webnovel

PART 3 Life and Death Natasha P.O.V

Setting: Global Reciprocal University (GRU)

Kanina pa ako nakikinig kay Professor Manuel Agoncilio, pero parang hirap na hirap yung utak kong mag focus sa kaniya dahil hindi mawala sa isip ko si Mamá at Austine.

Naka tingin nga ako sa kaniya pero yung isip ko lumilipad kung saan. Makulimlim pa naman ngayon. Iniisip ko tuloy kung paano na lang kaya kapag bumagsak ang ulan?

Wag naman sana. Dahil wala naman kaming matibay na masisilungan. Kung ang mga baboy nga lang namin ay hindi na namin alam kung paano papakainin at alagaan kami pa kaya na walang ibang mapupuntahan?

"Amorine?" Pag tawag ni Prof.

"Aww.. What if mag tanong siya about sa lesson? Sana naman masagot ko.."

"Yes.. Sir?" Mahinahon kong tugon.

Professor Agoncilio: What do you think is the importance of time management?

Nag isip muna ako ng ilang saglit bago sumagot. Nang mapa sulyap ako sa mga bully kong kaibigan, Ngumiti ako at kumpiyansang tumindig saka taas noong nag salita.

"I think the importance of time management is to improved job performance, self discipline, and it will also help you to become a better person in decision-making." Kumpiyansa kong saad.

"Very well said. Akala ko hindi ka nakikinig."

Turan ng prof matapos ay tumayo.

"That's it for today. Class, are you ready for your incoming exams this week? Make sure you will passed the exam. So good luck. Classes dismissed." Saad ng Prof at diretsyong nilisan ang silid.

Exam na nga pala... hindi pa ako nakaka pag review dahil naging abala ako sa pag lilinis at pag tatagpi ng mga dingding.

"Okay ka lang?" Tanong ni Ann na ka seatmate ko, at childhood friend ko.

Ngumiti lang ako saka iniligpit ang mga gamit ko upang lisanin ang silid na ngayon ay bakante na.

"Kung kailangan mo ng makaka-usap... andito lang ako. Ash."

Usal niya habang sumusunod sa akin palabas ng room.

"Thanks. But no thanks. Baka mas lalo kang pag initan nila havah.."

Sagot ko saka umalis na.

Si Ann ay isang scholar sa GRU. "Cupcake lady" rin ang tawag sa kaniya. Siya ang madalas pag initan ng mga kaibigan ko dahil hindi siya lumalaban at mahina siya. Hindi ko alam kung takot lang siya o sadyang mahaba ang pasensya at malawak lang siguro ang pang uunawa niya.

"Oww.. Ash?"

Tawag ni Leo na President ng section namin. Kasama niya pa ang dalawang officials na si Cheon na Escort at Brian na Secretary sa class.

Sa halip na pansinin ay diretsyo akong pumasok sa canteen at nag labas ng pag kain na ipinabaon sa akin ni Mamá. Ayokong makita ni Mamá na nakiki pag away ako lalo na't dishwasher siya sa canteen na 'to.

"Are you avoiding us?"

Tanong ni Leo saka humatak pa ng upuan at naupo sa aking tapat.

"Wow Ash! Mukhang wala ka yata sa mood maki pag asaran sa amin ah?"

Natatawang sabi ni Brian na ngumunguya pa ng bubble gum.

Napa angat ako ng tingin sa kanilang tatlo. Bakas ang pangungutya sa kanilang awra. Napasinghal ako saka sinamaan sila ng tingin.

"Kukumustahin lang naman namin yung Daddy mong MANDARAMBONG!"  Turan ni Cheon saka salitan na ngumisi sa dalawa niyang kasama.

Napa tayó ako at binagsak ang naka tikom kong kamao sa mesa dahilan para mag tinginan ang mga kumakain sa canteen.

Lalo lang silang natutuwang inisin ako dahil nakikita nilang affected ako.

"Cupcake lady? Pamilya ng pobre at mag nanakaw? I bet yung tuition mo, nakaw lang din 'yon!"

Kutya ni Leo sabay siko kay Cheon.

Sa inis at labis na insulto ay nakita ko si Mamá na tumigil sa pag huhugas. Sumi-senyas sa akin na huwag ko na lamang sila patulan.

Huminga ako ng malalim at nag pasyang palagpasin na lang ito. Alang-ala sa kapakanan ni Mamá.

Ililigpit ko na sana ang lunch box ko ng biglang hatakin ni Brian at dinikitan ng bubble gum ang labas nito.

Ilang saglit pa ay dumating ang mga plastik kong kaibigan at tahimik lang na nanonood mula sa likuran nila Cheon.

