webnovel

Capítulo dez

"May problema ba?" tanong ko kay Allison nang matigilan siya sa pagkain. Ang sarap-sarap pa naman ng pagkain niya, itinigil pa niya para lang titigan ako.

"Anak, alam ko naman na na-miss mo ang mama mo kaya mamaya mo na ako titigan at kumain ka muna dyan. Makakapaghintay naman ang pagtitig mo sa akin pero ang pagkain, hindi," sambit ko na itinuro ang pagkain niya.

Sinamaan naman ako ng tingin ng aking bunso na siyang ipinagtaka ko, "Pinagsasabi mo, mom? Paano ako makakakain ng maayos eh ikaw kaya itong tinititigan ako habang kumakain? At saka anong miss? Hindi kaya kita namimiss. Parang ang tagal ko namang nawala eh ilang buwan lang naman 'yon," saad niya bago isinubo ang patatas.

"Anong hindi matagal sa anim na buwan, Allison?" tanong ko pabalik dito. Maiksing panahon lang ata para sa anak ko ang anim na buwan?

Ibinalik naman niya ang tingin sa akin habang ngumunguya, "Ang iksi lang na panahon 'yon, mom. Dapat nga isang taon pa akong mawawala eh— awww! Mom, ano ba?!" hinawakan ko ang tainga niya at hinila papalapit sa akin dahilan para mamula 'yon sa sakit.

"Anim na buwan kang nawala nang hindi man lang ipinapaalam sa amin kung ano ng nangyayari sa'yo. Kahit man lang sana tumawag ka para sabihan kaming buhay ka pa. Kung isang taon kaming mawawalan ng koneksyon sa'yo, paniguradong iisipin ng dad mo na patay ka na," sermon ko dito.

"Kaya nga umuwi na ako mom eh," depensa naman niya, "Dapat lang na umuwi ka na."

"Look who's here," binitawan ko naman siya nang marinig ko ang boses ng aking asawa na ngayon ay tuwang-tuwa. Sabay kaming napatingin ni Allison sa direksyon niya habang nasa likuran naman niya si Ali.

"Dad!" tuwang-tuwa na tumayo si Allison para lapitan ang magaling niyang ama. Sa totoo lang, parang mas namimiss niya pa ang magaling niyang ama kumpara sa akin.

Nakakatampo.

"My daughter," pahayag ni Stefano na niyakap si Allison habang nakangiti ito.

"Kuya!" pagkatapos niyang yakapin ang magaling niyang ama, ganon din ang ginawa niya sa kuya niya. Kahit nakakatampo, hindi ko maiwasang matuwa dahil sa pagbabalik ng bunso namin. Isa na lang talaga ang kulang.

"What were you doing all this time, Allison?" tanong ni Stefano sa kanya. Bumalik naman si Allison sa kinauupuan niya kanina at itinuloy ang pagkain. Ganon na rin ang ginawa ng dalawa.

Umupo ang panganay sa tabi ng kapatid niya habang umupo naman ang asawa ko sa tabi ko. Hinawakan niya pa ang kamay ko like he usually do kaya nagpalitan kami ng ngiti. I could only say that he's not just a typical husband. That's why I fall for him even more. Although he's busy with his org, he never forgot to spend time with his family.

"Nothing much, dad. I just had a vacation," walang interes na sagot nito habang iniikot ang pasta sa tinidor na hawak niya.

"Vacation where?" kinuha ni Stefano ang baso ko na naglalaman ng tubig at saka ininom 'yon bago muling nagsalita, "You should have told us so that we wouldn't have to worry that much anymore."

"Somewhere, dad. Sorry kung hindi ko kayo sinabihan but as you can see, maayos naman ang lagay ko kaya wala na kayong dapat na ipag-alala pa," sinamaan ko naman siya ng tingin. Natural lang na mag-alala kami sa kanya lalo na't wala siyang paramdam.

"Next time, you should inform us. You don't even know how much we were worried about you," pagsasalita ni Ali. As usual, napakaseryoso pa rin niya sa buhay. Ang tatay niya kahit papaano ay madalas akong ngitian samantalang siya, ay ewan ko kung saan ko siya ipinaglihi.

Minsan lang kung ngumiti at parang pinagbagsakan ng langit at lupa ang panganay but I can't also blame him for being like this . Honestly, hindi siya ganito dati. He used to be so sweet. Something happened which turned him so cold.

