webnovel

PART 37 ARTURO

ARTURO POV

Bilang isang ama at asawa, responsibilidad ko na maging mabuting ehemplo at modelo sa aking pamilya. Ngunit hindi ito ang nangyayari sa aking pamilya. Magkaibang pamilya na pilit kong ipinag bubuklod. Na sa huli, lalo lamang pala masisira dahil sa akin.

Kinagabihan noong araw na sinundo ko si Natasha at Belinda upang iuwi dito sa Hacienda ng aking namayapang ama na si Papá Ismael, binasa ko ang iniabot sa akin ni Natasha na Diary ng kaisa-isang anak ko na lalaki. Si Austine na pangarap din na sundan ang aking yapak. Pangarap niya na maging isang engineer.

Sa Isang pag kakamali, nag dulot iyon ng malaking impact sa aking pamilya para bumagsak. Lungkot ang lumamon sa aking anak na si Austine upang wakasan ang kaniyang buhay.

Nakakalungkot isipin na nakapasa siya sa pag susulit pero hindi sa pag subok ng buhay sa sandaling nawala ako. Nawala na sa akin si Austine. Tanging si Trixie at Natasha na lang ang meron ako kaya naman hanggat maaari ay ayokong mamili sa pagitan nila.

Buong buhay ni Trixie, palagi niyang sinasabi sa akin na si Spencer talaga ang gusto niya. Wala siyang ibang bukambibig kundi si Spencer lang. Maraming pag kakataon nga ang nais ako makaharap ng kanilang mga magulang ngunit hindi ko ginawa. Iyon ay dahil alam ko na mabubunyag ang iniingatan kong lihim sa aking mga anak.

Minabuti kong suportahan si Trixie sa lahat ng bagay na mag papasaya sa kaniya. Wala ako palagi sa tabi niya pero malaking pasasalamat ko naman sa pamilya Vahrmaux dahil sila ang pumupuno ng pagkukulang ko sa aking anak na si Trixie. Maliban sa suporta at pinansiyal, wala na akong iba pang nagawa upang matupad ang kahilingan ni Trixie na mabuo ang pamilya namin ni Kasandra.

Paano? Gayong Mahal na mahal ko si Natasha at Belinda. Pero nalilito pa rin ako dahil may parte sa puso ko na sinasabing may natitira pa talaga para kay Kasandra. Kaya hindi ko magawang mamili sa kanila.

Ngunit sadyang mapag laro ang tadhana. Sa kabila ng aking pagtataksil at pag abandona sa aking pamilya, nag krus ang landas ni Natasha at Spencer. Ako rin pala mismo ang mitsa na tatapos sa kaligayahan ng aking anak na si Trixie.

Alam ko na labis siyang nasaktan ng mapag alaman na ginagantihan siya ni Natasha upang masaktan at makabawi sa lahat ng dinulot kong pasakit sa kanila. Sobra sobra akong nadurog ng masaksihan ko ang pag durusa ni Trixie. Dahil sa isang lalaki.

Siguro ay ito ang kapalit ng aking pag tataksil. Naniningil ang Dios at bilang kapalit, kailangan kong kaltasan ang ligaya ng isa sa aking mga anak upang maging malaya at maligaya ang isa. At ang isa naman ay tuluyang malugmok sa kalungkutan. Saksi ako sa pag durusa ni Trixie. Sa bawat patakbo niyang pag tangis palapit sa akin, sa bawat daing ng masakit niyang damdamin, wala akong magawa kundi ibunton sa aking sarili ang lahat ng nangyayari.

Masakit makita na gumuguho ang mundo ni Natasha at Trixie dahil sa isang lalaki. Sa kanilang dalawa, higit na makakaunawa si Ash. Higit na malakas ang loob, matapang, at handang mag paraya. Si Trixie naman ay sadyang uhaw sa pag mamahal, mahina ang loob at mahina rin ang kaniyang puso.

Kung kayat mapatawad nawa ako ni Natasha kung kaligayahan niya ang dapat kong kaltasan. Alam ko na sa huli, mauunawaan at matatanggap niya ito. Mahirap din para sa akin ang Sakripisyo na hihilingin ko kay Natasha. Lalo pa ngayon na may matibay na dahilan upang mag paraya siya. Ang buhay sa sinapupunan ni Trixie. Ang anak nila ni Spencer.

"Dad?"  Tawag ni Trixie nang magising.