Sa galit ko ay kinuha ko ang hydrated drink at akmang ibubuhos sa kanila nang biglang maramdaman ko ang mahigpit na kamay na humawak sa aking palapulsuhan. Dahilan para matigilan ako.

Nang lingunin ko ang lalaking pangahas na humawak sa aking kamay, laking gulat ko nang mamukhaan ang Varsity Player na may "02"  number sa Jersey.

Binawi ko ang aking kamay at saka siya hinarap. Nang sulyapan ko ang Class President at ang iba pang kasama niya, namumutla ang mga ito na para bang naubusan ng dugo.

"Do not let your hands, touch the dirtiest thing in this world."

Sambit niya habang naka tingin sa akin saka dahan-dahan na nilingon ang tatlo.

Kinuha niya ang lunch box ko at itinapat sa mukha ni Brian.

"You Stupid!"

Nanggagalaiti niyang sabi.

Napa kapit si Brian sa braso ni Leo. Si Leo naman ay napa lunok laway at napa atras nang humakbang ang Varsity Player sa kanila.

"Put this back inside your fucking mouth!" Sigaw niya habang naka turo sa bubble gum

Tumingin muna si Brian sa akin bago pumikit at sumunod sa utos ng lalaki.

Nabigla ako ng ibalik niya ang bubble gum at nginuya. Wala rin nagawa ang mga kaibigan niya na halatang maging sila ay walang ligtas.

"What's your name?" Matikas niyang tanong kay Leo.

Hindi pa man nakaka sagot si Leo nang bigla naman hatakin ng Varsity Player ang I.D lace ni Leo at Cheon.

"Leo Fortez and Cheon Ahmir.. kneel and say Sorry to her!" He command

"Ayaw niyo? Fine edi 'wag! Basta walang sulian!" Banta niya at akmang aalis na sana ng bigla naman siyang awatin ng dalawa.

"Yes?" He utter while raising his thicked eyebrows.

Naka yuko ang dalawa at Dahan-dahan lumuhod. Bakas sa kanilang nangingitnig na ngipin ang galit at kahihiyan dahil sa ginagawa.

"So---rry Natasha Amorine."

Sambit nila at nananatiling naka luhod.

Hindi ko alam kung may atraso na ba sa kaniya dati ang mga ito o ewan.. basta ang alam ko lang ay hindi ako pamilyar sa kaniya dahil sa tagal kong nag-aral dito, ngayon ko lang yata siya nakita.

"Sumulyap pa muna ako kay Mamá at sumenyas na aalis na ako nang muling mag-salita ang Varsity Player ay napa hinto ako.

"Want your I.D's back?" He seriously asked.

Nag titigan ang dalawa at akmang tatayo ng bigla naman tapakan ng Varsity Player ang balikat ni Leo, dahilan para manatili silang naka luhod. Dumating na rin ang Councillor at isa sa mga Dean. Gayon pa man, maging sila ay nanatili lamang sa sulok at tahimik na nanonood.

"Leo Fortez, 'wag ka ng papasok sa next subject mo hanggat tambak ang hugasan sa canteen na 'to! And You... Cheon Ahmir, get the mop and clean this area!"

Napapa iling naman ang Dean at ang Councillor dahil sa inaakto ng lalaking ito.

"From now on, Ayokong may babaeng binabastos o pinapaiyak dito sa GRU! Kapag nalaman ko... I swear to God, I'll be going to hell if that will happened."

Matigas na sabi nito bago gumawi sa kitchen area.

Ilang saglit pa ay pinaalis niya ang Mamá sa kusina. Opaque window ang kusina kaya tanaw na tanaw ang loob nito. Sinimulan ng gawin ng dalawa ang ini-utos ng misteryosong lalaki habang si Brian naman tumayo lang sa gilid na patuloy na ngumunguya ng bubble gum.

Umalis na ako at nag decide na mag review sa library. Habang nag babasa ako ay tumunog ang aking phone na agad kong kinuha. Naka on pala ang Data.. nakalimutan ko pala itong i-off.

Facebook notification:

"Austine Amorine changed his cover photo" Isang larawan ni Austine na naka tingin sa malayo. At ang camera ay against the light kaya naman madilim ang kuha niya.

CAPTION: "When the dark covered the homeless heart"

"Naisip ko na malapit na pala ang birthday niya. Siguro nag paparinig siya... "

"Ash!" Hinihingal na tawag sa akin ni Ann

"Why?" Pag tataka ko.

Pawis na pawis ito at tila uhaw na uhaw nang mapakapit siya sa aking braso, huminga ng malalim at diretsyong nag salita.

