webnovel

LOST: CHAPTER 7

Mabuti na ang pakiramdam ni Cyan. Nakaupo siya malapit sa apoy na ngayo'y ginagatungan ni Red ng maliliit na sanga ng kahoy. Nakayakap ang mga braso niya sa kaniyang katawan. Naalala niyang hindi pa pala siya nakapagpasalamat dito. Pero ang pride niya?

Katahimikan ang namuno sa kanilang dalawa. Nakatitig silang pareho sa apoy na nagbibigay ng init sa kanila, tanging tunog ng mga kuliglig at mumunting alon ng dagat ang gumagawa ng tunog sa mga oras na yun.

"Sa-salamat pala," sa wakas ay naisatinig niya. Kumislap ang mga mata ni Red sa sinabi niya. Nahiya pa ito at walang nasabi pabalik.

"Bakit ba ako nagpapasalamat?" Biglang singit ni Cyan. Now it's his counter statement para hindi magmukhang weak. Defense mechanism kumbaga. He knows when to use it especially moments like this. "To think na magpapakamatay na sana ako, and that little sea urchin will be a great of help. So I must be grateful for that creature instead of thanking an unappreciative jerk like you! Isa pa, hindi naman siguro yun nakakamatay na uri ng sea urchin. Pee is not even a cure!"

Napayuko na naman si Red. Kung may award lang sa mga taong magaling mambara, nominated na siguro si Cyan.

"Bakit parang ang dali dali lang para sa'yong sabihing magpakamatay?" Biglang tanong ni Red nang nakayuko parin.

"Because life is fvcked." May diin sa bawat pagbigkas niya. "Life is fvcked," pag-uulit niya. He never felt rage like this since then. It must have been the sum of all struggle, pain, discomfort and disappointments.

"No." Tinitigan siya nito sa mga mata. "I might forgot my name, my identity, the reason why I am here, or everything about my whole existence, but I will never forget the feeling of living."

Biglang natauhan si Cyan sa mga sinabi nito, kahit ganunpaman, his pride and rage was at it's very peak. "You don't know me!" Sabi niya sabay tayo. Tatalikod na sana ng bigla itong magsalita.

"Then let me know you!" Tinignan niya ito. Bigla siyang natawa sa tinuran ng lalaki.

"Look who's talking," puno ng sarcasm ang tono niya.

"If it's still about the days I igno--"

"Yes it is, amnesiac guy." Pagputol niya sa sinasabi nito. Nilapitan ni Cyan si Red. And now, the exact pain he felt those days were back. Turning him mad and ached. Or something in between. "How could you claim you wanted to know me? I doubt it." Sabi pa niya sabay iling. "`Nung panahong sinabi ko sa'yo ang kwento ko, tinanong kita kung hindi ba nagbago ang tingin mo sa akin. And what the fuck you just did? It seems like I am turned down with the only human being I'm with in this stupid island! The one I trusted with my deepest darkest past." Nagsimulang tumulo ang luha niya habang sinasabi iyun.

"Can you please listen to my explanation first?" Kalmadong wika nito.

"Why should I? Another fucked up lies?"

"Please, Cy!"

"No, Red. I've had had enough. Okay, I'm fine. Thank you. Salamat sa concern mo, ngayon ligtas na ako and all. And you promised, sasabihin ko sa'yo ang lunas sa naapakan kong sea urchin, then you won't bother me after as much as I want to. Ngayon, ano pa ba ang gusto mo?"

"I just want to see my face," Naguluhan siya sa sinabi nito. Tinignan ni Cyan ang mukha nito at mukhang seryoso ito sa huling sinabi. Hindi niya magets ang logic 'nun o ang connection nito sa mga pinagusapan nila. "I want to see my face in your eyes. To get lost in it. To get lost with you in this island."

Lumapit si Red sa kaniya. Bawat hakbang nito papalapit sa kaniya ay nagbibigay ng kakaibang kaba sa puso niya. Mabilis ang tibok `nun, na animo'y mga kabayong nagkakarera. Naalala niya ang sinuhestyon niya noon kay Red na gamitin ang mga mata niya para gamiting salamin.

Magkaharap na sila ni Red. Hinawakan nito ang pisngi niya at hinaplos. Nagbigay iyun ng bolta-boltaheng kuryente sa kaniyang sistema. How could this guy turn his anger into excitement; and blues into rainbow?

Inilapit pa nito ang mukha sa mukha niya. Ilang pulgada lang ang pagitan ng mga mukha nila. Tinitigan siya sa mga mata nito. Tila pinepenetrate siya nito gamit lamang ang mata. Matagal sila sa ganoong posisyon, naputol lang ng biglang iniwas ni Cyan ang mata.

"I'm not buying it," bigla niyang sabi. Ito ay depensa niya sa kasalukuyang nararamdaman. Ayaw niyang pagyamanin ang kaunting atraksyon sa lalaki. Ayaw niyang mabihag sa pagmamahal nito. Gayong hindi siya sigurado kung mahal nga ba siya nito o kung pampalipas oras lang siya gayong sila lang dalawa sa isla. Isipin pa alam niyang nagka-amnesia ito, baka pag bumalik na ang alaala nito ay magbago rin ang tingin nito sa kaniya.