Nasa ospital pa rin siya. Kasalukuyang ako at si Kasandra ang nag babantay sa kaniya.

"May gusto ka ba?"  Tanong ko saka inangat bahagya ang kaniyang higaan.

"Si Spencer po ba-- ss-- sabi niya kasi before work pupunta siya dito?"  Tanong ni Trixie habang dinudungaw ang bintana na bahagyang natatakpan ng kurrina.

"Hindi pa eh. Mga anong oras daw ba?"  Tanong ko saka sumulyap sa aking relo.

"Before eight am."  Malumbay na saad ni Trixie habang naka yuko.

"Traffic siguro. Alam mo naman--"  kibit balikat na saad ni Kasandra bago kagatan ang star apple.

"Hindi na siya darating..."  maiyak iyak na sabi ni Trixie.

"Trixie, tatawagan ko ang secretary ni Mervie para masabihan---"

"Huwag na dad! Kasi kung talagang may pakialam siya sa amin ng baby--hindi niya makakalimutan yun."  Bagot na saad ni Trixie.

Napasulyap ako kay Kasandra na napabuntong hininga't umiiling na tumitig sa akin.

"Siguro parating na. Huwag ka munang mag-isip ng kung ano-ano."  Naka ngiti kong sabi saka siya niyakap.

"Parating na? Tapos saglit na oras lang papasok na siya sa trabaho. At uuwi para makasama si Ash."   Inis niyang sabi at matinding kinamot ang anit.

"Hayaan mo, kakausapin ko si Natasha. Kukumbinsihin ko siya na---"  saglit akong tumigil dahil sa nag aalangan ako na banggitin kay Trixie ang plano ko.

"Na lumayo na. Alang ala na lang sa kapakanan ng anak niyo ni Spencer."   Saad ko.

Nanlaki ang kaniyang mga mata. Kuminang matapos marinig ang aking sinabi. Lumapad ang ngiti saka ako niyakap ng mahigpit.

"Salamat po dad! Sana naman--matauhan na siya. Siguro naman hindi niya maaatim na ipagkait sa pamangkin niya ang tatay niya di po ba? Ayoko ng broken-family. Ayokong --maranasan ng anak ko ang naranasan kong lungkot at inggit kay... Natasha. Sabihin mo dad, self-fish ba ako dahil gusto kong mabuo ang pamilya ko kahit pa kapalit non ay malulungkot si Ash?"    Tulala na sabi ni Trixie na mayroong mugtong luha ang namumuo sa kaniyang mata.

"Hindi anak. Katulad siya ni Belinda. Hindi nila ako ipanagkait sa inyo. Siguradong maiintindihan ka rin ni Ash."  Sagot ko.

"Pero hanggat nakikita siya ni Spencer, hindi ako magagawang mahalin ni Spencer ng buong-buo. Hanggat nandiyan si Ash, magkakaroon ng kahati ang anak namin sa atensiyon na dapat ay para sa amin lang!"  Inis niyang sabi.

"Gagawin ko ang lahat Trixie. Pangako iyan."  Sabi ko habang naka yuko.

"Kasi naman... kung bakit pa kasi siya! Kung tutuusin lang, masaya naman kami noon ni Spencer eh. Until she came to the picture! I can't believed na ini-stalk niya pa ako para lang kumalap ng impormasyon against me?"  

"Good morning."  Bungad ni Spencer na kakarating lamang.

"Oh God! You came!"  Maligayang hiyaw ni Trixie na nag lahad ng kamay sa ere upang yakapin si Spencer.

"Malumbay ang mga mata ni Spencer nang yumakap kay Trixie. Bagamat naupo pa rin ito sa tabi ni Trixie, pilit siyang ngumiti saka inilabas ang nilalaman ng bitbit niyang paper bag.

"I bought some nuts and Vegetable salad with Spinach."  Nakangiting sabi nito.

"For me?"  Di makapaniwalang tanong ni Trixie.

Tumango naman si Spencer saka binuksan ang styro.

"Hindi naman ako mahilig sa gulay--"  tila nandidiring sabi ni Trixie.

"You have to eat all of these. Napuyat pa ako sa pag researched para lang malaman ang dapat kainin ng mga nasa first-tri-semester of pregnancy. Sayang lang kung di mo kakainin. Tsaka isa pa para sa baby ito."  Saad ni Spencer habang hinahalo ang salad.

"Ikaw ang gumawa?"  Tanong ni Kasandra.

