webnovel

Chapter 17: Secret

Dumating si Daddy. Naging excited si Daniel at agad nagpakarga dito. Matapos ay humalik sya sakin. Nakipagtanguan lamang sya kay Kuya. Both our Dad had their conversation. Hindi na ako sumali sa usapan nila dahil kailangan kong tulungan si Bamby sa hapunan. Knoa is with his Daddy Jaden. While Kian, Karen, Winly and Aron already left dahil gabi na raw. Hinahanap na rin daw sila sa kanila.

The dinner we had was smooth. Hindi gaya sa pagsalubong nila kay Kuya ang nangyari kay Daddy. Tawanan lang ang dalawang matanda. They even joked na, magkakaroon agad ng kasunod si Daniel after we go to Australia.

Six months later.

Yes. It did!.

"Mahal ko.." umaga ng nagising ako dahil sa pagduduwal. Ilang araw na ito kaya naisipan ko na ring bumili ng PT to make a test. Pinakita ko sa kanya ang result. Kahit mapungay pa ang kanyang mga mata. Hindi pa gaanong dilat dala ng pagkaantok pa. Tinignan nya ito. "Positive.." kumpirma ko. I already told him about this morning sickness weeks ago. Simula kasi nung lumipad na pabalik rito ang pamilya Eugenio, kasama kami ni Dan-dan. Lance, started his ride. Hindi sya tumigil hanggat hindi nangyayari ang sinambit ng pareho naming Daddy. It was intended to be a joke pero sya?. Tinotoo nya. Bagay na nakapagbigay muli sakin ng pag-asa to continue living. This blessing is a big miracle. Kung naging himala noon si Daniel sakin. Isa rin ito dahil nabanggit na ng OB ko noon na impossible na akong magbubtis muli. And now?. Grabe!. Yung luha ko?. Hindi panawan ang pisngi ko. Tuloy tuloy ang daloy nito.

"Oh God, baby.. I love you.." Napaahon ito sa pagkakahiga saka ako hinila sa pagkakaupo ko sa sahig upang idala sa bisig nya't yakapin. "Thank you.. Thank you, mahal ko.." he keeps on saying those words because I know, he also wished it too. It is granted. "Tahan na.." pakalma nito sakin. "We'll go to hospital later. Magpapatingin tayo.. I want to assure your safety and my precious child." anya. Tumango ako saka tahimik na hinayaan syang punasan ang mga luhang naglandas sa magkabilang pisngi ko.

Before that. Kuya Rozen told me na kailangan ko nga raw dagdagan pa ang anak ko. Matindi ko syang sinabihan about my condition and he just shrug his shoulders sabay sabi ng, "Who knows lil sis.. Nothing is impossible.." sa kabila ng mga nangyayari sa paligid nya. Napapanatili pa rin nito ang pagiging positibo sa lahat. Isang bagay na hinahangaan ko sa kanya.

I suggested to let Dan-dan know about this pero hindi muna pumayag si Lance. Ang sabi nya. Saka na raw. Siguraduhin daw muna namin ang kaligtasan ng bata sa tyan ko bago ang announcement.

So, this is a secret.

Tumayo na si Lance to get ready for his practice. Kakasimula ang internship nila sa isang malaking ospital. Kaya kami lang lagi ni Daniel ang naiiwan sa apartment nya. Inayos ko ang higaan. Tapos nakisabay na rin ng ligo sa kanya.

Isa na namang, mainit na tagpo sa bagong umaga.

Ang hilig! Grabe!...

After that one hot shower. Lumabas ako. Naghanap ng damit nya't pinadaan ang plantsa dito. Then one beep from my phone. Tinapos ko muna ang plantsa bago ko tinignan ang text ni Bamby.

"Bes, free ka ba ngayon?."

Ano na naman kayang problema nito?. Noong isang linggo lang. Nag-away sila ni Jaden about his secretary tapos heto na naman sya't mukhang problemado pa rin. Walang alam si Lance tungkol dito. Dahil kapag may nalalaman sya sa nangyayari. He'll definitely call Jaden and ask too many questions. Kaya di rin nagsasabi si Bamby sa kanya it's because, she knew na hindi sa kanya magagalit ang Kuya nya. Kundi sa asawa nya. Minsan na kasi yun nangyari. At ayaw na nyang ulitin pa ang pangyayaring yun.

"I'm always free.. anong problema?." direkta ko ng tanong. Binaba ko ang phone ko ng dumaan si Lance. Magtataka kasi ito kung bakit hawak ko ang phone ko e andito naman sya. Seloso. Grabe!. Possessive pa.

"Can I call?." sunod nyang text.

Lihim kong kinuha ang phone para itipa ang, "Later nalang siguro. Your Kuya is still here. Papaalis palang.. what's the matter?. Okay na kayo ni Jaden?. His secretary, fired na ba?." halos magpalitan ang mga letrang tinitipa ko sa kagustuhan kong matapos agad ito para di mapansin ng asawa ko.

"Goshness bes.. not YET fired.. parang di na yata mangyayari yun.." nakaramdam ako bigla ng kaba. Anong ibig nyang sabihin?. May nagaganap nga. Kung anuman ito. Dapat ng malaman ni Lance. Kailangan ng ipaalam sa Kuya nya.