"Opo, kuya," diin naman ni Allison, "Hindi ka ba nauumay sa kanilang dalawa, mom? Eto nanaman tayo sa english," bulong ni Allison sa akin na ikinatawa ko.

"Pagpasensyahan mo na sila, anak. Alam mo naman na lumaki ang dad mo sa ibang bansa kasama ang kuya mo. As a mother and a loving wife, kailangan kong kayanin ang ganitong attitude nila, lalo na ang kuya mo," pahayag ko na ikinatawa din niya ng mahina.

"Buti na lang mom naiwan kami ni kuya Al dito, dahil kung ipinasama mo kami kay dad, malamang englishero't englishera na rin kami ngayon. Kung ganon, RIP sa'yo mom," napalakas pa ang boses niya kaya napatingin kami sa dalawa lalo na nang magsalita si Stefano.

Bigla naman naming naalala ang pangalawang anak nang banggitin siya nito, "Oh right, have you heard something from your kuya Al?" tanong niya kay Allison na ikinailing naman nito.

"Hindi pa kami nagkakausap, dad. Malamang busy 'yon ngayon sa trabaho niya. Sigurado naman ako na lumulutang pa siya sa dagat hanggang ngayon. Matagal namang mamatay ang masamang damo."

Bumuntong-hininga naman ang asawa ko, "He used to call us whenever he had time."

"Don't worry, dad. Allison is right that Al must be so busy," pagsasalita ni Ali.

"Himala kuya. You agreed with me for the first time," gulat na sambit ni Allison.

"It was the first right thing you said Allison that's why I agreed." -Ali

"Tsk! Kahit kailan talaga, hindi ka magandang kausap," saad pa niya bago muling kumain na halatang dismayado, "Oo nga pala, nasaan ang iba?" inilibot naman niya ang paningin sa paligid.

"They left for their careers," ibinalik naman ni Allison ang tingin sa kuya niya, "Ha? Babalik pa naman sila hindi ba?" may pagkabigla rin sa pananalita nito.

Noon kasing umalis siya dito sa mansyon, magkakasama pa silang lahat.

"Yes. When the time is right," sagot ni Stefano.

"But Terrence is already here. Nagpaalam siya sa akin kanina na ipinapatawag siya sa trabaho," saad ko.

Terrence became matured since he became a detective. It was his dream to become one since when he was still acting childish. He is the kind of man which is always ambitious and passionate in his career but I assure you that you can always count on him.

"If I am not mistaken, he's working on Detective Ronan Silverio's case together with the General." -Ali

"Did he tell you something about it?" -Stefano

"Not yet, dad. I'm certain that he didn't yet mention about it until he find out what really happened."

"You know that Terrence never liked accusations, hon. Gusto niya munang siguraduhin ang mga bagay-bagay bago niya sabihin sa atin," dagdag ko pa.

"Terrence is a very thoughtful man," pagharang naman ni Allison habang abala sa pagkain.

"That's joyously thoughtful of you, Allison," napatingin kami sa direksyon ng isang lalaking nagsalita. Papalapit ito ngayon sa amin. Nang matanaw namin siya ay mas lalo akong napangiti.

"Detective," tumayo ako para salubungin siya, "Senyora," saad din naman nito habang nakangiti at bahagyang yumuko.

"You left an hour ago, right? Tapos na ba ang trabaho mo?"

"Yes, I just had to pick up something important, Senyora. Unfortunately, the General had an urgent meeting that's why our meeting had been cancelled," this is one good thing about him, his smile. Bahagya ngunit nakakahawa.

"Oh I see."

"Terrence! I miss you!" tumayo din si Allison para lapitan ito, "How are you?" masayang tanong niya. Hinawakan naman ng Detective ang kamay niya at saka ito hinalikan.

He's always like this to every woman. He shows so much respect as every woman deserves.

"I'm doing good. How about you? You were gone for a long time, Allison." -Detective

"As you can see, I'm also as fine as you. Nagbakasyon lang ako. Just wanted to be alone for a moment."

"I'm afraid that your 'for a moment' took that long," sagot naman ni Terrence na bahagya naming ikinatawa.

"Come on, namiss kita," masayang sambit ni Allison na niyakap si Terrence.

"You must be so tired from work. Kumain ka muna," pahayag ko kaya napatingin si Detective sa akin, "As you wish, Senyora," ngumiti naman ulit ito.

