webnovel

Chapter 20: Ivana’s Suggestion

SHE handed her nephew to Carl. Tinitigan nitong maigi ang mukha ni Carl pagkabigay niya rito.

"Little prince, I'm your father's best friend! Don't stare at me like this," nakangising tugon ni Carl.

"Huwag mo kasing tinatakot, para kang sira eh," She said.

"Hindi naman ah. Tinitigan ako eh, parang takot sa akin," natatawang tugon ni Carl.

"Ngayon ka lang kasi nakikita nyan kaya tititigan ka talaga. Di pa nga tayo nag-anak ganyan na ang remarks mo," She said again.

"Lakad na, wala naman akong sinabing masama. Suplado lang talaga ang batang 'to manang-mana sa tatay niyang cold-hearted,"

"Pag pinaiyak mo iyan lagot ka sa akin," banta niya bago tumalikod.

"Eh, di ko naman tinatakot ito. Baby Kyree, I'm your uncle Carl, we're friends, right?"

Ilang beses na kumurap si Kyree bago unti-unting umangat ang kanang kamay at hinaplos ang pisngi ni Carl. A gentle smile formed on Kyree's tiny lips.

"Pilyo ka ano? Mas nakakatakot ka palang alagaan kesa sa kambal, pambihira ka naman," kausap niya rito.

Kumatok muna sa pinto si Denise para kuhanin ang atensyon ni Ivana. Abala itong nakatitig sa computer.

"Good morning!" Bati ni Denise sa hipag.

"Hi, good morning babe, what a pleasant surprise. Come in!"

She walks towards Ivana's working table.

"Busy ka? May kailangan sana kami, nasa baba si Carl kasama ko, pero nakita nga namin naglalaro mag-isa si Kyree, pinaalagaan ko,"

"Ganon ba, naku, nakakahiya naman kay Carl. Actually, may tinapos lang ako na report at bababa na rin talaga ako. Kanina kasi biglaan ang tawag ni Grandma mula sa London kaya umakyat agad ako dito, iniwan ko sa living room ang bunso kong anak," Ivana said.

"Nasaan ang kambal?" She asked.

"Ah nandon sa dulong kwarto, naka-homeschooling kasi ang kambal kaya teacher nila ang pumupunta rito sa bahay. Pinapasundo nga lang ni Brielle dahil nga naglipat kami,"

Sinamsam na ni Ivana ang gamit habang kinakausap siya.

��Tara, sa baba na tayo mag-usap dahil kasama mo pala si Carl. Actually, I knew he had arrived yesterday because your brother told me,"

"Yeah. Ang daya nga eh, sinorpresa ako ng mga iyon. Pagdating namin sa bahay andon na siya,"

They descended when Ivana replied, "I think Carl had told Mom and Dad not to inform you,"

"Di bale na, ang mahalaga nandito na siya. Kahit papaano nagkaroon ako ng inspirasyon na kumilos. Nong mga nagdaang buwan kasi tinatamad talaga ako dahil wala siya," She smiled at her sister-in-law.

"No wonder, you're lack of interest handling company tasks those past few months. Pero alam mo babe, maswerte ka kasi ang haba ng pasensya ni Carl. Bihira ang ganyang ugali, kita mo naman ang Kuya mo malayo sa kabaitan ni fiance mo," Ivana said.

"Naku, huwag mong ikumpara kasi iyon si Kuya Brielle laging seryoso sa trabaho,"

"Yeah, Brielle is always so serious dealing with things," maikling tugon nito at bumaling ito kay Carl ng tuluyan na silang makababa, "Hi, Carl, how are you?"

"Hello, Ivana, I'm doing fine. Kababalik ko lang kahapon, medyo nagkaroon ako ng hectic schedule sa London, balak ko nga sana dalawin ang Grandmother mo kaya lang di na ako nagkaroon ng pagkakataon," Carl happily said.

Ibinaba nito si Kyree sa sofa. Ivana and Denise sit in front of him.

"May pasalubong siya sa inyo," tugon ni Denise.

"Oh, thank you, Carl. Nag-abala ka pa talaga,"

"Wala iyon. Kaya kami nandito magpapatulong sana sayo," He said.

"Eh, anong maitutulong ko?" nagpalipat-lipat ang tingin niya sa magkasintahan.

"Sa susunod na buwan kasi magkakaroon nga kami ng engagement party diba, pero wala pa kaming naisip na concept ng venue decoration. At wala kaming napiling angkop na pagkain para doon," sagot agad ni Denise.

"Ah, oo nga pala. Ito suhestiyon ko, sa sikat na five-star hotel ninyo idaos at mas okay kung three kinds of cuisine ang piliin ninyo dahil tiyak ako may kanya-kanyang gustong foods ang mga bisitang darating. Then, consider the security of the guest, too," bigla nitong tugon.

"Huh? Bakit kailangan ang seguridad?" nagtatakang tanong ni Denise.

"Ah...I...I mean, mas okay pa rin na mag-ingat dahil alam niyo na ang panahon ngayon," Ivana stuttered.

"Honey, tama naman ang sinabi ni Ivana. Mas okay pa rin na ang top priority natin ay ang kaligtasan ng mga bisita. Alam naman natin pareho na kilalang personalidad ang pamilya mo. Mas mahirap kasing maging kampante lang tayo," singit ni Carl.

Tila bigla siyang natauhan ng maalala ang banta ng taong nanggugulo sa kanya nitong mga nakaraan. Namutla siya ng maisip ang isang di kaaya-ayang eksena sa isipan niya.

Carl noticed her sudden reaction, "Hey, you look pale. Honey, are you okay?"

