroon kami ng mga reunion ay hindi na ako naattend.

Caeruz never let me. But I guess I have to accept this invitation just for once. Pero sana hinihiling ko na hindi umattend si Yaeruz dahil hindi pa din ako makamove on sa sinabi niya.

Hindi muna ako sumagot because I know for a fact na kailangan ko munang tanungin si Caeruz about dito kahit na ganito ang relasyon namen.

Pero pagdating kasi kay Yaeruz ay saka lang talaga kami nag-uusap. Hindi ko ba alam sa lalaking yun ang gulo gulo.

I tried browsing famous online games pero hindi ko din nagustuhan ang mga yun. Hindi ko na alam ang gagawin ko kaya binaba ko na lang ang phone ko and stared at the sky.

I wish I can bring back the time so I can finally change the things I have done para wala ako sa sitwasyon kong ito.

Ilang minuto pa akong tumingin sa langit at saka tumayo at kinuha phone ko para pumasok sa loob. I slide the glass door and lock it.

Napatingin ako sa wallclock ko and it's already 4 in the morning. Kahit mahaba ang tulog ko kagabi ay inaantok na naman ako.

Humiga ako sa kama at binalutan ang sarili ko ng comforter. I hugged my other pillow thinking it was Yaeruz.

Pumikit ako at unti unti na namang nagpadala sa kadiliman.

***

I heard my alarm ringing nonstop but I didn't even move a bit and tried to go back to sleep. My dream wasn't that bad but I can't remember it and if I tried, there's just this blank scene.

My alarm disappeared but I know that it will rIng again after 5 minutes or so. So I get up and turn off my alarm.

I was about to go back to bed but a sudden knock stop me. I was about to go near the door pero nagbukas na ang pinto.

Pumasok ang bihis na bihis na si Caeruz. He seems to be going in a formal event.

"Hindi ka pa rin bihis? Aren't you going to the meeting?" Pagkasabi niya noon ay agad akong nagtaka.

"Papasok ka na agad sa trabaho? Hindi ba't kagagaling mo lang sa hospital?" Hindi siya kumibo at tumitig lang sa akin.

Ilang segundo pa siyang natulala. "Yup, works more important. Kung hindi ka aattend then I'll tell them." Tumalikod na siya at aalis na bale.

"Wait. I hope you can allow me go to the reunion arranged by my old batch mate." Lumingon siya at tumulala na naman sa akin tsaka tumango.

"Just go home early. When is it going to happen? Marami kasi tayong aattendang mga business meeting. Meron ding international so isasama kita para nakikita ko ang mga pinaggagagawa mo."

Gusto kong umirap pero di ko tinuloy dahil baka hindi niya pa ako payagan. "Next week. It's a swimming party."

"Don't wear any revealing swimwears and I'll allow you to go." Napairap na naman ako sa aking isip.

"Okay." Ako na ang tumalikod at dumiretsong banyo para maligo na at para makapagbihis na rin.

Hindi ako aattend sa sinabing meeting ni Caeruz because I'll go to the office after lunch at pupunta ako kay Keia to visit her.

I want to thank her for sending me home. Bumaba na ako at agad pumuntang hapag dahil nakaready na ang mga pagkain doon. I didn't expect na nandidito pa din si Caeruz kaya kahit ayoko siyang makasabay kumain ay sinabayan ko pa rin siya.

Katapat ko itong kumain at iniwas ko talaga ang tingin ko sa kanya dahil naaalibadbaran ako sa kanyang mukha.

Tahimik kaming kumakain at ang pagtama lang ng kubyertos sa pinggan ang naririnig kong ingay.

Ni walang mga maid na nakapaligid sa amin para mag-assist. Dinalian ko namang kumain para na rin maiwasan ko siya.

Baka mamaya ay ihatid niya pa ako kayla Keia. E the meeting starts at 8:00 in the morning e 7:30 na.

"Tatlong oras ka lang natulog. That's unhealthy."

Hindi ako sumagot. Paano niya nalamang tatlong oras lang ang tulog ko.

"I've been asleep for so long kaya ayos lang yung tatlong oras kong tulog. "

"Naalala ko nga palang ikaw ang nagdrive kahapon. Hindi ka pa rin ba nadadala Astraea? I already gave you two drivers right?"

Hindi pa den ako sumagot at tumayo na.

"I'm done." I readymy bag and was about to go ng marinig ko ang pagdadabog niya.

"Nagiging pasaway ka na naman Astraea gusto mo bang ikulong na naman kita sa bahay?"

Nanlambot ako dahil sa kanyang sinabi at hinarap siya. "Hindi mo na ko matatakot sa kakaganyan mo."

"Nakita mo lang si Yaeruz nagkakaganyan ka na naman."

"Ano bang pake mo? Ang tagal tagal nating di nagpapansinan tapos ngayon kung makapansin ka akala mo concern na concern talaga."

"Huwag mo kong pikunin Astraea ha."

This time ay hindi ko na tinago ang pag-irap ko na sobrang kinaiinisan niya.

"Don't try me Astraea. Binabalaan kita." I didn't move at bumuntong hininga na lang. Tumayo na ito at umalis na.

Hindi ko na siya sinundan ng tinginat tumingin na lamang sa sahig. Konting konti na lang talaga tatakasan ko na yang lalaking yan.