"Estou feliz em te ver, Godfather. Eu espero que você esteja bem," bati nito nang mapansin ang asawa ko kaya sinenyasan naman siya ni Stefano para maupo.

(I'm glad to see you, Godfather. I hope you are well.)

"Estou feliz em te ver também, Detective. Have a seat," sumunod naman ito at pumunta sa kabilang bahagi ni Allison para maupo.

(I'm glad to see you too, Detective.)

As usual, our third generation's favorite is white pasta kaya 'yon ang nakahapag sa lamesa. Kumuha mula doon si Terrence pagkaupo niya, "How about you, dad? Hindi ba kayo kakain ni kuya?" tanong ni Allison sa mag-ama.

"No, we already had dinner," sagot nito.

"Maaga kayong kumain? Don't tell me..." tinignan ako ni Allison na natigilan sa pagnguya kaya tumango ako, "Isa lang naman ang dahilan kung bakit maaga silang kumakain," pahayag ko.

"Is that why all your men were like going into a war?" tanong pa niya na ikinatango ng ama niya, "Ahhh, kaya pala lahat sila may hawak na baril at itinapat sa akin kanina."

"They did that?" tanong ni Stefano kaya nagbuntong-hininga na lang ako. Nagsumbong pa talaga eh siya naman ang may kasalanan.

"Paano ba naman kasi, hon. Pinantawid niya ng gate natin ang motor niya kaya ayan, pinagkamalan na kalaban na gustong manloob sa atin," saad ko.

"Pero hindi makatarungan 'yon, I could get killed," depensa pa niya.

"They should have shot you then," napatingin naman kami kay Ali na uminom ng tubig at muling ibinaba ang baso sa lamesa.

"What?!" -Allison

"Next time, don't do something like that, Allison. If I was there, I would shoot you in a second for thinking mistakenly that you were really an enemy." -Stefano

"Dad naman. Kinakampihan pa si kuya," sabi nito na sinamaan ng tingin ang kuya niya.

Mag-aama talaga sila.

"It's for your safety, Allison," dagdag pa ni Terrence kaya ganon din ang ginawa sa kanya ni Allison, "Isa pa 'to."

"How about Van nga pala? Hindi pa ba siya okay?" tanong niya nang may maalala.

"Van will be here any moment." -Ali

"I'm sure he'll surprise us for coming back. Hintayin na lang natin ang pagbabalik niya," sagot ko naman sa kanila. That another child of mine, I hope he'll get well soon.

Nakita ko naman na kukuha pa sana si Terrence ng pasta kaso wala ng laman ang lalagyanan, pati na rin ang lalagyanan ay nawawala kung saan ito nakapatong kanina. Sabay naming tinignan ang plato ni Allison at nakita namin na nasa kanya na ang lahat ng pasta. Maski ang lalagyanan nito ay inako na din niya.

Natahimik kaming dalawa na napansin ni Allison kaya natigilan siya sa pagkain. Tinignan niya si Terrence na nakangiting nakatingin sa kanya kaya ngumiti rin siya sa pagkahiya, "Magpapakuha na lang ulit ako ng mas marami," pahayag niya na tinignan ako.

Nagbuntong-hininga ako at nagsalita, "Blue," hindi nagtagal ay lumapit din ito sa amin.

"Yes, Senyora?"

"Pakuha naman ulit ng pasta."

"Sige po," bahagya itong yumuko bago tuluyang umalis. Nakita ko naman si Allison at Ali na napatingin sa pagitan nila, "My princess, what do you want?" pagsasalita ni Ali. Napansin ko na lang na kinakausap niya pala si Melody na nasa likuran nila at halos kakarating lang, "Melody!" saad ni Allison na hinarapan ang bata, "I miss you, baby! Come, give me a kiss," hinalikan naman siya ng bata sa pisngi. Lahat kami ay nakangiti habang nakatingin sa kanya.

Though Allison doesn't like Erin, ni minsan ay hindi namin idinamay ang bata. Ali was about to hold his daughter pero bigla namang tumakbo si Melody papalapit sa akin kaya napangiti na lang ito. Binuhat ko naman ang anak niya at kinandong, "What do you want? Are you hungry?" tanong ko na ikinatango naman niya.

"Oh there you go," sakto namang inihapag ni Blue ang dalawang plato ng pasta sa harapan namin, "So does it mean nandito rin ang nanay niya?" tanong ni Allison.

