webnovel

Red Thread

Autor: Juanxhari
Acción
En Curso · 85.9K Visitas
  • 32 Caps
    Contenido
  • valoraciones
  • NO.200+
    APOYOS
Resumen

"Play my words inside your mind. Use your eyes to read, imagine, transform, and make my characters alive." Work of Art - Mystery/Thriller Subgenre - Young Adult May 18, 2020 June 4, 2020 (NOT A WHOLE DETECTIVE DRAMA) *** STANFORD, malapit sa baybayin ng West Philippine Sea, mukhang normal sa paningin ng isang tao lamang. Dahil tila ito ay nahahati sa tatlong apat-na-palapag, malaki at maluwang na gusali - na nagbibigay ng mga puwang para sa iba't ibang mga pasilidad tulad ng Multi-purpose Hall, Cafeteria at Library. Ang kanilang mga diseniyo ng arkitektura ay ibinigyang inspirasyon mula sa panahon ng Medieval na may mga bintanang baso, tukod, matataas at patilos na bubong, sementadong salulo, tore at arkong paturo. Ang tatlong pangunahing gusali, gayunpaman, ay mayroon ding tatlong magkakaibang mga layunin at nahahati sa dalawang bahay. Ang pinakang malayo ay may rebulto ng tigre, ito ay kumakatawan sa mga bihasang mag-aaral at ang layunin nito ay upang tipunin ang lahat ng mga mag-aaral na handa para sa agham pampulitika, computer science at mga propesyon na may kinalaman sa teknolohiya. Ang gitna ay may estatwa ng leon, ito ang gusali para sa lahat ng mga pasilidad sa paaralan. Ang pangatlo ay may rebulto ng lobo, kinakatawan nito ang mga intelihenteng mag-aaral. Katapat naman ng mga gusali ay bilog at malawak na obal na hugis-itlog na kung saan ay kinubkob ng mga puno ng Elm at Oak at nagbibigay ng natural na hangin. Ito ay payapa. Madali ang buhay ng mga mag-aaral. Hindi hanggang sa sunod-sunod na pagkitil ng buhay mula sa mga pagpapakamatay, pagkalulong sa droga, at serial killings ay mapunta sa linya sa kanilang mga bakuran. Walang sino man ang nakakaalam kung sino o kung ano ang nasa likuran ng biglaang trahedyang mga kaganapan na ito, naisip ng lahat na ito ay isang masamang taon lang para sa Stanford. Maliban sa isang tao. Si Logan, ang anak ng direktor ng Stanford at isang miyembro ng News and Report Club, na naaksidente sa nakaraang taon na naging dahilan upang magkaroon siya ng short-term memory. Sinusubukan na lutasin ang kaso dahil naniniwala siya na hindi lamang ito mga sadyang pagkakataon. Dahil ang isang tao ay nasa likod nito, naisip niya. At ang mga kasawiang nagaganap ay konektado sa aksidente na kaniyang nakatagpo. Mayroong dalawang posibleng mga tao sa likod ng mga gawaing ito, naisip niya. Ang bagong nahalal na Punong Estudyante mula sa bahay ng tigre o isa sa kanyang malalapit na kaibigan. Alin man, alam niya na hindi ito magiging madali. At dahil doon, sinubukan niyang bumuo ng isang club mula sa mga mag-aaral na naging rebelde laban sa Stanford. At sa paglapit nila sa katapusan ng mga kaso. Nalaman niyang isa lang ang nasa likod nito.

Etiquetas
5 etiquetas
Chapter 1Rolling The Thread

Malamig nang sadya sa Stanford, pero mas lalong lumamig sa puwesto nila- basement ng Building A-B, dahil sa hinihintay na anunsyo.

Umawang ang nag-iisang pintuan, may pumasok na ilang pirasong ilaw sa loob nang madilim na silid.

Lumingon ang mga estudyante na nasa loob. Sila ay sina Logan, Jeff, Oliver, Khen, Jay, Angelyka, at Shion, na kanina pa naghihintay sa pagbabalik ng isa nilang kasamahan- si Sheena.