Takot siyang sumugal. Dahil ang huling taong tinayaan niya sa sugal ng pag-ibig ay sumuko kaya umuwi siyang talo, bigo.

"Just bare with me, please listen..." Wika pa nito habang iniyugyog ang kaniyang mga balikat. Hindi sumagot si Cyan indikasyon na pinapahintulutan niyang pagsalitain si Red. Inakay siya nito sa isang bato at doon pinaupo. Tumabi ito sa kaniya. "But first, I just want you to keep quite and never interrupt me,"

Gusto niyang matawa sa sinabi nito. Mukhang alam na nito ang initial reaction niya kapag may mga ganitong moments, ang biglaang pagsabat at paputol ng linya ng kausap. Ganun pa man, tumahimik pa din siya.

"I don't know. But if you remembered, I once said na gusto kong maging si Skyrus. God, I dunno why I said that. Noong time na nagkwekwento ka, iniisip kong sana ako na lang si Skyrus, ano kaya ang feeling? Ewan. Tapos hindi ako makatulog sa kakaisip. Naguguluhan ako. Magdamag akong nakadilat, pagulong gulong. Habang tulog ka, ako naman nababaliw sa kakaisip ano kayang pakiramdam na maging si Skyrus. Na maging...nobyo mo." Nagulat si Cyan sa pinagsasabi nito. Kung mayroon man siyang hinala sa hindi nito pagpansin sa kaniya, ito malamang ang huling hinalang maiisip niya.

"I want to know more of you. Pero takot akong subukan. Baka sa sobrang kagustuhan kong maging si Skyrus ay matulad din ako sa kaniya. Sa katapusan niya. Kaya noong madaling araw, lumabas ako ng kweba at ginawa ko na ang tree house na dapat sana ay tayo ang gagawa. Pero noon, naging final na ang desisyon kong ilayo muna ang sarili ko sa'yo. Takot ako sa nararamdaman ko. Pero, Cy, swear. Nakatulog ako buong araw nayun. Kaya hindi mo ako natagpuan noong unang araw na nawala ako.

"Hindi ko naman alam na malaki pala ang impact nun sa'yo. Sa ginawa kong pag iwas. Hindi ko naisip na baka masaktan ka. Kaya nakahanda ako sa lahat ng banat at ganti mo sa akin. Dahil deserve ko 'yun. Sorry na kung naging ganun ako sa'yo. Ready na ako sa mga pagtataray at pagiging hard mo sa akin. Pero, Cy. Wag lang ang buhay mo. Masasaktan ako. At di kaya ng konsensya ko ang mawala ka dahil sa akin." Hindi din agad nakapagsalita si Cyan sa mga narinig niyang rebelasyon nito.

"What now?" Pagbasag nito sa katahimikan. Lutang si Cyan sa mga pinagsasabi ni Red. Mukhang hindi pa nagsink in sa kaniya ang mga narinig mula rito. Naglalaban ang isip at puso niya and it's hard to choose between the two.

"I dunno," balewala niyang sabi. Napabuga siya ng hangin. "I've had had enough. Been stuck in this island with the person I barely knew. I offered my trust without an ounce of hesitation, but I end up doomed and shamed. What's wrong with me? You know, Red, you might think I'm a sissy in here, overreacting with the unpleasant treatment you showed. But, man! To me, talking to someone I barely knew is a risk. A great risk. How much more if I trusted you? I grow up believing our heart can manage to accept few people to enter our lives."

"And all I want is to be one of that few," napatingin siya sa mga mata nito. Nangungusap iyon at tila kumikinang na kahit ang ilaw ang nagmumula lamang sa bonfire na ginawa niya. "Let me be, take a risk. I promised, it won't be wasted."

Iniwas niya ang tingin dito. Looking those sincere gaze could lock him up forever. Napatingin siya sa kawalan. His life has been that dark. And saying 'Yes' to this amnesiac guy means the greatest risk he'll take. What if may nobya na ito? What if mag bago ang isip nito oras na magbalik ang mga alaalang nawala? These what if's flooded him, drowned him.

Napatayo siya, naramdaman niyang tumayo din ito. "I-I dunno, I just want to curse!"

Biglang lumukot ang expression ni Red sa tugon ni Cyan. "If that's what you like."

"Puta! Ang slow. Diyan ka na nga!" Lumakad papalayo si Cyan. Hinabol siya nito habang sinisigaw ang kaniyang pangalan. Hinawakan siya nito sa braso at pinaharap.

"Ano na namang nagawa ko?" Inosenteng wika nito.

"Tanga! Ang slow mo." At biglang umulan ng bad words mula sa bibig ni Cyan. Biglang lumiwanag ang mukha ni Red at mukhang nakuha na nga niya ang ibig sabihin ni Cyan.

Hinawakan niya ang pisngi nito, "Stop cursing or else..." Nakangisi niyang banat.

"Or else what?" Nakangiting tugon ni Cyan. Sa wakas ay nakuha din nito. Sa isip niya, how the hell this guy started a puzzle game with a recall on what they did before, yet can't even remember what he initiated?

Red reached for his lips. And as it happen, Cyan knows for sure...he's taking that greatest risk.

Siguiente capítulo