Akio's POV
Mundo
"Talaga ba, dito mo ako dinala," iritang-iritang saad ng dalaga sa harapan ko.
"Oo sabi mo diba' dalhin kita sa mundo ko kaya dito kita dinala," sagot ko sa kanya.
Nandito kami sa paborito kong lugar ang library. Balak kong palayuin siya sa akin at ito lang ang alam kong paraan baka pag hindi niya magustuhan kung saan ako pumupunta o kung ano ang madalas kong gawin ay mainis siya tapos lumayo sa akin ng tuluyan. May lahi ata ng pusit ang babaeng ito masyadong madikit.
"Sobrang boring naman sa mundo mo mabuti pa tara na lang mag-inom sagot ko," binalik niya mga librong kinuha niya tapos humarap sa akin at pumewang "Sagot ko ang alak at pulutan,"
"Ayoko hindi ako nag-iinom at hindi ako kagaya ng mga lalakeng kasama mo," paliwanag ko sa kanya.
"Life is a real bitch, kung magpapatuloy ka sa ganyang buhay madaling ka mamatay at madami kang pagsisihan."
"Desisyon ko ito buhay ko at wala pa akong pinagsisihan sa mga desisyon ko," mahinahon kong pahayag sa kanya.
"Why don't we play truth or dare," kinikilig pa siya habang nagsasalita. "Ganito ang mechanics kapag babae ang pumasok dyan ako ang panalo pero kapag lalake ikaw ang panalo," sa pangalawang pagkakataon nauto na naman niya ako.
Babae ang unang pumasok ng library, tumawa siya ng parang bata, kaso pinigil niya din kase napalakas ang boses niya.
"Paano ba yan panalo ako so ako unang magtatanong," tuwang-tuwa niya sambit.
"May sinabi na ba akong kung truth or dare?"
"Wala pero gusto ko ng truth eh pake mo ba basta panalo ako, simple lang naman itatanong kaya wag kang magalala," tinali niya ang buhok niya takte sinu-seduce ba ako ng babaeng ito? Wala na naman akong nagawa kaya no choice sasagutin ko siya.
"Bakla ka ba?"
"Anong klaseng tanong yan?"
"Sagutin mo na lang arte mo siguro bakla ka nga," nang-aasar niyang sambit sa akin.
"Hindi ako bakla," maikli kong sagot. Wala naman siyang sinabi pang masama at nagpatuloy na ang game.
Babae ulit ang dumating, talo na naman ako. Nakakainis puro babae ang dumadating dito sa loob ng library ganito ba ito kasikat sa mga babae. Ako pa lang yata ang pumasok sa library na ito.
"Hmmm," pumewang siya habang iniisip ang tanong na gusto niyang itanong.
"Alam ko na! Nagka-girlfriend ka na?" Ayokong sagutin ang tanong niya alam kong pagtatawanan niya ako kaya nanahimik na lang ako ng ilang minuto at napansin niya ito.
"So hindi ka pa nagkaka-girlfriend wag mong sabihin--" bubwelo na siya ng tawa pero tinakpan ko ang bibig niya.
"Oo, hindi pa ako nagkaka-girlfriend," sabay alis ko ng kamay sa bibig niya.
"VIRGIN KA NGA!" Malakas niyang sigaw na pumukaw ng atensyon ng tao sa loob. Nakakahiya ang babaeng ito napakaeskandalosa. Hays.
"Kayong dalawa," tinuro kami ng babaeng matandang nagbabantay sa library "Get out kanina pa kayo, napakaingay nyo."
Wala kaming nagawa kung hindi lumabas ng library mukhang hindi effective ang plano ko, nakakainis paano ko ba mailalayo ang babaeng ito. Lumakas lang ako nang lumakas hindi ko alam kung saan ako pupunta pero sunod siya ng sunod.
"Saan tayo pupunta?" Tanong niya sa akin.
"Hindi ko alam,"
"Bakit hindi mo alam," napipikon na ako konti na lang sasabog na ako.
"Hindi ko alam at wala akong pakialam sayo, at sa stupid mong trip okay kaya MISS TANTANAN MO NA AKO!" nasigawan ko siya ng malakas mukhang kailangan na niyang mahimasmasan.
"Ah ganun sige tara sa presinto ire-report ko yung ginawa mo sa akin, tsaka wag mo akong tawaging miss may pangalan ako Rylie," pangangatwiran niya.
"Okay Rylie pwede bang itigil na natin ito? Itong kalokohan mo alam kong trip mo lang lahat ng ito kaya sana naman wag ako ang biktimahin mo, sabihin mo nga sa akin ilang tao na ba na-blockmail mo ha?" Inis kong tanong sa kanya.
"Bina-blockmail ba kita? Ang alam ko pumayag ka sa deal natin?" Nilapitan niya ako at tiningnan ng masama, "Na ikaw ang magiging buddyguard ko hanggat wala akong napapatunayan na wala kang ginawa sa akin?"
