Pagkagising kinabukasan. Nagmamadaling umalis si Karen. Ang sabi nya, may kailangan raw syang ipasa na report. Tinanguan ko nalang sya kahit pinipilit kong handaan sya ng agahan. She just gave me a half hug and a kiss on my cheeks bago sya tuluyang umalis. Pinagtawanan lang sya nitong si Winly.
"Ang aga pa naman. Ang alam ko, wala iyong klase eh."
"Baka nga naman totoong may kailangang ipasa." pagtatanggol ko dito.
"Malay natin. O baka, may date?." panghuhula pa nya. Tinuko nito ang kanang siko sa itaas ng mesa saka nakapangalumbabang tumitig sakin.
"Malay nga natin." sagot ko din. Malay nga talaga namin. Kung anuman ang gagawin nya, basta alam nyang nakakabuti para sa kanya. We should let her.
"Pero ikaw?." nakapikit nyang tanong. Mukhang inaantok pa. Lumalim ang paghinga nito bago nagsalita. "Kamusta kayo ng jowa mo?. Kayo pa ba?." eksaktong limang segundo lang ay nag-iba agad ang punto nito. Di ko alam kung dala ba ng hangover nya o sadyang gusto nya lang itanong.
"Siguro. Baka." hindi siguradong sambit ko.
"Bakit parang hindi ka sigurado?. May nangyari ba?." doon sya dumilat at nag-ayos bigla ng upo. Humalukipkip muna ito bago sumandal sa kinauupuan. Interesadong makinig.
"Di ko alam. Eksaktong isang linggo na rin kasi simula nang di sya tumawag." paliwanag ko.
"Tinawagan mo ba?. Chinat o tinext?." inilapag ko ang bagong timpla nyang kape sa harapan nya kaya madali nya itong kinuha saka sumimsim dito ng dahan dahan.
"Chinat ko sya. Tinawagan rin."
"Oh, e anong sabe?." kinamot nito ang likod ng tainga. Saka lumipat sa pagkutkot sa kanyang kuko.
"Wala. Seen zone."
"Hala!?." nanlaki ang mata nya't napatayo pa sa kinauupuan nya. "Totoo?." di makapaniwala nyang tanong. Tumango lang ako dito. Umawang ang labi nya't itinikom rin kalaunan. "Bat di mo agad sinabi?."
"May magagawa ka ba?." tinaasan ko sya ng kilay. Duon naman ito kumalma. Iyong dating lumaki nyang mata, bumalik na sa dati. Ang umawang nyang labi kanina ay nakatikom na. Maging ang butas ng kanyang ilong ay lumiit na. Hindi ko mabigyan ng pangalan ang naging reaksyon nya. Para bang may gusto syang sabihin ngunit ayaw nya lang magsalita tungkol dito. Pilit pinipigilan ang sarili kaya heto sya't parang ewan.
"Wala." mahina nyang sabi. Nanghihina pa itong umupo sa silyang nasa likuran nya. Lumayo ang paningin nito at nagtagal sa kawalan.
Anong meron? May hindi ba ako alam Win?.
Heto na naman ako sa takot malaman ang katotohanan. I think I'm used to this but I guess, then and until now, I'm not. Pinaniwala ko ang sarili ko na handa na akong makarinig ng kahit na anong katotohanan sa kahit na sino subalit parang hindi pa pala.
"Wala nga ba?." sinundan ko ang paningin nya hanggang sa wala na syang nagawa kundi tumingin muli sa akin.
"Wala." he even stuttered.
Napanguso nalang ako. He's literally lying.
"But, I'll call him later today. I miss him so much." nakagat ko pa ang ibabang labi sa tuwing naalala ko kung paano nya ako halikan dito. Ngumiti sya't tinanguan nalang ako. Ipinakita pa ang basong hinihigupan nya ng kape.
Ilang oras din bago sya umalis ay tinulungan nya muna akong maglinis ng bahay. Inayos nya ang nagkalat na bote. Nilagay nya lahat sa sako ng basurahan. He even cooked for my lunch. Of course. I offered him to accompany me but he declined it seriously. Gaya ni Karen. Nagmadali rin itong umalis pagkatapos ng lahat.
After lunch. Naghugas ako ng pinagkainan. Nilinis ko rin ang buong lagayan ng mga plato. Nang nakaramdam na ako ng pagod. Mabilis ko nang tinapos ang lahat saka naupo sa malambot na sofa. Nakahilata ang kalahati ng katawan ko habang ang kalahati ay nasa sahig pa rin.