I fished out my phone to call Keia so she can fetch me. Hindi ko gusto ang mga drivers na binigay ni Caeruz dahil pakiramdam ko ay kahit anong galaw ko ay sinasabi nila kay Caeruz.

Hindi nasagot si Keia at nakapatay pa ang cellphone nito. Hindi ako makapaniwala dahil ngayon lang siya hindi sumagot sa tawag ko.

Nagbrowse pa ako sa contacts ko at ang nakita ko lang na pwede kong kulitin ay si Ashia.

I press the call button. The other line answered quickly. Napangiti ako.

"Hey."

"Is this Astraea?"

"Yup. The One and only." I smiled even though she cannot see me. How I miss this crazy girl.

"Weh? Really? How are you girl? Set ng date. I wanna see you as in right now."

"I am free. How about you?"

"So freeeeeee. Gusto ko sa dati ha. Bukas pa ba yung cafe na yun?" Natawa ako.

"Ofcourse." Because I already bought that cafe. So much memories happend there at ng makita kong magsasara yun dahil nalugi ay hindi ko makakaya so I bought it.

Marami pang makakagawa ng memories doon at mas masaya pa kaysa sa akin.

"Sige I'll be there in an hour. Chika chika ha as always. See you!"

"Yeah. Your always happy. I miss you and see you." I sweetly smiled even though she can't see it.

"Miss mo na naman ako yieee. I miss you too Astraea."

"Sige na. See you later."

I hung up the call. Akala ko ay makakaalis na agad ako sa bahay na ito pero hindi pa rin pala. Pumunta akong living room para doon tumambay.

Pansin kong walang mga kasambahay na mga naggagala gala para maglinis. Hindi naman unday kaya bakit walang tao dito.

Atsaka may mga nakahandang pagkain kanina. Bumalik ako sa dining room at nakitang andun pa rin ang mga pagkain. Walang nagligpit kaya kahit labag sa loob ko ay ako na ang nagligpit.

Imposible namang si Caeruz ang maghanda ng umagahan. Bihira nga lang yun kung kumain dito tapos siya pa yung maghahanda ng umagahan.

Hinugasan ko pa ang mga pinagkainan at nilagay sa ref ang mga natirang pagkain.

Nang matapos naman ako ay agad akong napatingin sa aking relo. Nang makitang magaalas otso y medya na ay agad akong bumalik sa sala para ayusin ang gamit ko.

Nag-ayos din naman ako. Huling kita ko kay Ashia ay nung kasal ko pa. Hindi din naman ako nagpapakita sa kanila dahil puro kahihiyan lang ang naaalala ko at ayokong napapahiya sa mga kaibigan ko.

I was about to call Keia to inform her na magkikita kami ni Ashia pero tinext ko na lang iyon sa kanya.

Pagkalabas ko ng malaking front door ng bahay namen ay kita ko na agad ang sasakyang nag-iintay sa akin.

Kita ko ang driver ko na kinuha ang phone niya at nagtype ng kung ano sa kanyang phone.

Siguro'y nagrereport na naman kay Caeruz ng mga pinaggagawa ko. Ilang beses ko na silang tinakasan at sa bawat pagtakas kong iyon ay lagi akong kinagagalitan ni Caeruz.

Hindi naman ako natitinag at paulit ulit kong ginagawa. Nang hindi na ako ikulong ni Caeruz ay siya namang pagrerebelde ko dito but I never tried na mangabet dahil kahit kailan ay hindi ko yun gagawin.

Pumasok na ako sa loob ng sasakyan at sinabi sa driver na sa cafe. Alam na nila kung saan iyon dahil lagi akong napunta sa cafe na yun para icheck kung ano ng nangyayare doon.

Mabilis lang naman yung byahe dahil medyo malapit lang yung cafe. Agad akong bumaba at excited na pumasok sa cafe. Dahil medyo maaga pa at kabubukas lang ng cafe ay marami pang nag-aayos.

Nang makita nila ako ay lahat ay nagngingitian at bumabati. Ginagantihan ko naman yun ng mga ngiti at hinanap na ng aking mga mata kung nasaan si Ashia ngunit mukhang wala pa ito kaya humanap ako ng magandang pwesto para pagpwestuhan namin.

Pinili ko ang pinakadulo na tago. Pagkaupong pagkaupo ko palang ay biglang pagring ng phone ko. Sinagot ko iyon.

"Where are you?"

"Sa dulo."

"Sige sige. I'm on my way there."

Sumilip ako at naghintay. Narinig ko ang pagring ng bell sa may pinto.

Kita ko ang papalapit na babaeng matangkad at nakashades pa ito. Nang mapatingin ako sa kanyang heels ay napailing ako, six inches ata yun. Napangiti ako. How I miss this Kikay girl.

"Blaire!" Tuwang tuwang sabi nito at handang handa na akong yakapin.

binuksan ko din naman ang aking mga braso at agad na niyakap siya.

"Ashia." Hinigpitan ko ang yakap ko dito.

"I miss you." Hinigpitan din naman nito ang pagkakayakap sa akin.

"Ano kamusta ka na?"

Minuwestra ko ang upuan sa aking harap. Umupo naman agad ito roon at mukhang excited na excited sa pagkwekwento ko.

"Still can't get over on our marriage."

***

Siguiente capítulo