"Kaming dalawa ni Ash."  Sagot ni Spencer.

Unti-unting napawi ang ngiti ni Trixie dahil don.

"Ayoko niyan! Nawalan na ako ng gana."  Nakasimangot na sabi ni Trixie saka nahiga.

"Trixie, I won't be late at work. May appointment pa ako with Mr. Watanabe!"

"Ayoko niyan! Shrimp ang gusto ko at soup!" Maktol ni Trixie saka nag takip ng unan sa tainga.

Napaigting ang panga ni Spencer at tila dismayado ng tignan ang hawak niyang vegetable salad.

"Ah--eh Spencer, hayaan mo na siya. Ganiyan talaga kapag buntis. May ibang gust--" ani Kasandra.

"Fine. Hahanap ako ng Soup. Ipapa cancel ko na rin yung meeting namin ni Mr. Watanabe."  Saad ni Spencer habang binabalik ang styro sa paper bag.

Inalis ni Trixie ang unan saka ito naupo muli.

"Talaga? Pero paano si Mr. Watanabe? Baka-"

"It's alright. Just for you and for our baby."  Saad ni Spencer saka nag paalam na umalis para humanap ng Soup.

Ilang minuto rin bago ako lumabas ng building ng ospital. Nakita ko si Spencer na naka upo sa waiting shed. Kinakain ang vegetable salad na sila mismo ni Natasha ang gumawa.

Nasa kaniyang tabi ang supot na malamang ay soup na may Shrimp. Bago pa man niya ako makita, umalis na ako at nag pasyang puntahan si Natasha sa branch ng Amber's SC sa Mall.

"You were not doing your job well! Tapos mag tataka kayo na bakit kayo matatanggal?"  Dinig kong sermon ni Natasha sa kaniyang staff.

"Pero--ma'am kaltasan niyo na lang po kami. Huwag naman niyo kaming alisan ng trabaho..."  maluha-luhang pakiusap ng babae.

"What? Kaltasan? Pag ginawa ko iyon, parang sinabi ko na rin na ayos lang sa akin na papetics petics kayo! Na ayos lang kahit mag banjing lang kayo kahit dapat seryosohin niyo 'to! Worth fifty thousand ang na shop-lift--sandali lang akong nawala--kapag binigyan ko pa kayo ng chance, para a rin akong nag alaga ng ahas na paulit ulit akong tutuklawin! Kaya maging aral sa inyo ito!"

"Ma'am--please--" pakiusap ng dalawang saleslady.

"Sorry Merryl. Fe. Sinabi ko na. Roman!"

"Yes?"

"Pakibigay ang sahod nila. Cash and make it double."  Saad ni Natasha saka umalis.

"Papá?"  Gulat na sambit nito ng makita akong nakatayo sa kanilang puwesto.

"Puwede ba tayong mag usap?"  Tanong ko.

"Kung tungkol ito kay Trixie at Spencer makaka alis--

"Tungkol ito sa bata."  Usal ko dahilan para tignan niya ako sa aking mga mata.

"Roman, ikaw muna ang bahala--"

"Sige ma'am."  Magalang na sabi ni Roman habang nag bibilang ng pera.

Sa isang fast food chain kami nag pasyang kumain muna ni Natasha. Matagal na rin buhat ng magkasama kaming kumain ng sama-sama.

Ako na ang umorder. Naupo kami sa pinaka dulo sa ikalawang palapag ng fast food.

Busy siya sa telepono kaya di niya namalayan na naka upo na ako sa kaniyang tapat.

"Ash.. kumain ka muna."  Naka ngiti kong sabi.

Itinabi niya ang hawak na phone saka sinimulan kumain ng pasta. Tanging burger lang naman ang ini order ko.

"Anong kailangan niyo Papá?"  Tanong niya na saglit pa akong sinulyapan.

Kumirot ang aking puso dahil sa sinabing KAILANGAN.. tila ipinamumukha niya sa akin na naaalala ko lamang siya kapag may kailangan ako.

"Natasha, hindi na ba mag babago ang isip mo?"  Tanong ko.

Napataim bagang siya at nilamukos ang tissue na nasa ibabaw ng mesa. Sumama ang kaniyang awra dahil sa narinig.

"Bakit mo ba ginagawa sa akin 'to Pa?"  Mahina ngunit matigas ang bawat niyang bigkas.

