Gulong gulo ang utak ko. Paanong nabuntis? At nanganak pa?. Really?. And when exactly is that?.
"Dad. Stop joking here. Come-on.." iling ko pa kahit kumpirmado ang kutob ko sa lakas ng kaba ko. Hindi ko pa rin matanggap na nangyari nga ang ganun.
"Bat ako magbibiro sa'yo kung alam kong hindi biro ang lahat ng pinagdaanan mo?."
"I know. You have your point but what's the sense now?. Been years since we broke up. Nakalimot na ako, Dad.."
"Hindi nakakalimot ang puso, anak.." nakagat ko ng agaran ang labi. What's his point here of making me feel this way again?. Reminiscing my past?.
"Pero napapagod at natututo rin, Dad. Kung nabuntis man sya't nanganak. Wala na akong problema dun. As long as she is happy with her new lover today. I'm contended with that."
"Hindi mo ba tatanungin kung ilan taon na ang anak nya?." nasa isip ko na rin yan. Kaso, ayoko nang makarinig pa ng mga bagay na alam kong makakasakit lang sakin. I had enough. I've been through hell. At kung pwede lang sana. Tama na muna.
"Hindi na siguro. I'm done with her Daddy. All the pain and heartaches are still in me. Ayokong dagdagan pa ang sakit. At ayokong balikan muli ang mga panahon na ganun. Nakakabaliw.."
"I respect your decision. But you don't wanna risk?."
Nagsalubong lang ang kilay ko. "Malay mo. Magbago ang lahat na meron sa'yo ngayon." nalito ako. Ano pa bang magbabago after that dark days?. May bahaghari pa bang darating pagkatapos ng bagyo?.
"Nah.. hindi na iyon ang priority ko ngayon Dad. It's now, me. Sorry to say this but my goal today is just for me. For you and our family. Wala na munang iba.." di makapaniwala syang tumango tango sakin. Respecting my decision but looks like he doesn't want me to decide yet. Para bang may interesting na bagay na nangyayari sa isip nya na ayaw nyang sabihin. Hinayaan ko nalang. I get what he wants. Gusto nyang magtanong ako ng magtanong about the person who's in our topic a while ago. Para saan?. Para saktan muli ako?. Para tignan kung nakamove on na ba?. O baka sinusubukan nya lang ako kung hanggang saan ang pagtitiis ko?. Well. Ilang ulit ko na palang nabanggit. Tapos na ako sa pagmumukmok. Pagod na rin akong umasa, mag-isip at maniwala. I'm all done. If it's her happiness is to love me from afar?. Well. Okay. Ganun na rin ako sa kanya. Actually. Ang pagmamahal ko naman sa kanya ay di nabawasan. Sa pagdaan nga ng mga taon. Parang mas lalo pang nadagdagan. I don't know why that happens pero yun yung nararamdaman ko. And after knowing that she gave birth, finally. Mas lalo akong natutuwa para sa kanya. At last. Natupad na ang isa sa mga pangarap nya. Ang maging butihing Ina.
Dad didn't open it again when we ate lunch. Dinner is approaching pero itong si Bamby. Nagkukulong pa rin. "Gusto mo bang ipaalam na ito kay Daddy?." I ask her permission para di madagdagan ang kanyang galit at kung anupaman na nasa kanya ngayon.
"Nope.. Nakakahiya Kuya.." ibinaon nya lalo sa unan ang mukha nya. Para pa rin syang bata na first time mabroken hearted kay Jaden. Nagkukulong at bihira magsalita. Sana hindi makahalata si Dad maging si Knoa na hindi na din inosente sa mga nakikita.
"Anong nakakahiya?. May ginawa ka bang mali para piliing umalis ng asawa mo't ayaw mo itong ipaalam sa parents natin ha?." natahimik sya. Hinintay ko ang paliwanag nya pero walang dumating. "Mind me if I can hear that?. Para alam mo na. Alam ko kung anong pwede kong mai-advice sa'yo.."
"I think, I pushed him do—.."
"Do what?." agap kong saad.
"To cheat on me.." mahina nyang sabi ngunit sapat na para marinig ko.
Dumapo tuloy sa noo ko ang aking palad. Sabi na nga ba e. So meaning. Sa umpisa. Wala nga syang babae na pilit nyang iginigiit na meron. Then, there's Jaden na gawin na rin lang ang akala ng asawa para ano?. Manahimik?. Piliing layuan sya?. O ano pa?.
"Kasalanan ko ang lahat ng to Kuya Lance. So please. Don't tell to Kuya Mark.." pagmamakaawa nya. Ano ngayon ang gagawin ko?.
"Ano ngayon ang gusto mong gawin ko?." tinapik ko ang likod nya't inayos ang kumot na naalis sa katawan nya.
"Check on him.." isang buntong hininga ang kumawala sakin after hearing those words. Mahal nya pala eh. Tong batang to, oo!.
"Bat ako pa kung kaya mo naman diba?." pagsusutil ko. I'll just check kung anong isasagot nya.
"Wala akong kapal ng mukha para gawin yun. Ikaw nalang. Para di halata.."
"Paanong di halata kung kapatid kita?. Tsk.." iling ko pa. Natatawa na talaga.
"Kasi nga, gusto ko lang malaman kung nasaan sya ngayon at kung anong ginagawa nya?. Kung sinong kasama nya?."
"Hahahahahahahaha.." umupo sya't pinalo ako gamit ang unan na yakap yakap nya.
"Why are you laughing?."
"E kasi nakakatawa ka.." niyakap ko sya dahil walang tigil ito kung pumalo ng unan nya. "Kidding aside. Kung mahal mo pala. E di magsorry ka lang. Tapos. Kaysa magmukmok ka rito. Wala kang mapapala.."
"How will I say sorry then?." para itong nawalan ng laman ng utak. Na ultimo kung anong gagawin. Kailangan pang sabihin. Not her usual self.
"Call him. Say sorry and tell her that you dearly love him." nagtaka ako sa katahimikan nya. Tinignan ko. Nakatitig na pala sya sakin.
"Can you do that to your ex wife if she'll beg for you to come back?." natigilan ako. Naestatwa the right term.
Nilinis ko muna ang lalamunan bago sumagot. "Why the sudden topic lil sis huh?. Di porket may solusyon na sa problema mo ay ibabalik mo rin sakin agad ang ganti?. Astig mo ha?. Back to you agad?." aakma akong tatayo para lumabas na ng silid kaso hinila nya lang ulit ako paupo.
"I have a secret.." bulong pa nya.
"Not interested. Let go of me." kahit hilain ko pa sarili ko. Ayaw talagang bumitaw.
"She gave birth.." she knew?. How?.
"Who cares?." irap ko. Pilit nilunok ang bumara saking lalamunan. Sa ngayon. Nahila ko na ang sarili ko patayo. Nasa pintuan na ako palabas ng magsalita muli sya.
"Asshole.. you have a lovely son, bakla ka!!.." ramdam kong nagsabay-sabay nagtayuan ang mga balahibo ko sa katawan.
That was... surprising!
A son?. My son?. I have a son?!...
Damn...