Dadating ako sa puntong yan kapag nalaman ko na ang lahat. Mahirap kasing gumawa ng kwento. Baka makasira pa ako ng bagay na mahirap ibalik. No way!. I need to think thrice. As much as possible. Kailangan pag-isipan ng mabuti ito.

"Why?. May nangyari ba?. What?." dumaan muli si Lance at sa harap na ng malaking salamin tumayo. Harap nito ang maliit na espasyong sala at kusina ng apartment. Nasa sofa si Dan-dan. Nanonod ng anime. Binulsa ko ang phone saka inayos nalang ang mesa. Maghahanda na ako ng almusal.

"Mahal, pupunta raw sila Daddy dito mamaya.. Kukunin daw si Daniel.."

"Yehey.. si Knoa po, Dad?." tumayo si Daniel sa may sofa.

"No problem mahal.." sagot ko. Walang ideya sa anong nasa likod ng pagbisita nila.

"Sit down baby.. baka mahulog ka.." sumunod naman ang bata. "Your cousin is coming too.. wanna come with them?."

"Of course, Daddy.. I want to play with him po.."

"Yes baby.. also, gusto mo bang kila Daddy Lo at Mommy La ka muna?."

"Po?." natigilan ang bata. Muli nyang inayos ang buhok sa harap ng salamin maging ang suot na damit bago nilapitan ang anak na bagsak ang mga balikat. Nagtataka sa tanong nito. Inayos nya ang pinag-upo ng bata saka sya lumuhod sa harapan nito.

"You're with Knoa too.. dalawa kayo.."

"Pati rin po si Knoa?." naging excited muli ang boses nya. Tahimik naman na tumango si Lance.

"You'll both go to Disneyland.. your dream will come true son.."

"Disneyland?!." tumayo ulit ito at halos tumalon talon. Gustong gusto nya din kasing pumunta dun. Hindi ko lang mapagbigyan noon dahil sa busy schedules ko. Kulang oras ko.

"Not just Disneyland son.. you'll visit also Japan." hindi na mawala ang saya ng bata hanggang sa almusal at umalis si Lance. Nagtaka ako kung bakit parang biglaan yata ang pagdating ng matatanda. Wala namang nabanggit ang asawa ko. Wag nya lang sabihin na, may alam sya tungkol sa problema ni Bamby?. Paano na ngayon yan?.

"Anong ibig mong sabihin?. Hindi tatanggalin ni Jaden yung secretary nya?. Bakit?. Gago ba sya?."

Naging mabigat ang paghinga ni Bamby sa kabilang linya. "Dahil sya ang tatanggalin sa posisyon nya bes.. shit!. Hindi ko maatim ang magmura sa pagmumukha ng babaeng yun! Inakit nya ang asawa ko tapos ipapalabas nyang ginamit pa sya ni Jaden.. Damn that bitch! Sarap ilampaso ang retokada nyang mukha sa maitim na inidoro!.. Imbyerna!.."

"Bakit di mo ginawa?."

"Kung hindi lang ako pinigilan ni Jaden. Bakit hinde?.. Kaasar.."

"Paano na ngayon yan?. Alam ba ito ng Daddy at Mommy mo?. What about his family?."

"Alam na ni Daddy.. di ko kayang magsinungaling sa kanya dahil may kontak pa sya dito sa office.. I'm so sure.. nasabi nya na rin ito kay Mom.. in fact.. kakatawag nga nila sakin. They're heading there. Susunduin si Dan-dan para daw magtravel pa-Disneyland?. Sana lang. wag munang ipaalam kila Kuya.."

"Bakit naman hinde pa bes?. Kailangan din nilang malaman para may kaagapay kayo. Lalo na si Jaden."

"Maybe you're right.. kaso I don't know how will I start Joyce. Magtatanong si Kuya Lance hanggang sa simula. He'll find out na ako ang puno't dulo nito.."

"Hindi mo naman ginusto o sadya na lumaban. It's your right. At kung trabaho lang naman ang nawala kay Jaden.. makakahanap yan. Sya pa.."

"Sana nga ganun kadali bes.. Pangarap nya kasi yung kinalalagyan nya ngayon e. Hindi ko alam kung anong mararamdaman nya about losing and failing his dreams.. ang tanging nasa isip ko lang.. malamang, nasasaktan sya.."

"That's already given Bam.. sa ngayon, don't just focus sa bagay na nawala.. tingnan mo rin ang mga bagay na mas Importante kaysa sa mga materyal na bagay. Look through your husband. Wag mong iwan ang likod nya. If it's needed. Magsalita ka. But if not. Stay quiet. Kailangan ang pagtitimpi sa ngayon bes.. malalampasan nyo rin yan.."

At dahil nga sa mga nangyayari. Nawala na sa isip ko ang mabuting balita para sa aming munting pamilya.

Sa ngayon. Mabuti na ngang maging lihim ito. Tama si Lance. Saka na ipagsabi sa iba kapag, safe na ang baby. At umaasa rin akong, hindi magbabago ng nawalang posisyon ang isang Jaden sa buhay ng kaibigan ko. Nawa'y pareho nilang makayanan ang pagsubok na dumating sa kanila.

Siguiente capítulo