"Putangina, ano, patay ba?" agarang tanong ni Oliver, napatayo siya mula sa pagkakaupo.

Hindi umimik ang dalagitang si Sheena. Alam niya na kapag sinabing oo, lalo lang silang kakabahan. Pero alam din niyang sila ay wala ng takas... wala nang kawala.

Naglakad si Sheena patungo sa posisyon ng kaniyang kaibigan, nagwika siya, "May nakakita sa atin."

Katahimikan sa loob ng silid ang siyang sumisigaw.

Animo'y naging yelo ang kanilang katawan. Pero nag-init din ito matapos tumayo si Oliver at agarang sinunggaban si Logan. Hinawakan niya ang kuwelyong suot ng binata at utay-utay na itinaas sa ere.

Lumabas ang ilang ugat sa parehas nilang ulo, nagsasabing sila ay tensyonado at kinakakabahan.

"This is your fucking fault! Kung hinayaan mo na lang sana akong barilin si Mateo, hindi ito mangyayari! Fuck you!"

May durang lumabas sa matabil na bibig ng binatang si Oliver. Lumapag ang nakadidiring dumi sa ilong ni Logan, bumaba ito sa kaniyang bibig hanggang sa tumulo ito sa kawalan.

"Bitawan mo ako, Oliver! Kung hinayaan kitang gawin iyon, patay na si Mateo!" sabi ni Logan.

Sa pagkakataong ito, si Logan na ang humugot ng hangin mula sa kaniyang sikmura hanggang maramdaman niya na ang plema sa pagsabay nang paghagod paitas. Nang ito ay nasa kaniyang lalamunan, walang ano-ano pa ma'y inilabas ito. Sumakto ang dumi sa loob nang nakabukas na bibig ni Oliver.

Dahil sa nangyari, napabitaw sa mahigpit na kapit ang lalaki sa kuwelyo ng kalaban. Umaktong nasusuka si Oliver, lumapit naman si Shion sa likuran ni Logan.

Nang bumalik sa katinuan ang naglolokong si Oliver, ihinarap niya ang kaniyang katawan sa kalaban.

"Who the fucking asshole told you that I'll be killing Mateo?! Tatakutin lang natin. Tangina ka! At... iyon naman ang ipinunta natin, 'di ba? Hindi mabubuo ang club na ito kung hindi dahil sa kagustuhan nating maipabagsak si Mateo! You wanted us to drag him down, we were doing it! Why are you backing off piece of shit?" pasigaw na wika ni Oliver.

Kinapitan ni Shion si Logan sa kaniyang balikat upang tulungang pakalmahin ang sarili.

Alam nilang gulo 'to.

"Wala sa usapan na mamamaril tayo!" tugon ni Logan.

"Tanga ka ba?" panimula ni Oliver, "the gun I have was a fucking toy! Oo- nakakabaril iyon, pero walang iyong totoong bala!" Umalingawngaw ang boses ni Oliver sa loob nang kulong na silid.

Kumunot naman ang noo ni Sheena. Ang iba ay walang imik. Si Khen ay kagat ang kaniyang kuko.

"What?" tanong ni Sheena, "hindi totoong baril iyong gamit mo, Oliver?"

"Of course! Saan ako kukuha ng baril, puta!" walang-galang na sagot ni Oliver. Galit na galit ang binata.

"Bakit, Sheena? Ano ang nalaman mo?" tanong ni Angelyka.

Inalala ni Sheena lahat nang nakalap niyang impormasyon kanina sa infirmary, kung saan doon namamalagi ang nabaril na guro- si sir Willie.

"May nakitang totoong bala sa katawan ni sir Willie. Kung hindi ikaw iyong nakabaril, sino?" naguguluhang wika ni Sheena habang nakapatong ang kaniyang kamay sa ibabaw ng kaniyang dibdib.

"Puta," sambit ni Oliver.