Hinawakan ni Ivana ang kamay niya, "Babe, kalma ka lang, pasensya na kung natakot ka sa sinabi ko. Hindi naman ibig sabihin na may masamang mangyari pero, mas maigi pa rin na uunahin natin ang seguridad ng pamilya natin. Though our family enemy was sent to jail, I can't remove in my mind thinking some weird thoughts about a sudden attack. Napa-paranoid na nga siguro ako,"

"Yeah, I understand, babe. Let's move on. Matagal na kasing tahimik tayong lahat," agad niyang tugon.

"Don't worry, Brielle and Dad will always make sure that we are always safe," Ivana replied.

"Hey, babe, last time you promised me that you would create a beautiful wedding ring for me," paalala niya rito.

"Oo naman, di ko nakalimutan iyon. Ako pa ba makakalimot, best friend kita. Teka, kailan ba ninyo balak magpakasal? May napili na kayong petsa?"

Tumingin si Denise kay Carl, "Honey, petsa raw kailan?"

"Ahem...wala pa nga eh, pero gusto namin six months from now, magpapakasal na kaming dalawa,"

"Oh, that would be great! Mas maganda siguro second week ng December, para masaya ang selebrasyon. At pagkatapos ng kasal, mag-honeymoon kayo sa Europe para maranasan ninyo ang white christmas celebration," suhestiyon ni Ivana.

"Oo nga ano, maganda ang suggestion ni Ivana," Carl said.

"Yeah, I guess she's right!" Denise agreed.

"Pero unahin muna ninyo ang paghahanda ng engagement party, of course. May ibibigay akong list ng foods at suggestion ng venue, as I said, it would be best if you guys chose a five-star hotel. Ipapadala ko nalang sa email mo bukas kapag nagawa ko na ang suggestion,"

Agad niyang niyakap si Ivana, "You're the best babe. Naks, ibang level talaga ang kakayahan mo, no wonder my brother can't resist your charm,"

"Hahaha, you're wrong, I am the one who has been madly in love with your brother since childhood, remember?" Ivana proudly said.

"Oh, I guess we've settled things about our engagement party based on Ivana's suggestion. Di na siguro tayo magtatagal kasi gusto kong mag-date muna tayo ngayong araw na ito. Iyon talaga ang paalam ko sa magulang mo," singit si Carl.

"Yeah. So babe, thank you! Di na kami magtatagal, may lakad pa kami ni Carl. Pakisabi nalang kay Kuya dumaan kami rito. Send my hugs to the twins,"

"Okay. Yayayain ko sana kayo ng lunch dito sa bahay pero mukhang nagmamadali kayong dalawa, so di ko na kayo pipigilan,"

Tumayo na ito at kinarga si Kyree na tahimik lamang nakaupo sa sofa. Hinatid sila nito hanggang sa garahe.

"Paano, alis na kami!" Denise said.

"Muah! Ingat kayo sa biyahe," Ivana kiss her cheek before she joins Carl's car.

They ended in a certain shopping mall where only few elite people often come. Hawak kamay silang pumasok sa loob ng mall. Nang mga sandaling ito, may dalawang pares ng mata na nakatingin sa kanila. Palihim silang sinundan nito mula sa tahanan ng mga Santillian hanggang sa pamamahay ni Brielle.

Biglang huminto si Denise sa paglalakad na siyang ikinalingon ni Carl.

"Honey, I left my camera in your car," She said.

"Oh, you stay here. Ako na ang babalik para kunin ang camera mo,"

"You sure?" She asked.

"Oo naman. Dito ka lang, saglit lang ako,"

"Okay. Bilisan mo ha,"

Carl nodded and left. The man who followed them secretly took several stolen shots of her. Habang naghihintay kay Carl pasimpleng lumapit sa isang bakanteng upuan si Denise at umupo. She fished out her cell phone from her shoulder bag and started to take a few photos then posted it on her Instagram account.

A minute past, several comments, and likes had flooded. Napaigtad siya ng mag-vibrate ang inbox niya. She saw a private message coming from an unknown user.

"My future little wife dares to date, someone!"

Kinilabutan siya at lumingon sa paligid. Mangilan-ngilang tao lamang ang nasa paligid at lahat ng mga iyon ay abala rin sa kanilang ginagawa. Wala siyang napansin na kahina-hinala.

"Fuck off! Stop this nonsense game of yours, asshole!"

"Oh, I can't because I hated seeing you with another man,"

"Are you nuts? He is not another man. He is my husband!"

"You aren't married yet, but you assumed that he could be your husband,"

"I don't care your remarks, a coward asshole who can't even show himself,"

"I will give you a surprise soon. Just wait for it!"

"Honey, here's your camera," inabot ni Carl sa kanya ang camera. Dahil abala siya sa kakasagot sa taong nagpadala ng mensahe, hindi niya namalayan ang paglapit ni Carl.

She was stunned and quickly put her cell phone inside her shoulder bag.

"T--thank you, hon!"

"Are you okay? You look pale," puna ni Carl sa kanya at mabilis itong tumabi sa kanya.

"Y---yeah--of course. May sinagot lang akong avid fan. Salamat ha, kinuha mo ang camera ko. Tara na!"

Nababahala si Carl sa ikinilos niya ngunit mas pinili nitong manahimik. Hanggang sa nilibot na nila ang buong mall. Bumili lamang sila ng ilang pares ng damit ni Carl. Pasado alas-tres na ng hapon ng magdesisyon silang umuwi.

Habang lulan ng kotse, mariing nakapikit si Denise. Manaka-nakang lumingon si Carl sa kanya.

"Okay ka lang ba? Kanina ko pa napapansin ang pananahimik mo. Hindi ako sanay, dahil alam kong madaldal ka,"

She opened her eyes and met his gaze.

Siguiente capítulo