"Naiintindihan ko ang punto mo okay? Ang akin lang sana maniwala ka sa akin na wala talaga akong ginawang masama sayo, mahirap bang maniwala at magtiwala?"
"Hindi ako naniniwala at hindi ako magtitiwala ayoko ng maisahan kung wala kang balak sa akin dapat pinabayaan mo na ako nung gabing yun," kasalanan ko bang mabait akong tao bakit wala akong magawa pag tumitingin na siya sa akin sa mata.
"Kaya kung ako sayo samahan mo akong uminom dali na," hinila niya ang kamay ko ang lakas ng babaeng ito kayang-kaya niya yata ako ibalibag kung saan.
Bumili kami ng alak at konting snacks sa seven eleven at naglakad ng mahigit kalahating oras para makapunta sa dagat. Ang kalma ng paligid dito malayong-malayo sa syudad na napakaingay, napatulala ako ng saglit para ikalma ang sarili at nagsimulang magtanong sa kanya.
"Paborito mo din palang pumunta sa mga kalmang lugar gaya ng dagat," kalma kong sambit sa kanya.
"Uy curious na siya sa akin, inlove ka na sa akin noh?" Pangaasar niya
"Sira, hindi ka ba talaga makausap ng matin kahit ngayon lang?" Bwelta ko sa kanya
"Pwede naman basta kada tanong, inom ka?" Binigay niya sa akin ang chaser at kinuha ko iyon at agad ininom.
"Sino ka ba talaga? Nagkita na tayo dati?" Tanong ko sa kanya.
"Bakit mo naman naitanong yan at teka bakit dalawang tanong eh isang chaser lang naman ang nainom mo?"
"Hindi ko kase mai-magine na ganyan ka kasama laruan lang ba ang tingin mo sa mga lalake?" Uminon ulit ako ng alak, nagulat siya nung ginawa ko yun.
"Masama ba talaga ako?" Nilaklak niyang lahat ang alak at tumingin ulit sa mata ko, "ganun ba talaga ang tingin mo sa akin?"
Medyo nahihilo na din ako at malabo na din ang nakikita ng mga mata ko gusto ko ng umuwi pero wala yatang balak umuwi ang babaeng ito. Wala na akong maintindihan sa mga sinasabi niya.
"Gusto ko lang naman na may mag-alaga sa akin," bumaling siya ng tingin at napatingin ako sa kanya. Hindi ko alam sa tuwing tumitingin ako sa kanya may kakaiba akong nararamdaman ngayon ko lang ito naramdaman sa tanang buhay ko. May kakaiba talaga sa kanya at hindi ko alam kung ano yun.
"Tara na umuwi na tayo kaya mo pa bang maglakas?" Mahina ang boses niya at masarap lang sa tainga hindi katulad ng mga napapansin ko sa kanya kakaiba siya ngayon. Mas gumaganda siya kapag pormal siyang babae.
"Mas maganda ka kapag ganyan ang itsura at pananalita mo."
"Para kang tanga, tara na tumayo ka na dyan o papatayin kita?" Bumalik na naman siya sa pagiging barako, wala akong nagawa kung hindi tumayo at sinimulang maglakad. Dahan-dahan lang ang paglalakad namin kase iba ang tama sa akin ng ala biruin mo dalawang chaser lang ang nainom ko pero ganito na ang epekto paano pa kaya kung naparami ako. Itong babae na katabi parang wala lang sa kanya ang alak immune na ata siya.
Mahigit isang oras at kalahati nakarating na kami sa tapat ng bahay namin. Dapat magsasakay kami ayaw lang niya gusto niya daw mahimasmasan ng konti kaya wala akong nagawa.
"Nandito na tayo sa bahay namin paano ka?"
"Anong paano ako egi uuwi mag-isa sanay naman ako wag kang mag-alala," binigyan niya ako ng pekeng ngiti, "salamat Akio, sa pagsama sa akin ang saya ko." Isa pang pekeng ngiti.
"Kio na lang kaibigan ko lang pinapayagan kong tawagan ako sa ganyan pangalan, ako din masaya." Nginitian ko siya ng malawak ngayon ko lang ito gagawin sa babae.
"Paano mauuna na ako, text kita kung kelan ako magpapasama ulit," paalis na siya pero pinigil ko siya
"Ano kase, Rylie gusto kong humingi nga sorry sa nasabi ko kanina," Mahinahon kong saad sa kanya.
"Okay lang yun ano ka ba," saad niya sa akin.
"At tsaka gusto pa kitang makilala ng lubusan,"
"Okay? Ang weird mo sige alis na ako."
GUSTO KO PA SIYA MAKILALA NG LUBUSAN WTF AKIO, ANONG NANGYAYARE SAYO?
#