Rinding-rindi na sa pagmumura si Khen. Nais niya nang sapakin ang binata pero hindi niya ito magawa, alam niyang mas malakas si Oliver kesa sa kaniya.

"Oliver! Tumigil ka na nga sa pagmumura, you're not helping!" tanging sigaw ni Khen.

"Shut up, gay."

Dapat ay susunggaban si Oliver ni Khen, ngunit iyon ay naputol nang may yapak ang tumunog papasok sa kanilang silid.

Hindi sarado ang lihim nilang clubroom dahil sa kakapasok na si Sheena, naging madali ang pagpasok ng lalaki.

Silang lahat ay nakatingin sa paparating na presensiya, hindi nila maaninag ang mukha nito dahil walang ilaw ang nagliliwanag dito.

Ilang sandali pa at nakatayo na ang bagong dating sa kanilang posisyon, malayo man ito sa kanila ay pansin ang pamilyar na hubog ng katawan.

Nakalingon ang mga magkakaibigan dito, unang nagsalita si Logan, "Who are you? You're not allowed to be here."

Ngunit ang tinanong ay hindi umimik.

Kumuha siya nang tatlong hakbang, sumakto sa kaniyang posisyon ang nakasilip na liwanag mula sa labas. Nadagil nito ang matangos niyang ilong.

"It's time," panimula niya, "it's time to fight with you."

Mabilis na naglakad malapit sa mga estudyante ang lalaki.

Hindi inaasahan ng mga ito ang pagdating ng hindi imbitadong bisita.

"Mateo?" usisa ni Logan.

Red Thread

Juanxhari

También te puede interesar

UNO (Tagalog)

Seryoso ang mukha ng lahat habang nasa conference room lalo na ng bigyan bawat isa ng folder na naglalaman ng panibagong assignment. Huminga muna ang lalakeng nasa harap na bahagyang may edad na ngunit matikas pa rin ang tindig. Nakasuot ito na itim na vest na nakapatong sa suot nitong putting amerikana. Ganoon din ang suot ng iba pang nasa loob ng silid. “Your folder contains the information we’ve got about Agent One who disappeared for almost ten years. That person has no identity and left no traces at all. We thought he’s dead but a source confirmed he’s still alive and still working on something. That’s why we have to know what happened to him and his reasons for not reporting in this office for those years we thought he’s dead.” Pagpapaliwanag ng lalake kasabay ang mga bulung-bulungan. Maya-maya’y nagtaas ng kamay ang isa sa mga nakaupo na nakikinig. “Yes, Agent 15?” Tawag ng lalakeng nakatayo sa nagtaas ang kamay. “Why do you need us all in this case, Michael?” Tanong nito na hindi na nag-abala pang tumayo. “Good question. The Greater Heights needs all of its agents in this case. Why? Dahil hawak ni Agent One ang data na naglalaman ng mahahalagang impormasyon patungkol sa ating lahat. Nung aktibo pa siya sa organisasyon, siya ay isa sa may access sa ating system. Nang mawala siya at ideklarang patay, hindi na binago ang ating system. Ngunit ngayong may impormasyong buhay siya, huli na para mabago pa ang lahat. Kaya kailangang maibalik siya at tinayaking walang nag-leak sa mga hawak niya. Dahil kapag nagkataon, mamimilgro hindi lamang ang mga buhay nating lahat kundi lahat ng mga taong malalapit sa ating buhay.” Pagpapaliwanag ng lalake. Kita ang pagkabalisa ng lahat. “Finding a missing person is the easiest thing a single agent can do, Michael.” Wika naman ng isang pang agent na nakaupo na sinang-ayunan naman ng marami. “Yes….unless wala na ang lahat ng source maging ang lahat ng may koneskyon kay Agent One.” Sagot ng lalake na ikinatahimik ng lahat. *********************************************** Basahin ang makabagong istorya na puno ng aksyon, misteryo, at pag-big. "UNO" sa panulat ni B.M. Cervantes Copyright by B.M. Cervantes All Rights Reserved 2020

Blessedy_Official1 · Acción
Sin suficientes valoraciones
36 Chs