"Your mom! Nn-nag collapsed!"

Sigaw niya na nag bigay eskandalo sa iba pang student na nasa loob ng library na agad nag sipag-tayuan at sumunod sa akin.

Dali-dali akong pumanaog. Iniisip ko kung dahil ba sa na high blood siya sa akin kanina or dahil sa stress na siya sa buhay niya?

Naabutan ko si Mamá na isinakay sa Ambulance ng School. Sumama ako at ipinakita ang aking I.D. kinakabahan ako dahil hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin.

Sa sasakyan pa lang ay sinabi na sa akin ng nurse na masyadong mataas ang BP niya. Napansin ko ang lubog na mata ni mom. Malayong malayo na ang itsura niya sa kahapon. Hinawakan ko ang nag babalat at nag susugat niyang kamay. Gumaspang ito dahil sa makapal na kalyo.

"Kahit anong tapang ang ipakita ko, kapag mahal ko na sa buhay ang pinag uusapan... babagsak at babagsak talaga ang luha ko."

Nasa labas ako ng E.R . Tulala at lutang. Patuloy pa rin tumatakbo sa isip ko ang sinabi ng doctor. Ang simpleng U.T.I at pag kakaroon ng Mamá ng sugat-sugat sa katawan ay dala ng Diabetes at kidney failure.

Kinakailangan niyang mag pa dialysis thrice a week. Habang wala pang donor. Ni hindi ko nga alam kung paano ko babayaran ang magdamag na bill ni Mamá ngayon sa Hospital. Iniisip ko pa kung kumusta na ba si Austine...

"Ash!" Tawag ni Ann na mayroong malapad na ngiti.

"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko na pinasadahan siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Naka ripped skinny jeans ito at V-neck white shirt.

"Gabing-gabi na. Bakit ka pumunta dito?"

Kunot noo 'kong tanong, nananatiling naka upo.

"Gusto ko lang iabot sa'yo 'to."

Napa tingin ako sa hawak niyang brown envelope. Batid ko na pera ang laman non pero tinanggihan ko.

"Umiiling ako at nag taas ng noo."

"Maliit na bagay lang 'to Ash... Walang wala 'to kumpara sa naitulong ng mommy mo sa magulang ko."

Dating trabahador ang mga mgaulang ni Ann sa pamilya namin. Ang nanay niya ay namamahala sa mga lupain ng magulang ko na ipinapaupa sa mga negosyante. Ang Papa naman ni Ann ay Driver ko. Kaya ganon na lang siya maliitin ng mayayaman kong kaibigan. Pero kahit ganon, hindi ko naman sila hinahayaan na saktan at laitin si Ann.

"Hindi na. Ayos lang ako." Mataray kong sagot.

Hindi naman na siya nag pumilit pa. Matapos niyang mag paalam ay binilin ko naman sa nurse na babalik ako para kumuha ng gamit ni Mamá.

Kilalang-kilala ako ni Ann. Pag ayoko, ayoko.

Alas nuwebe na ng gabi ng maka uwi ako. Si Austine ay naka tulugan ang lampara sa ibabaw ng mesa na gawa sa kahoy. Iniligpit ko na rin ang kuwaderno niya at binalik sa bag. Naabutan ko ang sandamakmak na pag kain na naka hain sa mesang mahaba.

Kumuha ako ng ilang supot ng tinapay. Sunod ay pumili ako ng matinong damit ng Mamá. Nag iwan ako ng note sa tabi ni Austine para naman hindi siya mag taka kung saan kami naroon.

Nang sa wakas ay nailipat na si Mamá sa recovery room ay nag pasya akong tawagan ang mga sumusunod na numero sa Classified Adds. Umalis ako at iniwan ang mga tinapay sa mesa niya.

Sa dami dami ng tinawagan ko ni isa ay wala man lang sumagot. Sinubukan kong mag lakad-lakad sa kahabaan ng School papuntang bayan pero wala talagang sasapat na kita para tustusan ang pang dialysis ng Mamá.

Ang tanging perang hawak ko na lang ay ang two hundred thousand na sakto lang sa tuition ko para sa final at para sa tuition ni Austine na Senior high. Mag-aaral si Austine sa Global National High Scool.

Inabot ako ng gabi sa pag hahanap. Napagod lang ako sa wala. Naupo ako sa isang maingay na lugar. Sumasakit na ang tagiliran ko at nagugutom na rin ako.

"Miss?"

Naka ngiting tawag sa akin ng bading na naka suot ng sandamakmak na alahas at borololoy sa leeg at palapulsuhan.

"Tumayo ako lumingon sa pinanggalingan niya."