"Ginagawa ko ito alang ala sa bata Ash. May sakit si Trixie sa puso at maaaring mag dulot iyon ng malaking epekto sa walang muwang...."  mahinahon kong sabi at akmang hahawakan ang kaniyang kamay nang bigla niya iyon alisin.

"Kahit naman noon pa na hindi siya buntis--siya ang lagi mong pinapaboran."  Bagot niyang sabi.

"Hindi iyan totoo ash--"

"Bakit Pa? Kung ako ba ang nag buntis at hindi si Trixie, gagawin mo rin ba sa kaniya ang ginagawa mo sa akin ngayon? I think hindi."

Napayuko ako at ibinulsa ang tikom kong kamao. May iilan din na customer ang nakapansin ng alitan namin ni Ash.

"See? Mabuti na nga lang at hindi ako ang nag buntis. Dahil alam ko, hihilingin niyo pa rin sa akin na lubayan ko si Spencer. Baka nga kapag ako ang nag buntis, hilingin niyo pa sa akin na ipa abort ang bata!"   Nanlaki ang aking mata sa narinig. Ganoon na ba ako kasama upang masabi niya ang masahol na bagay na iyon?

"Hindi kaya ng konsensiya ko ang may madamay na inosete Ash! Buhay ng pamangkin mo ang nakasalalay dito!"  Paliwanag ko habang pilit na hinihinaan ang aking tinig.

"Paano kung sabihin ko sa iyo na mas gugustuhin ko na lang mamatay kapag ginawa ko ang gusto mo para lang sa ikakasaya ng bastarda mo?"  Sigaw niya saka napatayo.

Nag simulang umagos ang luha sa kaniyang pisngi. Napatigil ang mga tao at natuon ang atensiyon sa amin.

"Bakit palagi mo na lang hinihiling sa akin na ibigay ang kaligayahan ng anak mo? Samantalang ako--minsan lang sasaya, kailangan mo pang harangan. Ikaw! Ikaw na ama ko pa man din!"  Sigaw niya habang naka duro sa akin.

"Hindi ko na kaya Papá! Sobra sobra na ang pang aabuso niyo sa akin! Parehas mo kaming anak.----"

"Nasa panganib ang buhay ni Trixie at ng baby--"

"Paano kung ngayon din sabihin ko sa iyo na may taning na ang buhay ko at isang oras na lang ang meron ako? Tapos hihilingin ko sa iyo na ibigay mo sa akin si Spencer kapalit ng pagdurusa ni Trixie? Gagawin mo ba? Hindi Papá! Kahit isang minuto na lang siguro ang buhay ko--malamang si Trixie pa rin ang maiisip mo! Hindi ako! Nasasaksihan mo kung paano mag hirap si Trixie, pero kung sana lang masasalamin mo itong nasa puso ko Papá..."  umiiyak niyang sabi habang naka turo sa kaniyang dibdib.

"Baka hindi mo makakayanan na basahin ang sinasabi ng puso ko. Pakiramdam ko, nabuhay ako sa mundo para isakripisyo ang lahat ng meron ako ultimo yung taong minamahal ko dapat ko iwan para sa ikakaligaya ng prinsesa mo! Pakiramdam ko wala akong karapatang sumaya--"  Pag tangis niya.

Tila nag aalangan ang mga guwardiya na makisali sa amin dahil sa matinding emosyon na ibinuhos ni Ash.

Masakit marinig ang katotohanan. Pakiramdam ko ay para ko na siyang pinapatay...

"Pakisabi sa anak mo, hindi pag kain ang hinihingi niya sa akin na kahit anong oras puwede niyang irequest o ipa take out. Kung ikaw, basta basta kaming tinalikuran noon, puwes! Ibahin mo ako Papá. Ipapakita ko sa iyo kung paano ipaglaban ang taong Mahal ko! Kahit sino o ano pa ang humarang sa amin, handa kong sagasaan at tapakan." Saad niya saka nag punas ng luha.

"Kahit pa buhay ng walang muwang? Anak?"  Tanong ko nang akmang aalis na siya.

"Mawawala lang sa akin si Spencer kung ako mismo ang huhukay sa sarili kong libingan. Madudurog man ako, yung pag-mamahal ko para sa kaniya buong-buo. Hindi gaya mo! Engineer Arturo."   Saad niya at malalim na bumuntong hininga saka ako iniwan.

"Patawad Natasha..."

"Anak..."

Siguiente capítulo