webnovel

Chapter 17: Cagayan

Sa pagtahak palang namin sa kalsada papunta sa lugar na sinasabi nya ay marami nang hadlang. Sobrang traffic. Usad pagong ang daloy ng mga sasakyan. Para bang ayaw na itong umusad pa sa kabagalan ng galaw ng mga nasa unahan. Sa isip ko. Paraan ito upang pigilan ako sa gagawin. Na piliin nang bumalik at wag nang tumuloy. Pero tanong rin ng isa kong isip. Bakit pa ako babalik kung andito na ako sa gitna?. Paano pa ako liliko kung tuwid na kalsada na ang tinatawiran ko?. At lalong malayo pa ang u-turn. Napangisi ako sa naiisip. Para palang kalsada ang buhay ng tao. Minsan. Swabe ang agos ng buhay. Masaya. Magaan. Walang hindrances. Just happiness. Walang sagabal. Walang barrier o traffic. Smooth kumbaga. Minsan rin. Ang likuan ay malapit lang. Hindi mo pa kailangang magmaneho ng malayo para lang lumiko at bumalik. Di maaksaya ang gasolina mo. Gaya ng buhay ng tao. Pag may nakita ka nang easy way o short cut duon mo gusto kasi madalas mabilis at di masasayang ang oras mo. Makakarating ka pa ng mas maaga kaysa sa inaakala mo. At huli. Kapag talagang dumating ang traffic sa byahe ng buhay. Madalas matagal. Mabagal! Mainit. Maingay. Nakakainip! Lahat ng pwede mong sabihin upang tukuyin ang bagay na nakakainis. Iyon yon. Nakakainis!

Tulad ngayon. Ilang oras na kami sa daan. Di pa rin kami nakakalabas nang main road. Kaya naisipan ko nang tawagan si Ryle.

"Bro, ano na?.." I asked. Nauubusan na talaga ako ng pasensya.

"Kaya mo pa ba?.." he just replied. He laughed sarcastically.

Agad nagsalubong ng todo ang kilay kong kanina pa salubong. Anong nakakatuwa sa mabigat na traffic?. Kainis!

Bagsakan ko kaya nang cellphone to?.

Kung di ko lang sya kailangan.. Tsk.. Di ko talaga sya lalapitan. No choice talaga!

"Haha.. relax bro.. malayo pa lalakbayin natin.."

"What?.." nabigla ako. Ang sabi nya kasi kanina. Dyan lang daw ang kapatid nya. What the hell he's saying?

"Bro, we're heading to NLEX.. Where do you think we are going?.. hahaha.."

"What?." napahilamos ako ng mukha. "What do you mean?!.." tumaas na ng bahagya ang boses ko. Di ko na napigilan pa ang emosyon ko. Just like papa told na, as long as you can, control your emotions. Kahit ano yatang gawin ko pag nasa gipit akong sitwasyon. Wala akong magawa para pigilan ang sarili ko sa pag-iiba ng emosyon. Mahirap palang gawin iyon. Ang akala ko. Madali lang. Damn it!

"She's in Cagayan right now.. at duon tayo pupunta ngayon.." seryoso na nyang saad. Naipreno ko ang sariling sasakyan dahil sa narinig. Shit! It's not that I don't want to go to where she is. It's just that. Bakit di nya sinabi nang mas maaga. For me to even prepare. Damn! Galing akong byahe tapos babyahe pa ng mas mahaba kumpara sa ibinyahe ko?. What the hell! Bakit di nalang kami nag-eroplano?. Sa layo ng Cagayan Valley to Antipolo?!!

"Bro naman.." huminahon ako. Kinalma ang sarili just to have a good conversation with him. "Bakit di mo agad sinabi?. Di sana nagbook nalang tayo ng flight papunta ron.." puso ko yata ang nagsalita kung kaya't nakapikit akong nagsalita.

"Sorry to say this bro but honestly.. I want you to suffer... you know what.. ayoko naman talagang gawin to.. I don't want to get mad at you but I can't rid of it.. tuwing pinipigilan ko ang sarili kong wag kang sisihin sa nangyayari sa kapatid ko, na wag magalit sa'yo.. lalo lamang akong nagagalit.. na kung pwede lang.. bangasan ko yang gwapo mong mukha nang mabawasan ang kakisigan mo.. ginawa ko na.. pero bro.. di ko magawa.. hindi ko magagawang galawin ka dahil mismong... mismong kapatid ko na iniwan at sinaktan mo, gusto ka pa ring protektahan laban samin.. you're too damn lucky shit.." sa haba nang sinabi nya. Hindi ako makapagsalita. Bumigat ang paghinga nya. "Na kahit hirap na hirap na hirap na sya.. ikaw pa rin ang bukambibig nya.. fuck you bro!! fuck you!.."

Damn speechless!!

Di ko alam anong sasabihin. Masyadong pinalalambot ng puso ko ang nalamang she really and still cares for me. Na kahit ang masasakit na salita na narinig mula sa kapatid nya ay parang wala akong narinig. Balewala lang ang parang patalim na mga sinabi nya kanina. I get it. Naiintindihan ko kung saan nanggagaling ang kanyang galit. Ako man kung ako ang nasa sitwasyon nya. Higit pa sa mura ang gagawin ko. But damn! Tama nga sya. I'm a big fuck lucky shit man!!

"So better drive and don't ever complain.. wala ka pa sa kalingkingan ng pinagdaanan nya.." pagtatapos nya bago ako binagsakan ng linya. Tuloy di ko mapigilan ang sarili kong sulyapan ang likuran ng sasakyan nya. Yes. Nasa magkaiba kaming sasakyan. Kung tatanungin kung bakit di nya ako isinakay sa sasakyan nya?. It's too obvious! Galit sya sakin. At tama sya. Baka magsuntukan lang kami at mabawasan ang gwapo kong mukha He's really mad at me! And I guess. I know kung bakit sya ganyan sakin ngayon. I can't blame him. This is the better way para iwasan nga ang gulong iniiwasan nya. Lalo na't parehong mainit ang ulo namin ngayon. Baka nga magawa namin ang bagay na ayaw namin parehong gawin. Di ko man alam ang nangyari kay Joyce, kung anong emosyon ang nararamdaman nya, but I swear to the MAN ABOVE that I REALLY DO CARE FOR HER!! Noon pa man. Nag-aalala na ako para sa kanya!

Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

Like it ? Add to library!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

Stay safe and sound!!

Chixemocreators' thoughts
Siguiente capítulo