"Mukhang nag-a-apply ka?" Taas kilay niyang usisa ng mapansin ang hawak kong brown envelope.

"Hiring kasi dito sa KTV Bar ng waitress ... baka gusto mo?" Magiliw niyang tanong na may kasamang pag hikayat.

Ngumiti na lang ako at kinuha ang hydrated drink na nilapag ko sa aking kinaupuan. Saka diretsyong lumakad palayo.

"Bar? Ano na lang ang sasabihin sa akin ng ibang tao?" Sarkastiko kong bulong sa kawalan.

"Hoy Suplada! Ang hirap ng buhay aarte ka pa!"

Sigaw niya at padabog na pumasok sa bar.

Tama siya. Ang hirap ng buhay. At wala naman madali sa mundo. Kundi ang mamatay...

Kinabukasan ay umuwi ako sa bahay para asikasuhin ang uniform ni Austine pero pag dating ko ay wala na ang gamit niya.

Drain na rin ang phone ko kaya hindi ko siya ma contact. Nang subukan kong maki charge sa sari-sari store inulan ako ng message mula sa trabahong inaasahan ko.

Nang mabasa ko ang mga kailangan ay agad akong nag impake. Medyo natuwa naman ako dahil sa Maynila ako mag tatrabaho. Kung saan naroon ang Hacienda ng lolo ismael.

May dalawang araw pa akong natitira para mag handa. Nag pasya akong ibayad sa Hospital ang pera na para sana sa tuition namin ni Austine.

Alam ko na nag tataka si Mamá kung saan ako kumuha ng pambayad kaya ipinag tapat ko na sa kaniya ang totoo pag karating namin sa tinutuluyan. At dahil doon ay hindi niya ako pinapansin. Sumama ang loob niya sa ginawa kong desisyon."

"Sabi ko naman sa iyo, babalik ang Papá mo... hindi niya tayo papabayaan-"

"Hindi na po Ma! Imposible! Kasi mas masaya siya sa iba kaysa sa atin! 'Wag na tayong umasa pa!"

Sagot ko sa mataas na tono.

Gumuhit ang mapait na ngiti ng Mamá dahil sa sinabi ko. Si Austine naman ay pagod na pagod ang itsura. Nilalakad na lang niya papasok at pauwi dahil nag titipid talaga siya.

"Kung babalik man sa atin ang Papá, for sure nag hihingalo na siya o di kaya nasimot na ng babae niya yung perang ninakaw niya!"

Isang malakas na sampal at nanlilisik na tingin ang pinakawalan ng Mamá sa akin.

"Ash! Matakot ka sa Diyos! Tatay mo pa rin siya!"

"Asan siya Ma? Nandito ba?"

"Kasama ba natin?"

"Asan?! Eh tayo ma, nasaan tayo sa buhay niya? Ano tayo sa kaniya?"

"Ate please!" Pag-awat ni Austine, himas ang balikat ni Mamá.

"Paano kayo ngayon? First sem pa lang wala ka ng pang tuition! Dapat pinabayaan niyo na lang ako sa Ospital!"

"Ako ang bahala. May trabaho na po ako. Sa Maynila."

"Nanlambot ang tuhod ng Mamá dahil sa sinabi ko. Ayokong mag lihim o mag sinungaling sa kaniya gaya ng palaging ginagawa sa amin ng Papá."

"Ano? Paano?" Gulat na tanong ni Austine

"Sa isang Kilalang Resort sa Maynila. Sa Mariago Resort na pag mamay-ari ng Vegas." Paliwanag ko.

"Pangarap ko rin po ang maka punta sa Maynila Ma... pero sana mag tiwala ka. Mag tiwala kayo sa akin. Hindi ko kayo tatalikuran gaya ng ginawa ng Papá."

Usal ko saka yumakap sa kanila.

"Paano ang pag-aaral mo?" Nag-aalalang tanong ni Mamá

"Saka na Ma. Kayo muna ni Austine." Malambing kong sagot.

"Ate thank you. Ang suwerte ko talaga sa inyo ni Mamá." Naka ngiting turan ni Austine na humalik pa sa pisngi ng Mamá. Bakas sa kaniyang mukha ang ligaya at lumbay ng pag masdan ko ang kaniyang awra.

Sumapit na ang araw ng pag luwas ko sa Maynila. Maayos akong nag paalam sa Adviser ko para mag stop. Ito lang talaga ang alam kong paraan para sa ikaka buti ng pamilya ko.

Unang tapak ko pa lang alam kong nabihag na ang puso ko dito sa Maynila.

"Anong kapalaran naman kaya ang nag hihintay dito sa Akin?"

Siguiente capítulo