Sandali naman kaming natahimik at napatingin sa kanya ang lahat, "Ang kapal naman ng mukha niya na magpakita pa dito."

"Allison," seryosong pahayag ni Stefano. This time, there was authority in his voice.

"Você não deve falar quando a criança estiver na frente, daughter."

(You shouldn't speak when the child is in front, daughter.)

"Fine, dad. Mananahimik na ako," itinuloy naman ni Allison ang pagkain. Napansin ko si Blue na paalis na hanggang sa may maalala ako, "Blue," natigilan siya at humarap sa akin.

"Kumain na ba si Gale?"

"Hindi pa po. Ihahatid ko pa lang ang hapunan niya."

"I see. Just take some desserts in the family kitchen at isama mo na sa pagkain niya. It's not yet still locked, you can just come in," pagbibigay-permiso ko sa kanya.

"Yes, Senyora," saad nito na bahagyang yumuko bago tuluyang umalis.

"Serenity Gale Verdejo de la Roche?" hindi makapaniwalang tanong ni Allison. Kumuha naman ako ng pagkain at inilagay sa plato ko para kay Melody. Tahimik na rin na kumakain si Terrence.

"Yes," sagot ko.

"So we finally got her?" tumango naman ako, "Is she the one I saw earlier behind you, mom?"

"Yes."

"Hmmm, I see," itinuloy naman niya ulit ang pagkain.

"You should speak with her," saad naman ng asawa ko kaya napatingin si Allison sa kanya habang salubong ang kilay nito.

"For what, dad?"

"Our young lady is getting bored. She needs a friend. Someone by her side."

"But you know that I'm not that friendly, dad."

"Bakit hindi mo subukan, anak? Malay mo maging matalik kayong magkaibigan?" tanong ko naman.

"Bakit hindi na lang kaya ikaw mom ang kumaibigan sa kanya?"

"At sa tingin mo ba, alam ko ang interes ng isang katulad niya? She's still young and I'm growing old. Hindi sa lahat ng bagay, masasamahan ko siya. You're both millennials anyways."

"She's our captive. Therefore, we don't need to make her comfortable. Baka nga sa sobrang bait niyo sa kanya, she might take it as an advantage to escape. Please, don't trust easily."

"Who said that we're gonna trust her?" natigilan kami at napatingin kay Stefano.

"We're gonna make her believe that we trust her so that she would trust us too."

"Is that really your plan, Stefano?" hindi ko maiwasang mag-alala dahil sa kalagayan ni Gale ngayon. She's still young and must not suffer like this. If I could just do something for her...

"It was already part of the plan since from the start and before we abducted her, right?" sagot nito sa akin.

"We'll do everything to have her side with us. That's why Allison, whether you like her or not in this mansion, you'll have to act like it's all fine," saad nito nang may otoridad sa pananalita niya. We can't talk back when he's like this.

Napatingin naman kami sa pintuan ng dining room nang mapansin ang isang matandang lalaki na papalapit sa amin. I just realized that it was our old man's right hand, Signor Antonio, "Godfather, an invitation arrived coming from the Senator," bahagya itong yumuko nang makalapit sa asawa ko at inalahad ang isang maliit at kulay itim na envelope.

Kinuha 'yon ng aking asawa at binuksan para basahin ang nakasulat. Unti-unti namang gumuhit ang masamang ngiti mula sa mga labi nito, "Son, you are invited to the Senator's celebration as the CEO of NR Corporation. You didn't tell me that your name is becoming known nowadays," inilipat ni Stefano ang tingin kay Ali.

Ibinigay niya ang imbitasyon kay Signor Antonio kaya lumapit ito kay Ali para ipakita naman sa kanya 'yon. Kinuha 'yon ng aking anak habang nagpapalitan silang mag-ama ng masamang ngiti. Binasa niya ang nakasulat doon at ibinalik ang tingin sa ama habang hawak pa rin ang imbitasyon.

"I don't like the way they are looking at one another," pagsasalita ni Allison habang nakatingin kaming tatlo sa kanilang dalawa, "Your father and brother are always like that," saad naman ni Terrence na tapos na sa pagkain.

"So, what's the plan?" nalipat naman sa akin ang atensyon ng mag-ama.

"Ali can't go alone, right?" tanong ko pa kaya muli silang nagpalitan ng tingin.