Nakatitig ako sa mahinang tumutunog na orasan ng biglang nag-ingay ang cellphone ko. Tamad ko itong kinuha sa pag-aakalang baka si Papa na ito. Ang sabi kasi ni kuya Rozen kanina ay, nasa airport na raw ito. Subalit mali ako ng akala dahil hindi sya ang laman ng nagrereklamo kong screen.
Speaking of. It's him. Ang taong hindi ko kayang tiisin. Lance, my love.
Kagat labi kong kinuha sa taa ng mesa ang cellphone. Tinitigan ko muna ito dahil parang impossible para sakin ngayon ang makita ang pangalan nya. It's been weeks. Ano kayang ginagawa nya kung bakit hindi nya ako masagot sagot.
Nanginginig ang daliri ko ng pindutin ko ang berdeng may tsek sa loob nito. I want to see him so bad. Kung may nagbago ba o wala.
"Hey." bati nya na naglinis pa muna ng lalamunan bago ngumiti. "It's been a week. I'm sorry for not responding to you immediately."
Hindi ako nagsalita. Pinaloob ko lang ang labi saka doon kinagat. Mabilis ring nag-init ang gilid ng mga mata ko kaya sandali akong tumingala.
"I know, I'm a big fat asshole. I'm so sorry." he added.
Ang akala kong tumigas ko ng puso para sa kanya ay hindi pala. Nalaman ko nalang na umiiyak ako ng may pumatak na luha saking kamay. Kumurap sya. Hindi rin makapagsalita o baka ayaw magsalita dahil hinihintay ako. Ewan. Wala naman akong sakit ng loob sa kanya subalit itong mga luha ko ang nagpapatunay na nasaktan ako sa ginawa nya.
"Bamby got sick at dinala ko sya sa emergency room. Ako ang nagbantay dahil lahat sila ay wala. Wala akong mapagsabihan ng sakit nya. Hindi ko rin kayang sabihin sa'yo." mahina nyang sinabi ang huling pangungusap nya. "Ayokong dumagdag sa mga dinadala mo. Ayokong pahirapan ka pa." he then explained.
Okay, I get it. I got his point. His family. At si Bamby pa. No doubt, his priorities.
But, am I not his priority too?.
"Kahit isang mensahe man lang sana Lance." halos humagulgol ako. "Nag-aalala din ako eh. Baka kung napano ka na. Hindi ko kaya ang malamang may mangyari na sa'yo." I cried harder. Para bang ang puso ko ang nagsasalita sa ngayon.
"Damn it! Baby, I'm sorry. I'm so sorry." I saw how his eyes got full of tears. Unti unti ring bumababa ang mga iyon papunta sa kanyang pisngi.
We both cried for atleast half a minute I guess.
Ako ang unang tumahan tapos sumunod din sya.
"Is she okay now?." out of nowhere ay si Bamby pa ang kinumusta ko.
"She's back at is now." he paused a bit. "Are we cool?." tanong nya pagkatapos.
Wala pang isang minuto ay mabilis na akong tumango. Kahinaan ko ang hindian ang taong mahal ko. Lalo na, sya si Lance.
Humaba ang nguso ko. "Wag mo ng uulitin iyon ha?." nahihiya kong sabi.
Mahina syang humalakhak bago tumango nang may ngiti sa labi. "I'm sorry again baby. I'll make it up to you."
"Siguraduhin mo lang. Ayoko ng taong puro pangako lang." banta ko.
"I promise. Cross my heart." itinaas nito ang kanang kamay. Nagfinger heart sya gamit ito tapos itinapat sa kanyang puso.
Isang matamis na ngiti ang ibinigay ko dito. Saka nag-I love you sa kanya. I miss saying this to him in person. I hope na makauwi sila this coming December para atleast makasama ko naman sya. I do hope too na hindi nga sya nagsisingungaling dahil ayoko sa mga taong sinungaling at hindi marunong tumupad ng pangako. Maya maya ay nagpaalam na rin sya dahil hating gabi na sa kanila. Eksaktong pagkababa nya ay may mensahe na si Papa na nasa airport na raw sila. Tinanong ko kung susunduin ko pa ba sila kaso ang sabi nya ay, wag na. Baka mapagod pa raw ako. Maghintay nalang raw ako rito at paghandaan sila ng makakain. Mabilis na rin akong sumang-ayon at ginawa ang request nya.
My heart is happy right now. Knowing that I've already talked to Lance and later today, si Papa naman ang andito. May kasama kaya sya?. Iyon lang ang hindi ko naitanong. Kung meron man, I hope na ito nga ang simula na ng pagbabago.