Mag-ama nga talaga ang dalawang ito. It's like my Ali is the younger version of my husband. Tinginan pa lang, nagkakaintindihan na sila. That's one of their talent. Their eyes could also be their mouth. Both of them only have one mind and one brain.

"It's not dangerous for our son to go alone because no one knows his real identity. Many politicians will surely be there and be at their best to gain his support for their senatorial ambitions, especially the man celebrating his special day...Senator Philip Alcazar. He's hunting us as desperate as the General, therefore the prey needs to visit his hunter's territory."

"Are we going to support them kung hihingiin nila ang suporta ni kuya?" -Allison

"In politics, it's not good to choose one side. You should always have both sides secretly in order to get a hundred percent chance of winning whatever happens," dugtong ng detective na napangiti ng masama kaya ganon na rin ang ginawa ko pati na rin ng aking asawa.

"Indeed, Detective." -Stefano

"Once you finally get everyone's trust, it's time to reveal our bait. That way, the army will have no chance but to stick with us to make a stronger force. They don't even know that they are colliding with their own prey," dagdag pa nito.

"I'll do that, Godfather," sagot naman ni Ali. Napabuntong-hininga ako at hinawakan ang kamay ni Stefano na nakapatong sa lamesa kaya napatingin ito sa akin.

"How are we going to reveal her?" tanong ko.

Ipinatong naman niya ang sariling kamay sa mismong kamay ko, "She will be our son's partner at the Senator's birthday."

"What?!" nagulat naman ako nang marinig iyon. Biglang bumaba si Melody mula sa kandungan ko at tumakbo sa kung saan kaya napatingin kami sa kanya.

May humawak sa kamay nito hanggang sa makita namin si Erin na papalapit sa amin habang hawak ang anak niya, "Good evening, Don Stefano and Senyora but with all due respect, sorry to say but I won't let it happen," sagot niya kaya pinagtaasan ko siya ng kilay. Akala mo kung sinong umasta.Tila nag-init naman ang katawan ko dahil sa presensya niya.

"I won't let my husband go in a party with some other woman," dagdag pa niya. Tumayo ako mula sa kinauupuan ko para tapatan siya. Nagkibit-balikat muna ako bago nagsalita, "And who told you to eavesdrop, my dear Erin?"

"I didn't eavesdrop, Senyora. I heard it and I won't let him go with that woman unless he's with me!" pagduduro pa nito sa kwarto ni Gale.

"Huwag mo akong pinagtataasan ng boses sa mismong pamamahay ko!" pagbabanta ko, sapat na para matauhan siya.

"Olivia!" sigaw ko kaya mabilis itong lumapit, "Yes, Senyora."

"Bring Melody to her room," nagpapalitan kami ng masamang tingin ni Erin. Sinunod naman ni Madam Olivia ang iniutos ko at mabilis na inilayo si Melody sa amin.

"Alam ko kung ano ang nasa isip mo, Erin. My son being her partner is just all part of the plan and not because he likes it...kaya huwag mong itulad ang anak ko sa'yo," dagdag ko pa.

"But still, I am her wife! It's not normal na kung sinu-sino na lang ang makakasama niya! How could you all expect me to just sit knowing that my husband is with another woman?!" depensa pa nito.

I really want to agree with her dahil alam ko ang nararamdaman niya bilang isang asawa, pero ang pag-aalala at pag-iintindi ko sa kanya noon ay hindi na katulad ng ngayon since she made a big mistake na hinding-hindi ko mapapatawad pagkatapos ng lahat ng ginawa namin para sa kanya.

"Pwede ba manahimik ka na lang, Erin? Hindi ka nakakatulong," galit na saad ni Allison.

"Erin," tumayo naman ang asawa ko at lumapit na rin sa kanya, "I know how you feel for being my son's wife. But I just want you to remember that this is all part of the plan. You know that we've been longing for this plan to succeed, right?"

"Can't we just think of another plan except this, Don Stefano?" pakiusap pa niya na halos maiyak na.

"Dad, I'll talk to my wife. So please excuse us. I'll explain and make her understand," napatingin naman si Stefano kay Ali nang tumayo ito at hinawakan ang braso ng magaling niyang asawa.

Ngumiti naman ang ama niya at tumango, "Yes please or else..." ibinalik nito ang tingin niya kay Erin, "I'll be the one to make her understand," kasabay noon ay tinalikuran na niya ang dalawa kaya hinila naman ni Ali sa taas ang nag-iinarte niyang asawa.

Continua...

Siguiente capítulo